Chapter 12

Maaga akong umuwi matapos ang maikling programa na ginanap sa school para sa aming mga guro. Mag-isa lang ako sa bahay dahil sina Mom at Dad ay nasa trabaho, ganoon din ang mga nakatatanda kong kapatid.

Kasalukuyan akong nanunuod nang may narinig akong kumatok. Nang pagbuksan ko ng pinto, nakita ko si Benji, ang masugid kong manliligaw. Masugid kasi kahit binasted ko na tuloy pa rin sa pandidiga

"Benji, napadaan ka?"

Napakamot siya sa batok. "Wala, mangungumusta lang sana."

"Tuloy ka." Naglakad kami papunta sa sala. "Can I offer you something? Juice? Softdrinks?"

"Coke kung mayro'n ka. Kahit ano na lang siguro kung wala."

Nakakailang minuto pa lang si Benji sa pagkakaupo nang muling may kumatok. Laking gulat ko nang si Greg ang bumungad sa pinto.

"Greg! I'm not expecting you!"

"Yeah, alam kong maaga ka ngayon kaya naisip kong puntahan ka," sabi niyang nakangiti.

"Ah, tuloy ka," alanganing sagot ko.

"May problema ba?" Mukhang napuna niya ang kilos ko at tumingin siya sa loob ng bahay. Dumilim ang mukha niya nang matanaw si Benjie. "May bisita ka pala."

"Oo, halika sa loob nang makilala mo si Benjie."

Tingin ko tumaas ang testosterone level sa hangin nang magkaharap ang dalawa. Pareho silang nagsukatan ng tingin. Hindi ko alam kung paano ipapakilala si Greg kay Benjie kaya ang sabi ko na lang si Greg. Na sinundan niya ng her boyfriend.

Nagmamadali nang nagpaalam si Benjie pagkatapos niyon.

"Sino 'yon? Manliligaw mo?" tanong ni Greg. Seryoso pa rin ang mukha niya.

"Dating manliligaw. Binasted ko na 'yon matagal na."

"Binasted mo na pala, eh," galit na sabi niya. "Ba't nagpupunta pa rin dito?"

"Nangungumusta lang."

"Paano niya nalamang nandito ka ngayon sa bahay?"

"Nakita niya akong pauwi. Madadaanan kasi ang bahay nila bago makarating dito."

"Nakita? Lagi ba siyang nakatanaw sa labas ng bahay nila at nagkataon lang nang mapadaan ka?"

Aba! Sumusobra na yata ang lalaking ito. "Hoy! Saan ba papunta 'yang mga tanong mo? Ano ba'ng gusto mong palabasin? Na may ginagawa kaming masama?"

Mukhang natauhan naman sa mga sinabi ko. Huminga siya nang malalim para kontrolin ang sarili niya. "Look... I'm sorry. I was totally out of line there."

"Does it have something to do with your ex?" hinuha ko. Sobra kasi iyong reaksyon niya sa isang simpleng dalaw lang.

Madaming nakakaalam na may third party involved sa hiwalayan ni Greg at ng dati niyang siyota. Ang hindi alam ng lahat ay kung paano nakarating sa kaalaman ni Greg ang tungkol doon. Sa akin niya lang ipinagtapat iyon.

Kung naatraso lang siya ng ilang minuto nang dumalaw siya sa dating nobya, baka nahuli niya ito in a very compromising position. Parehong half-nude iyong nobya at iyong guy nang maabutan niya.

"Tanga din ng ex mo, ano? Hindi niya alam kung anong nawala sa kaniya. Ang galing mo kaya," sabi ko na may pilyang ngiti. Tumaas baba pa iyong mga kilay ko.

Tumawa siya at hinila akong palapit sa kaniya. "Ba't hindi natin subukan kung gaano kagaling?"

He then proceeded to kiss me pero makaraan lang ang ilang sandali ay nagmamadali na siyang nagpaalam. Nawawala raw siya sa katinuan kapag nasa ganoon kaming sitwasyon. Kaya naman may magandang ideyang pumasok sa isip ko.


Pagkatapos kong maligo, isinuot ko ang kanina ko pang inihandang damit. It's a deep V neck blue tank dress na binagayan ko ng whitish silver caged mid heels sandals. Naglagay ako ng kaunting make-up at pabango na may matamis na amoy.

Walang lakad si Greg ngayong gabi kaya napagpasyahan ko na dalawin siya. Ang problema ay kung paano ako makakaakyat sa floor niya na hindi niya malalaman.

Mukhang kinampihan ako ng tadhana dahil may nakasabay akong pareho ang floor na pupuntahan. Habang papalapit ako sa yunit ni Greg, iniisip ko kung ano ang magandang sabihin, ngunit hindi ko na pala kailangang mag-abala dahil siya ang unang nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong niya.

Alam kong nagulat siya sa pagsulpot ko pero hindi ko inaasahan na hindi niya magugustuhan ito. Hindi niya pa iniawang ang pinto.

"Did I catch you at a bad time? Sorry, aalis na lang ako," sabi ko na may hinanakit at pagdududa na rin. Marahil may kasama siya sa loob. Nagmamadaling tinalikuran ko siya.

"Sandy, wait!" Hinawakan niya ako sa kamay.

"Look, I'm all right. Baka nakakaabala ako sa inyo. Balikan mo na kung sino man ang kasama mo sa loob," asik ko.

"Ano? Wala akong kasama! P'wede ba pumasok ka na at sa loob na tayo mag-usap!"

"Uuwi na lang ako!"

"Papasok ka ba o bubuhatin kita?" babala niya.

Ayaw kong makabulahaw kaya tumalima na rin ako ngunit nagpatiuna ako sa paglalakad. Pumunta ako sa sala at nakahalukipkip na tumayo sa gitna nito.

Isinara ni Greg ang pinto at alanganing sumunod sa akin. Nadismaya ako. Malayo ito sa mga eksenang iniisip ko. Balak kong akitin siya. Sasayaw sana ako sa harapan niya kaso baka mapagkamalan pa akong baliw nito kung gagawin ko ngayon iyon. Hindi nga ako makalapit sa kaniya dahil mukha siyang kabayong ninenerbyos, kantihin mo lang ng kaunti ay tatakbo na.

"I'm sorry for invading your personal space. I think it's better if I go home. Really, you don't have to entertain me." Laglag ang balikat na humakbang ako patungo sa pinto.

"Alam mo ba kung bakit ako biglang umalis sa inyo kanina?" madilim ang mukhang tanong niya. "Dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko! I'm a sexually active person but I've been celibate since the time I've proposed to you!" Marahas na hinagod ng kaniyang kamay ang ulo niya. "I promised na hindi kita gagalawin hangga't hindi ka pumayag sa proposal ko. Forgive me kung gano'n ang naging reaksyon ko sa pagdating mo kanina but seeing you here, looking so damned se-"

Nagmamadali akong lumapit sa kaniya, sinunggaban ko siya at mariing hinalikan. Hindi ko na kailangan pang hikayatin siya. Gumanti rin siya ng mas maalab na halik. Para kaming dinaanan ng ipo-ipo, ganoon kabilis natanggal ang aming saplot. Kaliwa't kanang nagliparan ang damit namin. Animo'y may malakas na hangin na ibinalya kami papunta sa kaniyang silid at nag-landing sa kama. Wala na iyong finesse katulad noong una. Ngayon, it's raw and purely elemental.

Dalang-dala ako kaya ilang segundo ang lumipas bago ko napuna na huminto siya sa kaniyang ginagawa. Nang imulat ko ang aking mata, nakita ko sa kaniyang mukha ang matinding pagpigil sa pisikal na pangangailangan.

"Will you marry me?" tanong niya.

Seryoso? Ngayon niya pa kailangang itanong iyon? Kung kalian nakatutok iyon sa akin? Wala akong choice kung 'di sumagot. "Yes na! Yes! Yeees!"

Sa wakas naituloy rin! Malapit na naming maabot ang climax nang may naalala ako. Oo nga pala iyong...

"ConDOOooommm!" sigaw ko. Siyempre huli na ang lahat pero ang mahalaga ay sumunod ako sa usupan na ipapaalala ko ito sa kaniya.

"Pambihira ka talaga," reklamo ni Greg. Sumalampak siya sa kama at hinila niya ako sa kaniyang tabi.

Ginawa kong unan ang kaniyang balikat. "Thank you! Talagang pambihira ako."

Tumawa siya at dinampian niya ako ng halik sa noo. Nakaramdam naman ako ng matinding antok. Bago ko ipinikit ang aking mata, nakita ko ang kuwintas na matagal ko nang hinahanap. Suot iyon ni Greg. Wala sa loob na hinawakan ko ito hanggang sa makaidlip ako.

"Sandy...Gising na. Ihahatid na kita sa inyo at baka hinahanap ka na."

"Ayaw," inaantok na sabi ko.

Niyugyog niya uli ako sa balikat. "Gusto mo bang patayin ako ng tatay mo?"

Tinatamad man ay tumayo na rin ako. Naalala ko nasa sala nga pala ang damit ko kaya sa bathroom muna ako nagtungo.

Mayamaya, sumunod sa akin si Greg bitbit ang gamit ko. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng vanity at pagkatapos ay tumayo sa bandang likuran ko. Nabigla ako nang isinabit niya ang kuwintas sa leeg ko. Hinalikan niya ako sa balikat ko bago siya lumabas ng bathroom.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Kakaibang kasiyahan ang naramdaman ko. Parang kailan lang I am looking for love and through this necklace, the amulet of love, I finally found it. I found Greg.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top