Chapter 10
"Greg, si Sandy 'to ipapaalam ko lang sana na dadaan ako sa inyo para bayaran 'yong utang ko." Matapos ang klase namin ay agad akong tumuloy sa bangko at naglabas ng pera sa ATM.
"Good timing. I was about to call you. I need you at my unit before 7:00PM. Wear something casual but smart." Nawala na siya sa linya pagkasabi niyon.
Kailangan ko pang naka-smart casual? Kailan pa nauso ang dress code sa pagbayad ng utang? May sayad yata ang lalaking iyon!
Bago pa dumating ang itinakdang oras ay kumakatok na ako sa condominium unit ni Greg. Nang pagbuksan niya ako ng pinto, napansin ko na nakasuot panlabas din siya.
"Great, you're on time! Darating si Pam, kaibigan namin ng dati kong nobya."
Pumasok ako sa loob at kinuha kaagad ang sobre na naglalaman ng pera sa bag ko. "Iaabot ko na lang 'tong bayad para makaalis na ako kung gano'n."
Isinara niya iyong pinto. "Not until you have dinner with us."
Napataas ako ng tingin sa kaniya. "Ha! Wala sa usapan natin na sasama akong makipag-dinner sa inyo!"
"Kaya nga balak kitang tawagan kanina pero naunahan mo lang ako. At saka, bakit pa kita pinagsabihan na magsuot ng something smart kung pagbabayad lang ng utang ang pakay mo?" Nakalagay sa baywang ang mga kamay niya. "Kailangan mo rin palang magkunyari nobya ko ngayong gabi."
"Magkunyaring nobya mo!" This dude is full of surprises. "Nope! Kahit pakunyari hindi ko kayang gawin 'yon!"
Tumunog ang buzzer. Nagpunta si Greg sa gawing pinto at may pinindot siyang bagay doon para umakyat iyong elevator sa palapag ng yunit niya.
Muling lumapit si Greg at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Listen, you don't have any choice. Nand'yan na siya at nasabi ko na kasama ko ang girlfriend ko ngayon. Remember, you owe me." He then gave me a peck on the lips. "By the way, you're looking great."
Hanep naman! Umpisa pa lang ng pagpapanggap namin, nakahalik agad! Napasubo na kaya hindi na ako puwedeng umurong.
Hinapit niya ang baywang ko habang ipinapakilala sa kaniyang kaibigan. Bahagya akong napaigtad dahil hindi ko inaasahan iyon. Mukhang sinusutil ako dahil lalo niya pang hinigpitan ang pagkakakapit sa aking baywang. Pasimple ko siyang siniko at narinig ko ang impit na tawa niya.
To be fair sa kaibigan ni Greg, mabait at madali itong kausap. Marami rin akong impormasyong nalaman tungkol kay Greg. Kinalasan pala nito ang dating nobya nang malamang salawahan ito.
Kaya pala takot sa commitment si Greg. Sabi nga, once bitten, twice shy, 'di ba? Kaya niya ako pinagpanggap na nobya niya para maipaabot kay Tanya na naka-move on na siya.
"I'm really surprised na may girlfriend ka na Greg," sabi ni Pam sa pagitan ng pagsubo, nasa hapag-kainan na kami.
"I'm surprised as well." Muntik na yatang masamid si Greg sa sinabi ko. Buti nga! "I mean, hindi ko akalain na liligawan ako ni Sweet."
"It must be love because you're not the usual girl Greg normally goes out with," sabi uli ni Pam. "I always see him with tall girls and has a model like figures."
Ouch! I'm not tall, I stood at 5'6" wearing three inch heels. I happen to like my figure though. Sabi nila I have the body of a seductress. "I know. It was love at first sight."
This time tuluyan nang nabilaukan si Greg. Good!
"So, how did you two met?" tanong uli ni Pam.
"Sa isang art exhibit sa Galleria Duneila. Sabi nga ni Sweet, unang kita niya pa lang sa akin, attracted na siya."
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata si Greg na panay ang tungga ng tubig dahil sa paghahabi ko ng kuwento.
"Talaga? So anong sumunod na nangyari?"
Mukhang interesado naman si Pam sa isasagot ko kaya pinagbigyan ko. Nag-imbento uli ako ng kuwento. "Oh, no'ng sumunod na nagkita kami, he couldn't contain himself. His hands were all over me."
"Owwss, ganon kabilis!" naintrigang sabi ni Pam.
Ginawang panyo ni Greg iyong dinner napkin at pinamunas sa tumatagaktak na pawis mula sa noo at leeg niya. Siguro naman, magtatanda na ang lalaking ito.
"Well..." Kaya ako kinakapkapan ni Greg noon ay dahil sa akalang pinagnakawan ko siya, pero hindi naman alam ni Pam na iyon ang totoong rason. "Actually, imagination lang ni Sweet 'yon. Hindi naman ako papayag na gawin niya sa akin 'yon, ano?"
"Some of it is true, not just mere imagination," buwelta ni Greg.
Tumawa si Pam. Tinuloy namin ang aming usapan sa sala. Medyo may kadiliman ang ilaw roon at may mahinang musika na tumutugtog. Siguro dahil do'n at sa epekto ng alak, namigat ang talukap ng mga mata ko. 'Di ko namalayan na nakahilig na pala ako sa balikat ni Greg hanggang sa makaidlip.
"Wake up." Niyuyugyog ni Greg ang balikat ko.
"Hmmm."
"Gising. Iuuwi na kita."
Pagmulat ko, wala na ang bisita niya. "Oh, sorry. Nakatulog ako. Nakakahiya naman sa bisita mo."
"That's fine." Seryoso siyang nakatitig sa akin.
Tinulungan niya akong tumayo. Bumigay ang tuhod ko kaya napakapit ako sa balikat niya at napayakap naman siya sa baywang ko. Nang tumingala ako, nahugot ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Masuyong hinaplos niya ang pisngi ko. Yumuko siya at marahang hinalikan ang labi ko. Huminto siya at malamlam ang mga matang pinagmasdan ako. Hinihintay kung may pagtututol ba. Wala akong lakas para tumutol kaya siniil niya uli ako ng halik, iyong mas mapusok.
Sinipsip niya ang ibabang bahagi ng labi ko. Napaawang ang bibig ko kaya nagkaroon siya ng pagkakataong pasukin ang loob nito. Lalong humigpit ang pagkakahawak ng mga kamay niya na ngayon ay nasa batok at likod ko.
Sabik na hinaplos ko ang matipuno niyang dibdib habang ang kabilang kamay ko ay nagpatuloy umakyat hanggang umabot sa leeg niya. Gumanti rin ako ng halik. Matagal na naghinang ang mga labi namin at kapwa habol namin ang hininga nang kami ay huminto.
"What did just happened?" tulirong tanong ko.
"Hell if I know."
Lumakbay ang isang kamay niya pababa sa balakang ko, huminto ito nang maabot ang matambok sa likuran ko. Pinisil niya iyon at idiniin ang nagngangalit niyang pagkalalaki sa akin. Tumama iyon sa bandang puson ko. Gumiling ang balakang niya at lalo pang idiniin iyon. Narinig ko na umungol siya.
Iniangat niya ako. Sinuportahan ng mga bisig niya ang likod at hita ko. Pumulupot ang mga binti ko sa baywang niya. Naglakad siya patungo sa silid. Walang patid pa rin ang paghalik niya sa akin.
Dahan-dahan niya akong ibinaba nang nasa tabi na kami ng kama. Binuksan niya iyong zipper sa likod ng damit ko at buong ingat na hinubad iyon. Napalunok siya nang makita ang mayaman kong dibdib, ang maliit na baywang, ang mahabang binti.
Nagmamadaling hinubad niya ang suot na damit. Wala siyang itinira kahit na isang saplot sa katawan. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang ipinagyayabang niya, malaki kasi iyon. Ipiniling ko ang ulo at nahihiyang umiwas ng tingin sa kaniya.
Napangiti siya. Hinawakan niya ako sa pisngi at muling iniharap sa kaniya. Binigyan niya ako ng halik...
sa noo...
sa tungki ng ilong...
sa labi...
sa leeg...
sa balikat.
Habang ginagawa niya iyon ay buong ingat niyang tinanggal ang aking bra. Hindi ko namalayan iyon kaya napasinghap ako nang dumantay ang kamay niya sa malusog kong dibdib. Idinuyan niya iyon sa kaniyang palad at hinimas-himas.
Inihiga niya ako sa kama at mabilis na sumunod siya. Itinungkod niya ang isang siko sa tagiliran ko. Halos takpan niya ang kalahati ng katawan ko sa pagkakadagan niya. Sinimulan niya akong halikan muli habang ang isang kamay niya ay pinisil-pisil ang dibdib ko.
Dumako ang labi niya sa baba ko, sa leeg hanggang sa marating nito ang matayog kong dibdib. Pinagsawa niya ang kaniyang bibig doon. Habang ang kamay niya ay unti-unting gumagapang sa ibaba, sa may kulot na tatsulok na iyon. Inalis niya ang huling saplot na tumatabing sa aking pagkababae.
"What - ." Wala sa loob na pinagdikit ko ang aking mga hita.
"It's okay. Open it up for me, Babe. Open it up," anas niya.
Sumunod ako sa pakiusap niya. Marahan muna ang ginawa niyang paghimas doon. Tumaas-baba ang gitnang daliri niya at mapaglarong inikot ang sensitibong parte na iyon. Basang-basa na iyon.
Kumubabaw siya sa akin at itinutok ang naghuhumindig niyang pagkalalaki. Nakaramdam ako ng tensyon.
"Greg, wait - ," may halong takot na sabi ko.
"Shhh. I'll be gentle. I promise, it'll be all right," bulong niya.
Kinuyumos niya uli ako ng halik. Hinimas niya ang hita ko. Malaya uling naglakbay ang palad niya sa katawan ko. Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatutok sa bungad ko.
Sa pagitan ng halik at paghaplos sa katawan ko, unti-unti ang ginawa niyang pagpasok. Nang maramdaman niya ang harang, huminto siya at napabuga ng hangin. At saka isang malakas na ulos ang pinakawalan niya. Nakapasok siya nang buong-buo.
"Aww..." igik ko dahil sa sakit.
"Oh, babe." Mukhang sarap na sarap siya.
"Ang sakit," reklamo ko.
"I know."
Pinigil niyang kumilos. Siguro ay hinintay niya na masanay ako. Umikot ang balakang niya nang kusa akong gumalaw. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghugot. Nang mailabas niya ay muli niya itong ibinaon. Wala na akong narinig kung hindi ang halinghing mula sa aming dalawa.
Habang tumatagal ay bumibilis ang ginawa niyang paglabas-masok. Pabilis nang pabilis hanggang sa maabot naming pareho ang sukdulan. Lumabas ang katas sa katawan niya at sinalo ko iyon ng buong-buo. Mahabang daing ang lumabas sa bibig ko habang siya naman ay nagpakawala ng isang malakas na ungol.
Ikinulong niya ang mukha ko sa pagitan ng dalawang palad niya nang humupa ang aming pagnanasa. Mataman niya akong tinitigan at saka ginawaran ng isang masuyong halik sa labi. Sumagot ako ng isang matamis na ngiti.
"Will you marry me?" tanong niya.
Nawala ang ngiti ko. "No, I won't marry you."
Itinulak ko siya at mabilis na tumayo. Nadismaya ako sa sinabi niya. Dahil anong klaseng proposal iyon? He hasn't even said he loves me. Pakakasalan niya lang ako dahil may namagitan sa amin.
Dinampot ko ang aking damit na nagkalat sa sahig at tumungo sa banyo. Nang lingunin ko si Greg, nakita kong sinusundan niya ako ng tingin. Iiling-iling na parang sinasabing I'm nuts for saying no to him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top