Prologue
I grew up with music. I remembered how my Grandfather introduced it to me first with his guitar.
It became a routine back then, pagkatapos niyang tumanim ng palay ay dederetso siya sa bahay namin para tugtugin ang luma niya'ng gitara. While me, I was seated right next to him, listening to his voice and the way he strums his guitar.
It was heaven.
Because of him I loved music, I found paradise. I found rest.
I grew to love music more to the point that I want to create music too. I want to make music that could bring solace and peace to people even for a brief moment. I want to create music that people can relate to.
Pero sa sitwasyon kong ‘to, masyadong mahirap makamtan ang pangarap ko, imposible kumbaga. Lalo na’t dito ako iniluwal sa probinsiya. And I know that this dream of mine is out of place in this wilderness.
Mapayapa ang buhay dito sa probinsiya, the nature accompanies me while the cold breeze of the wind is my ally. Ang problema nga lang ay marami kang hindi magagawa sa lugar na ‘to. Malayo sa mga hospital at institusyon. Maraming restrictions, and you just can’t be free.
Ay mali!
People have different meanings for freedom. Freedom for others is peace, solemnity, and contentment. But for me, freedom is the ability to do whatever we want, to reach for the dreams that we want to achieve, and to have the control over our life.
And I am fully aware that I don’t belong in this place, kahit sabihin ko pang dito ako ginawa, pinanganak, at pinalaki.
I am not free. I am ambitious, a dreamer, stubborn, and hardheaded. Kapag may gusto ako, gagawa talaga ako ng paraan para makamit ‘yon and my dream to sing infront of a thousand people is no other.
It shall be clutched.
But then I remembered that day, it was another sunny day. It was Sunday to be precise and it's the only day where we got to wash our clothes.
Kasama ko si Mama, nakaupo siya sa maliit na upuan habang may malaking batya sa harap niya. Nagkukuskos ng mga damit namin. Habang ako naman, nandiyan sa tabi niya at nagmumuni-muni.
"Ma, what if?"
"Ano na naman?" Bagot na sagot ni Mama, tipong mafefeel mo na pagod na pagod na siyang makinig sa akin.
"What if lang naman 'to. Pero what if magiging singer pala talaga ako noh? Malay mo makaka-perform ako sa ASAP." napatawa pa ako ng bahagya.
Tinigil ni Mama ang pagkukuskos. Ibinaling ang tingin sa akin at seryosong pinasadahan ako ng tingin.
"Seryoso ka ba talaga sa pangarap mo na 'yan, Nak?"
Nabigla ako sa tono niya, inaasahan ko kasing sasagutin na naman niya ako ng pabalang at pabiro.
"Oo naman, Ma." ngiti ko pa.
"Anak, para sa mga hampas-lupa na kagaya natin. Masyadong mahirap mangarap. Wala tayong pera at halos malayo tayo sa syudad. Ayaw kong umasa ka kaya ngayon palang tatapatin na kita. Imposible ang pangarap mo na 'yan." Pumungay ang mga mata niya. I can see right through her. She is sad. She feels bad that I can't reach this dreams of mine.
Well, that's what she thinks.
Wala pa naman. Kaya paano siya nakakasigurado na imposible? Hindi parin ako susuko.
"Wala pa naman, Ma. Atsaka tiwala lang kasi. Maganda kaya ang boses ko." I tried bringing back the positivity.
"Sa mundong 'to, Amarylise. Hindi sapat ang talento lang, kailangan rin ng pera at koneksyon. Ayaw kong hayaan kang tahakin ang daan na 'yan lalo na't alam kong walang kasiguraduhan." but then there she goes, crushing my dream again.
Natahimik ako, nawalan ako ng sasabihin.
"Wag kang magpakalulong sa delusyon na 'yan. Isipin mo rin ang pagdo-doktor o 'di kaya'y Nurse. Mas may kwenta pa yan kaysa sa pagkakanta lang. Malay mo dahil diyan makakaahon rin tayo sa hirap." Kasabay ng mga salita niya ay ang malakas niya'ng pagkuskos sa damit, at kasabay rin ng pagkuskos niya ay ang pagkuskos niya sa lakas ng loob ko palayo.
Damn. I can almost hear my heart breaking. Ma, how can you be so cruel?
"Ano ba 'yan, Ma? Alam mo namang bobo anak mo eh." Napakamot-kamot pa ako sa ulo.
And welcome to another episode of,
"I am again, masking my pain with my jokes and smiles."
Each day, palaging pinapamukha sa akin ng mundo ang mga bagay na hindi daw para sa akin. It constantly tells me to stop being delusional and wake up. That my dreams won't turn into reality.
I want to keep my flame burning despite what Mama said. I shared my talent to other people here. Tuwing may karaoke doon agad ako tumatambay, tuwing may mga singing competition agad akong sumasali.
I earned cheers and praises.
"Ang ganda talaga ng boses mo, Amary. Parang anghel."
"Parang hinehele ako sa sobrang ganda."
"Amary, ang galing!"
Pero kung sasabihin ko sakanila ang pangarap mo, kapag ibahagi ko. The cheers and praises that they gave turned into;
"Ah, diba't parang ang imposible naman niyan, Amary."
"Si Amary oh, nanaginip na naman ng gising."
"Ay nako, Amary. Ipagpatuloy mo lang yang kahibangan mo, oo."
I was surrounded by people who wants to put out my fire. Constantly splashing my flame with waters that are disguised as words. Words that cuts my heart and clipped my wings, hindering me to fly.
"Amary, apo ko." galak na ani ni Lolo nung nakita niya ako sa bukana ng pinto nila.
"Lolo, tatambay po muna ako dito," mabilis kong hinubad ang tsinelas ko bago umakyat sa papag.
Agad nakuha ng atensyon ko ang gitarang nakasandal sa lumang kawayang upuan ni Lolo.
May sariling bahay kasi si Lolo, konting hakbang lang naman ang layo sa bahay namin.
"Kakajamming mo lang, Lo?" Tanong ko, habang hindi parin nilulubayan ng mga mata ko ang gitara niya.
I want to learn how to play guitar, but I'm too shy to ask Lolo about it. Lalo na't busy rin siya sa kakatanim ng palay.
"Oo,"
Umupo ako sa tabi ng guitara, pagkatapos ay dahan-dahan kong kinuha ito mula sa pagkasandal at ipinuwesto sa hita ko.
"Ba't ka napunta dito? Akala ko ba ay nagkakaraoke ka doon kela Sita."
"Wala lang po, Lo. Naumay lang." I brushed it off. Then slowly, I strummed the string. The guitar emitted a melody and echoed around the room and because of that, a smile crept in my lips. Heaven.
I felt Lolo eyeing me. Masyadong nanunusok ang mga tingin niya kaya napabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Bakit po?"
Napabuntong-hininga siya, at mula sa kinatatayuan niya ay nagsimula siya'ng maglakad patungo sa pwesto ko.
"Usog ka nga doon, apo." agad ko namang sinunod ang utos niya.
Hinayaan ko siya'ng kuhanin ang gitara sa akin at sunod naman niya'ng ginawa ay pinuwesto niya rin ito sa hita niya.
"May bumabagabag na naman ba sa apo ko?" then he plucked a string.
I felt my heart warmed, as if something embraced it. Sa lahat ng pamilya ko, si Lolo lang ang naituring kong naging pamilya talaga sa akin.
He always notice the slight changes of my mood. Alam niya agad kapag may bumubagabag sa akin, alam niya rin kapag masama ang loob ko, at alam niya rin kapag masaya ako. He's basically the only person who understood me.
"Wala naman po. Sumama lang ang timpla ng mood ko dahil napagsabihan na naman ako tungkol sa pangarap ko." mapait kong ani.
Mahina siya'ng napahalkhak at sumunod naman ang malakas niya'ng buntong-hininga. "Hay nako! Manang-mana ka talaga sa Lolo mo, Amarylise." Pailing-iling niyang saad.
I stayed mum, waiting what he'll say next.
"Kagaya mo, nagkaroon rin ako ng malaking pangarap sa larangan ng musika. At kagaya mo rin, ay humarap rin ako sa mga sabi-sabi ng mga tao dito sa San Flores." at tiningnan niya ang mukha ko.
My brow raised. "Talaga po?"
Napangiti naman siya agad nang makitang interesado ako sa sinasabi niyo. "Oo naman! Kita mo nga diba? Manang-mana mo ang hilig ko sa musika."
"Eh kasi naman po, kayo kaya ang nagpakilala sa akin sa musika. Pero totoo ba, Lolo? Naranasan niyo rin bang sabihan nang ang imposible ng pangarap mo o 'di kaya'y hindi praktikal ang pangarap mo, wala kang kinabukasan diyan?"
"Oo, apo. Danas na danas ko 'yan." His amused smile slowly shifted as a sad smile. Pumungay rin ang mga mata niya. Somehow, I can see from his expression that he's reminscing his time.
My heart fluttered thinking that someone can finally relate to my situation but my smile immediately faded when I have come to a realization.
If Lolo had a dream in music but is here in San Flores then it only means one thing.
He failed to reach his dreams.
My heart felt heavy.
"Pangarap rin ni Lolo mo noon na kumanta sa madla. Eh kaso, masyadong mahina ang Lolo mo. Mahina ang kumpiyansa sa sarili lalo na't wala ring sumusuporta sa akin noon. Dumagdag pa ang mga sabi-sabi ng mga tao na hindi ko kaya, na dapat daw akong magising sa realidad." Nakatanaw ito sa malayo, inaalala ang mga nangyari kahapon.
My heart constricted in pain. I felt sad. Sad for Lolo, and sad for the dreams he can't reach.
Bakit ba may mga taong handang hilahin ka pababa? Instead of lifting others up, why is it that they discourage more? Why can't people believe in your own abilities despite your origins? Bakit kailangan pang maging mayaman para pwedeng mangarap? Bakit kailangan pa ng pera para makamtan ang pangarap?
Why can't the world be ruled by equity?
"Pero iba ka, apo. Malakas ka, matibay ang loob. Napaka-tigas rin ng ulo mo at kapag may gusto ka, gagawa ka talaga ng paraan para makamit 'yon." sunod niya'ng sabi habang tinititigan ako sa mata.
"Kaya malakas rin ang loob ko na makakamtan mo ang pangarap mo."
When he said that, I felt warmth enveloped me. I was so happy that I couldn't contain my smile. For so long, I've been silently wishing for someone to believe in me. I longed for someone who would understand me. Someone who'll wholeheartedly believe me and my capacities to achieve my ambitions.
I felt the corner of my eyes watered.
Mukhang nakita rin ni Lolo kaya naman ay nanlaki ang mata niya. He smiled amusedly, "Awe, ang apo ko naiiyak." He put aside the guitar and opened his arms for an embrace.
I welcomed his embrace and buried my face in his chest. Oh, the feeling of home.
"Ayos lang 'yan, apo. Huwag mong hahayaan na hihilahin ka ng iba. Kaya mong makamtan ang pangarap mo at makakamit mo iyon." He gently tapped my back.
My tears slowly descended from my eyes with my heart full of his warmth.
"Salamat, Lo." I whispered.
"Basta kapag napanghihinaan ka ng loob, palagi mong tatandaan na may dalawang tao ang tumitiwala sayo." My brows furrowed.
Dalawa? Ba't dalawa?
I looked up to him. "Bakit po dalawa?"
"Siyempre! Ako ang isa, habang ang isa ay ikaw." sabay turo niya sa akin.
I blinked in realization then slowly, a smile formed in lips. Right, there are two people who believes in me.
"At kapag mawawalan ka man ng kumpiyansa sa sarili mo. Tatandaan mo na nandito ako, patuloy na naniniwala sayo." His words echoed through my mind, body, and soul.
This moment will be a core memory when I grow up. His words will stay in my heart and shall rule me as I pave my path.
I will definitely reach my dreams.
With a new profound courage. I face tommorow with my brightest smile.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top