PROLOGUE

PROLOGUE

"Argh! Shit! Shit!"

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nakita akong puno kaya pumunta ako doon at mabilisang umakyat. Kinakabahan ako dahil maaabutan na 'ko ng mga naglalakihang asong 'yon, buti nalang isa akong magaling na dyosang runner kaya hindi nila agad ako nahabol. Phew! Pero pakshet, naiwan ko yung bag ko sa ugat ng puno! Naman e!

Naiinis ako. Parang umulit lang yung nangyari noon.

Pinunasan ko agad yung tagatak kong pawis at umupo sa isang malaking sanga, bago sinandal yung likuran ko.

Taena, grabe! Ang lalaki ng mga asong 'yon! Mukha pa namang mangangain ng tao. Kasing laki din sila nung mga humabol sa 'kin noon na hanggang bewang ang height. Pft! Bwisit! Kaya ako hinabol e. Inistorbo ko ba naman yung mukhang leader nila sa pangangasta dun sa kawawang aso. Ayan napala ko. Malas naman oh! Magsasaing pa 'ko nito mamaya e.  Ansakit pa naman ng mga paa ko kakatakbo.

Lagot na naman ako kay lolaaa!

"Grrr! Arf! Arf!"

Shit.

Napatayo akong bigla sa sanggang inuupuan ko atsaka tumingin sa baba, "Tangina..." Napamura tuloy ako ng wala sa oras. Akala ko kasi hindi na 'ko hahabulin ng mga bwisit na asong 'to! Pakshet! Pa'no na 'ko makakauwi nyan? Lilipad?!

"Arf! Arf!"

"Grrrr!..."

Nanginig bigla 'yung mga tuhod ko at kumabog naman ng malakas yung puso ko na parang lalabas na anytime. Kumapit nalang ako sa punong sinasandalan ko dahil sa sobrang kaba. At mahinang nagdasal na sana may dumating na taong magliligtas sa'kin.

Syempre, dyosa ako kaya magdadasal ako.

Umiling-iling ako at napa-upo nalang ulit. Natatakot na 'ko. Hindi ko na kaya. Mga bwisit na aso kasi 'yan e! Pasalamat sila at hindi sila tao! Kundi, nakurrr!

Sinubsob ko nalang yung ulo ko sa tuhod ko. Nagsimula na rin akong humikbi. Ayoko talaga sa mga aso. Hindi ko alam kung bakit basta natatakot ako ng bongga sa kanila. Lalo na kapag nagagalit sila sa 'kin o kaya naman hinahabol nila ako. Sino ba namang hindi matatakot kung hahabulin ka ng mga ganong kakalaking aso, 'di ba? Eng-eng ka na ba, Jemay?

Nagpatuloy nalang yung hikbi ko hanggang sa maging iyak. Tae, tae! Ayoko ng ganito. Hindi ako ganito.

"T-tulong..." halos pabulong na sambit ko dahil hindi na 'ko makahinga nang maayos.

Patuloy pa rin sila sa pagtahol, sinusubukan din nilang umakyat gamit yung mga kuko nila. Pero nahuhulog lang din sila. Mukhang matanda na kasi 'tong puno e.

Natatakot na talaga ako.

Ipinikit ko na lang nang mariin yung mga mata ko para kahit papano ay maibsan ang kaba ko. Kaso isang malakas at malaking tahol ng aso ang tuluyang nagpayanig ng damdamin ko.

"RAAAAAWR!"

Agad akong napatakip ng tenga dahil halos mabingi na 'ko sa lakas ng tahol na 'yon. Susmiyo, Marimar! Hindi ba siya aware na may tenga kami? Pero pakshet! Tahol ba 'yon? Tahol? As in?

Inangat ko nalang bigla 'yung tingin ko at tumingin sa ibaba kung saan sila naroroon.

And WTF?!

Agad nanlaki yung mga magaganda kong mata sa nakita. Like, OMG? Anong klaseng hayop 'to? Aso ba 'yon? Bakit ganyan? Over sa laki! Feeling ko mas matangkad pa siya sa 'kin e! Parang kaya na nitong lumunok ng isang buong katawan ng tao! Jusko, I kent bilib it! Hindi maaari. Gusto ko sanang magtago gamit yung mga dahon, Pero isang malutong na pakshet! Taena, huhu! Halos panawan ako ng ulirat nung lumingon siya sa gawi ko. Nagtagal 'yon ng limang segundo at kitang-kita ko pa kung paano kuminang yung pula niyang mata sa ilaw ng buwan.

Napakagat nalang ako ng ibabang labi dahil sa kaba. Shet, nasaan na yung mga luha ko? Ba't parang umurong yata bigla?

Iiwas na sana ako ng tingin, pero nagulantang ako nang biglang niyang sugurin yung mga hudas na asong humabol sa 'kin. Kaso bago pa sila lapain nung dambuhalang aso ay nagsipagtakbuhan na sila. Sino ba naman ang may gustong magpalapa sa dambuhalang aso na 'yan 'di ba? Jusko. Parang noodles ka lang na hihigupin kung nagkataon.

Agad-agad naman akong bumaba sa puno at kinuha yung bag ko. Psh! Buti hindi napagtripan ng mga asong ulol na 'yon itong bag ko.

Pinagpagan ko ang sarili ko kasama 'yung bag. Binalak ko na sanang umalis. Binalak ko na sana talaga. Kaso isang tahol ang nagpatigil sa 'kin. Isang tahol na galing sa dambuhalang muntik ko nang makalimutang kasama ko pala.

"Rawr!"

Dahan-dahan akong napalingon sa likod at...

SHEEEEEEEET!

Y-Yung dambuhalang aso nga! Akala ko hinabol niya yung mga asong ulol huhu.

Sana naman huwag niya 'kong lapain dahil ayokong mamatay na gutay-gutay! Gusto ko kasi dyosa pa rin ako kahit patay na. 'Tsaka isa pa, may uuwian pa 'kong lola! Hindi ko pa pwedeng iwan ang lola kong pinakamamahal! Hindi talaga maaari!

"W-Wag kang lalapit! Sige!" Iniharang ko yung kamay ko sa harapan niya at hinawakan ng mahigpit ang strap ng bag ko. "P-please lang! Ililibre na lang kita ng dog food basta 'wag mo lang akong kakainin!" pagmamakaawa ko pa dito kahit na alam kong hindi niya 'ko maiintindihan. Tinry ko lang naman 'e.

Nagsimula na namang manginig yung tuhod ko. Umatras-atras na rin ako nang magsimula siyang lumapit sa 'kin. Jusko! Ayoko pang mamatay talaga!

"Waaah! Please lang! Huwag muna ngayon! Marami pang mas yummy sa 'kin!"

Ayoko na! Naiiyak na naman ako!

"Rawr!"

Hindi agad ako naka-react nung bigla siyang yumuko at naglabas ng dila. Akala ko sasakmalin na niya 'ko! Pero hindi! Alam niyo yung itsura ng mga aso kapag nakita nila yung amo nila? Ganern! Parang mas gusto niya pang makipaglaro sa 'kin, amp. Wat da hek?

Lumapit siya kaya napaatras ulit ako. Pero huli na ang lahat nang bigla itong tumakbo papalapit sakin at dinaganan yung sexy kong katawan.

"AWUUUUUUUUUUUUUUUUF!"

Nanlaki 'yung mga mata ko nang bigla itong kumahol ng pagkalakas-lakas. Akala ko kakahol ulit siya ng ganon. Kaso hindi na dahil nilabas niya nalang ulit 'yung dila niya. At taena! Tumalon pa siya sa 'kin! Pakshet! Dinilaan yung mukha ko! Hindi ako free taste!

"Kyaaah! 'Wag mo akong dilaan! Hindi ako masarap! Promise! Waaah! DON'T FUCKING TAKE A BITE!" sinubukan kong magpumiglas pero parang panginginig lang yung ginagawa ko. Hindi kasi ako makagalaw, sobrang bigat niya!

Tumigil ako sa pagpupumiglas dahil sa ginawang pagtitig nito sa 'kin. Kita ko na naman tuloy yung pula niyang mata. Ayokong pumikit kasi baka mamaya pagdilat ko kinagat na niya yung mukha ko e. Kaso hindi pala dahil nararamdaman kong binababa niya yung manggas ng t-shirt ko!

O_O

"Sheeeeeeet! Rape! Rape—Ay potek! May aso bang nang re-rape?! Taragis! baliw na 'ko! Tulungan niyo ko dito!"

Bago pa ako makasigaw muli ay nakaramdam na ako ng matinding sakit sa kaliwang balikat ko.

And everything went black.

---
S

TILL UNEDITED

Facebook: Kiyan's Draft










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top