MARK 8
KABANATA 8
"Naks naman, Jemay. Sabi ko sa'yo 'e, ampunin mo na 'yan." sabi ni Shanie. Lumuhod pa ang bruha sa gilid ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sige, gisingin mo." mahina pero nanggigigil kong banggit.
Pakshet, hindi ko ma-imagine. Never in my wildest dreams na inisip kong mangyari ito. Alam ko sa sarili ko na sobra ang pagka-ayaw ko sa mga aso. Pero ano ngayon? Ginawa lang naman akong unan ng dambuhalang ito at hinayaan lang naman ng dyosang tulad ko.
"Ha? Bakit? Chuu-chuu~"
Napabitaw tuloy ako sa leeg ng aso dahil nag-angat ito ng tingin kay bruha.
Ginising nga.
"Rawr,"
"Awie nagising siya, Jemay."
"Gaga,"
Tumayo na ako bago pa muling bumalik 'yung ulo niya sa balikat ko. Okay na. Ayoko na ng part two.
Napatayo na rin si Shanie sa pagkaka-luhod. Kita ko naman pagkaka-upo nung dambuhalang aso at tumitig na naman sa 'kin. Jusko, na-sobrahan ba ang pagiging dyosa ko kaya pati aso napapatitig sa 'kin? I kennat.
Naramdaman ko ang pagkalabit sa 'kin ni Shanie, "Alagaan mo na. Kawawa naman oh," sabi niya at nginuso ang pwesto ng dambuhala. Hindi ko alam kung ako lang pero parang nagpa-awa bigla 'yung aso sa 'kin.
Bruhang 'to. Hirap na hirap na nga akong kumain ng tatlong beses sa isang araw tapos mag-aalaga pa ako ng dambuhala? Pa'no kaya kung wala akong napakain d'yan? Baka ako pa kainin niyan 'no. Kawawa naman 'yung mundo kung mawawalan ng dyosang katulad ko.
Hindi maaari. Hindi ako papayag.
"Ayoko,"
"RAWR!"
"Oo na! Marami kaming pagkain sa loob. Jusko kang hayop ka!"
Wala na akong nagawa kundi papasukin ang isa pang dagdag palamunin sa bahay. Si bruha pala 'yung nagpapasok. Ako lang pala nagpermiso. Nauna na akong naglakad 'e. Syempre, hindi niyo pa ba naririnig 'yung kasabihang 'Dyosa first?'
Hinayaan ko na sila do'n at naligo na. Martes pala ngayon at may pasok ako. Haharapin ko na naman ang pagsubok sa bunganga ni aling Imelda. Ang hirap maging immune. Kung bakit naman kasi siya pa 'yung biniyayaan ng gano'n.
Inayos ko ang sarili sa harap ng salamin. Hindi ako natutuwa. Nabawasan ng 1.1% ang ka-dyosahan ko dahil sa pesteng sugat ko sa noo.
Tinry ko naman itong hawakan, "Hooo! Masakit ka parin? Gaano ba ako katanga? Shet, umayos ka huh? Medyo tuyo kana." pagbabanta ko sa sugat ko.
"HOY JEMAY! KINAIN KA NA BA NG KUBETA D'YAN?! LATE NA TAYO!"
Nagulantang ako sa sigaw ni bruha sa baba. Jusko, may aling Imelda 2.0 na?
"GAGA! IKAW DAW GUSTONG KAININ!" sigaw ko din. Hindi lang siya ang nahawaan ng delikadong bunganga. Nagiging balyena rin ang dyosa sometimes.
Madalian naman akong bumaba. Ayokong matikmang muli ang mabangis na bunganga ng amo ko.
"Oh apo, mag-ingat kayo." narinig kong sabi ni lola.
Kasalukuyan niyang pinapakain ng chicken 'yung dambuhalang aso. Wow ha? Ako nga hindi pa kumakain tapos siya? Sige lola, ako nalang 'yung aso tapos siya na 'yung apo mo. Okay lang sa 'kin. Masaya akong nakikita na nabubusog ang bago mong apo. Makabili nga ng chocolate mamaya.
Titig na titig ka naman sa 'king dambuhala ka. Inirapan ko nga.
"Rawr,"
"Hmp! Tara na nga bruha, bye lola!"
Kinaladkad ko na si Shanie palabas. Bwisit na babaeng 'to. Akala ko may date na naman. Papasok lang pala sa karinderya ni aling Imelda.
Sinulyapan ko ang relo ko, "Magsi-six na. Dalian mong maglakad, gaga ka."
"Eto na eto na."
"Pa-heels-heels pa kasi. Anong silbi ng takong mo? Pangchop-chop ng karne?"
"Inggit ka lang 'e,"
Parehas naming inirapan ang isa't-isa. Huwag na kayong magtaka. Ganito lang talaga mag-asaran ang dyosa't bruha. Pasalamat siya dahil hindi pa tuluyang nag-aactivate ang powers ko.
Nakuuur!
Sinalubong kami ng mabangong amoy ng sibuyas at bawang. Nagluluto na siguro si kuya Eman. Bahagya lang akong nagtaka dahil hindi si aling Imelda ang una naming nakita. Nanay ko 'yon 'e. Palaging inaabangan ang pagdating ko. Charot.
"Good morning kuya Eman," bati namin ni bruha.
"Good morning din!"
Una ko nang sinuot ang apron ko at sinimulan na ang paghihiwa ng karne. 'Yung mga hindi pa nahihiwa ng cook namin. Samantalang si Shanie naman ay lumabas at inayos ang mga table.
Sobrang tahimik ng paligid.
"Ahm, kuya Eman. Wala ba si--"
"Si Imel? May katawagan do'n sa loob. Customer yata na gustong umorder ng mga ulam natin."
Tumango nalang ako. Buti naman kung gano'n. Tahimik ang buhay. Walang delikadong bunganga. Walang mabangis na dila. Sana ganito palagi. Jusko, minsanan lang kaya 'to. Once a month kumbaga. Mahirap kasi kaming dayuhin ng mayayaman. Naisip ko nga dati na gamitin 'tong mukha ko para makakuha ng maraming customer 'e. Pero 'wag nalang pala. Hassle 'yon. Mas magandang sila ang makatuklas sa dyosang mukhang ito 'di ba?
Natapos na ako sa paghihiwa, "Labas lang ako, kuya Em--"
"OH OKAY OKAY! I COPY THAT HEHE! 8 A.M SHARP IS COMING YOU. I'M GOING WAITING, THANK YOU!"
Napabalik ako sa paghihiwa. Kinuha ko na pati ang mga sibuyas. Narinig ko kasi ang pagbukas-sara ng pintuan ni aling Imelda. Jusko, hindi ko siya kayang harapin ngayon. Andito naman si kuya Eman kaya may shield ako. Bahala na si bruha do'n sa labas. Ipagdadasal ko ang kaluluwa no'n.
"HOY SHANIE! NASAAN SI JEMAY?!"
"Doon po sa kusina,"
"SIGE! AYUSIN MO 'YANG MGA LAMESA AT MAY DARATING NA MAHALAGANG CUSTOMER MAMAYA. LAGYAN MO NG FLOWERS AT MGA HEART-HEART DESIGN PARA MATUWA!"
"Opo, ako pong bahala. Hehe,"
Kinabahan ako nang marinig ko ang mga papalapit na yabag ni aling Imelda. Natapos na kasi siya sa mga habilin niya kay bruha at ako na 'yung susunod.
Shet, eto naaa.
"IKAW JEMAY!" una niya akong tinawag, "...at ikaw Eman," kumunot ng bongga ang noo ko dahil sa biglaang paglambot ng boses niya. Ano 'yon? Bakit gano'n? Special treament ba? Unfair! Eto talagang amo ko na 'to. May kalandotan din sa katawan 'e. Kay kuya Eman lang talaga lalambing at kakalampag.
"B-Bakit po?"
Dahil sa pagsasalita ko ay napalingon sa 'kin si aling Imelda.
"IKAW NA BABAE KA! MAY BISITA TAYO MAMAYA! AYUSIN MO 'YANG PAGHIHIWA MO. GAWIN MONG STAR O KAYA BULAKLAK 'YUNG MGA GULAY AT KARNE! PAGANDAHIN MO DAHIL MAGPAPA-IMPRESS TAYO MAMAYA! MALAKING HALAGA ANG MAKUKUHA NATIN DITO! NAIINTINDIHAN MO BA?!"
Mabilis na tango-tango ang ginawa ko, "Opo! Opo! Gagawin ko pa pong bahay kung gusto niyo."
"IYON! MABUTI KUNG GANO'N!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinarap naman niya si kuya Eman, "Ikaw...do your best," at tuluyan na niyang nilisan ang kusina.
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng relasyon nilang dalawa 'e. Ganito ba talaga kapag single? Walang kaalam-alam sa buhay taken? Hay jusko! Bahala sila d'yan! Basta dyosa parin ako. Naniniwala ako na someday, ako rin ang hahabulin ng mga lalaki.
Natapos na si kuya Eman sa pagluluto ng mga ulam. Dapat kasi puro pang-umagahan muna ang lulutuin namin dahil ala-sais palang pero utos ni aling Imelda 'e.
"Okay na ba 'yan?" tanong ko kay Shanie. Naisipan ko kasing kamustahin ang kaibigan ko. Malay niyo kinain na pala siya ng mga lamesa 'di ba? Concern naman ako kahit papaano.
"Oo, sakto na siguro 'to. Namitas pa 'ko sa labas ng mga bulaklak ah. Effort na effort ako d'yan."
Tinignan ko naman ang lamesa't upuan, "Mukha nga. Naks naman."
Na-elibs ako sa gawa niya. Nilagyan niya ng puting tela ang mga ito at sinabayan ng heart-hearts at mga bulaklak. Sa lamesa iyong mga puso at sa upuan naman iyong mga flowers. Para kang prinsesa na kakain sa Disneyland nito 'e.
"E 'yong sainyo ni kuya Eman? Ayos na ba?"
"Syempre! Dyosa ako 'e."
Nag-effort din naman ako sa paggawa ng mga stars na gulay at karne. Paniguradong matitikman niya rin ang nakakabusog na luto ng cook namin.
Dumating ang tamang oras at lumabas na si aling Imelda sa kwarto niya. Ayos na ayos ito at presentableng tignan sa suot na floral dress. Pakshet, tutulo laway ni kuya Eman dito. Baka pati na rin 'yong customer namin. Pero 'wag lang sanang ibubuka ng amo ko 'yong delikado niyang bunganga.
"READY NA BA?! DARATING NA IYONG CUSTOMER NATIN! NALAGAY NA BA SA MGA LALAGYAN 'YONG MGA ULAM?!"
"Opo," sabay na banggit namin ni bruha.
Maya-maya ay narinig na namin ang mga ugong ng sasakyan. Marami bang darating? Sakto lang pala 'yong mga niluto ni kuya Eman. Ewan ko kung hindi pa sila matuwa sa mga disenyo ni bruha. Hindi na 'ko magugulat kung bigla silang maging butterfly.
Pinasunod kami ni aling Imelda palabas para salubungin ang mahalaga niyang customer.
"HELLO MR. HAWKSON! WELCOME TO MY KARINDERIA! WHAT I CAN DO IS YOU CAN DO! LET'S GO STRAIGHT HEHE!"
"Huh?"
Tulala kaming dalawa ni Shanie sa bagong dating na hot papa.
Sheeeeet! I kennat! Ito na ba ang susundo sa 'kin? Dadalhin na ba niya ako sa mundo ng kaligayahan? Ang gwapo-gwapo niya! Bagay na bagay sa kan'ya 'yung black na tuxedo. Mukhang mayaman ang isang 'to. Ay hinde! Mayaman talaga siya dahil paniguradong tauhan niya ang mga nasa likod na men in black na may kasama pang shades.
"G-Good morning po..." pagbati ni bruha pero sa akin tumama ang paningin ni pogi.
Una kong napansin ang kulay asul nitong mga mata. Sobrang gandang titigan. Tapos 'yung makapal niyang kilay na nagpalala sa matapang pero gwapo niyang mukha. Hindi ko alam kung paano pero sobrang kinis ng balat niya at parang hindi dinadapuan ng tigyawat at pawis. Huli kong tinignan ang labi niyang mapula. Pero agad naman akong yumuko nang basain niya ito at ngumiti.
AaaaAaaah! Ang sarap ni pogi! 'Wag kang gan'yan!
"Good morning too, ladies."
Sobrang lalim at lamig ng boses nito. Bagay na bagay lang din sa kan'ya.
Naisipan kong iangat ang paningin ko para makita siya pero ibang mukha ang sumalubong sa 'kin.
"H.I.N.D.I K.A B.U.M.A.T.I!" mahina ngunit nanggigigil na sambit ni aling Imelda sa mukha ko.
Na-star struck ako 'e! Lagot!
--
A/N:
Facebook: @Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top