MARK 6

KABANATA 6

Pinapasok na din kami ni Aling Imelda pagkatapos nitong malaman na umalis na 'yong pesteng dambuhala.

Halos ikamatay na namin iyon pero hindi man lang kami binigyan ng reward ng balyena naming amo. Like hello? Kasalanan namin na tumambay 'yon diyan? Ni hindi nga namin pinapunta 'yon dito 'e. Tsaka mukha ba 'kong nag-aalaga ng dambuhalang aso, maderpaker?

"JEMAY! IYONG MGA LAMESA D'YAN AYUSIN NIYO NA BAGO KAYO LUMAYAS!"

"Opo!"

Hinila ko 'yung mga upuan at binaliktad sa taas ng mga lamesa. Ganon din ang ginawa ni Shanie. Alangan namang 'yung lamesa ang ibaliktad niya diba? Hilahin ko utak niya kung nagkataon.

Muli kong hinawakan ang ulo ko. Wala lang, hinawakan ko lang. Baka malaglag 'yung sugat ko. Hindi ko na maramdaman 'e.

Nang matapos kami sa ginawa ay pumunta kami sa kusina upang kunin iyong mga gamit namin. Ready na kaming umalis, tutal iyon lang naman ang sabi ng amo namin. It's better to obey your boss than to loss your job. Money is important guys, ika ko nga.

Bigla akong inakbayan ni Shanie, "Bes...uh," hinintay kong tapusin niya ang sasabihin niya pero nginitian lang ako ng bruha. Ano 'to? Secret code? Reaction based talking? The fuck nigga, lumalabas yata 'yung salita sa ngiti niya.

Hindi ko sinuklian ang ngiti niya. Bagkus, binigyan ko siya ng isang naiiritang mukha, pero syempre maganda parin.

"Ano kasi 'te...you know...ano 'di ba? Hindi ako umuwi ng bahay dati dahil nga sa a-ano, sa lalaki?" nagkamot pa ito sa ulo at inalis ang pagkakaakbay sa'kin. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso nito. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Kabado si bruha. Alam ko na ang gustong sabihin nito. At wala akong magagawa dun.

"Tapos?"

Nahuli ko ang paglunok nito, "So ayun, p-pinalayas nalang ako...kaya...uh, w-wala akong nagawa, umalis nalang 'yung bahay." lumunok muli ito at ngumiti. Nang mapagtanto kung anong sinabi ay biglang nanlaki ang mata. "A-Ay ako pala, hehe."

Napa-buga nalang ako ng hangin. "Kaya sa bahay ka muna titira ganun?"

"Oo Jemay, alangan namang 'yung bahay niyo ang tumira sa'kin."

Nanliit ang mata ko at muli siyang tinaasan ng kilay. Bruhang 'to, pinipilosopo ako?

"Ganun? O sige, maghintay ka d'yan. Papupuntahin ko bahay namin sa'yo." sabi ko at iniwan siya dun. Pakshet siya, bahala siyang magpaalam kay lola.

Nang medyo nakalayo na ako sa karinderya at naramdaman kong hindi siya sumunod sa'kin ay sapilitan akong lumingon sa likod. Akala ko kasi susundan niya ako at sasabihing biro lang 'yung kanina. Hindi ko alam na tinotoo niya 'yung sinabi ko. Jusmiyo, walang paa 'yung bahay namin!

Nakita ko siyang parang estatwang nakatayo medyo malayo sa karinderya. Nakanganga at may tinitignan sa mapunong lugar sa tawiran.

"Hoy bruha!" sa sobrang lakas ng boses ko ay paniguradong narinig niya 'yon. Kaming dalawa na lang ang tao dito sa madilim na kalsada kaya hindi pwedeng lumingon siya sa likod niya.

Tumingin naman ito sa akin at nakita kong lumabas ang ngipin nito. Ngumiti yata si bruha. Tinaas nito ang kamay at may tinuro. Inis ko namang sinundan ng tingin ang itinuro nito. Pinaliit ko pa talaga ang mata ko sa may bandang tawiran dahil madilim sa parte non.

"Holy shet..."

Ilang beses ko pang pinikit-dilat ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako pero t*ngina pakers! Hindi ako pwedeng magkamali! Nahuli ko ang pagkislap ng mata nung dambuhala. Pansin na pansin ang pagkapula nito sa dilim. Pakshet, d'yan siya tumambay maghapon? Wat da hel guys? So talagang may hinihintay 'tong hayop na 'to? Trip niya ba 'yung balyena naming amo?

Oh no no no~

Tinakbo ko ang pagitan namin ni Shanie. Hinigit ko siya mula sa pagkakaestatwa niya. Kung hindi ko lang kaibigan 'to, baka hinayaan ko pa siyang mag sight-seeing sa tawiran. Naawa lang ako bigla, wala itong tutulugan. Hindi siya pwedeng matulog sa karinderya dahil masikip na dun. Jusko, kay Aling Imelda palang.

"Nakita mo 'yung aso Jemay?" narinig kong tanong ni Shanie pagkatapos ng limang minutong paglalakad.

Inis ko namang binitawan ang kamay niya, "Hindi, puno lang nakita ko." pagtanggi ko.

"Kawawa naman, wala rin yatang tutuluyan 'yon. Ayaw mo bang magkaroon ng tagabantay bahay niyo?"

"Alin? 'yung puno?"

"Oo-ay hindi! 'Yung cute na aso Jemay. 'Di mo na-sight?"

Inirapan ko na lamang siya. Kung balak niyang kupkupin iyong dambuhalang hayop at dalhin sa bahay namin ay napakalaking HINDI PWEDE ang isasagot ko. Sinong magpapakain don? Sinong mag-aalalaga? Sinong magpapaligo araw-araw? Alangan namang ako? Okay sana kung itong bruha ang gagawa ng lahat ng iyon 'e. Pero malamang hindi.

"Hindi, nabulag ako sa dilim."

"Suuuus Jemay! Bahala ka nga, basta ako makikitira ako sa bahay niyo 'a?"

Hindi ko na siya sinagot. Alam naman na niya ang sasabihin ko. 'Tsaka patay 'to sa'kin mamaya. Tatadtarin ko siya ng malulupet kong tanungan.

Malapit na kami sa kanto nila Manang Lusing. Malapit na rin kami sa kung saan ako hinabol nung mga baliw na hayop kagabi. Eto na naman po tayo guys, get ready to run Jemay, hayaan mo na si bruha at hindi mo kalahi 'yan. Kabayo siya at unggoy ka okay? Basta takbo lang.

Nang makarating kami sa may bandang poste, napagtanto kong tama ang hinala ko.

NANDITO NA NAMAN SILA! AT MUKHANG NAGTAWAG PA NG MGA KASAMA! T*nginang mga hayop 'to. Hindi ko alam na pwede pala silang bumuo ng samahan dito sa Sitio namin. Pakshet guys, we're doomed.

Tumigil muna ako sa paglalakad at hinawakan si Shanie sa braso.

"Shanie-"

"Ay ang daming aso Jemay!"

"T*ngina mo!" nanggigil kong sambit.

Sasabihin ko sanang huwag siyang mag-ingay para makadaan kami ng maayos. 'E ang kaso? Bruha talaga. Iyan tuloy, deja vu. Tumingin sa banda namin ang samahang baliw na hayop. Parang hinihintay talaga nila kaming dumaan. O ako lang? Nung nakita kasi nila kami ay agad silang nangngitngit sa galit at ready nang lumapa.

Ano na naman bang ginawa ko? Ito kasing bruhang 'to 'e! Inistorbo sila sa meeting nila.

"OMG? Ba't sila galit Jemay? Buti pa 'yong cute na aso kanina. Hindi high-blood. 'E itong mga ito? Kala mo naman ang gaganda ng balahibo. Mga malnourished!"

"GRRRR!"

"ARF ARF ARF!"

Napaatras si Shanie nang biglang tumahol ang mga ito na para bang naiintindihan ang sinabi niya. The heck? Nataaman sila? Well, truth hurts madapakers.

"S-Shet, easy lang kayo guys. Joke lang niya 'yon hahahaha!"

"ARF ARF!"

Napamura ako ng mahina dahil wala yatang makakapigil sa galit nila. Ba't ba kasi sila galit na galit? Dadaan lang naman kami 'a? Jusko, bawal yatang dumaan rito.

"Tara Jemay, 'wag mo sila pansinin."

Nanlaki ng sobra ang mga mata ko nang biglang hilahin ni Shanie ang braso ko at naglakad paunahan. Actually, hindi talaga dahil don. Put*ngina, TUMAKBO NA SILANG LAHAT PAPUNTA SA'MIN!

"Aaaay!"

"GRRRR!"

"ARF ARF ARF!"

"MEOW!"

Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. Ayaw kong makita kung paano nila kami atakihin. Ayaw kong makita kung paano nila kami lalapain. Alangan namang panoorin ko pa 'yung sexy kong katawan na nilalapa 'di ba?

Naramdaman ko ang mariin na kurot ni Shanie sa braso ko. Agad naman akong nagtaka dahil una ko pang naramdaman ang kurot niya kesa sa kagat ng mga baliw na hayop na 'yun. Pero bago pa masagot ang tanong ko ay isang nakakakilabot at kilalang tahol na naman ang narinig ko.

Deja vu talaga.

"RAWR!"

Idinilat ko ang mga mata ko dahil gusto kong malaman kung tama nga ang hinala ko at hindi naman ako nagkamali.

Nasa harapan ko na naman ngayon ang dambuhalang aso na 'to. Itinatago niya kami gamit ang napalaki nitong katawan sa mga baliw na hayop sa harap. Hindi ko tuloy makita kung nasan na 'yong mga iyon. Baka tumakbo na naman.

"Ano kayo ngayon sa cute na asong 'to? Mga bahag ang buntot!"

Hindi ko na inintindi si Shanie. Bigla kasing humarap sa'kin si dambuhala. Nakita ko na naman tuloy 'yung kumikislap niyang pulang mata. Para akong nahihipnotismo dahil hindi ko maalis ang tingin ko dito. Feeling ko ay nangungusap at namumungay ang mga mata nito. O feeling ko lang ulit 'yon? 'Tsaka inantok ako bigla 'a?

Biglang nandilim ang paningin ko. Alam kong bumagsak ako. Bumagsak ako sa dambuhala dahil naramdaman ko malambot nitong balahibo sa mga braso't kamay ko. At ang hininga nito sa tenga ko.

Sarap namaaaan! Lambot!

***
A/N:

I really want to finish this story as soon as possible. Hindi ko lang alam kung paano dahil nawawalan na'ko ng gana :(

Enjoy reading! •-• @Keian Imexx (fb)

-K


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top