MARK 5

KABANATA 5

"Jusko be! Suko na'ko dito sa cute na asong 'to! Hihiwalay na 'yung dila ko sa bunganga ko oh! Kita mo ba ha? Kita mo?"

Humiwalay ako sakan'ya nang bigla itong ngumanga nang todo sa harap ko. Pisteng bruha 'to. Kung hilahin ko kaya lahat ng ngipin niya?

"Problema ko 'yon ha? Problema ko?" naiinis na sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.

Magta-tatlong oras na kami dito ni Shanie pero wala pa ring balak umalis itong dambuhalang aso na 'to at wala ring balak si Aling Imelda na papasukin kami sa loob. Gustong-gusto ko na talagang pumasok dahil kanina pa nangangati itong pang-mayaman kong kamay na hablutin at kaladkarin si kuya Eman palabas ng kusina.

Napakalaking PAKSHET naman kasi guys. Ang unfair! Bakit kami lang ni Shanie ang naghihirap dito? May hidden desire talaga 'yang si Aling Imelda kay kuya Eman 'e. Bine-baby, susmiyo! Anong meron sa kan'ya na wala kami?

Char.

Inirapan ako ni Shanie, "Ang daya mo kasing bruha ka! Nand'yan ka lang sa likod tapos ako lang nauubusan ng boses. Yaya mo ako 'te?"

"Hindi, gusto mo mag-apply?"

Inirapan na naman niya ako. Bruhang 'to. Lakas magreklamo pagkatapos niyang umabsent ng ilang araw. Hindi niya alam kung anong pinagdaanan ko sa kamay ng petmalung bunganga ni Aling Imelda kaya wala siyang karapatang magreklamo! Huhuhu.

"Ba't kasi ayaw mong umalis? Naghagis na 'ko ng mga karne sa daan pero ayaw mo pala nun. Ano bang gusto mo? May inaabangan ka ba? Baka nasa ibang karinderia 'yun. Na-wrong place ka."

Kinausap na naman niya 'yung dambuhala pero as expected, wa epek. Nasayang pa tuloy 'yung isang hiwa ng karne na binato ni Shanie dun sa daan. Anong klaseng dambuhalang aso ba ito? Siya pa lang ang nakikita kong hindi naa-attract sa karne. Don't tell me?

"Bruha! Baka mas gusto niya ng gulay? Vegetarian ata 'yan 'e."

"Gaga! On-diet siya."

"Gusto mong maubusan ng buhok?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Puro kalokohan kasi.

"Kumuha ka ng gulay loob. 'Yung carrot ang kunin mo. Vegetarian 'yang dambuhalang iyan." aangal pa sana siya kaso pinanlakihan ko na siya ng mata kaya wala siyang palag.

Akmang aalis na siya nang bigla kong hilahin ang buhok niya.

"Aray ko Jemay! Kanina ka pa a? Itulak kita d'yan sa cute na asong 'yan 'e! Tignan ko lang kung 'di ka mangisay."

"Subukan mo lang bruha ka. Papatayin ko lahat ng ex mo!"

"Ay go! Pinadali mo traba-- ANO BA KASI 'YUN?!"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil mas lalo kong hinila ang buhok niya. Bruhang 'to? Kung maka-go akala mo hindi iniyakan 'yung mga ex niya. 'E halos hindi na nga magtrabaho tapos iniiwan pa 'kong mag-isa sa kamay ng delikadong bunganga ni Aling Imelda.

"Ako nalang pala kukuha. 'Wag mo 'kong iwan sa dambuhalang 'to, susme!"

"Ay HAHA! No no no~"

Nagulat nalang ako nang bigla nitong tanggalin ang kamay ko sa buhok niya at mabilis na tumakbo sa loob.

Tignan mo 'tong bruhang 'to, ang bilis ng galaw! Nakakashet! Kaya pala ang bilis niya ding maloko. Lol. Ganun daw talaga pag mabilis gumalaw, so advice ko sa inyo na bagalan niyo lang para 'di kayo maloko.

Sinong nagsabi? Ako, bakit? Si author lang nagsulat.

Back to the story guys.

De joke. 'Wag na pala tayong bumalik sa story. Mag-kwentuhan nalang tayo. Potaness, nandito pa 'yung dambuhala. I kennat.

Nandun pa rin siya sa tabi. Sitting pretty under the sun. Char! Wala na palang araw, pakshet. Natiis ng dambuhalang 'to ang umupo sa tabi ng karinderia ni Aling Imelda ng tatlong oras? Aba'y petmalo! Mas petmalu pa ata 'to sa bunganga ni Aling Imelda 'e.

"Tagaaaal..." naibulalas ko nalang bigla.

Tinitigan ko 'yung dambuhala. Nakapikit kasi ito. Tsaka hindi ako makapaniwala na kulay pula 'yung mata at buntot niya. May ganun bang aso? Baka naman adik lang 'yung dating owner nito kaya napagtripan?

"Rawr..."

Napaiwas ako ng tingin dahil bigla itong dumilat. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko 'yung pula niyang mata. Naiilang ako buset! NAKAKAILANG KASI SIYANG TUMINGIN! NGINA, BA'T GANUN?!

"Rawr."

"Bruha ka. Tumatahol na siya! Bilisan mo d'yan! Ayoko pang mamatay!" kinakabahang sigaw ko. Carrot lang 'yung kukunin 'e!

"Maghintay ka d'yan! Nilalabasan na ng masasamang espirito 'yung bunganga ni Aling Imelda!"

Aba't! Mas mahirap pala 'yung sitwasyon niya sa loob. Pero kasi mahirap din 'yung sitwasyon ko dito!

Hindi na'ko mapakali. Nakatitig na kasi siya sa'kin. Pakshet, baka nagpa-plano na 'to kung paano ako kainin? Pero vegetarian siya 'e! Hindi ako gulay, jusme! Help me lord.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang bigla itong gumalaw. Inakala kong aalis na siya kaso nangati lang pala. Pero bakit feeling ko nakatitig parin siya sa'kin? Shet naman! Parang sa'kin lang nakatutok 'yung pula niyang mata 'e!

"Huy bruha! Nanigas kana d'yan? Eto na 'yung carrot oh." Bahagya ako napatalon dahil sa pagtapik ni Shanie ng carrot sa balikat ko.

Nanlalaki matang tumingin ako sa kan'ya, "Tang mother, father and sister mo bruha ka! Ikaw papatay sa'kin 'e!" Sigaw ko sa kan'ya pero tinarayan lang ako ng bruha. Palunok ko sa kaniya 'yung carrot 'e! Tignan ko lang kung makataray pa siya.

"Grabe ka! Nakipagsapalaran ako sa bunganga ni Aling Imelda! Ni hindi ka man lang naawa sa'kin."

"Susmiyo! Naawa ka ba sa'kin nung iniwan mo 'ko sa dambuhalang 'to? Pa'no kung wala ka ng balikan na Jemay? Pa'no kung nilunok na ako niyan?"

"E paano rin kung nakuha ako ng masasamang espirito sa bunganga ni Aling Imelda? Edi wala 'tong carrot mo 'di ba?"

"Oo nga tama ka, pero--"

"Rawr..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa tahol ng dambuhala. Nandito parin pala 'to, kaloka.

Inabot sa'kin ni Shanie 'yung carrot, "Ikaw magbigay."

"Anong ako?" tinulak ko sa kaniya 'yung carrot. Bahala siya d'yan. "Mamaya sakmalin niya 'yung mukha ko 'e."

"Gaga! Hindi kumakain ng pangit 'yan."

Tinaasan ko siya ng kilay. 'Yung taas na malalagpasan na yata ang Mt. Everest, "Sinong pangit?"

"Ako hehe. Tara! Samahan mo 'ko dun. Aabot ko lang 'to carrot."

Hindi na ako nakapalag dahil hinila na niya 'yung kamay ko. Juskong bruha 'to. Hindi ba siya natatakot na baka lunukin kami ng sabay nun? Posible 'yun dahil ang laki-laki ng katawan niya 'no! Sana naman vegetarian siya para hindi masayang 'yung paghihirap ni Shanie kanina sa loob.

Pumunta ako sa likuran ni bruha nang makalapit kami. Ayokong siyang makita. Natatakot 'yung isip ko pero hindi 'yung nararamdaman ko. Siguro dahil niligtas nga niya ako dun sa mga baliw na aso.

Pero natatakot parin 'yung isip ko! Pakshet.

"Hi cutie~ Nakikita mo ba 'tong carrot na hawak ko? Hmm... Ang bango!" inamoy pa ni Shanie 'yung carrot. "Vegetarian ka ba? Gusto mo nito?" Tanong niya.

Sinilip ko 'yung dambuhala. At shet! Nakapikit ang hayop!

Binato na ni Shanie 'yung carrot sa daan. "Oh ayun! Nandun na 'yung carrot!" Tinuro pa ni bruha 'yung lugar kung saan niya binato 'yung carrot. Kaso kingina, hindi man lang gumalaw 'tong dambuhala.

Ano ba kasing gusto nito?!

"Snob na naman ako Jemay! Try mo kaya? Baka sundin ka ulit. Sabi ko kasi sayo on-diet siya 'e!"
nagmamaktol na sabi niya. Batukan ko kaya ulit 'to para bumalik 'yung utak niya na kinuha ata ng bunganga ni Aling Imelda?

"Tsk!"

Nagdadabog akong pumunta kung nasaan 'yung carrot. Pinulot ko 'yun at bumalik sa likuran ni Shanie kaso tinulak lang niya ako sa harap kaya siya na 'yung nasa likod.

Bwiset na bruhang 'to! Mas lalo akong kinakabahan 'e!

"Hoy dambuhalang aso!" sigaw ko, "Sundan mo 'tong carrot kundi ibibigay ko 'to sa alagang daga ni Mang Domeng!" dinuro ko pa sa kaniya 'yung carrot bago binato sa daan.

Napaatras naman ako nang bigla itong dumilat at tumayo.

Inalog ni Shanie 'yung balikat ko, "Ayan na Jemay! Namimili talaga 'tong cute na asong 'to ng susundin."

Tumigil ang pag-alog sa'kin ni Shanie nang bigla itong humakbang papalapit. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Maderpaker, akala ko aalis na 'to!

Humakbang lang ito ng humakbang papalapit sa'min hanggang sa mapunta siya sa harapan ko. Gusto kong umatras kaso nanigas na din yata 'yung bruha sa likod ko. Nararamdaman ko na tuloy 'yung mainit nitong hininga sa mukha ko. Ang isiping malaki ang katawan nito at halos kasing tangkad ko na ay nagpanginig sa sistema ko.

Hindi ako kumukurap. Nakatitig lang ako sa mata nitong kulay pula. Hindi ko alam kung ako lang ba o baka imagination ko lang 'yun. Pero kasi parang may dumaan na ilaw sa mata niya!

"Rawr..."

"Shet."

Nilapit nito ang ilong at nguso sa 'kin. Dito na ba ang katapusan ko? Dito na ba ako lalamunin? Shet, inaamoy nito 'yung bandang ulo ko. Parang may hinahanap. Doon ko naalala 'yung sugat ko sa noo. Bigla na naman tuloy kumirot.

"Ouch..." daing ko dahil sa kirot.

Nagulat nalang ako dahil pagkatapos nitong amuyin 'yung sugat ko ay bigla naman niya itong dinilaan.

SHEEEET! ETO NA NGA! KAKAININ NA NIYA AKO!

Pero bakit biglang nawala 'yung kirot? Why is that?

Binulungan ako ni Shanie, "Umalis na syaaaa~"

Ang kaninang akala ko na lalamunin ako ng dambuhalang 'yun ay nawala dahil pagkatapos nitong dilaan ang sugat ko ay umalis nalang ito bigla. Nilagpasan lang nito 'yung carrot at karne sa daan.

Doon lang ako nakahinga ng maayos.

"Ang intense nun kyaaah!"

"PAKSHET KANG BRUHA KA! MAPAPATAY NA KITA 'E!"

***
A/N:

UNEDITED

Sorry for the very long wait guys! And sorry if I'm not replying to your comments. Thank you for those who voted, commented and added this story to their reading lists. It's very much appreciated. Sana hindi kayo tumigil sa pag suporta nitong story kahit matagal akong mag UD :(

And please add me on facebook, @Keian Imex WP.

Comment your reactions and don't forget to vote!

Enjoy reading! •—•

-K

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top