MARK 46
KABANATA 46
"What?" May patanong-tanong pa 'tong sex doll na 'to. Mamaya ka sa 'kin. Hindi pa tayo tapos! Ipapa-deliver pa kita sa mga amerikanong kilala ko d'yan. Paldo-paldo talaga.
Ewan ko ba kasi kung saan ako dinadala ng dalawang 'to. High blood ako mga bes, sino ba naman kasing tanga ang sasama sa minsan mo lang makita 'di ba? Tapos may kasama pang sex doll, tae tae na talaga. Kung hindi lang dahil kay lola, kanina ko pa sila pinakagat kay Buda- ay letse, wala na pala 'yung hayop na iyon. Missing in action! Isa ring mang-iiwan e, sige magsama-sama sila!
"Bitch! Don't stare at me like that!"
"Hailey!" Pinagalitan tuloy siya ni Mr. Hawkson. Huahua, ano ka ngayon? Kupal ka ha, tinitingnan ko lang naman kung totoo 'yang dede mo 'e. Maka-bitch amp, mamaya ka talaga sa 'kin. Sigurado akong maraming o-order sa'kin na amerikano. Laki ba naman ng suso 'e.
Hindi ko alam kung totoo ba 'yung sinabi niya kanina. Halo-halong emosyon tuloy 'yung nararamdaman ko ngayon. Ang pinag-kaiba lang, kulay rainbow yung sago tapos kulay pink naman 'yung gulaman. Hakhak! Chareng. Mabalik tayo sa tunay na topic, galit at may halong disappointment ang nararamdaman ko. Like wtf mga beshangs, nabasa niyo 'yung sa last chapter 'di ba? Fake daw ako at siya daw 'yung tunay na mate ni Hudas! Potaena, ang saket saket huhu. Hindi ko pa rin matanggap na mas pretty pa 'yung marka niya kesa sa marka kong hindi mawari kung marka ba talaga. Mukha ngang tinusok ng apat na beses tapos nagkaroon bigla ng apat na bilog.
Letse kang half half ka! Huwag na huwag ka talagang magpapakita sa 'kin at baka nakuuur! Ipapa-ulit ko 'tong marka mo! Ang chaka letse! Mas chaka pa kay Marlou! Chos.
"San niyo ba kasi ako dadalhin, ha?" Nauurat kong tanong. Pero walang pumasin sa 'kin. "Siguraduhin niyo lang na makikita ko si lola!" gigil kong sambit pero ako lang yata nakarinig.
Aba'y tangina nito, tama bang isnobin ang mga dyosa? Balik nalang kaya ako sa bahay tas ihagis ko sa kanila 'yung gate naming de-buhat.
Nakakabadtrip.
Ilang oras pa kaming nasa byahe, hindi ko na alam. Baka kung sang lupalop nako pinunta ng mga 'to. Baka mamaya bigla ko nalang makita si San Pedro d'yan sa daan tapos 'di ko alam nasa langit na pala 'ko. Byaheng langit yata 'tong sinamahan ko 'e. Ayaw magsi-salita ng mga punyeta. Gusto yata surprise 'yung pagkikita namin ng lola ko.
Pag ako nanggigil ng matide! Hahanap ako ng stick dito sa kotse ni Sex doll tapos itutusok ko sa suso niyang mas malaki pa sa tindang pakwan ni Manang Lusing.
"We're here,"
Agad akong napatingin kay Mr. Hawkson na dati kong crush pero hindi na ngayon. Pinaasa niya ko remember?
Tumingin din siya sa 'kin pero iniwas niya din. Ano? Nahiya ka ngayon d'yan? Eto lang naman ako 'e, 'yung dati mong pinaasa. Bwiset kang animal ka. Magdusa ka d'yan. Sinayang mo ang dyosang tulad ko! Hmp!
"Weh? Eto na 'yon? Nasan si lola?" tinry kong ibaba 'yung bintana ng kotse netong sex doll na 'to. Kaso 'di ko alam kung paano. "Hoy! Ibaba mo nga 'tong bintana! Kelangan ba may command 'to?" naiinis kong tanong sa kanila.
Baka kasi mamaya kailangan pala may command-command pa 'tong kotse. Alam niyo 'yun? S'yempre hinde, puro lang kayo 'Google, play music please' sa selpon niyo 'e.
"Bitch! What command are you talking? Advance ka pa sa technology natin," nanaray na sambit bigla ng sex doll na nasa gilid ko.
Sikuhin ko kaya 'to, no? Para 'di na makapagsalita tapos mawalan ng hininga.
"Ako tigil-tigilan mo 'ko, ha? Pag ako nainis sa 'yo, isusumbong kita sa balyena ko!" Pananakot ko dito kahit alam ko namang 'di siya matatakot.
Dzuh? Sex doll siya remember? Kahit gutay-gutayin mo pa 'yang katawan niyan, pwede pa 'yan mabalik ulit. Tunaw-tunawin mo lang ng konte tapos hipan mo lang 'yung suso, lolobo na ulit 'yan. Buti pa 'tong katawan ko, napaka-natural. Walang halong kemikal. Puros kagandahan lamang.
"Whatever," tinarayan niya ko bago tumingin kay Mr. Hawkson na kanina pa pala nakatingin sa 'kin.
"Stop it, Hailey." matigas na sambit niya kaya 'eto namang si gaga napa-straight bigla ng ayos.
Pati ako napa-ayos din 'e! Grabe naman kasi mga bes! Kung makapagsalita akala mo terror teacher sa isang kampo ng mga pulis na anytime pwede kang biralin ng ratatat. Pero syempre wala ka ng bawi kasi patay kana 'non malamang.
"Hoy," pagtawag ko ng pansin kay Mr.Hawkson "Dito na 'yon? 'Eto na talaga? Wala bang option B?" Pagtatanong ko dito na kinunutan niya lang ng noo.
Tignan mo 'to, hindi yata nag-test nung grade school niya. Walang alam sa options.
Hindi niya sinagot 'yung tanong ko pero may pinindot siya 'don sa harapan niya, "Here, you can now bring the window down."
"Wow ha, nahiya ka pa. 'Di mo nalang binuksan 'yung pinto." Sambit ko dito.
Common sense naman kase mga marecakes, malamang gusto kong lumabas ng kotse. Alangan naman bintana lang 'yung buksan niya tapos hanggang dito nalang 'di ba? Hindi ko na pwedeng hanapin si lola kung san mag lugar nila ko dinala. Feeling ko nasa gitna kami ng disyerto 'e. Wala akong makita. Hindi naman sa bulag ang dyosa niyo bes, pero as in biglang nawala nalang 'yung mga puno sa palagid tapos patag nalang makikita mo.
Walang katao-tao tapos ang weird sa feeling. Parang pag lumabas ka ng kotse, may manghihila sa 'yo bigla.
Tinry ko ding buksan 'yung pintuan ng kotse pero waepek. Naka-lock siya hayop.
"Jhenica, sorry." Napatingin ulit ako kay Mr.Hawkson nang bigla itong magsalita.
Shet, ang pogi talaga. Hakhak!
"Huh? Anong sorry?" tanong ko.
Nagtinginan sila ni sex doll at nakita ko pang tinaasan siya ng kilay. Para silang may sikreto na hindi pwedeng sabihin sa 'kin. Pakshet naman! 'Wag niyong sabihin na prank lang 'to ha! Ilang araw ko ng hindi nakikita 'yung lola ko. Hindi magandang biruin ng ganito ang mga dyosa. Kaya naming magalit na mukha pa ring anghel syempre. Dapat pag galit ka, hindi dapat magbabago 'yung mukha mo. Consistent lang talaga. Talent natin 'yon mga 'te.
"It's hard to understand, but..." hirap na hirap siyang sabihin 'yung gusto niyang sabihin.
'Eto namang sex doll na 'to naka-cross arms at cross legs lang siya, bes. Ayaw na magsalita. Lowbatt na yata.
"Ano nga? Nasan na ba kasi tayo? Anong oras na oh! Nasan si lola?"
Umiwas siya ng tingin at tumitig sa ibaba, "This is where the last traces of smell from your lola." diretsong sabi niya habang nakatingin pa rin sa ibaba.
"Anong smell-smell ka d'yan? Ang layo ng pinanggalingan natin tapos naamoy mo pa si lola hanggang dito? Ano ba 'yang ilong mo? Vaccumm ba 'yan?"
Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin. Narinig ko pang tumawa si sex doll sa gilid na parang nakarinig ng joke ng isang dyosa.
"The fuck are you saying?" parang naiinis niyang tanong sa 'kin.
Oh? Ba't siya naiinis ngayon d'yan? May mali ba 'kong nasabi, ha? Wala naman 'e. Nagtatanong lang naman ako. 'Tsaka hindi ba dapat ako 'yung mainis dito? Sabi nila alam nila kung nasan si lola. Tapos ngayon 'eto na? Andito kami sa kawalan na hindi ko yata alam kung pinaprank ba 'ko ng dalawang 'to. Sabihin niyo guys kung feel niyong prank lang 'to para tapusin ko na appearance nitong mga 'to sa istorya ko.
Mas kinunotan ko siya ng noo, "Pinagsasabi mo ba kasi d'yan, Mr.Hawkson? Naamoy mo si lola dito?"
Tumango siya sa tanong ko.
"Lucas, I said you can call me Lucas." matigas niyang sambit, "This will be very confusing for you, starting from now, Jemay. But please bear in mind that I'm here just to help you two, and to correct what my stupid Alpha has done."
Hala ka, for serious moment na tayo, guys. Kakatakot si kuya mo 'e. Parang gusto niyang iparating sa 'kin na mula ngayon wala ng nakakatuwang mangyayari. Lahat magulo na. Pakshet.
Inayos ko nalang ang sarili ko at huminga ng malalim. "Sige, explain mo sa 'kin ngayon ang nangyayari. Bawal bukas kasi may trabaho pa ako."
"Huh! Bitch can talk like she's the boss. Just let me, Lucas. I'll tear her limbs in seconds and feed her body to my pet," pagpaparinig ng sex doll sa tabi ko.
Luh? Pinagsasabi nito? Akala niya siguro 'di ko kayang gawin 'yon. Mas malaki pa nga 'yung kalabaw na kinatay namin noon ni kuya Eman kesa sa kan'ya 'e. Baka gawin ko din siyang specialty sa karinderya namin. Aba!
"Shut the fuck up, Hailey. You know, you can't do that. It will cause huge chaos, all Alpha will be after you." napatigil si sex doll at mukhang natakot.
Dapat lang aber!
"Ano na? Ilang oras tayo sa byahe kanina tapos wala lang 'din? Akala ko ba makikita ko si lola?"
Umiwas siya ng tingin sa 'min ni sex doll at binuksan 'yung pintuan ng kotse. Agad naman akong nag-react at lumabas.
Malamig na hangin ang dumaan sa maganda kong balat. Sobrang fresh ng hangin dito. Kahit patag ang nakikita ko ngayon at walang kapuno-puno, para akong nasa rain forest na ewan pero puros damo lang makikita mo. Ang gulo. Hindi ko alam kung saang lugar 'to 'e. Ngayon ko lang nalaman 'to. May ganitong lugar pala sa 'min? Sana noon pa 'ko nag-aya mag pic-nic nila Shanie at lola dito. Ang tahimik tapos maaliwalas 'yung kapaligiran.
Kaso ang pangit sa feeling, parang anytime may hihigop sa dyosa kong katawan. Huhu.
"Like I said, this was the last place where your lola has been."
Tumingin siya sa 'kin ng one second lang tapos umiwas na agad ng tingin.
Okay?
"So, ano? Nasan na nga siya? Naiinip na 'ko ha! Hindi magandang pinaghihintay ang mga dyosa!"
May narinig akong umubo sa likod pero wapakels. Papansin na naman 'tong sex doll na 'to akala mo siya 'yung bida sa kwento, hmp!
Sinipa ko nalang 'yung bato sa harap ko at nag cross-arms.
"This place..." Inantay ko 'yung susunod niyang sasabihin, "This is the portal for the Second Realm."
"Second Realm?"
Pota ano daw? Portal? Anong connect no'n sa lola ko? Eh wala namang alam 'yon sa portal-portal! 'Di nga 'yon marunong umuwi mag-isa tapos sasabihin nitong Lucas na 'to na may portal dito? Hanep! Lakas ng tinama nitong dalawang ito ano? Impossible naman na napunta dito si lola tapos dumaan sa porta-
"Halaaa! Owemgi!"
"Tsk, so slow." Pagpaparining na naman ni sex doll sa likod. Isa nalang mga bes, sabihin niyo lang at sisikuhin ko na 'to.
Humarap nalang ako kay Lucas at humawak sa braso niya, "Second Realm? Ano 'yun? Andon ba si lola ngayon?"
Tumingin siya sa 'kin tapos tumingin din siya sa kamay kong nakahawak sa 'kanya. Well, bahala siya dyan, hindi ako bibitaw hanggat hindi ko pa din nage-gets ang lahat.
"I'm not sure Jhemay, your father is a sick man. We can't read all his plans." Parang may halong inis ang boses nito.
"Si papa? Paano niya naisama dito si lola? Paano sila nakapunta d'yan sa Second realm na sinasabi mo? Gusto kong pumunta ngayon! Need ba natin bumili ng ticket? Or may requirement ba bago makapasok?"
Atat na atat kong banggit.
"Yes there is, the Second Realm is created for creatures like us. Hindi mo man makita, Jhemay. But it's already in front."
Hindi pwede, hindi pwedeng si lola lang ang may experience sa ganto! Huhu! Gusto ko din makapasok sa portal. Nag-aalala pa din naman ako sa lola kong gala. Pero bago ko siya mahanap, kailangan ko munang tumawid sa portal, diba? Pero paano? Ano bang klaseng creature ako? Isa lang naman akong tindera ni Aling Imelda na nagfe-feeling dyosa. Isang masaklap na katotohan, pakshet guys.
"E paano? May cheat code ba dito? Keri niyo bakong ipasok d'yan?" Nag-aalala kong sambit.
Paano ako papasok sa lugar na hindi ko nakikita, aber? Parang gusto yata nila tumagos nalang ako bigla eh.
Agad akong napabitaw sa braso ni Lucas nung may biglang sumingit sa gitna namin.
"There will be no problem for that, bitch. I hate to say this but..."
Tinarayan niya muna ako at jusko! Umikot pa ng 360 degrees 'yung mata niya. Hinahamon ba talaga ako nito?
"...you are divine, you're a real Goddess. It's running through your veins, bitch."
Nandidiring sabi niya at nag-akto pang nasusuka.
Nakakaloka! Sasakalin ko na 'to! Mga 10% nalang 'yung pasensyang natitira sakin!
Pero teka, ano daw sabi niya guys?
Dyosa daw ako?
Huh?
Ngayon lang niya na-realize? Dzuh! May pasabi-sabi pa siyang slow sa 'kin kanina pero siya naman pala itong slow! T'saka no need to say it na, I know it from the very beginning palang ng story na ito. Isa talaga akong 'di pangkaraniwan. Ang ganda ko'y pang-dyosa lang talaga.
"Alam ko, Ms. Sex doll ng taon. Alam kong dyosa ako. Kanina ko pa sinabi sa'yo 'diba? Kanina ka pa nakikipag-usap sa isang dyo-"
"We are not joking, Jhemay." Pagpuputol ni Lucas sa pagsasalita ko.
"Ano--"
Bigla na naman pinutol 'yung sasabihin ko.
"Your mother is the Moonlight Goddess, you're a gift for us, my dear. You're our treasure."
------
Author's note:
Hi guys! I am very sorry for the long wait.
I hope you still continue to support after this chapter.
-K
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top