MARK 45
KABANATA 45
"Hailey!" hinawakan ni ex-crush si mukhang sex doll sa kabilang kamay,
"What are you doing?!"
"She's going to flee!"
"Of course she has! And we are trespassing!"
Hindi ko sila ma-gets. Sino ba kasi 'tong babaeng 'to? Naka-droga ba 'to? Nako ah, ayokong makipag-away ngayon sa may amats. Baka dumoble pa 'yung tama ng utak niya kapag pinatulan ko siya 'no. Kawawa naman. Kababaeng tao tapos sumisinghot ng gano'n? Huwag niyong tularan 'to guys, hindi magandang magkaroon ng masamang bisyo at baka reypin pa kayo ng mga aso d'yan sa daan.
"I don't care!" binawi ni Ms. Sex doll 'yung kamay niya kay ex-crush, "I'm not going to pass this night without knowing where my sweetcake is!"
Kumunot ng bongga 'yung noo ko sa narinig.
Sweetcake? Pagkain 'yon 'di ba? Potek na babae, gabing-gabi na tapos dito pa naghahanap ng makakakain? Mukha ba 'kong nagbebenta ng desserts like wtf? Gigil na 'ko dito ah, hindi yata nito nakikita na dyosa 'yung kaharap niya 'e.
"Okay, okay. But please? Just calm down, hindi kayo makakapag-usap ng maayos kapag gan'yan ka." pilit na pinapakalma ni ex-crush 'yung may amats na babae.
"Maayos? You say maayos?" pagak pa siyang tumawa na parang nababaliw, "How can I talk to her like that if I already knew that she's the reason why my fiancè is not here? She stole my sweetcake! You heard that? This bitch stole him!"
Sayang talaga, maganda sana 'tong babaeng 'to. Perfect body, perfect boobs, perfect ass tapos sobrang ganda 'tsaka matangkad pa. Lahat siguro ng lalaking makakakita dito, baka ma-lab at first sight. Makalaglag brief 'yung mukha 'e. Maamong-maamo talaga pero sayang lang, perpekto na sana kung wala lang siyang amats. Major turn-off, nakuuur.
"Kinuha? Okay ka lang ba miss?" hindi ko na napigilang sumingit sa usapan nila, "Hindi ako magnanakaw. Can't you see? Dyosa 'tong kaharap mo 'te,"
Hindi nag-react si ex-crush pero potek, grabe naman 'yung kunot ng noo ni Ms. Sex doll. Ayaw pa yatang maniwala 'e, ano ba pwedeng gawin? Isubsob ko kaya 'tong mukha ko sa cleavage niya 'no? Para ma-check naming parehas kung totoo nga 'yung isa't-isa.
Napaduro siya sa 'kin habang lumalapit, "Are you kidding me, bitch? I'm sure you won't even pass for a model!"
Aba! Aba! Anong pinaparating nitong mukhang sex doll na 'to?
"Ah gano'n? Geh, tapos?"
"What?"
Lumapit pa siya lalo kaya pinigilan ulit siya ni ex-crush. Pero persistent si gaga, ayaw magpapigil! Gusto talaga nitong matulog ng maaga 'e. Well actually, gabi na pala. Dapat na nga talaga siyang patulugin at baka ipa-rape ko pa siya do'n sa alagang manok ni kuya Eman.
Kanina ko pa din pinipigalan 'yung sarili kong makipag-away. Sobrang dami ko ng problema tapos dadagdagan pa nito? Pa'no nalang 'di ba kung sinapak ko siya tapos sa hospital bigla 'yung diretso niya? Edi napagastos pa 'ko niyan. Hirap na hirap na nga 'ko sa perang pang-pahanap kay lola 'e. Kung maaari sana, kahit next month nalang siya bumalik. Gagawa pa 'ko ng boxing ring para sa 'min. Para sulit na sulit 'yung suntukan.
"Hailey," inawat na siya ng todo ni Mr. Hawkson. Ramdam ko nga 'yung higpit ng kapit niya sa braso ni Ms. Sex doll 'e. "Stop it, sana pala hindi nalang kita tinulungan." seryosong sambit niya do'n na parang pati ako, nilamig.
"And Jhenica, I'm sorry, I'm sorry for her rudeness and words towards you. We're just concern about her fiancè's whereabouts,"
Napataas 'yung kilay ko sa sinambit niya. Like wtf? Anong alam ko sa fiancè ng babaeng 'yan? Mukha bang dito nagpupunta 'yon? Ako na nga lang mag-isa dito 'e. Potek na 'yan, mapagkakamalan pa yata kong kabet. 'Tsaka wait, kabet? Ibig bang sabihin nito ako 'yung sinasabihan niyang 'bitch' kanina? Hohoho, hinay-hinay.
Bumuga ako ng hangin at tamad silang tinignan, "Walang lalaki dito, makakaalis na kayo." sambit ko at tumalikod.
Papasok na sana ako sa loob para iwan sila do'n. Pagod na pagod na 'ko 'e. Sinasayang nila 'yung oras ko. Buti sana kung may sense 'yung pagpunta nila dito. Kaso wala 'e, mas mukha pa silang nanti-trip ng dyosang pagod.
"Jake Nikolas,"
Huh? Ano daw? May narinig kayo? Ayan, napatigil tuloy ako bigla. Parang narinig ko kasi 'yung pangalan ng bebe kong umalis.
Takang-taka akong tumingin kay ex-crush, "Ano 'yon?" tanong ko pa dito.
"You knew him, right?"
Si hudas? Si hudas 'yung hanap nila? Huwaw, totoo ba 'to? Kailan pa sila nagkakilala? Ang sabi sa 'kin no'n, wala siyang friends 'tsaka tinitirhan. Kaya paano? Gumawa siguro ng facebook si hudas tapos naging friends sila nitong si Mr. Hawkson. 'Di na 'ko magtataka, small world sa app na 'yon 'e.
"See?" biglang pumagitna sa 'min si Ms. Sex doll at humarap sa 'kin, "You just told us no boys in here! Pero bakit kilala mo si Nikolas? Bakit kilala mo 'yung fiancè ko? 'Yung sweetcake ko? Such a bitch!"
"Syempre bebe ko 'yo--Ha? F-Fiancè? Si hudas? Fiancè mo si hudas?"
Kitang-kita ko kung paano umigting 'yung panga niya, "Yes! Shocked? Oh well, hindi na 'ko magugulat. Gan'yan naman palagi 'yung reaksyon ng mga kabit 'e, hindi ba?"
"Hailey!"
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Gusto kong tanungin 'yung sarili ko kung totoo ba 'to? Maniniwala ba 'ko? Pero pakshet, hindi ako marunong magdesisyon! Gustong-gusto kong maniwala pero parang ayoko!
Potangina kang hudas ka! Nasa'n ka na ba? Ikaw lang papaniwalaan ko dito! Sabihin mo sa 'kin kung totoo bang magiging asawa mo na 'tong mukhang sex doll na 'to! Sabihin mo! Potek! Sumasakit na naman 'yung kaliwang balikat ko. 'Eto na naman 'yung pakiramdam na parang may umiwan sa 'king mahalagang tao.
"Hindi ako kabit," lumapit din ako sa kan'ya pero hinarangan ako ni ex-crush kaya napa-cross arms nalang ako. "Ang sabi sa 'kin ng lalaking 'yon, mate daw kami. Na ako lang 'yung babaeng para sa kan'ya. Alam mo ba 'yon? I'm sure hindi, baka nga hindi mo rin alam 'yung marka 'e. Minarkahan na 'ko ng sinasabi mong fiancè,"
Ayokong maging ganito sa harapan nila o kung nino man. Ayokong magmukhang-bitch sa babaeng pinangakuhan kuno ni hudas altar. Pero hindi ko maiwasan 'e, parang may namumuong galit sa loob ko na nagmumula sa marka niya. Like anong karapatan niyang sabihin na ako 'yung kabit kung wala akong kaalam-alam na ikakasal na pala sila? 'Tsaka may magagawa ba siya sa choice ng dyosa ng buwan? Wala 'di ba? Wala silang magagawa.
Ako 'yung pinili para kay hudas. Ako 'yung pinili para pakasalan at maging kabiyak ng buhay niya.
Ako lang.
Kaya anong silbi ng singsing nila? Wala. Akin lang si hudas 'e, medyo nag-inarte lang 'yon kaya umalis.
Pagak na naman tumawa si Ms. Sex doll sa harapan ko, "So... you also know about that?"
"Know what?"
Nakangiti niyang inikot 'yung mata niya na parang hindi makapaniwala sa tanong ko, "Really? What a dumb bitch. Don't tell me, tungkol lang sa marka 'yung sinabi niya sa 'yo? He's a werewolf. Taong-lobo 'yung lalaking sinasabi mong nag-marka d'yan sa balikat mo,"
"Alam ko,"
"Oh?" dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Pipigilan pa sana siya ni Mr. Hawkson pero nauna na siyang pumunta sa harapan ko, "So alam mo rin siguro kung bakit minarkahan ka niya?"
Takang-taka na 'ko sa lahat ng pinagsasabi niya. Bakit alam nito 'yung tungkol kay hudas? Bakit alam niya 'yung pagiging Budam ni hudas? Hindi ba sinisikreto 'yon ng lahi nila? 'Tsaka ano daw? May dahilan kung bakit minarkahan ako ni hudas? Oo syempre, mate ako no'n 'e. Para lang kami sa isa't-isa.
"Oo," matapang na sagot ko dito, "Tanda 'yon na para lang ako sa kan'ya,"
Akala ko mas lalo siyang magagalit pero hindi, tumawa lang siya. Pinalo niya pa nga sa braso si Mr. Hawkson na seryosong nakatingin lang sa 'kin.
"Ah talaga? So naniwala ka naman?" tawang-tawa niya pang sambit sa 'kin.
Tangina, pinagti-tripan ba 'ko nito?
"Ano nakakatawa?"
Kita ko kung pa'no niya pilit na pinipigilan 'yung tawa niya. "Nothing, natawa lang ako sa marka mo. Ang panget kasi 'e, buti pa 'yung sa 'kin. Sobrang ganda,"
Sa kan'ya? Meron din siya?
Dahan-dahan niyang binaba 'yung kwelyo niya sa bandang kaliwa kaya nakita ko 'yung napakagandang tattoo ng asong lobo. May dalawang bilog do'n na hula ko ay marka ng kagat ng aso. Gano'n din kasi 'yung akin 'e. Kaso walang tattoo, purong kagat lang tapos mukhang hindi pa gumagaling.
"Ganda 'no? 'Eto kasi 'yung totoo, fake 'yang sa 'yo 'e."
Nakaka-inggit.
"Alam mo kung bakit?" hindi agad ako nakagalaw nung lumapit pa siya lalo para bumulong, "Kasi kailangan kang gamitin para sa hukbo niya. Kailangan kang gamitin para mas lumakas siya, si Nikolas?"
Sumakit bigla ng todo 'yung kaliwang balikat ko pero hindi ko ininda. Hindi ko pinakiramdaman. Nasa iisa lang kasi 'yung isip ko ngayon.
Tangina.
Gamitin? Gamitin para saan daw? Para sa pack? Ano 'yon? Pack ng marlboro? Fortune? Potek na babaeng 'to, ang daming alam! 'Tsaka para ano pa daw? Para lumakas si Nikolas? Huwaw grabe, naniniwala kayo do'n? Lakas na ng amats ng babaeng 'to, pwede ko na siyang ipa-tokhang. Pero dapat kanina ko pa ginawa 'e. Tengene, pinapasakit niya 'yung kaliwang balikat ko.
Tinarayan ko nalang siya at tinalikuran. Wala akong panahon sa mga baliw na babae.
"You don't believe me?" naramdaman ko 'yung paghila niya sa braso ko kaya napalingon ulit ako sa kanila.
"Ano na naman? Inaantok na 'ko 'e," kunwaring bagot na bagot ko pang sambit pero deep inside, sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Gusto ko na lang pumunta sa kwarto para do'n umiyak.
"Ayaw mong maniwala sa marka ko?" tumawa ulit siya ng pagak sa 'kin, "Ba't hindi mo itanong sa lola mong mahal?"
"Ano?"
Ngumiti muna siya sa 'kin na parang nang-aasar, "Gulat ka? Oo alam ng lola mo 'yon. Puntahan mo kaya? Tapos itanong mo na rin kung nagsisinungaling ba 'ko," bigla niyang hinimas 'yung mukha ko pero hindi ako nag-react.
"Hailey! Tumigil ka na! Hindi na 'yan 'yung dapat mong sinasabi!"
Tinulak ko si Mr. Hawkson sa gilid nung sinubukan niya 'kong pigilan na hawakan si mukhang sex doll sa braso. Hindi naman siya nagtagumpay kaya agaran akong lumapit at hinuli 'yung braso ni Hailey. Hinigpitan ko pa talaga para wala siyang kawala sa tanong ko.
"Potangina ka?" mahina pero nanggigigil kong sambit, "ALAM MO KUNG NASA'N 'YUNG LOLA KO?! ALAM MO?! ALAM NIYO?!"
"Jhenica..."
"TUMAHIMIK KANG BULLSHIT KA!" sinigawan ko si Mr. Hawkson na biglang sumingit sa 'min. Natakot yata sa panlilisik ng mata ko kaya bigla siyang napapunta sa likod ni Hailey the sex doll.
Tumingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko na kasaluyang nanglalaki 'yung mata, "Of course I know! Ba't hindi mo alam?"
"SAAN?! SABIHIN MO SA 'KIN KUNG SAAN!"
"Ouch! You're hurting me!" she tried to struggle but she can't. Miski giling hindi niya magawa. Sobrang higpit kasi ng kapit ko sa braso niya kaya ganern.
"SAAN NGA?!"
"Sa papa mo! Kinuha siya ng papa mo!"
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top