MARK 44
KABANATA 44
"Huy Jemay! Ayos ka lang?"
Muntik ko nang mabitawan 'yung puso ko sa gulat. Bwisit ampota! Ikaw ba naman gulatin ng bruhang babae tapos tatapat pa talaga sa mukha mo? Jusko indays! Buti hindi ako pinanawan ng ulirat.
"Oo naman, bakit?" nakataas kilay kong sagot. Tinaasan din naman niya 'ko ng kilay at mas lalo pang nilapit 'yung mukha.
"Huweh? Tologo bo?" hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating. Pero potek, makakasapak ako ngayon 'e, "Pangatlong araw mo 'to bes. Lagi kang mas maaga pa kay aling Imelda kung pumasok. Pangatlong araw na din 'to na hindi ko nasisilayan 'yung wafu mong papa, an'yare? LQ ba kayo?"
Buset na bruha! Ayoko na ngang alalahanin 'e. Manhid ba 'to? Hindi ba niya napapansin o nararamdaman man lang na sinusubukan kong magmove-on? Oo tama siya, tatlong araw na 'yung lumipas. Tatlong potanginang araw na umasa akong magpapakita ulit si kupal sa bahay. Ang ganda kasi ng pinaramdam niya 'e. Sobrang ganda! As in! 'Yung tipong gusto ko nalang mamatay? Ganern. Shutangina.
Nilapag ko nalang 'yung dala kong bag sa upuan, "Basta." sagot ko kay Shanie.
"Anong basta? Kwento naman d'yan! Three days na kaya kitang inoobserbahan. Ayoko lang magtanong kasi baka bigla kang umiyak dito,"
Gano'n na ba talaga kahalatado 'yung sakit na nararamdaman ko? Like wtf, tinanong ko pa si Lord kung pinadalhan niya lang ba ako ng gwapong lalaki? Kung pinadala niya lang ba si hudas para punan 'yung pangungulila ko kay lola? Gano'n ba 'yon? Tapos babawiin niya kapag may nararamdaman na 'ko? Kapag na-attach na 'ko? Okay lang sana kung maayos trumabaho si hudas 'e. Kaso hindi, may pasabi-sabi pang mate mate na 'yan. Paskhet, totoo ba 'yon? Parang mas peke pa sa boobs ni aling Imelda 'e. Chareng hakhak!
Nilunok ko nalang 'yung konting laway na namuo sa lalamunan ko, "Wala, saka ko na ibabalandra."
"Sus! O sige, I understand."
Ilang linggo na ring hindi pa nahahanap si lola. Muntik na ngang itigil nung mga tanod 'yung paghahanap pero sobrang thankful ko. Potek kasi, may mayaman pala 'kong amo na handang hanapin si lola kahit ibenta niya man 'tong karinderya. De joke, as if namang gagawin niya 'yon. Syempre, baka umutang pa 'yan sa payb siks huahua.
Natapos ng alas nuebe 'yung trabaho namin. Maaga kaming pina-uwi para daw makapag-simba kami ng ala sais bukas. Ipagdasal daw namin si lola na lumabas na sa pinatataguan niya. O kaya naman ilabas na ng kumuha.
"Bye Jemay! Sunduin ulit kita tom!"
"Ge, bahala ka."
Etong bruhang 'to, kunwari nagsusundo pa 'e halata namang makikichismis lang kung bumalik na ba si hudas. Tengene, 'di na nga yata babalik 'yon. Pero okay na rin, atleast may instant taga-sundo ako araw-araw 'di ba? Kulang nalang sana 'yung kotse o kahit bike man lang. Tapos syempre, siya 'yung driver. Like duh? Hindi bagay sa 'kin 'yon. Baka mabawasan pa porsyento ng pagiging dyosa ko.
"Hayst," napabuga ako ng hangin bigla.
Wala lang, bigla kasing may pumasok na masamang hangin sa ngala-ngala ko.
Umiling-iling ako at tinuloy ang paglalakad. Actually, kanina pa 'ko nandito sa tapat ng bahay namin. Pero nagdadalawang isip ako kung bahay ba namin 'to? Shutangina, may kotse kasi! May kotseng nakaparada sa tapat pa talaga ng de buhat naming gate! Potek, at sino namang hudas ang haharang sa papasukan ko? Kanino ba 'tong potanginang shining, shimmering, splendid na pink na kotseng bulok na 'to?
Sa sobrang pagtataka ko, mabilis akong lumapit do'n at tinampal-tampal pa 'yung hood ng kotse. Ewan ko ba kung may tao sa loob, tinted na tinted kasi 'yung wind shield. Wala akong maiinag kung may nilalang ba do'n.
"Hey! Hey! Stop it! You're making gasgas to Pinky!"
"Pinky?"
Napaatras ako ng bongga sa biglaang paglitaw ng sex doll. De joke, sobrang laki kasi ng boobs. Nahiya naman daw 'yung tanim na pakwan ni manang Lusing.
"Yes! My baby's name is Pinky! It's a brand new car! Ikaw palang ang nakakagawa no'n sa kan'ya! How dare you!"
Dinuro-duro pa niya 'ko habang lumalapit. Like wtf? Gawin ko kaya siyang baseball bat tapos ipalo ko sa wind shield ng shining, shimmering, splendid na pink na kotse niya? Potangina lang kasi 'e! Buti nga hindi ko pa sinuntok-suntok 'yung hood no'n. Baka mamaya, umiyak siya d'yan kapag ginawa ko talaga.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay at tinuro 'yung nakaka-shet niyang sasakyan, "Nakaharang kasi, pakitanggal."
Kitang-kita ko kung pa'no nanlaki 'yung kulay orange niyang mata. Para siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sus! Ako rin 'e, hindi makapaniwala sa mukha niya. Totoo ba 'to? Baka plastic? Oh nooo!
"Why would I remove my baby here? There's no even sign saying like 'No Parking' or 'Don't block the drive way'! Sino ka ba? Ikaw-"
"Hailey!"
Sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag sa kan'ya. Magtataka na sana ako kung sino 'yon pero pakshet, 'wag na pala. Bakit nandito 'to? Anong ginagawa niya dito? Don't tell me, girlfriend niya 'tong babaeng mukhang sex doll na 'to? Well, hindi na 'ko magtataka. Bagay naman sila 'e, pero medyo-medyo lang.
"Mr. Hawkson?" kunwaring gulat kong tanong.
"Jhenica,"
Lumapit siya sa 'min at hinawakan sa braso 'yung big boobs na babae, "Stop it."
"What? I'm just telling some facts to her!"
"I said stop! You want to find your mate right? You should talk to her nicely!"
Unti-unting kumalma 'yung babae na hindi ko alam kung bakit. Pero may narinig ako 'e, ano daw 'yon? Mate daw? Familiar ah. May gano'n din ako 'di ba? Same pala kami.
"So this is the bitch?"
"Hailey!"
"What? Totoo naman 'di ba? I wouldn't call her that if it isn't true!"
Sino bang 'her' 'yung binabanggit nila? May iba pa ba kaming kasama dito? Baka 'yung ipis? Pero teka, pa'no nila nalaman na babae 'yon kung gano'n?
Mas lalo ko nalang tinaas 'yung kaliwang kilay ko. Sobrang sama na kasi ng tingin sa 'kin ng babaeng mukhang sex doll na 'to! Susmaryosep, gabing-gabi na 'e. Makikipag-away pa ba 'ko? Baka hindi pakinggan ni Lord 'yung wish ko bukas sa simbahan niyan. Pero isang sapak lang naman 'e, marami naman akong hiling kaya baka isang hiling lang din 'yung hindi pakinggan ni Lord.
"Excuse me?" tiningnan ko sa mata si Mr. Hawkson, "Paki-alis nalang nung kotse. Hindi kasi ako makadaan,"
"Oh! Sorry!" agad namang umalis si ex-crush at binuksan 'yung pintuan ng sasakyan.
Gumilid ako para hindi mabangga, syempre, alangan namang harangan ko pa? Edi hindi naka-alis 'yan diyan. Gumilid din naman si Ms. Sex doll habang nakatitig sa 'kin ng masama na para bang may kinuha akong importante. Like wtf? Kilala ko ba 'to? Anong aagawin ko sa kan'ya?
Hindi ko nalang siya pinansin. Papasok na sana ako sa loob pero laking gulat ko nung may humawak sa palapulsuhan ko.
Potangina! Ang higpit! Bumabaon pa yata 'yung kuko!
"And where do you think you're going?"
"Aray! Gaga!" binawi ko nang malakas 'yung kamay ko at tinulak siya.
"Bitch! Stay here and let's talk!"
Da hek? Gusto ba nito ng away? Ganitong oras pa talaga ah? Ano 'to? Ibang technique ng mga budol-budol?
---
A/N:
Sorry natagalan, been busy these days kasi :<
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top