MARK 42

KABANATA 42

"Rawr..."

"Damn you!"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakikinggan 'yung mura niya? Aakyat ba para kumuha ng shotgun? o aalamin kung totoo ba 'yung hinala kong hindi tao si hudas? What to choose guys? Marami namang bala si lola sa taas. Hindi rin naman ako detective para mag-alam ng kung anong obyus na. Obvious na nga 'e, aalamin ko pa ba? Huahua.

"Budam..."

"What--shit!"

Sus! May pa-shit shit ka pang nalalaman! Huli na kita oy! Anong akala mo sa 'kin? Kamag-anak ni aling Imelda? Kapatid ni bruha? Tse! Dyosa ako! I'm rare! 'Tsaka halatang-halata na siya 'di ba? Dati ko pa talaga pinagdududahan 'tong si hudas! Engkanto, maligno, kabayo, at kung ano-ano pa! Pero isa lang talaga 'yung tumama. Alam ko na kung ano siya. Tsk! Mapagpanggap na nilalang!

May binato ulit 'yung gray na dambuhala sa kan'ya kaya napatingin ako do'n.

"Rawr..."

Kitang-kita ko kung pa'no mahigpit na hinawakan 'yon ni hudas, "Wait for your punishment, beta." malamig at may diing sambit pa nito habang sinusuot 'yung short na binigay sa kan'ya.

So bilang isang virgin na babae, syempre tinakpan ko 'yung mata ko. Short lang kasi 'yung binigay! Asan na 'yung brief? Boxer? Ba't hindi kasama 'yon?! Edi nakalutaytay lang mamaya 'yung ano ni hudas? Huwatdahek! Ayoko na! Nakakatakot! Kahit nakapasok na 'yon sa loob, feeling ko tutuklawin pa rin ako 'e! Susmiyo!

Pero teka, nabasa niyo 'yon mga beshangs? Siraulo 'to! Kausapin ba naman daw 'yung gray na dog? Huwaw ha! May punishment pa! Ano 'yan? Alila mo? 'Di na pala 'ko magtataka. May taga-deliver ka nga 'e.

"Baby..." naramdaman ko 'yung kamay ni hudas sa pulso ko. Pinipilit niyang tanggalin 'yung takip sa mata ko kaya mas lalo ko pang diniin sa 'kin. "Hey, please look at me,"

"Ayoko!" iniwas-iwas ko 'yung mukha ko sa kan'ya, "Ayoko sabi! May ahas!"

"Ahas? There's no snake in here!"

"Meron! MEROOON!"

"Where?" napaigtad ako ng bahagya sa bulong niya.

Sheeet! Ano 'yon?! Bakit ang lapit niya? Ang bilis naman ni kupal! Siguro nag-squat siya sa harapan ko. Naka-upo pa rin kasi ako sa sahig. Nakatupi rin 'yung tuhod ko kaya nararamdam ko 'yung mga hita ni hudas na parang iniipit 'yung hita ko. Bwisit na 'to! Malande ka ah! Enebe nemen 'yen!

Binuka ko nalang 'yung gitna ng mga daliri ko, "Ayan oh! May ahas! Malake!" sabi ko sabay nguso sa gitna ng shorts niya.

Kitang-kita ko 'yung mapaglarong ngisi niya kaya tinarayan ko siya ng todo. 'Yung tirik na tirik talaga. Mas mataas pa sa Mt. Everest ganern.

"Silly, let's go inside."

"Sili? Anong sili? Sili-sili maanghang? Tubig-tubig malamig? Tse!"

Tuluyan na siyang natawa at umiling-iling, baliw na talaga 'to guys. Sayang.
Gwapo pa naman. Maganda sana kung magsasama 'yung genes namin. Kakaibang lahi siguro kalalabasan no'n. Pero syempre, ayoko sa siraulo! Magagawan naman ng paraan 'yon kaso ayoko ring maging Harley Quinn sa buhay ni Joker. Mahirap 'yon 'e, baka mabaliw din ako.

"Tawa-tawa ka d'yan! Anong klaseng nilalang ka ba? Alien ka 'no? Sagot!"

"Rawr..."

Marahas na nilingon ni hudas 'yung dambuhalang aso na nasa likod. Akala ko mumurahin niya ulit 'yon. Akala ko nga dadambahan na kami 'e. Pero laking gulat 'ko nung yumuko lang 'yung hayop na parang takot sa among namamalo. Alam niyo 'yon? Na-try niyo na bang ambahan 'yung mga aso ng tsinelas? Tapos bigla silang yuyuko o kaya naman iiwas na parang takot na takot? Ganern! Pakshet, ang dami naman yatang alaga nitong ni hudas?

Napataas nalang 'yung kilay ko nung naiinis na sinuklay ni hudas patalikod 'yung mabaha niyang buhok, "Shut the fuck up dog! I can explain it to her! Don't stick your noses as if she's your mate! She's mine! Mine!"

"Rawr..."

Hindi ko ma-gets 'yung sinabi ni hudas. Explain? Anong ie-explain niya? 'Tsaka mate? Ano 'yon? Textmate? Classmate? Playmate? O baka naman housemate? Da hek! Pakilinawan please! Dumudugo na 'yung buhok ko! I kent take this anymore!

Mas lalo namang yumuko 'yung tatlong aso. As in yukong-yuko talaga. Parang nakadikit na nga 'yung mga nguso nila sa leeg nila 'e. Ganern. Pero why? Bakit? Parang kanina lang chill-chill kayo ah? Bakit ngayon, sobrang amo niyo na? Huwaw ha! Huwaw!

"H-Huh?" hinampas ko ng bahagya si hudas sa balikat niya, "Anong sasabihin mo sa 'kin? Explain mo na dito!"

"I'll say it inside. Please?"

"Sige! Sa loob! Pero pagkatapos nito, aadobohin ko 'yang mga alaga mo ah!"

"R-Rawr?"

Marahas na tinignan ulit sila ni hudas kaya bumalik ulit sila sa pagkakayuko. Like wut bitch? I'm with the boss! You can't do anything about it!

Mabilisan akong tumayo at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa sofa namin sa sala at doon umupo. Akala ko mamaya pa susunod si hudas. Pero nagulat ako nung pagka-upo ko, nand'yan na rin siya. Animal! Ano 'yon? Iniwan niya 'yung mga alaga niya sa labas? Pa'no kung nakawin 'yon ng ibang kapit-bahay 'di ba? Tapos unahan pa 'ko sa pagbenta! Jusko! That can't be happened!

Oh tamo, napapa-english na 'ko ngayon!

"So what? Ano na? Explain na 'oy! Hahanapin ko pa si lola!"

Umayos naman siya ng upo at tumingin sa 'kin. Akala ko magsasalita na siya. Pero pakshet! Lumapit si gago! Hindi ba nito alam 'yung keep distance? At humarap pa talaga sa 'kin ah! Nakuuur! 'Yang pula mong mata! Kung 'di lang 'yan gan'yan, baka dati ko pa tinusok ng pinky finger ko 'yan. Sayang 'yung kulay 'e, naawa ako.

Titig na titig siya sa 'kin mga bes, parang tinatansya pa niya kung sa'n siya magsisimula.

"I'm a werewolf,"

"Ah okay, tapos--HA?! WOLF KA?! HALA! HINDI KA ALIEN?!" gulat na gulat kong sambit. Pero seryoso pa rin 'yung mukha niya, "Okay, sabi ko nga 'e. Mamaya na 'yung tanong-tanong hehe."

Sinuklay niya ulit 'yung buhok niyang mahaba at dinilaan 'yung labi, "We were born hybrid. Half human, half wolf. We also has this Goddess in which we call the Moon Goddess. She's the one who gave us this ability, the one who created us and also the one who has the rights to choose whom should we live our life for, to love for, until eternity." seryosong sambit nito. Naramdaman kong bigla 'yung mga binti niya sa binti ko kaya napagtanto kong mas lalo pa siyang lumapit.

Hudas ka talaga! Galawang manyakol! Mabilis ampeg!

"Mate," kitang-kita ko kung paano kuminang ng madalian 'yung pula niyang mata habang nakatitig sa 'kin ng mariin, "Ayon ang tawag namin sa mga taong itinakda sa 'min. Wolves are already bound to someone. If a wolf found his or her mate, he or she should mark the chosen to claim what's righfully his or hers. " hindi ko alam kung anong pinaparating ni hudas o kung para saan 'yung explanation niya tungkol sa mate na 'yan. Ang gusto ko lang naman malaman ngayon, ay potek! Nagtatagalog pala si hudas! Shutangina.

Pero wait, kung gano'n nga... Edi may mate na pala siya? Wolf siya 'di ba? Kaya naman pala ang laki ni Budam! May kakaibang lahi ang hayop! Buset!

"So... May nakatakda na sa 'yo?" dismayadong sambit ko. Like OMG? Pa'no na si dyosa? Pa'no na 'yung magandang lahing pinaplano ko?

Unti-unti siyang tumango ng dalawang beses na tuluyang nagpaguho sa mundo ko, "Of course I have, and actually... I'm looking at her now." mahinang sambit niya.

Looking? Nakatingin 'yon sa tagalog 'di ba? Sa'n ba siyang nakatingin? Huahua. Sa 'kin? Sa 'kin malamang! Ako lang naman kausap niya dito 'e! Humaygas!

"H-Huh? A-A-Ako?" agad na bumaba 'yung tingin ko sa labi niya nung bigla siyang ngumiti sa tanong ko. Potek! Ba't siya pangiti-ngiti d'yan?! Kinakabahan na nga 'ko 'e! Keleg-keleg na rin! Shutangina!

"Yes baby, you're my mate. Akin ka,"

---
A/N:

UNEDITED PA RIN POOO!

Facebook: Keian Imex


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top