MARK 41

KABANATA 41

"RAWR!"

"Humaygas! 'Wag mong palagan, Budam!"

Susmiyong aso 'to! Anong laban niya d'yan sa tatlong dambuhalang 'yan? Wala! Napaka-imposibleng manalo 'to! Kitang-kita palang sa line-up 'e. Buti sana kung may kasama si Budam, kaso wala. Isang dyosa lang na tumalsik pa sa gilid 'yung nandito. Anong role ko d'yan mamaya? Taga-cheer? Huahua.

Ramdam na ramdam ko mula dito sa 'yung tensyon ng titigan nila. Ang tapang-tapang po ni Budam. Kanino kaya nagmana 'to? Baka tigre tatay niys tapos dragon naman 'yung nanay? Jusko ah. 'E pa'no kasi, siya lang 'yung galit sa kanila. Halatang-halata dahil labas lahat ng ngipin at pangil niya. 'Yung tatlo naman, parang easy-easy lang na pinagti-tripan 'yung aso namin. Kawawa naman. Bakit ba kasi highblood 'tong si Budam? Ayaw niya ba ng friends? Pwes, ayaw ko rin. Okay na pala 'yang ginagawa niya. Beri beri good dog. Tama lang na paalisin mo 'yang mga 'yan. Baka maaga pa 'kong mamatay dito kapag sumama pa 'yang mga 'yan sa loob.

"GRRR! RAWR!"

Napabuntong-hininga nalang ako. Like OMG? Huwaw Budam! Ngayon ka na nga lang nagpakita galit ka pa? Kausapin mo ng maayos 'yan para umalis! O baka naman nagagalit ka kasi kabit ng asawa mo 'yung isa sa mga 'yan? Pakshet, asan na ba 'yung itak ni lola? Hindi ako makakapayag na loko-lokihin lang nila 'to! Step-cousin ko yata 'yang dambuhalang 'yan! Hakhak!

"Budam! 'Wag na! Halika ka na!"

"RAWR!"

"Sabing 'wag na 'e! Isusumbong kita kay hudas! Hudas! Asan ka na ba?!" sigaw ko.

Pagalit akong tumayo mula at sumilip sa sala namin. Hinanap ko do'n si hudas. Pero wala na ito.

Hala shet? Sa'n nagpunta 'yon? Wala namang ibang labasan sa bahay namin bukod dito sa harap ah? Ay meron pala, doon sa likod-bahay. May pinto. Kaso may pader do'n kaya dapat diretso dito sa labas 'yung dadaanan niya. So bakit wala siya do'n? Shutangina, 'di kaya... Nag-teleport siya papuntang kalawakan para takasan ako pansamatanla? Imposible namang pumunta 'yon sa mundo nila aling Imelda. Napaka-imposible. Bakit? 'E si aling Imelda lang naman tinatanggap do'n 'e.

"GRARF!"

"RAWR!"

Binalik ko 'yung tingin ko sa kanila. And tengene guys, galit na galit pa rin po si Budam. Samantalang dumidila lang sa paa 'yung isang dambuhala na nasa likod. Bakit ba kasi ayaw pa nilang umalis? Hindi ba sila natatakot kay Budam? Ang laki-laki niyan oh! Sabagay, malaki din naman sila. Pero medyo mas may lusog 'yung aso ni lola. Parang kapag nakipag-1v1 siya sa isa sa mga 'yan, isang kagat at wasiwas lang ng nguso ni Budam, bali-bali na siguro buto no'n.

Hinampas ko ng malakas 'yung pinto namin para manakot, "Alis! Chooo! Chooo!"

Sa sobrang lakas ng paghampas ko sa pinto, pati ako natakot. Pero sila? Potangina. Tumingin lang sila sa 'kin. Pinanlakihan ko pa ng mata si Budam kasi biglang nawala 'yung angil ng nguso niya. Nakatingin na kasi ito sa 'kin na parang 'di makapaniwala. Ewan ko! May gano'n? Pa'no niya matatakot 'yang mga 'yan kung hindi siya aangil tapos ilalabas 'yung matatalas na ngipin 'di ba? Tumulong na nga 'ko 'e. Joke ba 'yon? Joke 'yung paghampas ko? Ihampas ko sa inyo 'tong pintuan 'e. 

"Rawr,"

"O bakit? Tahol ka lang! Takutin mo!" naiinis na sambit ko sa bwisit na aso ni lola, "Arf arf! Ganern! Dali!"

"Rawr..."

"Tangina naman 'e."

Napasabunot nalang ako sa inis. Ang hirap naman utusan ni Budam! Ano ba naman 'to! Kanina lang galit na galit siya ah? An'yare na ngayon? Wat da hek guys! Bopilar pala 'tong asong 'to! Muntik ko nang makalimutan! Susme, sinong mag-papaalis sa mga 'yan? Alangan namang ako 'di ba? Nasa'n na ba kasi 'yung hudas na 'yon?! Kung kailan kailangan, saka pa mawawala. Duwag ampota, siguro takot 'yon sa mga aso!

Kinamot-kamot ko 'yung kilay ko at masamang tinignan si Budam, "Ayaw mo talaga? Bwisit."

Parang no choice ako ngayon mga bes ah? Hindi naman siguro ako sasakmalin ng mga 'to? Pa'no ba magtaboy ng aso? Patulong naman! Tengene.

"Rawr,"

"Bahala ka na nga!"

Nagdadabog na pumasok ako sa loob. Balak ko kasing kumuha ng armas. Pwede sana kung walis kaso nasa labas pala 'yon. 'Yung hanger nalang na pinanakot ko kay hudas dati. Masakit din naman 'yon kapag hinampas ko 'e. Pero syempre, hindi ko sila sasaktan. In case lang naman na lapain nila 'yung sexy kong body, atleast 'di ba? May laban din ako.

Tinakbo ko paakyat 'yung hagdanan. Hindi kasi ako makakalabas kung nand'yan pa sila sa harapan. May gagawin pa 'ko 'e! Hahanapin ko pa lola ko! Buset amp. Buti sana kung kila bruha nalang sila tumambay 'di ba? Maraming chicks na aso do'n! Isa na si Shanie. Huahua.

"Eto nalang, may daggers." sambit ko pagkatapos kong kunin 'yung hanger na may mga sipit.

Alam niyo 'yon? Hindi 'no? Panty lang yata nilalabhan niyo 'e. Hakhak! Char.

So ayon po, dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa hamba ng pintuan. Syempre, medyo malayo sa kanila. Wala 'kong nadalang shield guys. Pang-harang ko nalang si Budam. Malaki naman siya 'e.

Sisigawan ko na sana sila para makipag-riot nung mapatigil ako sa naabutan. Like OMG? Hayop talagang animal 'to! Tignan niyo! Galit na galit na naman do'n sa tatlo! Kanina hindi 'di ba? Gan'yan po siya. Gan'yan kabilis magbago 'yung mood. Nakakapunyeta 'no? Nag-effort pa 'kong kumuha ng armas jusme. Pero okay na rin, ba-back-up-an ko nalang 'tong hayop na 'to.

Tumayo ako sa likod ni Budam at sinigawan 'yung tatlo, "Hoy mga anima--"

"Rawr!"

Dinuro kong bigla si Budam ng hanger, "Shattap ka lang d'yan! Stay put okay?" pagbabanta ko pa dito na tinahulan niya lang.

Hindi ko nalang din siya pinansin at binalik 'yung tingin sa harap. Sisigaw na sana ulit ako para manakot nung bigla akong napaatras. Pakshet kasi guys! Tumayo 'yung kulay gray! 'Yung akala kong ex ni Budam! Pota! Titig na titig pa sa 'kin na parang tine-testing ako! Wat da hek! Bakit sa 'kin? Ako ba tumambay? Ako ba? So bakit gan'yan siya makatingin? Parang gusto na niya 'kong i-snatchin sa likuran ni Budam at kidnappin 'e! Susmiyo!

Sa sobrang pagtataka ko, balak ko na sanang ibato 'yung hanger sa kan'ya. Pero bigla siyang tumalikod at naglakad. Akala ko naman aalis na siya. Magye-yehey na sana ako kasi mababawasan na sila. Kaso hindi pala. Potek lang! May kinagat lang pala siyang kwintas na suot nung isa nilang kasama! Anong gagawin niya d'yan? Ibibigay kay Budam? Hoshet, don't tell me... nililigawan niya 'to? OMG. May asawa na po si Budam! Taken na siya! 'Di na virgin!

"RAAAWR!"

Nagulantang ako ng bahagya dahil sa malakas na tahol nung asong shield ko. Anong problema? Bakit parang mas lalo lang siyang nagalit? Ayaw niya ba nung kwintas? Huwaw ha! May pagka-choosy naman pala 'tong asong 'to! Anong gusto mong ibagay niyan? Flowers? Roses? Sosyal!

Hinanda ko 'yung hanger ko. Unti-unti na kasing lumapit sa 'min 'yung gray na may kagat na kwintas.

"Rawr..."

"RAAAWR!"

Napa-atras akong bigla. Tengene kasing Budam amp! Bigla akong inatrasan! Parang takot na takot na talaga si hayop! Kwintas lang naman 'yun ah? Papatayin ba siya niyan? Haysus!

"Wag kang lalapit! 'Wag na!" dinuro-duro ko pa siya gamit 'yung hanger kong may daggers. Pero mukhang wa epek. Lumalapit pa rin 'e.

Tinaas ko nalang 'yung hawak kong armas. Balak ko na kasi sana siyang batuhin no'n. Kaso potangina. Nauna siyang magbato! Binato niya 'yung kagat niyang kwintas kay Budam! Huwaw ha? Gano'n ba kayo magbigay ng regalo? Nakanang. Sobrang sweet naman no'n. Sinusurot yata ako. Nahiya na 'yung langgam na lumapit 'e. Hindi daw nila keri 'yung katamisan.

"RAAAWR!"

Parehas kaming natumba ni Budam sa lapag. Bakit ba kasi siya atras ng atras?! Potangina! Iniiwasan niya ba 'yung kwintas? 'E hindi naman niya maiiwasan 'yon 'e! Nakalimutan na ba nitong malaki siya?!

Tatayo na sana ako para bugbugin si Budam. Nakaka-bwisit 'e! Grrr! Ang bigat niya! Kaso hindi ko na natuloy nung bigla siyang lumiwanag. Napatakip nalang ako ng mata. Nakakasilaw 'e! An'yare ba? Naging ilaw na ba si Budam? Kukunin na ba siya ni Lord? Mahiwang portal ba 'yung kwintas? I kent anderstand guys! I kent!

"Damn you! Fuck!"

Kinusot-kusot ko 'yung mata ko at dumilat. Pero parang gusto nalang din  pumikit ulit! Pakshet!

"KYAAAAAAH! HUDAS?! TAKPAN MO! TAKPAN MO DALI!"

Shutangina! Anong ginagawa ni hudas sa hita ko?! Nasa'n na si Budam? Nasa'n na naman 'yon?! Kinuha ba nila si Hudas sa CR tapos dinala sa hita ko?! Bakit siya nakahubad?! LIKE OMG! May namumuo nang ideya sa utak ko pero nawawala agad kasi hindi ko makalimutan!

Ang lake kasi no'n!

---

A/N:

UNEDITED.

Facebook: Keian Imex










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top