MARK 40

KABANATA 40

"Baby, huh?"

Napakamot ako sa kilay ng wala sa oras. 'Eto kasing hudas na 'to! Sobrang harot! Ayan tuloy, nagtaka sila. Baka iniisip na ng mga 'yan kung bakit mo 'ko tinatawag ng gano'n. 'E hindi naman ako mukhang baby. Tengene, ang layo mga bes! From dyosa to mukha bata? Lol. Huwag ako, kahit si aling Imelda nalang. Mas gusto pa no'n matawag na baby. Pero syempre, okay lang naman din sa 'kin na tawagin akong gano'n. Basta ba si hudas 'yung tatawag. Hekhek.

Tinry ko ulit ipakita 'yung makalaglag kong ngiti, "Ahehehe, wala po 'yon sir! Kausap niya kasi 'yung namatay niyang anak. Baliw na kasi 'yan 'e. Sayang tuloy 'yung kapogian 'di ba?" pagtatanong ko pa sa kanila.

Rinig ko naman 'yung isang pagak na tawa ni poging may pandesal sa 'kin sabay tingin ng masama kay hudas. 'Yung tingin na parang sinasabing 'Are-you-kidding-me?' huahua. Hindi yata 'to naniniwala 'e! Mukha ba 'kong nagsisinungaling? Best actress kaya ako! Lahat ng sinasabi ko makatotohanan kahit hindi naman! Hmp!

Ngumiti sa 'kin 'yung si poging may dimples, "Yeah, you're right. Sayang nga," medyo natatawa pa nitong sambit.

"Tsk, fools."

Pinanlakihan ko ng mata si hudas dahil sa sinabi niya. Letseng 'to! Mas lalong pinapalala 'yung tensyon 'e! Sige! Potangina ka! Hindi mo na 'ko pwedeng tawagin na baby kapag umuwi kang may bangas 'yung mukha! Bawal panget sa bahay 'no! Kaya bawal ka na do'n! Subukan mo lang na makipag-away dito, hinding-hindi ka na makakatapak pa miski sa tapat ng bahay namin.

Umigting naman 'yung panga niya at umirap sa 'kin. Aba! Mataray ka na ngayon? Isang bawas ng kanin kada tatawagin mo 'kong baby mamaya. Syempre, isang butil lang. Mabait pa 'ko sa 'yo 'e. Baka pumayat ka tapos mawala pa 'yung abs mo. Concern dyosa lang naman.

"Hm? Afraid of her, huh? Dude! You're really an asshole."

Ha? Ano daw? Sinong kausap nitong si Mr. Hawkson? Jusme, don't tell me siya talaga 'yung may patay na anak tapos kinakausap 'yung kaluluwa? OMG! May third eye pa yata si gago.

Magtatanong na sana ako kung ano 'yon nung biglang lumabas na si aling Imelda. Kasama niya si kuya Eman at si bruha sa likod. Pakshet, pa'no napunta si Shanie sa kusina? Do'n ba siya dumiretso? Huwaw ha. Ang bilis gumalaw ni gaga! Dinaig si Flash! Buti pa 'ko, tamang talikod lang kanina. E siya? Jusko, siguro nag-ayos pa 'to sa kusina. Halata sa blush 'e. Diretsong-diretso! Pati ilong meron amp! Ano ka na 'te? Lasing?

"HELLO AGAIN MR. HAWKSON AND ANOTHERS! I'M SORRY I'M LATE! CAN I COME IN? I JUST SAY TO MY COOKER THAT YOU HERE IN MY RESTAURANT! AND HE SMILE BECAUSE HE HAPPY! TEETHS WHITE! HEHE!"

Biglang umayos ng upo silang tatlo at sabay-sabay na kumunot 'yung noo.

"Huh?"

"AHEHEHE! YOU DON'T UNDERSTAND? THAT'S ENGLISH!" tumango-tango pa si aling Imelda sa kanila na parang nag-aarigato sa Japan. Buset! Kakaibang ingles naman kasi 'yon! May halo pa yatang ibang lenggwahe. Sakit tuloy sa ulo huahua. Pero medyo naintindihan ko naman. Syempre, sanayan lang 'yan mga beshangs! Sanay na kami d'yan. Kung baga, batikan na.

Hindi sumagot 'yung tatlo kaya napakamot nalang si aling Imelda sa kilay habang tumatawa. Akala ko may sasabihin pa siya. Pero biglang may binulong si bruha sa kan'ya kaya napataas 'yung kilay ko. Huwat? Ano 'yon? Bakit sa 'kin ka na nakatingin 'tong si amo?

"WIT A MINUTE MR. HAWKSON ANG ANOTHERS! I CALL JEMAY MUNA." hala? Bakit ako? Bakit damay ako d'yan? Susme! Bruha ka talagang gaga ka! "HALIKA NGA DITO, JEMAY! COME!"

"P-Po? Sige po,"

Habang lumalapit ako, ramdam na ramdam ko 'yung mainit na titig sa 'kin ni hudas. 'Kala niya hindi ko nararamdaman? Buset na kupal! Bakit gan'yan siya makatingin? Parang mapipigilan mo 'ko d'yan ah? Pwe! Bahala ka! Ewan ko sa 'yo! Lagi ka namang masama kung makatingin! Gawin kong violet 'yang mata mo 'e. Tignan natin kung makadilat ka pa.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumalikod nalang sa banda niya. Dumiretso ako kay aling Imelda habang nakayuko. Tumabi din ako sa kan'ya tulad nung pwesto ni bruha sa kabila. Mukha tuloy kaming ia-arrange marriage ni Shanie sa tatlo. Nakanang! Cinderella ang peg? Kami 'yung kontrabida ganern? 'Yung stepmother na may dalawang panget na matapobreng anak? Jusko! I kennat. Ang dami ko nang na-iimagine. This is bad.

"Bakit po aling Imelda?" tanong ko agad pagkalapit ko.

Lumapit siya sa 'kin hanggang sa tumapat 'yung delikado niyang bunganga sa tenga ko. Like OMG? Bakit nilapit pa?! Shutangina! Ayoko pang mabingi guys! Ayoko pa! Gusto ko pang marinig 'yung mga baby-baby ni hudas! Chareng. Huahua.

Kinagat ko nalang 'yung ibaba kong labi at nakinig. No choice po ako, kahit nakasalalay pandinig ko dito.

"IKAW NA NGA KUMAUSAP SA MGA 'YAN. HINDI AKO MAINTINDIHAN! PARANG 'DI NAG-ARAL 'E!" mariin na bulong niya sa 'kin. At sumiyo, parang gusto ko nalang mapatampal sa noo dahil sa binulong niya. Sila pa talaga 'yung hindi nag-aral ha? Sila pa talaga. Joker yata 'tong amo ko. Hindi ako na-orient. Hakhak!

Pinanlakihan pa niya 'ko ng mata kaya walang akong nagawa kundi tumango nalang. Pakshet, anong sasabihin ko sa mga 'to? Kasalanan na naman 'to ni bruha 'e! Patay ka sa 'kin mamaya.

Nahihiyang tumingin ako sa table nung tatlo at ngumiti, "Hi sirs, masaya po kaming kayo ang una naming customer. Lalo na dahil bumalik ka Mr. Hawkson. Sana po magustuhan niyo 'yung mga pagkain na iluluto ni kuya Eman tulad ng pagkagusto niya," madamdaming litanya ko sabay turo pa kay ex-crush. Oha! Tagalog 'yon! Wala naman kasing nagsabi na hindi sila nakakaintindi ng tagalog 'e! Baka mamaya mukha lang pala silang foreigner tapos pure Filipino naman pala. Pero don't cha worry, guys. I-englishin ko 'yon.

So 'eto na nga, "In english po, welcome to our non-famous karinderya! Feel free to order anything. Such as adobo, kare-kare, menudo and more! But only filipino foods okay? No Japan, no India, no Korea and no international! Just Philippine! Hehe."

Sabay na tumango-tango si bruha at aling Imelda sa sinambit ko. Napanis siguro, magaling akong mag-english 'e. Syempre, required 'yon sa pagiging dyosa.

Lumipas ang pitong oras at alas dose na. Umalis na din 'yung tatlong pogi pagkatapos nilang um-order ng kape. Oo mga bes, kape! Akala ko naman magpapa-cater pa o kaya naman tulad nung kay Mr. Hawkson! Jusko! Sinayang pa english ko do'n ah! Pisteng yawa. Pero kanina, bago sila lumabas ng karinderya. Nakipagtitigan muna si ex-crush kay hudas na parang may sinasabi gamit 'yung mata. O baka imagination ko lang 'yon? Gano'n ba talaga 'yung mga lalaki? Ah ewan! Basta umalis na sila!

Kanina pa 'ko pabalik-balik sa loob dahil medyo marami na 'yung customer. Tanghali na kasi kaya tanghalian na rin. Sumama pa 'yung poging nagka-upo sa isang table na pinagkakaguluhan nila. Hindi naman namamansin 'yan 'e. Miski nga tignan, hindi niya ginagawa. Pa'no? Sa 'kin lang kasi nakatutok 'yung mata! Parang binabantayan 'yung bawat galaw ko! Kelan pa 'ko bumili ng sarili kong CCTV?

Lumipas pa ulit ang dalawang oras at napagpasyahan ko nang umuwi. Half day lang talaga ako ngayon. Hahanapin ko pa si lola 'e.

"O SIYA SIGE! KAKAUSAPIN KO RIN 'YUNG KAPITAN DOON SA KABILA PARA MAGHANAP! SANA WALANG NANGYARI D'YAN SA KUMARE KONG IYAN! NAPAKATIGAS NAMAN KASI NG ULO!"

"Kaya nga po 'e, salamat po."

Kinuha ko na 'yung gamit ko pagkatapos kong magpaalam. Tumayo na din si hudas sa upuan niya at lumapit sa 'kin. Akala ko nga sasama lang siya, pero shet! Keleg pekpek mga bes! Kinuha 'yung gamit ko! Wala naman siyang sinabi kung bakit. Pero alam ko namang ayaw niya lang akong pagbuhatin no'n. Huahua.

Tinarayan ko nalang siya kunwari kaya napakunot 'yung noo niya, "Why?"

"Wala,"

Nauna na 'kong lumabas sa kan'ya. Feel na feel ko pa 'yung pangunguna ko kasi may poging alagad ako sa likuran. Kaso pakshet, shutangina. May epal! Ay hindi! May bruha pala! Potek, bakit nandito 'to? Half day din siya? Huweh, gaya-gaya amp!

Bigla pa siyang sumabit sa braso ko kaya tinaas ko 'yung kilay ko, "Oh bakit? Sa'n punta mo?"

"Sama ako! Hahanapin mo si lola mo 'di ba? The more the merrier! 'Tsaka may chika din ako sa 'yo," nakangiting sambit pa niya sa 'kin pagkatapos ibulong 'yung huling sinabi.

Bruha na nga, chismosa pa. Ano naman kayang chika nito sa 'kin? Baka mamaya tungkol lang sa make-up niyang diretso 'yung blush 'e. Walang kwenta. Buti sana kung may ichi-chika siyang tungkol sa pera o kaya naman sa whereabouts ni lola, baka bigyan ko pa siya ng magnum. Gano'n ako matuwa 'e. Namimigay ng ice cream.

"Ano?"

"Wait," tumingin muna siya sa likod kung nasa'n si hudas. Maya-maya, hinila na niya ko para medyo lumayo. "Alam mo ba kanina? Napapansin ko lang kasi..."

"Na ano? Huwag mo 'kong bitinen, baka ibitin kita d'yan."

Ngumuso siya sa sinabi ko, "Grabi ah! Ano kasi, napapansin ko kanina na tingin ng tingin sa 'kin 'yung sino ba 'yon? Klaus 'di ba? Nakatitig na nga siya kanina 'e! Napansin mo din ba?"

"Ewan ko sa 'yo, puro ka lande."

"Beshie naman!"

Hindi ko nalang pinansin 'yung mga ngawa niya hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad ko namang kinuha 'yung gamit ko at umakyat na sa kwarto para magbihis. Ewan ko kung ano nang ginawa nila bruha at hudas. Bahala silang mag-usap d'yan sa baba. Mag-englishan din sila kung gusto nila. Basta ako? Magbibihis ako. Magdadala rin ako ng mga towel, para kapag pinagpawisan, pwede kong punasan 'yung pawis ni hudas--ay ako pala.

Maya-maya, natapos na din ako sa pagbibihis. Sinadya ko talagang bilisan, susme. Ayoko pala sa ideyang naiwan mag-isa si hudas at bruha sa baba. Baka kung ano nang pinagkukwento ni Shanie do'n. Pero pagbaba ko ng hagdan, si hudas lang 'yung nando'n. Like OMG? Sa'n napunta si bruha? Baka lumusot na sa pwet ni ano 'to ah? Jusko.

"Done?"

"Oo, nasa'n si Shanie?"

Nagkibit-balikat siya sa tanong ko, "I don't know, maybe she's outside?"

Tignan mo 'to, ano bang nasa isip nito at pati si bruha hindi niya napansin kung sa'n nagpunta? Buset! Akala ko ba tutulong 'yon sa paghahanap? Bahala nga siya d'yan!

Napataray nalang ako sa hangin. Ang dami talagang paasang panget sa mundo. Ewan ko ba kung bakit, ang lalakas pa ng loob magsabi tapos hindi din naman pala tutuparin! Buti sana kung may paninindigan sila! 'E kaso wala 'e! Pati mukha! Umalis din sa paninindigan! Jusko!

Magsasalita na sana ako para ayain siyang lumabas para makapagsimula na kami nung may biglang kumatok sa pinto.

"Oh? Si Shanie? Bumalik pa talaga ah?" tanong ko sa sarili ko.

Tinignan ko naman si hudas at nakitang nakakunot na 'yung noo niya. Parang may 'di siya gustong nakita sa pinto. Malay ko d'yan! Sa pinto siya nakatingin 'e! Parang gusto na nga din niyang wasakin 'yon! Kung may laser lang sana 'yung mata niya o kaya naman naglalabas ng bomba! Huahua. Wat da hek?

Umiling-iling nalang ako at naglakad papalapit sa pinto. Narinig ko pa 'yung malakas na tawag sa 'kin ni hudas. Pero hindi na niya 'ko napigilan. Hawak ko na 'yung door knob 'e. Binuksan ko naman 'yon ng mabilisan. At shet, pwede ko bang isarado ulit? Pwede paki-rewind ulit author? Sana pala hindi nalang ao 'yung nagbubukas ng pinto. Sana pala gawa nalang sa bakal 'yung pinto namin! Potangina! Andito na naman si dambuhalang gray na aso!

Bakit? WHY?!

"Rawr,"

Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nung makitang hindi lang siya nag-iisa. Tatlo sila mga bes! TATLO! At magkakasing-laki pa!

PAKSHEEEEEEEEEEEEET!

"Rawr,"

Lalapitan na sana ako nung dambuhalang gray. Balak na sana niya 'kong lapitan nung bigla akong tumalsik sa gilid. May bigla din kasing lumabas mula sa loob. Akala ko kung sino lang. Akala ko nga si hudas. Sisigawan ko na nga sana. Pero potangina ulit. Hindi pala tao 'yung tumulak sa 'kin.

"RAAAWR!"

"Budam?"

---

A/N:

2024 words! My longest chapter so far!

Facebook: Keian Imex





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top