MARK 4
KABANATA 4
"BABAITAAA! BA'T NGAYON KA LANG?!"
Nanginig ng bongga ang buo kong katawan dahil sa gulat.
Jusko naman! Muntik-muntikan nang makipag-break 'yung puso ko sa katawan ko. Buti nalang naniniwala kami ni puso sa puribir bleh.
"A-ah magandang tanghali po Aling Imel--"
"BAKIT NGAYON KA LANG?! SAGOT AGAD!"
Napakagat labi ako dahil sa kaba. Shet, anong idadahilan ko? Alangan namang sabihin ko na na-late ako ng gising kanina. Baka mawalan ng trabaho ang dyosa n'yo bes, 'wag ganun.
Kung sabihin ko nalang kaya na hindi ako nagising ni lola ng maaga? Tutal naman bessy sila. Pero 'wag na. Baka matanggalan pa 'ko ng dyosang mukha kay lola dahil dinadamay ko s'ya.
Shet, isip lang ng idadahilan Jemay. 'Wag kang mag-alala, pagkatapos nito dyosa ka parin.
"ANO NA?!"
"N-n-n-n-naka--," nauutal ako madafak.
"N-N-N-N-NAKA-- ANO?!"
Ginaya pa ni Aling Imelda 'yung pagka-utal ko. Alam n'yo 'yung mukha ng taong kanina pa inis na inis kakahintay sa sasabihin mo tapos mauutal ka lang? Imagine n'yo, nanlalaki 'yung mata tapos nag-iiba na ng direction 'yung labi n'ya sa taas at baba.
Nag-isip pa 'ko ng sandali. Bala na kung anong lumabas sa bunganga ko.
"ANO BA JE--"
"Nakalimutan ko hong mag-panty kaya bumalik ako sa bahay!" Napapikit ako sa sariling dahilan. Jusko Jemay! Tanghali ngayon bruha ka! Puno ng customer!
Napayuko ako. Mamaya may nagbi-video na pala sa'kin dito dahil may dyosang nakalimutan mag-panty, "Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapasok dahil hindi pa pala ako nakakapaglaba ng panty kaya naglaba muna ako at hinintay matuyo."
"Hmm... Totoo ba iyan?" Narinig kong malumay na tanong ni Aling Imelda. Shet, malumay.
Tumango ako habang nakayuko.
"O sige, pagbibigyan kita tutal--"
"KYAAAAAH! JEMAY IS THAT YOU?!"
Madafak.
Bago pa 'ko makapag-angat ng ulo ay isang yakap ng bruha ang natanggap ko. Bumalik na pala 'tong babaeng 'to. Kala ko magbibigti na tulad nung mga nababasa ko sa pesbuk na nagpapakamatay dahil iniwan ng boyfriend o girlfriend. Ke bata-bata pa kasi naglalandi na.
"Bruha ka! Nakabili na 'ko ng damit para may magamit ako sa lamay mo. Kala ko kasi magbibigti kana matapos nung nangyari sa inyo ni Karl."
"Mas bruha ka! Ako magbibigti? Hah! Why will I waste my pretty beautiful gorgeous feslak para lang sa isang hinayupak? Magsisisi pa s'ya no!"
"Ay gusto ko 'yan! May transformation bang magaganap? Tatalbugan mo ba 'yung malanding may makalapal na labi na kabit ng ex mo?"
"No need! Hindi ko naman kasi alam na mahilig pala sa clown 'yung hinayupak na 'yun. Kaya pala tuwang-tuwa s'ya nung nilapitan s'ya ng clown na nagbebenta ng balloon sa date namin!"
"Oo bruha! Kaya nga type ka n'ya kasi hindi ka pangkaraniwang clown haha!"
"Tse! Etong mukhang 'to--"
"HOY KAYONG DALAWA! BAKA GUSTO N'YO MUNANG MAGHUGAS NG PINGGAN AT MAGPUNAS NG LAMESA BAGO MAGKWENTUHAN?!"
Napatakbo kaming bigla ni Shanie sa kusina nung narinig namin ang sigaw ni Aling Imelda. Delikado kasi talaga 'yung bunganga n'ya kaya kailangan mong matakot. Iba't-ibang malulupit na espirito ang lumalabas dun.
Sinabit ko sa isang nakabaon na pako ang pink na bag ni lola, "Hoy bruha, ako na maghuhugas. Ikaw na magpunas dun." Tinali ko ang buhok ko at nagsuot ng apron.
"Sige sige." Tumango s'ya at kumindat pa bago lumayas.
Ganun ba talaga ang mga broken hearted? Like eww... Nagiging rainbow.
By the way, si Shaniese Claminto ang nag-iisang bruha dito sa Sitio namin. De joke, s'ya 'yung isa pang katulong dito ni Aling Imelda at nag-iisang kaibigan ko na rin. Mas nauna s'ya sakin dito sa karinderia kaya senpai na 'yan haha. Lulubog lilitaw 'yan dito kasi puro landi at wasak puso sa huli.
"Hayst..." Kumuha ako ng dalawang upuan at pinagtabi. Alas dos na kaya relax relax na kami ngayon ni Shanie. Umupo ako sa isang upuan saka sumandal sa lamesa bago pinatong ang mga paa sa isa pang upuan.
Tumabi naman sa'kin si Shanie at ginaya 'yung pwesto ko. "Alam mo," panimula n'ya. "Kanina ko pa napapansin 'yang sugat mo sa noo. Ang laki naman n'yan be! Anong klaseng katangahan ba ang ginawa mo?" Napabangon ako sa sinabi n'ya. Bruhang 'to! Porket ba may sugat katangahan na agad? Ngayon ko lang naalala na may sugat pala ako. Kumirot tuloy bigla.
"Gaga! Hindi katangahan 'yun. May shet na nangyari lang kagabi." Sabi ko sabay roll eyes. Hinawakan ko naman ang sugat ko. Medyo tuyo na s'ya. Pero shet, masakit.
Sasandal na sana ulit ako sa lamesa nang marinig ko na naman ang sigaw na nanggaling sa isang delikadong bunganga.
"JEMAAAAY!"
"Po?"
Padabog akong tumayo. Naihampas ko pa 'yung kamay ko sa inuupuan ni Shanie. Buti hindi ko nadali 'yung mukha n'ya lol. Napatayo din tuloy s'ya sa gulat.
"HALIKA DITONG BATA KA! TULUNGAN MO 'KO!"
Sabay kaming napabuntong hininga ni Shanie. Sanay na kami d'yan mga bes. Bago pa kami makapasok sa karinderia ay nalagyan na namin ng shield itong tenga namin para sa mga delikadong bunganga.
"Hano daw ba kasi 'yun?" Naiinis kong tanong. Kung kailan relax time na namin ni bruha 'e.
Nagkibit balikat s'ya, "Malay. Puntahan nga natin para matahimik." At nauna pa s'ya saking maglakad. Akala mo s'ya 'yung tinawag.
Napakamot nalang ako sa labi bago sumunod kay Shanie palabas ng karinderia kung nasaan si Aling Imelda.
Napakunot ang noo ko nang maabutan namin s'yang may hawak na walis ting-ting. Mukha pa s'yang sasabog na gasolina dahil galit na galit. Lol, why is that? May pinapalo pa ata?
"CHOOO! UMALIS KA DITONG ASO KA! CHOOO! TINATAKOT MO CUSTOMER NAMIN!"
"Ay ang cute naman ng asong 'yan!"
Nabatukan ko ng bonggang-bongga si Shanie dahil sa gulat at sa sinabi n'ya.
Shit.
Bullshit.
Madafak.
Pekwak.
CUTE DAW?! ANO CUTE D'YAN? 'YUNG BALAHIBO?!
"Rawr..."
"Aray naman Jemay!"
"AY PISTE! TUMATAHOL NA S'YA! TULUNGAN MO 'KO DITO JEMAY!"
Sheeeeeet! Bakit nandito 'tong dambuhalang 'to?! Feel na feel n'ya pang umupo sa harap ng karinderia habang nakapikit 'a?!
Napaatras ako nang biglang dumilat 'yung dambuhala. Nakita ko na naman tuloy 'yung pula n'yang mata. May sore eyes ba 'to?
"Oh shet! Shanie!" Hinila kong bigla si Shanie para iharang sa harap ko. Bigla kasing tumayo 'yung dambuhala. Nakakatakot pa naman. Buti kami-kami lang nila Aling Imelda ang nandito.
Napakalaki naman kasi n'ya! Parang kumakain na s'ya ng tao 'e! Asan ba kasi si kuya Eman?! Dapat s'ya nalang 'yung tinawag ni Aling Imelda 'e.
"Rawr!"
"Oy Jemay tinatawag ka ata haha!"
"SA IYO BA 'YANG ASO NA 'YAN JEMAY?!"
"H-Huh?" Sa kaba ay 'yan lang lumabas sa bibig ko.
Bwisit na bruhang 'to, inaasar pa 'ko. Alam n'ya kasi kung gaano ako natatakot sa mga aso. Tsaka pa'no ko magiging alaga 'yan?! Ni bagong silang na tuta nga 'di ko hinahawakan, 'yan pa kayang dambuhala?! Jusko, baka nauna na 'kong pumunta sa langit kay lola kung nagkataon.
"CHOOO! ANO BA NAMANG ASO 'TO! BA'T AYAW UMALIS? KAYO NGA MAGPAALIS DITO! PAG AKO NABWISIT KAKATAYIN KO 'YAN!"
"Ay 'wag naman po Aling Imelda! Sayang 'yung ka-cutan n'ya."
Binitawan na ni Aling Imelda 'yung walis ting-ting saka naiinis na pumasok sa loob. Balak ko na din sanang sumunod kaso hinigit ni bruha 'yung damit ko. Bwisit na 'to.
"Hello! Ang cute cute mo naman!"
"Pwede ka bang umalis d'yan? Nagagalit na kasi si Aling Imelda."
"Wala kang balak umalis? Bibigyan kita ng karne basta umalis ka lang."
"Please asong cute, umalis ka na."
"Chooo~ chooo~"
Lahat na ata ng paki-usap nasabi na ni Shanie kaso waley. Halos trenta minutos na din akong nandito sa likod ni Shanie habang s'ya ay busy sa pakiki-usap dun sa aso. Hindi kasi kami pinapayagang pumasok ni Aling Imelda sa loob hanggat hindi namin napapalayas 'tong dambuhala na 'to.
"Hayst! Nabubwisit na 'ko Jemay a! Kanina ka pa d'yan! Ikaw naman kaya magpa-alis?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni bruha, "A-Anong ako?"
"Bilis na! Pagod na boses ko be!"
Bakit kasi ayaw umalis nitong hayop na 'to? Dinaan na sa takutan at pakiusap pero waley parin! Jusko! Hindi naman n'ya siguro ako sasakmalin pag nagsalita ako 'di ba? Mabait naman s'ya 'di ba? Niligtas n'ya nga 'ko kabagi dun sa mga baliw na aso 'di ba?
Shet, kaya mo 'to Jemay. Dyosa ka parin.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ipinikit ang mata ng mariin, "H-Hoy dambuhala! A-Alis ka d'yan." Mas lalo kong pinikit ang mata ko. Ayoko s'yang makita. Baka bigla n'ya kong sakmalin.
"Rawr!"
"Ay pak umalis nga! Bakit ikaw sinunod tapos ako hindi? May pagka-choosy 'tong aso na 'to a?"
Dinilat ko ang mga mata ko para makita kung totoo nga ang sinasabi ni Shanie.
"Madafak...?"
SHET KANG BRUHA KA! HINDI NAMAN UMALIS 'E! LUMIPAT LANG NG PWESTO!
*****
A/N:
UNEDITED lol~ belated merry Christmas and happy new year guys!
Add n'yo ko sa pesbuk. Kwentuhan tayo haha →@Keian Imex WP←
-K
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top