MARK 39
KABANATA 39
"WILKAM AGAIN, MR. HAWKSON AND ANOTHERS! WILKAM TO MY RESTAURANT! COME! COME!"
Nagtago ako sa gilid ng kahoy na poste. Ayoko kasing makita ako ni ex-crush. Nakakahiya kaya 'yung nangyari sa Manila! Kahit wala akong matandaan! Feeling ko nga hindi ako tumulong 'e. Sumama lang ako para magpasarap ng buhay ng panandalian. Ganern. Huahua.
Tatlong nagagandahan, nagmamahalan at magagarang sasakyan 'yung pumarada sa harapan ng karinderya ni aling Imelda. Isang kulay gray, isang kulay black at isang kulay green. Ang laki pa ng tambutso nung isa! Parang kapag binugahan ka ng usok, tatalsik ka. Hakhak! Sino naman kaya ang ma-swerteng makakatikim ng luto ni kuya Eman? Mukhang tiba-tiba na naman kami dito ah?
"It's good to see you again, miss."
"AHEHEHE! ME TOO! YOU'RE GOOD!"
Lumapit si aling Imelda do'n at nakipagkamayan kay ex-crush. Kitang-kita ko mula dito 'yung malapad niyang ngiti. Hindi naman ngumiti pabalik si Mr. Hawkson. Pero ramdam ko rin 'yung friendly awra niya kaya hindi nasayang 'yung magandang ngiti ni amo.
"Jemay,"
"Susmiyo!"
Potangina talaga nitong bruhang 'to! Busy'ng-busy ako kaka-stalk dito 'e! Ang lakas manggulat ni gaga. Wala ba siyang ginagawa? Muntik nang humiwalay 'yung puso ko do'n! Letse! Pakshet naman talaga oo. Buti nalang hindi napalakas 'yung pagkagulat ko. Kundi, paktay na. Walang kwenta 'yung pagtatago ko dito kung gano'n.
Nilingon ko naman siya at pinalisikan ng mata, "Ano ba 'yon?! Busy ako dito!" galit pero mahina kong sambit sa kan'ya.
Kumamot naman siya sa kilay, "Busy? Bakit? Ginagawa mo bang statue 'yang poste?" nagtatakang tanong pa niya. Buset lang, pwede pasampal ng isa? "Joke hehe, sino bang tinataguan mo d'yan? Balita ko may dumating daw na bisita ah? Sabi ni kuya Eman."
Sumilip din siya sa sinisilip ko at ngumanga, "Ay si Mr. Hawkson! Ang gara naman ng kotse! Sa kan'ya lahat 'yan?"
"I-serge mo."
Hindi nalang niya pinansin 'yung sinabi ko dahil busy na din siya kakasilip.
Tignan mo 'tong bruhang 'to. Nakakita lang naman ng gwapo, ayaw nang mamansin. 'Kala mo papansinin din siya 'e, pogi ba 'yan si Mr. Hawkson? Oh well, wafu siya nung crush ko pa siya. Pero ngayon? Potangina. Kamukha na niya 'yung mga kulangot ng butiki namin sa bahay. Promise, nabu-bwisit na 'ko sa mukha niyan. 'Yung bwisit na kapag hinagisan ka ng buhay na ipis, parang gusto mo nalang i-shoot sa ring 'yung kung sino man 'yon. Sorry ha? Madali lang talaga akong magsawa. Lalo na kapag ayaw sa 'kin.
"...and I would like you to meet my friends," narinig naming sambit ni ex-crush.
Friends? Sino? Friends na ba sila nung mga men in black niya? Huwaw nemen. Friendly nga si gago.
Sabay-sabay naman kaming napasulyap sa dalawang kotse na biglang bumukas. At oh shet, nagpadala ba si Lord ngayon ng mga sugo para kumain dito? Dito ba sila inutusan ni Lord para mag-almusal?Bakit parang nakakita ako ng mga matatapang na anghel? Sobrang kikisig pa! Parang si hudas lang! Pero mas matapang 'yung itsura no'n 'e. Laging masungit.
Nagkatinginan kami ni bruha habang nakanganga. Sino bang hindi magugulat sa mga 'yan? Kilala ko 'yung isa 'e! Si poging may pandesal! 'Yung nakabanggaan ko dati sa condominium hotel ni ex-crush! Huahua. Bakit andito siya? Friends pala sila ni ex-crush? OMG! Huahua hindi ako na-orient! Baka maliitin ako nito ha? Pakatay ko siya kay kuya Eman, sige. 'Tsaka sino 'yung isa pa nilang kasama na makalaglag panty kung ngumiti? Nakangiti na siya agad nung pagbukas ng pinto ng kotse niya 'e. Ang ganda pa ng dimples! Bagay na bagay! Potek. May extra bra ba kayo d'yan? Parang natanggal na din 'yung lock nung akin. Chareng.
Nakapamulsang naglakad si poging may pandesal palapit habang nakipagkamayan naman si dimples kay aling Imelda. Ang cool nilang tignan. Para silang warriors na ready'ng sumabak sa giyera. Susme, bakit gano'n 'yung nakikita ko?
"Hi,"
"HOEMGI! WILKAM FRIENDS! FRIENDS ARE WILKAM HERE! SUSMEYO! COME!"
Dali-dali kaming napaalis ni bruha sa pinagtataguan. At kunwari'y may ginagawa. Tumalikod din ako sa kanila para hindi nila ako makita. Ayoko kasi talagang humarap kay ex-crush. Lalo na kay poging may pandesal 'no! Tatawanan lang ako niyan. Pero baka hindi na niya 'ko matandaan kasi medyo matagal na 'yon. Ilang araw na din 'yung lumipas 'tsaka isang beses lang din naman kami nagkita niyan.
Narinig ko 'yung mga yapak ng paa nila papasok. Akala ko nga tuloy-tuloy lang sila. Pero shutangina, mukhang tumigil pa sa likod ko! Hindi ko na narinig 'yung yapak 'e!
Bakit? Why?
"HOY JEMAY!" bahagya akong napapitlag sa sigaw ni aling Imelda, "SORRY FOR SHOUT I DO HEHE, THIS IS MY YAYA, SERVANT PALA. SHE CLEAN AND HELP. SHE WORK AND HOME. THAT'S IT." pagku-kwento pa niya tungkol sa 'kin. Pero hindi pa rin ako humaharap.
Ayoko nga! Baka ma-stunned sila sa ka-dyosahan ko! Kawawa naman!
"HUMARAP KA, JEMAY! HUY!"
"O-Opo,"
Kahit ayaw ko, wala na 'ko nagawa. Dahan-dahan nalang akong tumingin sa kanila at pinakita 'yung pamatay kong ngiti. Ano ah? 'Kala niyo kayo lang? May makalaglag brief din ako 'no! Hakhak!
"Good morning, sirs." Bati ko sa kanila.
Pero hindi naman sila nakatingin sa 'kin. Sinundan ko naman 'yung mga mata nila at napagtantong sa balikat ko lang pala. Chineck ko pa tuloy ng maiigi. Anong meron? May dumapo bang ipis? Wala naman ah? Baka nakakita sila ng kulangot? O kaya naman langaw? Sa yaman ba naman ng mga 'to, hindi na imposibleng magulat sila do'n. Wala yatang langaw sa mga bahay nito 'e.
Maya-maya, unang bumalik sa huwisyo 'yung si poging may pansedal. Tumingi ito sa 'kin at bahagyang ngumiti.
"Nice to see you again, huh?"
"Hehe, 'kaw rin."
Tumango lang siya. At binangga sa balikat 'yung katabi niyang may dimples. Nagkatinginan pa sila, 'yung pogi din na kulay green 'yung mata. Susme, mga foreigner din ba 'to? Huwaw ha. Mukhang may mga kalahing dumating si hudas ah? May makaka-ingleshan na siya dito. Naks naman.
Napadilat-dilat nalang 'yung si dimples at agad na inabot 'yung kamay sa 'kin, "Hi miss, Klaus by the way."
"Hello po,"
Ngumiti siya sa 'kin kaya mas lalong nadepina 'yung dimples niyang medyo malalim. Sasagot pa sana ito nung biglang pumalakpak si aling Imelda na parang may tinawatawag na kalapati. Like OMG? Istorbo naman nitong amo ko! Naiinggit yata. Well, wala naman siyang dapat na ika-inggit. Sa kan'ya na 'yang tatlong 'yan. May baby na 'ko 'e. Char. Huahua. Ako pala baby no'n. Bakit nakakalimutan ko? Ih.
"OKAY FRIENDS! ENOUGH CHITCHAT! COME INSIDE NA! LEGGO!"
Sabay-sabay na nagsitanguan silang tatlo. Tumango rin naman sila sa 'kin kaya ginantihan ko ng ngiti. 'Yung ngiting makalaglag brief talaga. Pati si ex-crush na muntik ko nang makalimutan. Nando'n pala siya sa gilid. Ramdam na ramdam ko 'yung titig 'e! Akala ko naiwan na sa kotse 'to. Hakhak! Joinks.
Nauna silang pumasok at nagpaiwan ng konti si aling Imelda. Tiningnan ko naman ito. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay kaya napayuko ako, "SUMUNOD KA DO'N HA?!" may pagbabantang sambit nito bago humayo.
Um-oo nalang ako. Pakshet talagang amo 'to, natatakot ako sa bunganga 'e! Baka ratratin ako sa harapan nila pogi. Ando'n pa naman si hudas sa loob. Nakakahiya 'yon. Baka mabawasan ng isang porsyento 'yung ka-dyosahan ko. Ma-turn off pa sila sa 'kin 'di ba? Aguuuy!
Iniwan ko 'yung hawak-hawak kong walis sa gilid at sumunod nalang sa loob. Akala ko aabutan ko pa silang nag-uusap at ine-entertain ni aling Imelda. Pero hindi pala, wala na pala. Sobrang tahimik na kasi sa loob. Parang pumasok ako sa napaka-init at tensyunadong korte. Wala na rin si aling Imelda dito, nasa kusina na siguro at kinakausap si kuya Eman. Susme! An'yare? Bakit ganito? Unang customer pa sila niyan ah? Naka-upo lang naman si hudas sa dati niyang upuan habang naka-cross arms 'e. Samantalang 'yung tatlo, ramdam na ramdam ko 'yung masasama nilang tingin do'n na parang gusto na nila saksakin 'yung likuran nito. Nasa likod kasi 'yung pwesto nila. Kaso parang wala man lang pakiealam 'tong kupal na 'to.
Umiling-iling nalang ako at pinaypayan 'yung sarili. Like OMG? Sobrang taas ng tensyon! Anong meron? May alitan ba sa apat na 'to? Dehado si hudas ah! Mag-isa lang siya uy! Baka naman! Kawawa bebe ko niyan!
"Ehem..." kunwaring umubo-ubo ako para malipat sa 'kin 'yung atensyon nung tatlo. Para sana mabawasan 'yung init. Kinakabahan ako sa kanila! Baka mamaya magsuntukan nalang sila bigla d'yan! Jusko!
Inintay kong tumingin sila sa 'kin. Kaso iba naman 'yung tumingin kaya tumaas 'yung kaliwa kong kilay.
"Hey baby, what took you so long?"
Huwaw ha? Ikaw tinawag ko? Ikaw? Pakshet naman, parang mas lalong sumama 'yung tingin sa kan'ya nung tatlo ah?
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top