MARK 38
KABANATA 38
Pagdating kina aling Imelda, agad niya kaming sinalubong sa tapat. Nagwawalis na ito at nakabusangot na naman 'yung mukha na akala mo tinusok ng tinidor sa tyan. Jusko mga bes, araw-araw palang gan'yan itsura niyan. Maliban nalang kung may ihaharap kang pera. Huahua. Syempre, sino bang hindi matutuwa 'di ba?
"JEMAY! SHANIE! LIMANG MINUTONG LATE KAYO!"
Oh tamo, pati oras namin binibilang niya na. Hakhak, si kuya Eman lang ang may kawala d'yan.
"SINAMA NIYO PA ITONG BANSOT NA 'TO! BAKIT NANDITO KA? HA?!"
Napakamot nalang kami ni bruha. Ewan ko ba kung anong kinagagalit niyan kay Roland. Baka siguro hindi niya matanggap na nangibang bansa ito kesa mag-serve nalang sa karinderya. Wala din kasing inuwing pasalubong 'tong lalaking 'to. Umasa kami 'e. Miski toblerone man lang sana. Kaso wala daw, nakalimutan niya daw bilhin. Lol.
"Aling Imelda naman," kumamot din si Roland sa pisngi niya. Natalsikan siguro ng laway, "Syempre ihahatid ko sila. Mga babae 'yan 'e."
"Tsk,"
Sasagot pa sana si amo nang biglang nag-tsk na naman si hudas kaya napatingin siya sa lalaking nasa gilid namin. Kitang-kita ko kung paano naging O 'yung bibig niya sa mangha. Ikaw ba naman makakita ng poging mukhang foreigner 'e. Tapos sobrang kisig pa. Paniguradong laglag pampers niyan ni aling Imelda 'no. Maiihi pa 'yan sa panty pustahan. Huahua.
"WAIT A TIME! SINO KA HIJO?" ramdam na ramdam ko 'yung pagka-interesdo ni aling Imelda. Susme, walang pera 'yan oy! Kala mo ha.
"Jake,"
"OKAY JAKE! WILKAM JAKE! HALIKA PASOK KA,"
Iginigiya na niya si hudas papasok. Pero parang ayaw magpatinag ni kupal. Tumingin pa nga siya sa 'kin na parang nagtataka siya kung bakit siya hinihil ni aling Imelda. Kunot na kunot 'yung noo 'e. Kulang nalang tumakbo siya papalapit sa 'kin tapos magtago sa likuran ko. Huahua.
Kyot ni bebe, chareng.
Pinanlakihan ko nalang siya ng mata. Mas lalo namang sumungit 'yung mukha niya. Pero wala siyang nagawa. Natakot yata sa mata ko. Sumama na siya sa loob 'e. Sobra naman kasing makahila si aling Imelda. 'Kala mo boyfriend lang 'yung pinapapasok ah. Jusko.
"Kaya ikaw Roland," biglang nagsalita si bruha sa gilid. "Maligo ka ng sampung beses sa isang araw para naman umayos-ayos 'yang itsura mo, okay?" sambit nito na may kasama pang duro-duro sa mukha.
"Grabe ka naman, Shanie. Parang 'di ka patay na patay sa 'kin noon ah?"
"Huweh? Kailan 'yon? Ako ba talaga 'yon?"
"Halikan kita 'e."
"OMG! Toothbrush-toothbrush muna boy! Baka may germs!"
"Arte mo naman. Lagpas lipstick mo, balak ko sanang ayusin."
"Mandire ka. MANDIRE KA!"
Tignan mo 'tong dalawang 'to. 'Kala mo parehas na kegaganda't gwapo. Buti pa 'ko 'di ba? Dyosa lang. Hinahabol-habol pa ng mga lalaki. Hindi lang 'yun ah? Hinabol na din ako ng mga pesteng jutay na aso noon. Muntik ko na ngang ayawan 'tong dyosa kong mukha 'e. Buti nalang napigilan ko pa. Marami kayang patay na patay sa 'kin dahil dito.
Iniwan ko nalang silang dalawa do'n sa labas na magsumbatan. Bahala sila d'yan. Malalaki na 'yon. Baka i-shoot ko pa sila sa kanala kapag dinamay pa nila ako sa bangayan nila. Indenial pa kasi ang mga kupal. Parehas namang single.
Pagkapasok ko sa loob, una kong nakita si aling Imelda na busy sa pagsasalita ng sarili niyang english. Oo, sarili niya lang. May version siyang kakaiba.
"HEY HIJO? YOUR EAR IS WITH ME? DEAF? DEAF YOU?"
"Huh?"
Kawawa naman itong bebe ko, maagang dudugo ang ilong. Susmiyo, kung bakit naman kasi sumama pa siya.
Mas lalo akong lumapit sa kanila. Para sana marinig pa 'yung pinagsasabi ng amo ko. Naramdaman na siguro ako ni hudas kaya lumingon siya sa 'kin at umayos ng upo. Kunot na kunot pa rin 'yung noo niya. Parang may inaabangan pa siyang tao na lilitaw mula sa likuran ko. Pero nung wala, biglang umaliwalas 'yung mukha niya.
"OH JEMAY! HALIKA KA NGA DITO!" tawag sa 'kin ni aling Imelda pagkakita niya.
Naglakad naman ako papalapit do'n at tumayo sa tabi nito, "Bakit po?"
"IKAW NA NGANG KUMAUSAP SA NOBYO MONG ITO! MUKHANG HINDI NAKAKAINTINDI NG INGLES!"
"Nobyo? Hindi ko po boyfriend 'yan,"
"Tsk,"
Kumunot na din 'yung noo ni aling Imelda sa sinambit ko. Na-define tuloy 'yung ilong niyang lumalaki 'yung butas. 'Tsaka may pa-tsk tsk pang nalalaman 'tong hudas na 'to! Totoo naman ha? The last time I check, single pa 'ko. Wala akong boyfriend at never pa siyang nanligaw sa 'kin. Pangalawang araw pa nga lang naming magkakilala tapos nobyo na agad? Mas mabilis ka pa kay flash ha. Hulol.
Tumaas 'yung kilay ni aling Imelda at tumingin sa 'ming dalawa, "E BAKIT SABI NIYA?"
"Chareng niya lang po 'yon."
"Tsk,"
"AY EWAN! ANG ARTE MO, JEMAY! IWAN KO NA NGA KAYO D'YAN! TAWAGIN MO NA SI SHANIESE AT MAGSIMULA NA KAYONG MAGTRABAHO!"
"Opo,"
At iniwan na niya kami.
Naghintay muna ako na mawala siya bago pabalag naman akong umupo sa harapan ni hudas at pinanlisikan siya ng mata. Wala man lang siyang reaction, kinagat niya lang 'yung ibabang labi niya tapos nilawayan ng konti na parang bang tensyunado sa 'kin. Hindi na nga makatingin 'e.
Huwaw ha? Kanina poker face ka tapos ngayon naman kabado ka na? Bakit? Mukha na ba 'kong tigre sa 'yo? Aba dapat lang!
Kinagat ko rin 'yung ibabang labi ko na kunwari naiinis ako. Syempre kunwari lang, parang 'di ko kayang mainis dito sa hudas na 'to. Ewan ko ba!
"Ba't mo sinabi 'yon? Mema ka? Story maker? Huwat?"
Umigting 'yung panga niya at napasuklay sa mahaba niyang buhok, "I'm sorry, can't help it."
"Can't help it? Why?"
"Not now, baby."
Tinarayan ko nalang siya ng bongga na ikinangisi niya. Okay, madali akong kausap. Ba't mo kasi binaggit 'yung bebe na 'yan? Kainis ampota! Lumulundag puso ko 'e. Bahala na nga siya d'yan! Hmp!
Madali akong tumayo at dinuro siya, "Huwag kang aalis d'yan kung ayaw mong palabasin ni aling Imelda." may pagbabanta kong sambit.
Kumunot na naman 'yung noo niya, "Where are you going?"
"To the bruha!"
Bago pa siya makapagtanong ulit, lumabas na 'ko. Gano'n lang kadali um-exit sa mga nakakakabang pag-uusap niyo ni crush. Gawa lang kayo ng reasons, huwag 'yung magmumukha na kayong sped kaka-ngiti ng pilit sa harapan nila. Hindi nakaka-turn on 'yon mga bes! Baka layuan pa kayo ng mga crush niyo. Mas mabuti na 'yung iwas-iwas muna. Paghabulin niyo muna, ganern. Hinay lang rin muna sa pagiging gorabels at baka takbuhan kayo.
Hindi naman ako nagtagal sa paghahanap kay bruha dahil agad silang bumungad sa 'kin. Gulat pa nga sila 'e. Not expected 'yung paglabas ko. Akala siguro nila maganda lang, dyosa pala 'yung bumungad. Hakhak! Walang halong ka-charengan.
"Hoy!" tawag ko kay bruha, "Trabaho na! Maya na landi!"
"Huwaw ha? Landi agad? Bawal nakikipagsuntukan muna?"
"Ano ka? Si John Cena?"
Napataray siya sa sinambit ko, "Baka Manny Paquiao bes?"
"Ewan ko sa 'yo! Pumasok ka nalang!"
Umiling-iling siya sa 'kin. Inambahan ko siya ng sapak. Pero naka-iwas na agad kaya hindi ko na tinuloy. Mamaya nalang siguro kapag mga alas dos na. 'Yung wala na masyadong customer. Magre-wrestling kami sa loob.
Tinignan ko naman si Roland na naiwan, kawawa naman 'to. Ayaw papasukin ni aling Imelda kung hindi bibili.
"Ikaw? Alis ka na?"
"Bawal ba talaga ko tumambay?"
Tumango ako sa tanong niya, "Oo yata."
"Buti pa 'yung pinsan mo, pinapasok."
Pinsan? Wala akong pinsan ah? May alam ba 'to na hindi ko nalalaman? O baka naman nakikita na hindi namin nasisilayan? Jusko ha! Ano 'to? Kapatid ni papa?
"Sinong pinsan?"
"Yung lalaki na kasama mo sa bahay niyo,"
Susmiyo Marimar! Kung 'di nobyo, pinsan naman! Wala namang kaso sa 'kin 'yon. Parehas naman kaming pogi at dyosa ni hudas. Bagay na bagay lang. Pero bakit pinsan? Okay na sa 'kin 'yung boyfriend 'e. Magkamukha ba kami ni hudas? Huwaw ha. Pakshet ka. Baka patayin kita! Bebe ko 'yan 'e. Chareng.
Humugot nalang ako ng malalim na hininga at ngumiti, "Hay na 'ko, Roland. Dami mo nang nalalaman. Mali-mali pa. Balik ka nalang kaya mamaya 'no? Sunduin mo si Shanie at hindi na kami sabay no'n."
Tumaas 'yung dalawa niyang kilay. Tumango-tango rin siya sa 'kin na para bang may maganda akong ideyang binigay.
"Sige sige, babalik ako mamaya."
At ayon nga po ano, umalis na siya.
Hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago pumasok. Kukunin ko na sana 'yung walis para sana mawalisan 'yung loob nung biglang may malakas na preno akong narinig. Parang galing pa sa pakikipag-karera. Ang sakit sa tenga nung 'eeeengk' na tunog 'e.
Pero oh shet? May customer agad? Wala pang isang oras 'tsaka kakabukas lang ah? Buena mano uy!
Sa sobrang tuwa ko, dumungaw ako sa labas. At agad namang napanganga 'yung mapupula kong labi sa nakita. Like OMG? Ang gaganda ng kotse! Ano bang tawag sa mga ganito? Sports car? Racing car? Buset! Basta 'yon! Sobrang gagara! Parang nakakahiyang gasgasan dahil paniguradong magbabayad ka ng malaki! Huahua! Sino naman kaya ang mga may-ari nito?
"MR. HAWKSON! I'M SHOCKED! YOU BACK! AND WITH ANOTHERS!"
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top