MARK 37
KABANATA 37
"J-Jemay..."
Hindi ko alam kung sinong titignan ko. Si Roland ba na mukhang natatae at naiihi o si hudas na isang kalabit mo lang sasabog na? Who to choose? Shutangina! Kawawa naman kasi 'yung nasa labas. Pero nakakatakot magsalita. Baka mamaya biglang pumutok 'yung naka-cross arms sa harapan namin 'e. Bakit ba kasi bigla 'tong sumungit? May dalaw ba siya?
"H-Huy pogi!" nauna nang magsalita si bruha sa 'kin, "Kaibigan namin 'yan, papasukin mo,"
"Oo nga," segunda ko naman.
"I don't care. He's not allowed here,"
Ano ba talagang problema? Nalilito na 'ko guys. Hudas na 'to, insecure siguro kasi mas maputi si Roland sa kan'ya. Hakhak! Malay ko d'yan. Mura lang naman 'yung glutha kay aling Imelda. Pwede naman siyang um-order kung gusto niyang maging white.
Umiling-iling nalang ako at umabante. Hindi naman siguro ako sasapakin ng hudas na 'to 'no? Sabunutan ko siya d'yan. Male-late na kami 'e, pumunta pa kasi dito si bruha. Ayokong sabay pa kaming salubungin 'yung delikadong bunganga ng amo namin.
"Ano bang problema?" pinatabi ko si hudas sa gilid. Pero mukhang ako yata 'yung napatabi. Ayaw niyang umalis sa harapan ng pinto! Susme!
"Alis ka na nga d'yan! Papasok na kami!"
Hindi man lang siya lumingon sa 'kin. Basta nalang tumama 'yung mata niyang pula sa 'kin, "Does he also work there? No." masungit na sambit niya sa 'kin na kulang nalang tumaray siya.
Huwaw. Just huwaw.
Napakagat ako ng bongga sa ibabang labi ko. Lumalaki na rin 'yung butas ng ilong ko sa sobrang inis. Like OMG? Man hater ba 'tong kupal na 'to? May galit sa mga mapuputi? Hindi ako na-orient! 'Tsaka ano bang pake ko? Bakit kami nadadamay? Dapat si Roland na lang 'yung harangan niya kung galit siya d'yan! 'Wag 'yung pati kami, nahaharangan din! Jusko ha! Jusko! My sexy body is shaking.
Sa sobrang inis ko, nahampas ko na 'yung braso niya, "Marami pa 'kong gagawin!"
Kung kanina, natatakot ako sa awra niya. Ngayon naman, siya na 'yung dapat matakot sa dyosang bida niyo. Aba ha? Gigil na 'ko! Half day na nga lang papasukan ko. Hahanapin ko pa si lola mamaya tapos heto siya? Hinaharangan kami? Para saan? Shutangina.
Tinitigan ko siya ng may halong inis. Kitang-kita ko pa kung pa'no umigting 'yung panga niya sa pagpipigil. Akala ko magmamatigas pa siya. Pero napataas nalang 'yung kilay ko nung bigla niyang ibaba 'yung dalawa niyang kamay at tumingin sa 'kin. 'Yung tingin na nakakapanlambot, nagmamakaawa at nagso-sorry. Ganern. Bigla tuloy akong na-guilty, dapat pala hindi ko nalang siya hinampas. Bwisit na kamay 'to! Napalakas ko yata?
Tinry niyang hawakan 'yung kamay ko na hindi ko naman nilayo, "I'm sorry, I-I just--tsk!" umigting na naman 'yung panga niya. Pero agad ding lumambot.
"I'm coming with you."
Sasagutin ko na sana siya. Kaso may naramdaman akong gumalaw sa likod kaya napatingin ako do'n.
Si bruha lang pala. Akala ko kung sino na ampota. Magaslaw na babae talaga 'to.
Lumapit pa talaga siya sa likuran ko habang nakatakip 'yung bibig, "Ang sweet naman ng baby mo." mahinang bulong niya sa 'kin.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin kay hudas na nakakunot na 'yung noo sa 'kin. Huwaw ha? Balik masungit na naman? Bipolar si gago. Heto kasing bruha na 'to 'e! Bubulong-bulong pa. Pero keri lang, kaya ko naman bigyan ng anak si fafa--char. Balik na tayo sa main topic. Nalalayo na naman si dyosa sa storya. Huahua.
So ayon nga, yumuko ako at tinignan 'yung medyo maugat niyang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko, "Wala ka namang gagawin do'n,"
Ramdam ko na mas lalong kumunot 'yung noo niya. Oo, naramdaman ko talaga 'yon. Malakas po ang radar ng mga dyosa, 'di ba? Ehem. Hindi kayo makaka-relate. Maganda lang naman kayo 'e. Hakhak! Char lang ulit. Baka hindi niyo na basahin 'tong story ko.
"I'll be your whole day customer." paos na sambit nito. Tumayo tuloy bigla 'yung mga balahibo ko. Susme.
"Huh? Whole day? 'E half day lang ako 'e. 'Tsaka may pera ka ba?"
"Tsk,"
Huwaw. Ang sungit talaga ni kupal. Bigwasan ko kaya 'to ng isa 'no? Para hindi na siya maka-tsk d'yan. Hmp!
Tinarayan ko nalang siya at tumango kahit na labag sa kalooban ko.
"Okay na? Kayo na?--ay mali. Tara na pala?"
Kumuha nalang ako ng konting buhok ni bruha at hinila 'yon pababa ng mabilis. Ang daming alam nito! Inggit amp! Wala kasing jowa! Pero wait, baka meron? May nagbigay ng flowers dito sa Manila ah? Shet oo! May boquet of roses pala siya! Muntik ko nang makalimutan. Huahua. Alam ko may letter pa 'yong kasama 'e. Hindi ko lang matandaan 'yung nakasulat. Aasarin ko nga 'to 'pag may time.
"Hindi! Gusto mo maiwan?" naiinis na sambit ko dito at pinalakihan siya ng mata.
"Iiwan mo 'ko? Porket may baby ka na?"
"Kelan pa 'ko nanganak? Kinuha ba kitang ninang?"
"Sus! Kunware walang alam? Okay lang 'yan beshie, gan'yan din ako dati."
"Ha? Na ano? Nanganak ka na dati? Humaygas."
Tinakip ko pa 'yung bibig ko para mas dama 'yung pang-aasar. Bwisit na bruhang 'to! Akala mo ha! Baby ka pa d'yan. Ako nga baby niyan 'e. Chareng.
Nauna nang lumabas si Roland sa 'min. Ewan ko kung bakit nasa unahan siya. Ramdam na ramdam ko pa 'yung takot niya hanggang dito. 'E pa'no ba naman kasi? Nasa likuran kami ni bruha. Tapos nasa harapan namin si hudas. Hindi talaga makalapit si Roland kasi pati sa paglalakad hinaharangan siya. Susmiyo Marimar! I kennat.
Balak pa sanang sumakay ni Shanie ng tricyle. Pero walang naka parada do'n sa terminal kaya naglakad nalang talaga kami. At dahil nga umaga ngayon, maraming matatanda sa labas na nagkakape. Ewan ko kung pinagtitinginan nila kami. O baka ako lang? Ako lang naman 'yung dapat nilang tignan 'e. Huahua. Chareng.
Si kupal pala 'yon. Kung hindi pa nagtanong 'yung isang medyo may katandaang babae baka inisip ko na talagang ako 'yon. Ganito kasi talaga dito. Bagong mukha si hudas 'e. 'Tsaka may lahing foreigner pa. Chismis na naman mamaya 'yan sa tambayan nilang kubo.
"Jemay," nilingon ko si bruha sa gilid. Bigla niya kasi akong kinalabit, "May tanong ako."
"Oh bakit? Ano?"
Lumipat siya sa kaliwa ko at may parang sinilip sa balikat ko, "Okay na 'to? 'Di na masakit?" dinutdot niya pa 'yon na parang tinetest kung may mararamdaman ako.
"Huh? Masakit? Bakit sasakit 'yan?"
"Nakalimutan mo?"
Bwisit talaga 'tong bruha na 'to. Hindi pa 'ko diretsuhin 'e! May nangyari ba sa balikat kong 'to? Wala naman ah? Hindi rin sumasakit kaya bakit niya natanong 'yon? Baka mema lang. Jusko.
"Ewan ko sa 'yo, hanap ka kausap!"
Akala ko tatarayan niya 'ko. Pero hindi. Wala siyang karea-reaction, "Seryoso ako, Jemay."
"Ano ba kasing meron?"
"May kagat ka kaya d'yan,"
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano. Kaso hinila na niya pababa 'yung kwelyo ng t-shirt ko kaya bwisit! Humaygas! Meron nga! Bakit may ganito ako?!
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top