MARK 36

KABANATA 36

Kinabukasan, nagising akong hindi na sumasakit 'yung ulo. Medyo-medyo nalang din 'yung init na nararamdaman ko. Parang may sinat nalang, ganern. Epekto yata 'to ng jollibee 'e. Sobrang sarap kasi.

Kinusot-kusot ko 'yung mata ko. At tatayo na sana. Pero potek! May mabigat na namang bagay na nakapatong sa t'yan ko! Hudas talaga! Hindi rin pinatawad pati 'yung magaganda kong hita! Jusko! Hot dog ba 'ko ha? Mukha ba kong hotdog guys? 'Yung unan na dinadangkayan ng mga taong hindi makatulog ng walang kayakap? Shutangina.

Dahan-dahan nalang akong lumingon sa kaliwa. Nakasubsob na naman kasi 'yung mukha niya sa kaliwang balikat ko. Susmiyo, ang pogi ni hudas.

"Ayusin natin," mahinang sambit ko. At binrush patalikod 'yung buhok niyang mahaba. Ang lambot mga bes! Sobrang flawless, walang sumasabit kahit galing sa tulog! Ang daya naman!

Inayos-ayos ko pa 'yon nang may mapansin ako. Like OMG? Color red? Kulay pula? Hala shet! May kulay sa ibaba 'yung buhok niya! Ba't hindi ko 'to napansin? Kung sabagay, 'yung mata niya nga 'e. Saka mo nalang mapapansin na pula kapag nilapitan mo. Parang sa lablayf lang, saka ka lang niya mamahalin kapag pagod ka na. Aruuuy! Chareng. Walang iiyak ha?

"Hm..."

"Ay tulog ako!"

Agad kong pinikit 'yung dalawa kong mata. At nagtulog-tulugan. Hanuba naman kasi 'yan! Sige Jemay! Galawin mo pa 'yung buhok para mahuli ka! Potek, kung bakit naman kasi dito pa 'to natulog. Sorry na! Maawain kasi akong tao. Malay ko bang wala siyang matirhan tapos dito pa siya napadpad sa bahay. Nandito daw kasi 'yung pagmamay-ari niya kaya ayaw niyang umalis dito. Ayaw din naman niyang sabihin kung ano kaya pinabayaan ko nalang. Nahihilo na din kasi ako kagabi.

Buti nalang umalis din agad 'yung bruhang 'yon pagkatapos naming interbyuhin si hudas.

"Good morning,"

"Tulog ako, 'wag kang maingay."

I heard him chuckled a bit. Sa inis ko, tinry kong gumalaw-galaw sa higaan para matanggal sana 'yung yakap niya sa 'kin. Kaso sobrang bigat talaga! Jusko! I kennat.

"Alright, my baby's asleep. I'll be sleeping too."

Sheeeeeeet! Don't meh mister fafa! Don't meh!

Ano ba namang puso 'to! Nawala lang 'yung lagnat ko tapos lumulundag-lundag na? Maharot kang heart ka! Tinawag ka lang baby 'e! Anong nakakakilig do'n? Pakshet. Pag ako nainis! Pag ako talaga nainis! Ibabalik ko siya sa sinapupunan ng nanay niya! Huahua.

Ramdam na ramdam ko 'yung malalim na paghinga niya sa kaliwang balikat ko. Hindi ko talaga alam kung bakit. Pero parang favorite place na niya 'yon. Ano bang meron sa maputi kong shoulder? Pwede naman siyang lumipat sa kanan 'e.

Nag-inat-inat ako kunwari at humikab, "Gising na pala ako," masiglang saad ko dito.

Aalis na sana ako sa higaan kasi bahagyang lumuwag 'yung pagkakayap niya. Pero isang malakas na hila 'yung ginawa niya kaya bumagsak na naman ako.

Tengene nemen 'e.

"Ano ba? Babangon na 'ko!"

Tinitigan niya ng mariin 'yung mata ko, "Good morning," so ayon po ano? Hinila niya lang ako para bumati. Jusko.

"Okay sige, bitaw na!"

"Tsk,"

Gustong-gusto ko na talagang bumangon. Naiilang na kasi ako sa posisyon namin. Hindi naman ako ganito kagabi ah? Oh shet, don't tell me, nagayuma ako? Well, hindi niya naman na kailangan 'yon 'e. Chareng. Syempre dapat pa-inalabin niya muna ako 'di ba? 'Tsaka gusto ko rin maligawan 'no! Sayang naman 'yung dyosa kong mukha kung hindi hinaharanahan.

Agad akong umalis sa kama at nilingon siya, "Bumangon ka na ri-" hindi ko natuloy 'yung dapat kong sasabihin. Pakshet kasi guys, "Magdamit ka nga! Hanubayan! Baka isipin ng mga akyat bahay may nangyari sa 'tin!"

"Akyat bahay? What?"

Oo nga pala, hindi niya alam 'yon. Wala siyang bahay 'e. Kawawa naman si hudas.

"Basta magdamit ka nalang! Nako!"

Agad ko siyang tinalikuran. Maliligo nalang ako. Sinabihan pala 'ko ni bruha kagabi na nagalit si aling Imelda sa 'kin kasi hindi daw ako nagpaalam na hindi papasok. Buti nalang din daw pinuntahan ni Roland 'yung karinderya at sinabing nawawala 'yung lola ko kaya natahimik naman 'yung delikadong bunganga ni amo.

Balak ko sanang pumasok ng half day ngayon. Tapos hahanapin ko si lola pagkatapos. Hindi ko na mahintay 'yung report ng mga duwag at tamad na tanod. Baka ikamatay pa nila--ay ako pala.

"Where are you going?"

Hinarangan ako ni hudas sa tapat ng pinto. Lalabas na sana ako para umalis. Tapos na kasi akong maligo at magbihis. Minadali ko talaga kasi mukhang late na 'ko ngayon. Pero okay lang naman siguro kay aling Imelda. Kumare niya 'yung nawawala 'e. Baka nga tulungan pa nila 'ko sa paghahanap na lubos kong ikagagalak. Huahua. Ang lalim. 'Di bagay sa 'kin.

"Papasok na 'kong trabaho. Bantayan mo 'tong bahay," sambit ko dito. Pero hindi pa rin talaga siya natinag.

"I'm going with you,"

"Ano?"

Huwat? Ano namang gagawin niya do'n? Tatambay sa harap? Susmiyo! Baka isipin pa ni aling Imelda na mas inuuna ko pang maglandi kesa magtrabaho at hanapin 'yung kumare niya! I kennat. Hindi maaari.

"I said I'm going--"

Hindi na niya natuloy 'yung sasabihin niya. May bigla kasing tumawag sa labas at mukhang kilala ko na kung sino.

Si Roland na naman. Sinama siguro ni bruha.

Sumilip ako sa bintana. Nando'n na silang dalawa sa harap ng gate naming de buhat. Tumitingkayad din si bruha na parang sinisilip kung anong nangyayari sa loob. Tanginang 'to, as if namang hindi siya nagtres pass kagabi sa bahay. 'Tsaka as if namang makikita niya kami sa loob. Ano 'yon? Kamag-anak ni Hinata? May byakugan din? Urur bruha. 'Wag ako.

Nilingon ko na si hudas sa harap ng pinto, "Alis ka na d'ya--"

Jusko! Susmiyo! Shutangina! May ginawa ba 'kong mali? Sinapak ko ba siya? Ginupit ko ba 'yung buhok niya? Bakit gan'yan siya makatingin? Sobrang sama! Parang ready na siyang pumatay na ewan! Ano ba 'to? May kaaway ba siya sa labas? Wala naman ah! So bakit gan'yan? Bakit parang nag-iba na naman 'yung awra niya? Nakakatakooot! Isama niyo pa 'yung nanlilisik niyang mata at masungit niyang mukha!

"You're not going out,"

"H-Huh? Ba-Bakit?"

Hindi ko ma-gets! Hindi talaga! Sino bang umaway dito? May alam ba kayo? Susmiyo author. Parang awa mo na. Pigilan mo 'tong gwapong hudas na mukhang papatay na.

Nilunok ko 'yung namuong laway sa lalamunan ko. Like OMG? Bakit ba kasi?

"Jemay?"

Bago pa kami parehas na nag-react. Pumihit na 'yung seradura ng pinto. At bumukas. Hindi naman umalis do'n si hudas. Pero hindi rin nagpatinag si bruha. Agad siyang sumingit at tumakbo papasok, papunta sa 'kin.

Akala ko susunod na sa kan'ya si Roland. Kaso hindi pala. Naka-harang na kasi talaga si hudas sa kan'ya. 'Yung naka-cross arms pa tapos mukhang naniniga. Feeling ko mas lalo pang dumagdag 'yung nakakatakot niyang awra.

"Fuck off, you're not allowed."

Ano bang problema nito?

---

A/N:
UNEDITED. Bukas ko nalang aayusin at may pupuntahan pa 'ko. Thank you sa mga readers na ngayon lang nagsi-comment at sa mga bago na biglang sumuporta.

Facebook: Keian Imex





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top