MARK 35
KABANATA 35
"A-Aso?" pakshet guys, hindi maaari. "Aso mo talaga?"
"Yeah,"
Sa dinami-dami ng pwede niyang kuning alaga, bakit aso pa?! Pwede namang rabbit, pusa, daga o kaya tigre! Tengene, 'yung hayop na aso pa talaga? Well, okay. Wala akong karapatang magreklamo. Pero kasi! Ayoko do'n! Pumunta pa talaga dito sa tapat ng bahay namin ah? Para ano? Para mag-deliber? Jusko! Adobohin ko siya d'yan. Nakuuur!
"Paalisin mo!" medyo nababahala kong sigaw.
Akala ko susundin na niya 'yung sinabi ko. Pero ngumisi lang si hudas, "Don't worry, he doesn't bite."
"Wala 'kong pake! Puputulan ko ng betlog 'yon! Sige!"
"Shit, baby."
Kita ko kung pa'no siya napakagat sa ibabang labi niya. At tumingin sa pinto. Tinitigan niya 'yon ng dalawang segundo. At tumingin ulit sa 'kin
"Done," walang emosyon nitong sambit. Inabot pa niya 'yung hawak niyang jollibee sa 'kin kaya napakunot 'yung noo ko.
Hala shet? Anong gagawin ko d'yan? Baka mamaya nilagyan pala ng gayuma o lason 'yon 'e. Malay ko bang safe 'yan. Hindi na 'ko magtataka kung bigla akong mainlab sa mga aso. Yucks! Kaderder. Ayoko nga! Pero shet, ambango ng jollibee! Amoy na amoy ko 'yung chicken at fries! Masarap ba 'yon? Mcdo palang natitikman ko 'e. Nakakatakam tuloy. Gusto siyang kainin--char. 'Yung jollibee po talaga 'yon.
"Sa 'kin?" nagtatakang tanong ko dito.
Dinilaan niya muna 'yung ibabang labi niya. Parang pa-cool lang. Hindi naman nagmukhang manyakis, "Yeah, I know you're hungry."
Kinuha ko naman 'yon. At inamoy 'yung loob. Shet mga bes, heaven!
"Wala bang lason 'to?"
Kumunot naman 'yung noo niya sa 'kin. Bumalik tuloy bigla 'yung vibe niyang masungit, "Why will I poison my baby?"
"Tse! Sure?"
"Tsk,"
"Sungit ha! 'Di kita bibigyan!"
Mataray na sambit ko. At nagdadabog na umalis do'n. Dumiresto nalang ako sa kusina. Nilapag ko kaagad 'yung mga pagkain na kanina ko pa gustong lunukin. Ambango kasi talaga mga bes! Nakakatakam!
Binuksan ko 'yung isang lalagyan at nagulat sa nakita. "Sheeeet!"
Humaygas! Ang daming chicken! Anim na piraso pa! Tapos ang dami rin nung fries at spaghetti! Parang pwede na 'tong panghanda sa fiesta o bertdey ah? Gusto niyo ba? Sharing is caring naman guys. Kaso bile nalang pala kayo. Malayo bahay namin 'e. Nasa dulong mundo pa.
"Mm! Akin ka na ngayon!" sambit ko pagkatapos kong dukutin 'yung hita, "Sarap men!" kinagatan ko 'yon. At inubos 'yung masarap na balat nito.
Balak ko na sanang hilahin 'yung upuan sa gilid para makaupo. Kaso may biglang bumuga sa kaliwang balikat ko. Tengene, nasa likod ko si hudas! Ambilis ha? Kanina pa niya inamoy-amoy 'yan! Well, mabango naman si dyosa. Pero huwaw ha! Nakaka-adik ba 'yon? Parang hindi na nga siya nagsasawang amuyin 'yung kaliwang balikat ko. Dinikit niya pa talaga 'yung ilong niyang matangos! Jusko!
"Hoy," dinutdot ko sa noo niya 'yung hita ng manok na hawak ko, "Gusto mo?"
Umangat ng konti 'yung ulo niya. At sumayd view palingon sa 'kin, "Nah," aniya at yumuko ulit sa balikat ko.
"Anong nah? Oh nanana? Sure ka? Hindi ko mauubos 'to, baka ipakain ko lang din kay Budam."
Hinintay ko 'yung sagot niya. Pero dalawang matitigas na braso 'yung pumulupot sa bewang at t'yan ko. Para na siyang natutulog. Alam niyo 'yung posisyon na nasa likod ko siya tapos naka-yakap sa 'kin? Nasa balikat ko pa 'yung ulo niya ha! Tao ba talaga 'to? O baka naman nagpapanggap lang? Pwede naman siyang maging tarsier o kaya panda 'e. Hakhak!
"Silly," mas lalo niyang hinigpitan 'yung yakap niya sa bewang ko. "I'm not hungry. That's all yours,"
"Huweh? Baka napipilitan ka lang? Sasakit sikmura ko nito!"
"Huh? Why?"
"E baka nga kasi napipilitan ka lang magbigay!"
Umangat na naman 'yung ulo niya at lumingon sa 'kin. Kita ko na naman tuloy 'yung nakakunot niyang noo. "You're hungry, right?" husky 'yung boses niya mga bes! Pa'no nangyari 'yon?
"O-Oo,"
"Then that's for you,"
Magsasalita pa sana ako. Pero binalik na naman niya 'yung ulo niya sa balikat ko. Tinitigan ko naman 'yon ng masama. Pa'no kaya kung gupitin ko 'tong buhok niya 'no? Iiyak kaya 'to? Pasalamat siya't binigyan niya 'ko ng jollibee! Kung 'di, edi walang yakap na magaganap! Nakuuur!
Hindi nalang ako umupo at binuksan 'yung ibang lalagyan. May ice cream pa mga bes! Buti hindi natunaw 'to? Alam ko malayo pa 'yung bilihan nito sa bahay namin 'e. Ang bilis naman yatang tumakbo nung jutay na aso? Sumakay pa ba 'yon ng jeep? Susmiyo lang, 'wag naman sana. Baka tinanong pa 'yon ng mga pasahero kung para kanino 'yung dala-dala niya tapos banggitin 'yung pangalan ko. Edi nakasuhan ako 'di ba? Bawal 'yon 'e. Not to animal abuse dito.
Ramdam na ramdam ko 'yung maiinit niyang buga sa balikat ko. Pero hindi ko nalang pinansin. Busy ako guys! Ang sarap ng potek na manok na 'to! Parang gusto ko nalang ilublob sa sauce niya tapos sabay kong lunukin. Ganern.
"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!"
"Humaygas,"
Muntik ko nang maibato sa kawalan 'yung hawak-hawak kong pakpak ng manok. Buti nalang matindi 'yung kapit ko do'n. Pakshet, ang daming istorbo talaga! Hanubayan author! Pakainin mo naman ako ng maayos at gabing-gabi na! Sobrang sakit na din ng ulo ko! Sino ba na naman kasi 'tong hayop na bigla nalang pumasok sa bahay? Jusko ha! Jusko lang!
Pagalit kong nilingon 'yung kanang paligid ko. At shutangina!
"S-Shanie?"
Parang hindi niya narinig 'yung pagtawag ko sa kan'ya. Tulala lang kasi siyang nakatingin sa lalaking nasa likuran ko. Nanlalaki pa 'yung mata niya na parang hindi siya makapaniwalang may fafang nakayakap sa bewang ng dyosa niyang kaibigan. Isama niyo pa 'yung jollibee na nakakalat sa lamesa.
Now what? How will I explain this?
Bwisit kasing nilalang 'to! Payakap-yakap pa 'e! Ayaw pang bumitaw! Parang walang dumating na tao!
"T-Teka," sinubukan kong tanggalin 'yung braso ni hudas. Kaso ayaw talaga! Ano ba 'to? Naka-glue na ba 'to? "Hoy! HOY!" inalog-alog ko pa 'yung balikat ko.
"Hm?"
"Alis! Tanggalin mo na 'to! Nakakahiya!"
Parang tinatamad pa siyang nag-angat ng ulo. Akala ko aalis na talaga siya. Pero hudas! Tinignan niya lang si Shanie tapos bumagsak na naman sa balikat ko! Shutanginang karengreng. Ayoko na ngang magsabon ng safeguard! Nakaka-adik ba talaga 'yung amoy no'n? Hindi naman 'di ba? Sinong nagse-safeguard d'yan? I need an answer!
"Hoy! Ano ba?!"
"Tsk,"
Ayaw niya talaga mga beshangs! Sumiyo!
Tumingin ako kay Shanie at ngumiti ng pilit. Tulala pa rin kasi ito sa nakikita. Pwede ko na ngang dukutin 'yung mata niya 'e. Konting-konti nalang talaga, luluwa na.
"A-Ano 'to? Jemay? Boylet mo?"
Napakamot nalang ako sa kilay. Shet, pa'no ba 'to? "H-Hinde ah! Alaga ko siya!"
"Yeah, I'm her baby."
---
A/N:
Sobrang bilis ba ng phasing?
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top