MARK 34
KABANATA 34
"Sige ho miss, sir. Alis na kami,"
"Tsk,"
Hindi kilala nung tanod na kausap namin si Budam. Pero natandaan nung isang nasa likod kaya pinilit niyang umalis nalang sila. Sasabihan nalang daw nila si kapitan para ipagpatuloy 'yung paghahanap. Dapat lang 'no? Hakhak!
Gagong mga 'yon. Ngayon lang naisip 'yung apo ni lola. Buti wala siya dito.
"Ikaw?" kinalabit ko si kupal sa gilid, "Di ka pa aalis?" nakapamewang na tanong ko dito. Pero ini-snoban lang ako ni hudas.
"Tsk,"
Huwaw! Grabe! Ang galing mag-walk out! Para sa'n naman 'yon? Anong ginawa ko? Kapal ng mukha ni fafa ah? Huahua.
Sinundan ko siya sa loob. Akala ko kukuha lang 'yon ng pamasahe. Pero dumiretso lang pala sa kusina. Magluluto talaga si gago. Sus! Alam niya ba? Alam niya? Mas lalo yata akong magkakasakit nito 'e. Tengene, nangangamoy sunog na nga 'yung bigas na walang tubig! Bakit pa kasi siya nangialam sa mga tanod? Anong alam niya 'don? Buset. Kung 'di lang niya natakot 'yung mga 'yon. Nakuuur! Para siyang si Budam!
"What's that smell?"
"Harujusko!" dali-dali ko siyang tinulak sa tabi. Pero pakshet, hindi natinag! "Patayin mo 'yung kalan!"
Agad naman niyang pinatay 'yon at tumingin sa 'kin. 'Yung tingin na nagtataka at umaaktong inosente. Ganern. Ang sarap lang dukutin. Buset.
"Alam mo ba 'yang ginagawa mo?" kunwaring inis kong sambit sa kan'ya.
"Yeah, cooking."
Konting-tiis pa, Jemay. Huwag mong patulan 'yan at pogi iyan. Sayang 'yung mukha at lahi. Si Budam nalang mamaya 'yung pag-tripan mo kapag umuwi pa 'yon. Siya 'yung dahilan ng lahat ng ito! Grrr!
"Cooking?" mahinahon at nakangiti kong tanong. "COOKING?!" malakas ko nang sigaw na may kasama pang sarkasmo. Huwaw lang kasi mga beshangs, sabihin niyo nga sa 'kin kung saan ako nagkamali sa pag-aaral? Anong putahe 'yung niluto niya? Toasted rice with special burned button? Ano 'yon? Masarap ba 'yon? Sabihin niyo nga! Sumagot kayo! Jusko!
"Papakainin mo 'ko niyan?!"
Kita ko kung paano lumambot 'yung paningin niya sa 'kin. Tinry niya pang hawakan 'yung kamay ko na hindi ko alam kung bakit. Like why? What is the meaning of this?
"Baby please? Stop shouting," mahinahon niyang sambit. Nawala na 'yung vibe niyang masungit. Tapos Nakuha na rin niya 'yung kamay ko. Akala ko kung ano nang gagawin niya do'n. Akala ko nga puputulin niya na 'yon 'e. Pero laking gulat ko nung hinalikan niya lang ng dahan-dahan. "You look pale now, I'm sorry."
"E hindi ka naman kasi marunong magluto! Ano bang ginagawa mo sa kamay ko?" sinubukan kong bawiin 'yung kamay ko. Pero hindi niya talaga binibitawan. Lumapit pa nga siya ng konti sa 'kin tapos dinama 'yung noo ko, "Nagugutom na 'ko!"
Hinalikan niya ulit 'yung kamay ko at tumingin sa 'kin, "Alright." mahinang sambit niya. Parang buga na nga lang 'yung lumabas 'e. Sobrang hina kasi.
"I'll feed my baby, don't worry."
"Huh?"
Kanina pa siya baby ng baby! Jusko! Pinanganak ba 'ko kahapon? Ginawa na ba 'ko nine months ago? Anong meaning nito? Nakita niya ba 'kong dumede kay lola o kaya naman kay aling Imelda? Hindi naman ah! So bakit niya 'ko tinatawag ng gano'n? Kami ba? Ha? Kami? I kennat. Pwede naman kaso, huwaw. Ang bilis mga bes. Hindi maaari 'yon. Katulong lang siya at kailangan niya 'kong ligawan.
Umiling-iling ako at Lumayo sa kan'ya nang biglaan na parang bang may tae siya sa mukha. "Hindi ka nga marunong!"
"Just go upstairs please? You look really pale."
"Bakit mo ba 'ko pinapaakyat? Balak mo bang buhatin 'tong bahay namin? Aba!"
Hindi niya 'ko sinagot. Bagkus, napangisi lang siya at yumuko. Narinig ko pa nga 'yung mahina niyang tawa. Akala ko nga gano'n nalang siya forever. Pero nagulat ako nung bigla niya 'kong hilahin. At jusko! Niyakap ako ni fafa! Huahua! Send help! Someone is harassing my sexy body! Hindi maaaring hindi pwede 'to! Hakhak!
Kakalas na sana ako. Binabalak ko na sana. Kaso bigla niyang pinatong 'yung ulo niya sa kaliwang balikat ko! Ramdam ko pa nga 'yung malalim niyang paghinga do'n na parang sininghot niya ng todo 'yung amoy ko. Like wat da hek? Amoy downy 'yan huy!
"If I just learned how to cook," seryosong sambit niya at inamoy pa ulit 'yung balikat ko, "If I could just take away this fever of yours," ilang beses pa siyang naghingang malalim doon na parang hindi siya nagsasawa sa amoy ko.
"I'm sure my baby won't suffer like this, huh?"
"A-Anong bang sinasabi mo? Bitawan mo nga 'ko!"
Sinubukan kong itulak-tulak 'yung balikat niya. Pero parang ayaw ko. Parang mas gusto ko pang ganito na lang kami. Alam niyo ba 'yung feeling na matagal niyo nang hinahanap-hanap tapos ngayon lang dumating kaya ayaw niyong bitawan o kaya matapos? Gano'n 'yung nararamdaman ko mga bes. I don't know. Siraulo na din yata talaga ako. Please help me.
Nilunok ko 'yung namumuong laway sa lalamunan ko. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap ng hudas na 'to. Pero pakshet! Nadadagdagan 'yung init na nararamdaman ko. Ewan ko ba! Para kasing kada sisingutin niya 'yung balikat ko, may kakaibang pakiramdam na dumadaloy do'n. 'Yung pakiramdam na aantokin at gaganahan ka nalang bigla. Huahua.
What is this?
Yayakapin ko na din sana siya. Gagantin na rin sana ako ng yakap. Kaso may potanginang istorbo lang. May kumatok na naman mga bes.
Hanubayan.
"Fuck,"
"Bitawan mo na 'ko! May kumakatok!"
"Don't mind it,"
"Anong don't mind, don't mind? Mamaya si lola na 'yon 'e! Bitaw na sabi!"
"Tsk,"
Isang mahabang buntong-hininga muna ang ginawa niya na halos magpawala ng ulirat ko. Binitawan na din naman niya 'ko pagkatapos no'n kaya agad-agad akong kumawala at tumakbo papunta sa pinto.
Kabado ako mga bes. Parang may ginawa akong kababalaghan na ewan.
"Arf!"
"Kyaaaaah! Humaygas!"
Agad ko ring sinarado 'yung pinto sa sobrang gulat. Napahawak pa 'ko sa dibdib ko. Shutangina kasi! May aso sa labas! Kanino ba 'yong kulay brown na 'yon?! Imposible namang si Budam 'yon kasi sobrang laki ng hayop na 'yon! Maliit lang 'yung nasa labas 'e. Pang-normal size na katawan lang. Pero bakit nga nandito? Anong ginagawa sa tapat ng bahay namin? Hudaaas! 'Wag niyong sabihin na kasali 'yon dati sa mga patay na patay sa 'king aso?! 'Yung mga hinabol ako hanggang puno?! Ganern! Ngayon na ba sila gaganti?
Huwaaaah! Budam! I need you!
"I told you, don't mind that."
Umatras ako ng bongga at nagtago sa likod nung dumaan si kupal at binuksan 'yung pinto. Akala ko papaalisin na niya 'yung bwisit na jutay na aso. Pero laking gulat ko nung lang lumabas siya.
"H-Hoy?" tinry kong sumilip. Kaso bigla din siyang pumasok kaya napabalik ako sa pwesto ko.
"Ano 'yan?"
"Jollibee,"
"Huh? Ba't may gan'yan sa labas? Sinong nagdala? Hindi naman ako nagpa-deliver ah?"
Napatikom siya ng bibig. Akala ko di na niya sasagutin 'yung tanong ko. Pero shet, sana pala hindi nalang niya talaga sinagot.
"My dog,"
Tangina.
May asong nagdedeliber sa 'min.
---
A/N:
I've been busy this past few days. Sorry for the late updates :<
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top