MARK 33

KABANATA 33

"Hudas ka! Hindi asukal 'yan!" biglaan kong sigaw. Balak ko sana siyang gulatin. Pero wala 'e. Parang expected na niyang nandito ako. Ano? Manghuhula ba 'tong si fafa?

"So stubborn, huh?"

"Sinong nagsabing magluto ka, huh?" ginaya ko pa 'yung way ng pag-sasalita niya. Poging 'to! Matatanggal na 'yung ilong ko kaka-english niya 'e! Well, hindi na nakakapagtaka 'yon. Mukha kasing may lahi si kupal. Parang British na Spanish na snobbish. Ganern. Ewan ko ba, ang tapang kasi ng mukha niya. Feeling ko isang maling kibot mo lang, durog ka na d'yan 'e. Hakhak!

Pumamewang nalang ako sa harapan ni fafa, "Sino ka ba para alagaan ako? Hindi mo naman obligado 'yan!" kunwaring inis ko pang saad. Pero tinitigan niya lang ako at nilapag 'yung basong pantakal ng bigas sa gilid.

"Jake," matigas na sambit nito, "That's my name, baby."

"Pake ko sa pangalan mo? Meron din naman ako niyan!" ngumuso pa 'ko sa harapan ng poging 'to, 'yung ngusong galit na parang manghihigop na ng tao, "Ang ibig kong sabihin, hindi naman kita kaano-ano para gawin 'yan! Jowa ba kita? Kapatid? Tatay? Tita? Anak? Hindi naman 'di ba?! So dapat umalis ka nalang!" sigaw ko pa sa kan'ya. Pero tangina, wala yatang tenga 'tong si  fafa 'e. Kakasad.

Kita ko kung paano unti-unting bumaba 'yung tingin niya sa nguso ko. Like wat da hek? Nasasayang lang 'yung boses ko dito! Paos na paos na nga ako tapos sumasakit na din 'yung ulo ko! Bakit gan'yan pa siya? Nasa'n na ba kasi 'yung hayop na Budam na 'yon! Dapat mga ganitong oras nandito siya 'e! Sinong maghahatid pauwi sa fafang 'to? Bwisit. Baka ako pa?

"I'm here to take care. And look after my property. Now please? Go upstairs and get some rest." marahan niyang sambit habang natitig ng mariin sa 'kin.

Pakshet, don't eye to eye me like that. Baka mahawa pa ako ng sore matas mo.

Tinasaan ko lang siya ng kilay. Ano bang pag-aari 'yung pinagsasabi nito? Kanina pa siya ah. Gas stove? Kwarto? Bahay? Kubeta? O baka naman 'yung mga damit ko? Jusko naman lola! Huwag mong sabihin na may nawawala kang apo? Okay na sa 'kin si Budam. Pero susme! I kennat! Hindi maaari itong poging 'to! I'm not going to do pamileh stoyke. I hate that.

"Okay sige! Anong ari-arian mo dito? Sabihin mo na at nang maibigay ko! Para makauwi ka na rin!"

Hindi ko alam kung bakit. But he looks amused instead of anything. Tumagilid pa 'yung ulo niya sa kaliwa at kinagat 'yung labi, "You don't need to do that. I already have my property." parang sigurado pa niyang sambit.

Oh? E nasa kan'ya na pala! Ano pang ginagawa niya dito? Bakit nakitulog pa siya sa kwarto ko? Kagagawan na naman siguro 'to ni Budam. Baka binenta na 'ko no'n sa poging 'to! Pero okay lang hehe. Okay lang talaga. Wala akong reklamo. Salamat animal! Buti naman at nasa matinong pag-iisip ka. Akala ko panget ng taste mo 'e. Don't cha worry, ibebenta din kita sa mayamang tao. Tapos papakainin kita ng chocolate bago ka katayin. Huahua.

"Yon naman pala! Nakuha mo na pala! Tatawag na ba 'kong tricycle? Sa'n ka ba nakatira?"

Agad na kumunot 'yung noo niya sa sinabi ko. Takang-taka siguro. Pero bakit? Anong nakakapagtaka sa tanong ko? Sasagutin lang naman niya 'e. Math equation ba 'yon para mahirapan siya? Sus maryosep.

"You're my home,"

Hindi agad nag-proseso sa utak ko 'yung sinabi niya. Bago pa 'ko maka-react ay isa, dalawa at tatlong malalakas na katok 'yung narinig ko. Bwisit! Panira ng moment! Sino ba 'tong mga gunggong na nasa labas? Ngayon pa talaga bibisita? Bawal bukas? Ngayon talaga? Jusko, 'wag naman sanang si bruha 'to. Baka iba pa magawa ko sa babaeng 'yon. Promise.

Umikot nalang 'yung mata ko at padabog na dumiretso sa pintuan. Bubuksan ko na sana 'yon nang maunahan ako ng isang maugat na kamay.

"Miss Jheni--"

"Jemay," ma-awtoridad na sambit ni Jake sa mga baranggay tanod na sumalubong sa 'kin. "You should call her that."

Huwaw ha? Anong problema nito sa pangalan ko? Maganda naman 'yung Jhenica 'di ba? Pang-dyosa pa nga 'e. Jusko, daming arte! Kaano-ano nga pala kitang pogi ka? Baka tatay kita?

"A-Alright sir!" hindi ko alam kung bakit. Pero parang natakot 'yung mga tanod na katapat namin. Mukha pa ngang kabado 'e. Malay ko ba d'yan. Anong nakakatakot sa katabi ko? Mas nakakatakot pa nga 'yung mga mukha nila.

"Ma-Magandang ho gabi sa inyo miss. Sumadya lang kami saglit para mag-report na hindi pa namin nahahanap iyong lola mo. Pinapasabi din ni kapitan na baka ituloy nalang namin bukas." saad niya sa 'kin at tumingin pa kay Jake ng wala pang isang segundo. Kinabahan si gago 'e. Mukha sigurong multo si fafa sa kanila.

Pero ano daw? Hindi pa nahahanap si lola? Jusko mga beshangs! Tangina! Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko 'to! Pesteng lagnat kasi ampota. Kung 'di lang ako dinapuan 'e. Baka hinahanap ko pa rin si lola ngayon. Hindi ako titigil hanggat hindi ko 'yon nahahanap! Dapat gano'n din sana sila! Kaso hindi naman ako nagbayad 'e. Kaya wala akong karapatang pagurin 'tong mga 'to. Panakot lang 'yung meron sa 'kin. Pero bwisit! Nasa'n na ba kasi 'yong animal na 'yon?!

"B-Bukas ulit?"

"Oho miss,"

Tangina mong sakit ka! Sana si Budam nalang muna 'yung dinapuan mo! I hate you! Hindi kita hahatian ng pagiging dyosa ko! Huhuhu. Sisiguraduhin kong bukas, wala ka na! Hmp! Mag-ready ka nang humanap ng bago mong bibiktimahin.

"Hey,"

Sabay-sabay kaming napatingin kay Jake. Nakakagulat naman 'to! Pati tuloy 'yung dalawang tanod na nasa likod nung nasa harapan namin. Napasulyap din sa kan'ya. Potek?

Tumingin muna siya sa 'kin bago dahan-dahang nilusot 'yung dalawang kamay sa bulsa ng sweat shorts ko.

"B-Bakit po, sir?"

Kitang-kita ko kung paano niya tignan 'yung mga tanod na nasa harapan namin. 'Yung tingin na parang wala lang. Pero ang lakas ng banta. Nag-iiba na din 'yung pakiramdam ko sa awra niya. Alam niyo 'yung feeling na parang may dumaang hari sa gitna niyo na dapat niyong luhuran? Ganern mga bes! Parang kapag may sinabi siya, dapat sumunod ka nalang!Nakakatakot na! Ewan ko kung bakit biglang gano'n. Hindi naman siya ganito kanina sa loob ah?

"Don't make him mad," matigas na sambit niya gamit ang malalim na boses na ngayon ko lang narinig.

Lahat kami ay nagtaka sa sinabi nito. Huwat? Sinong him? May kasama pa ba kaming iba?

"Sino ho, sir?"

Kita ko kung paano umigting 'yung panga niya na parang nawawalan na siya ng pasensya. Na parang konti nalang ay pipitik na 'yung gatilyo upang pumutok ang bulkan.

"Fool, I'm pertaining to her dog."

---

A/N:

Happy 2k votes! Thank you so much!

Facebook: Keian Imex

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top