MARK 32
KABANATA 32
Bigla na namang sumakit 'yung hudas kong ulo. Huwaw ha? Kung kailan ko naalalang may sakit ako, 'tsaka naman nagparamdam. Magaleng kang kupal ka. May nagpakitang gwapo lang 'e. Sus!
Napahawak nalang ako sa ulo ko at yumuko. "Arawch," nasabi kong bigla. Grabing kirot. Tengene, epekto ba 'to ng hindi pa kumakain? Jusko, nasa'n na ba 'yong asong 'yon at nang mautusang bumili ng mga ingredients? At sino daw 'tong fafang nasa kwarto ko? Jake Nikolas? Hot nemen.
"Hey," napaigtad ako sa biglaan niyang paghila sa dalawa kong kamay. "You alright?" marahan at matigas niya pang tanong habang nakatitig ng mariin sa 'kin. Dinikit niya pa 'yung noo niya sa noo ko. Nako mga beshangs. Nakakahipnotismo! Patulong naman d'yan! Ang ganda-ganda naman kasi ng mata ng poging 'to! Dukutin ko na kaya?
Kumalas ako sa pagkakahawak niya at tumaray nalang, "Hindi! Malamang!" sambit ko pero wala siyang karea-reaction. Hinahabol ng mata niya 'yung tingin ko kaya umatras ako ng konti at umiwas. "Sa'n ka ba nakatira? 'Tsaka pa'no ka napunta dito?" nakapamewang ko pang tanong habang nakatingin sa bintana. Syempre, ayoko siyang titigan 'e. Bwisit kasing mata 'yan. Parang nagmamakaawa sa 'kin na gusto na 'kong hubaran. Ganern.
"That doesn't matter," malamig niyang sambit at biglang hinapit 'yung bewang ko. Napahawak tuloy ako sa matigas niyang dibdib. Oh shet, sana pala dumiretso nalang do'n sa abs niya. Hakhak! Chareng lang. Maharot!
"You should rest. I'll cook something, so you could gain your energy back."
"Huh?"
Wala akong ma-gets! Ano ba 'to? Nag-hire ba si Budam ng gwapong katulong? Jusko! Gentle dog ka ngang hayop ka! Patay ka sa 'kin pagbalik mo. Papakainin kita ng tatlong kalderong adobo. Hakhak! Pero sana 'wag ka nang bumalik. Doon ka nalang sa pamilya mo. D'yan ka naman masaya 'e. Gawa kayo ng trentang anak para makatiba-tiba naman ako.
Tinulak ko siya ng bahagya pero hindi natinag si kupal. "Bitawan mo nga 'ko!" tinulak-tulak ko pa siya pero wa epek pa rin. Tinuloy-tuloy ko pa 'yon hanggang sa unti-unti nang kumunot 'yung noo niya. Huwat? Nabubwisit si pogi?
"Don't be stubborn." masungit niyang sambit na ikinataas ng kilay ko.
Stubborn? Sinong stubborn? Ako? Da hek! Siya nga 'yung biglang lumitaw sa kwarto ko 'e! Tapos nanghahapit pa ng bewang! Ano? Chansing lang? Sus! Kunwari pa 'tong kumag na 'to. Gusto lang naman mahawakan 'yung sexy kong katawan.
"Gago ka ba?! Manyak! Ipalapa kita sa aso namin!" kunwaring gigil kong sabi. Mas lalo namang kumunot 'yung noo niya na parang may narinig na hindi gusto.
"You don't have a dog,"
"Meron!"
Hutek? Ayaw niyang maniwala? Nasa'n na ba kasi 'yung Budam na 'yon? Kung kailan naman kailangan 'e! Susmiyo! Siguro iyot lang ng iyot 'yon sa asawa niya! Sinusulit 'yung pagkakataon na nakalaya siya sa bahay na 'to. Ba't kasi hindi ko pa tinali sa gate? Nubayan, Jemay. Wala ka talagang utak. Kinuha na naman ni aling Imelda.
Bigla niyang nilapit niya 'yung mukha niya sa 'kin na hindi ko alam kung bakit, "That's not a dog, baby." dahan-dahan at seryoso niyang sambit habang nakatitig ng mariin. Parang tinatansiya kung anong magiging reaksyon ko
Like OMG?
"Anong akala mo kay Budam? Tigre? Lagot ka do'n!" pananakot ko pa. Pero mukhang hindi epektib. Nakakunot pa rin 'yung noo niya 'e. Kulang nalang magdikit na 'yung dalawang kilay. Ewan ko ba dito! Parang may hindi gustong narinig! Nakabunsagot 'yung mukha! Ang sungit ni gago.
"Fucking name," tila siya nadidismaya sa 'kin. Ano na namang ginawa ko? Sa kan'ya bang pangalan 'yon? Feelingero ah! Aso ka ba ha? Aso ka? Umuwi ka nalang kaya sa inyo!
Hinampas ko ng malakas 'yung dibdib niya. Akala ko makakarinig ako ng aray. Pero wala. Nakatitig lang talaga sa 'kin si kupal. May problema ba sa mukha ko? May kulangot? May muta? Huwat? O baka naman nabawasan na ng isang porsyento 'yung pagiging dyosa ko? Ay kent bilib it! Hindi maaari! Never mangyayari sa 'kin 'yon. Never! Even in my wildest dreams! Huahua.
"Bitawan mo na 'ko! Nahihilo na 'ko!" sigaw ko dito. Totoo na kasi 'yon. Nagsisimula nang umikot 'yung paningin ko.
"Because you're stubborn! I said you should rest. But you keep on smacking me!" naiinis niyang sambit sa 'kin. Rerebatan ko na sana siya nang bigla niyang buhatin 'yung sexy kong katawan. Napahiyaw pa 'ko ng bongga mga bes. Nagulantang ako 'e. Susmiyo! Feeling ko, umabot ng kabilang bahay! Sana hindi nila narinig. Baka isipin pa nilang may kababalaghang nangyayari dito.
Akala ko kung saan na niya ko dadalhin. Akala ko nga sa simbahan na 'e. Kaso naramdaman ko nalang bigla 'yung lambot ng kutson ko. Bwisit.
Pinanlisikan ko pa siya ng mata at binalak na tumayo. Pero sumampa na din siya sa kama at dinaganan 'yung sexy kong katawan. Shet mga bes, ang dikit ng body namin! Humaygas! Kung 'di lang niya 'ko binalot ng kumot. Nakuuur!
"Stay still, baby."
"Umalis ka nga d'yan! 'Di ako makahinga!"
"Tsk,"
Bago pa 'ko maka-react, naka-alis na siya sa kama. May naramdaman pa 'ko pagdampi ng labi sa noo ko. Pero parang wala naman. Baka kamay niya lang 'yon. Ang bilis kasi ng mga kilos niya. Hindi ko masundan kaya nalilito ako. Shutangina. Bampira ba 'yon? Imposible. Hindi naman maputi 'yung hudas na 'yon 'e. Medyo lang. Fifty-fifty na sa kayumanggi.
Sinarado niya 'yung pinto at nagsalita, "I'll just cook," marahan niyang sambit. "Don't follow me downstairs."
"Ha? Hoy!"
Tuluyan na niyang kinulong ako sa kwarto. Tengene, akala ko ba siya 'yung ikukulong ko dito? Ba't parang bumaliktad naman yata? Ang kapal ng mukha niyang magluto sa bahay namin! Pero okay lang. Gwapo naman 'e. Char. Syempre bawal pa rin 'yon. Ang harot-harot ko na.
Umiling-iling nalang ako at tinanggal 'yung kumot na nakabalot sa 'kin. Susundan ko si kumag sa baba. Baka tumakas na 'yon. Hindi maaari. Isusumbong ko pa siya kay Budam. Hudas na aso. Bakit ba kasi siya nagdala ng fafa? Porket may sakit ako? Grrr.
Dumiretso ako sa pinto at mabilisang binuksan 'yon. Sumilip pa 'ko sa kaliwa't kanan. Mamaya patibong lang pala 'yung kanina 'e. Tapos hinihintay lang niya 'kong lumabas. Bwisit na pogi! Malaman-laman ko lang talaga.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Sinigurado kong walang maririning na tunog sa bawat hakbang ko. Pero teka? Bakit nga pala ako nagiging spy? Bahay ko 'to 'di ba? Dapat siya pala 'yung matakot sa 'kin! Kupal! Tama!
Tumakbo ako papuntang kusina. May narinig kasi akong nagbukas na kalan. At hindi naman ako nagkamali dahil nando'n nga siya. Lalapit na sana ako para manuntok. Pero agad ding napatigil nung may nakita akong nakakamangha. Like shet? Ang angas ng tattoo niya sa likod! Mukha ng asong nakalabas 'yung pangil na-ready nang manakmal! Nakakatakot tignan! Pero 'di ko alam kung bakit ako namangha. Ewan ko ba. Sino kayang nag-ukit no'n?
"How can I fucking cook this sugar like food?"
Lumapit ako sa kan'ya at tinignan 'yung nilagay niyang bigas sa kawali.
Magaleng.
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top