MARK 30
KABANATA 30
Kinabukasan, hindi ako makatayo sa hinihigaan ko. Feeling ko ang bigat ng sexy kong katawan. Huahua. Nagiging bench body na ba 'to? Pwede na ba 'kong maging model? Pero pakshet, bakit ang init ng pakiramdam ko? Ni ayaw ko pang imulat 'yung magaganda kong mata.
Sabi na nga ba 'e. Tama 'yung hinala ko kagabi.
May lagnat ako.
"Aruuuy... Huhuhu," sinubukan kong tumayo. At susme, alam niyo 'yung feeling na parang may rayuma kayo? Ang sakit ng body ko mga beshangs! Bwisit! Bakit ngayon pa? Bakit ako pa? Pwede namang si Budam nalang 'e. Hudas ka talagang sakit ka. Namimili ka ng dyosa ha?
Pinipilit kong umalis sa hinihigaan ko. Pero agad ding napatigil nung may naapakan akong mabalahibong nilalang. Oh shet? Dito pala natulog 'to? Hindi ko na naman siguro na-lock 'yung pintuan kagabi. Malay ko bang myembro pala ng pasok-kwarto gang 'tong animal na 'to.
Ang kapal talaga ng mukha 'e. Gusto sa kwarto din natutulog.
Tao ka ba? Ha? Tao ka?
"Rawr,"
"Ay sorry, 'kala ko basahan hehe." paos na sambit ko dito. Hurey, husky na 'yung boses ko! "T-Tulog ka lang," tumango-tango pa 'ko sa kan'ya na parang sinasabi kong okay lang na humilata pa siya do'n. Pero parang 'di niya 'ko naintindihan. Nakatitig lang siya sa 'kin 'e. Ano na namang problema nito? Sa tuwing ginagawa niya 'yan, naiilang ako sa pula niyang mata. Feeling ko may gusto siyang sabihin na ewan. O feeling ko lang 'yun? Siraulo na din yata ako guys.
Gusto ba nitong makatikim ng sapak ng may sakit?
"Rawr..." hindi agad ako naka-react nung bigla siyang tumayo. Akala ko lilipat lang ng pwesto. Pero jusko! Lumapit siya sa 'kin! Hawaan ko kaya 'to ng sakit 'no? Tignan natin kung 'di pa lumala 'yang sore eyes mong animal ka.
Iiwas na sana ako kasi sobrang lapit na niya. Kaso huli na. Dinikit na niya 'yung nguso niya sa noo ko. "Rawr..."
"B-Bakit?"
Huwaw Jemay, nagtanong ka pa talaga. Umaasa kang sasagot 'yan? Well, pwede naman. May nagsasalita ngang balyena sa karinderya namin 'e. Hulaan niyo kung sino. Hakhak!
Marahan kong tinapik 'yung nguso niya at tumayo nalang. Jusko, sana pala hindi nalang nagugutom 'yung may mga sakit. Ang hirap gumalaw 'e. Parang ayaw akong pagtrabahuhin ng katawan ko. Uhaw na uhaw pa naman 'yung dyosa niyo mga beshangs. Dalhan niyo kaya ako ng tubig 'no? Tapos napapaso na rin 'yung baba ng ilong ko kada hihinga ako. Ang hirap pa lumunok ng laway, shutangina.
Humawak ako sa hamba ng pintuan. Susme, sampung hakbang palang 'yung nagagawa ko ah? Pero pagod na pagod na 'yung katawan ko. Pa'no pa kaya 'ko niyan makakababa ng hagdan? Talunin ko kaya 'no?
"Rawr,"
Bahagya akong nagulat sa biglaang pag-angat ni Budam ng lutaytay kong kamay. Nilagay niya 'yon sa leeg niya na parang handa siyang alalayan ako sa ngalan ng menudo. Oh panis, may gentle dog kami guys. Huahua. Wala kayong ganito 'no? Medyo nadismaya lang ako ng konti. Mas gusto ko sanang sumampa nalang sa likod niya para may instant wheel chair na 'ko. Pero 'wag nalang pala, baka mas lalong lumala pa 'yung sakit ko. Baka mamaya, gumulong-gulong pa 'ko sa hagdan 'e.
"Di naman ako mabigat," nasabi ko sa kan'ya. Nakakahiya kasi guys. Sampang-sampa na 'ko sa hayop na 'to. Hindi ko na nga nilalakad 'yung paa ko 'e. Ayos na 'yun 'di ba? Laki-laki kaya ng gentle dog ni lola.
Huwaaaaaaah! Si lola huhuhu. Naalala ko na naman. I feel so useless. Parang wala 'kong kwentang apo. Kung kailan naman naghahanap ako ng lakas, saka pa dinapuan ng sakit. Ganito ba talaga kapag dyosa? Minamalas sa unexpected day? Sagutin niyo 'ko, sa mga kalahi ko d'yan. Baka naman.
Diniretso niya 'ko sa sofa namin. Agad naman akong umupo do'n at nagpahinga. Magluluto ako ng adobo mamaya kaya kailangan kong mag-ipon ng lakas. Wala kasi akong cellphone kaya hindi ko matawagan si bruha. Magpapa-alaga sana ako. Pero naisip ko rin na may pasok pala sa karinderya. Kawawa naman si aling Imelda namin kung walang tutulong sa kan'ya. Nando'n naman si kuya Eman pero sure akong LQ pa rin 'yung dalawang 'yon. Baka wala silang mabenta.
Umayos ako ng upo nung biglang umalis si Budam. Hala? Sa'n pupunta 'yon? Sa kwarto? So gano'n pala 'yon. Pinaalis lang pala niya 'ko para masolo niya 'yung kwarto ko. Hayop na 'yan. Napakatalino mong animal ka! Bangungutin ka sana d'yan.
"Aw..." napasapo ako sa ulo. Kumirot 'e. Naiiyak tuloy ako sa sarili ko. Kung nandito lang sana si lola. Hindi no'n hahayaan na sumakit miski tigyawat ko. Char, flawless po ako. 'Tsaka sisiguruduhin no'n na bukas, wala na 'kong sakit. Ayaw niya kasing nakikitang nanghihina 'yung dyosa niyang apo.
Sinulyapan kong bigla 'yung hagdan namin. May narinig kasi akong bumababa. Oh shet, mga beshangs. 'Wag naman sana akong multuhin ngayon 'di ba? Kahit bukas nalang o sa isang araw. Tangina, hindi ako makakatakbo! Feeling ko mahihimatay lang ako sa daan. Gusto niyo 'yon? Pwes, mag-dala kayo ng pari dito.
"Rawr," hinawakan ko kung dibdib ko sa kaba. Susmiyo! si Budam lang pala! Akala ko natulog na 'to sa kwarto? Nagkatotoo yata 'yung hiling ko. Binangungot si animal. Buti nga, mwehehe.
"A-Ano 'yan?"
"Hmrawrm,"
Shutangina? Panty ko ba 'yon? Halimaw! Panty ko nga! Kabisado ko lahat ng panty ko! Hindi ako pwedeng magkamali! Nag-iisa lang sa drawer 'yung may polka dots na design! Binigay 'yon sa 'kin ni lola pampaswerte daw sa new year! Bakit kagat-kagat ni Budam 'yon?! Nangalalkal ba siya sa kwarto ko?! 'Tsaka potek! Ano 'yung nasa leeg niya? Bra ba 'yon? Hudas. Mag-aadobo yata ako ng aso ngayong gabi. Pigilan niyo 'ko. Papatayin ko 'tong animal na 'to.
Parang gusto ko nalang himatayin nung lumapit siya sa 'kin at ilapag 'yung undies sa hita ko. Tinitigan ko 'yon na parang nadidismaya. Jusko, ni si lola hindi pa nahahawakan 'yan tapos ikaw? Ikaw na dambuhala ka? Kung may hawak lang sana akong kutsilyo, baka may pang-karne na agad ako sa adobo. Kaso wala 'e. Nasa kusina pa.
"Rawr,"
"Bwisit ka."
Yumuko siya at umiwas ng tingin sa 'kin. Gusto ko siyang murahin kaso wala palang kwenta 'yon. Hindi naman niya maiintindihan. Sayang lang boses ko dito. Putulin ko nalang kaya 'yung betlog niya 'no?
Maya-maya ay dahan-dahan siyang umalis sa harapan ko. Sinundan ko siya ng masamang tingin. Dumiretso kasi sa kusina si animal. Ano namang gagawin niya do'n? Ha? Magluluto? Hayop. Subukan niya lang.
Tatayo na sana ako para sundan siya. Pero pakshet. May kagat-kagat na namang siyang maliit na palanggana at puting towel. Pa'no niya nakuha 'yon? Kailan pa nagkaroon ng kamay 'tong dambuhalang 'to? 'Wag mong sabihin na pumatong siya sa kung saan do'n sa kusina? Animal.
Dinala niya naman 'yon sa harapan ko. Kukunutan ko na sana siya ng noo kaso bumalik na naman siya sa kusina. Akala ko magtatago na siya do'n. Pero lumabas siyang may dalang pitsel. Binuhos niya 'yung laman sa palanggana at tumitig sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Anong gagawin niya d'yan sa mga nilabas niya? Balak niya bang mag-swimming? Buset.
"Rawr,"
"Oh ano?" paos na tanong ko sa kan'ya. Pero tinuro-turo lang ng nguso niya 'yung palanggana. "Ha? 'Di kita ma-gets. Gusto mo bang maligo?"
Suminghal siya sa 'kin at kinagat 'yung puting towel. Malay ko ba dito. Nag-riritwal na yata 'tong dambuhala na 'to 'e. Jusko, ayokong magkaroon ng diablo sa bahay. Parang awa mo na. Baka naman.
Nilublob niya 'yung towel sa tubig. Akala ko iwawasiwas niya na sa buong bahay 'yon para sa simula ng ritwal. Pero laking gulat ko nung nilapat niya sa noo ko 'yung basahan. Hindi ko alam ire-react ko. Hala shet? Tinatawag niya ba 'yung pari sa sugat ko? Bakit niya tinapalan ng basang towel 'yon? Jusme, bakit nagiging gentle dog na 'to?
Kinuha ko nalang sa nguso niya 'yung basahan, "Ako na."
"Rawr,"
Binitawan naman niya 'yon at umupo sa harapan ko. Pakshet, titig na titig siya sa 'kin mga beshangs. Anong akala nito? Hindi ako marunong magpunas? Palunok ko sa kan'ya 'yung palanggana 'e. Tignan natin kung makatitig pa siya ng gan'yan.
Nilapag ko sa tabi 'yung towel matapos kong magpunas. "Okay na," sabi ko dito at tinabi 'yung mga gamit na nilabas niya. Tumayo naman siya sa pag-kakaupo niya na agad kong pinagtaka.
So ayon, hindi pa pala siya tapos.
"Rawr,"
"Bakit?"
Kinagat ng nguso niya 'yung panty ko at hinarap sa 'kin. Agad ko namang hinablot 'yon kaya napa-singhal siya.
Bwisit na animal 'to. Anong gusto niyang mangyari? Suotan ako ng panty? Susmiyo, 'wag na oy. Hindi ko na kaya 'to. Baka ikamatay ko na 'yon. Pero ang tigas ng bungo ng hayop. Kinagat niya ulit 'yung panty ko at hinila sa 'kin.
"H-Hoy!" ayaw niyang bitawan mga beshangs! "Ano ba?! Oo na! Magpapalit na 'ko!"
"Rawr!"
Kasabay ng pagtahol niya ay 'yung pagbitaw niya sa kawawa kong polka dots na panty. Tengenge, may problema ba 'to sa buhay? Baka trip niyang suotin 'yung panty ko? Sinasabi ko na nga ba 'e. Shuding ang animal. Ayaw pang umamin.
Umakyat nalang ako sa kwarto at nagpalit. Iniwan ko siya do'n sa baba. Bahala siyang mag muni-muni do'n. Siraulong aso. Nababaliw ako sa kan'ya 'e.
Pagkatapos kong magbihis, agad akong sumalampak sa higaan ko. Shet, kailangan kong bumili ng gamot. Kailangan ko rin magluto para may makain ako. Hindi ko mahahanap si lola kung magpapahinga pa 'ko dito ng isang araw. Pero nakakapagod. Ang sakit na ng katawan ko. Sobrang init pa. Parang gusto ko nalang matulog.
Promise lola, hahapin kita ulit pagmulat ng mga mata ko.
"Haaay..." pinikit ko nalang 'yung magaganda kong mata. At humiga ng maayos.
"Rawr,"
May narinig akong pumasok pero hindi ko na pinansin. Si Budam 'yon malamang. Siya lang naman tumatahol dito 'e. Naramdaman ko pang tumabi siya sa 'kin. Hindi ko nalang din pinansin. Pagod na pagod na 'ko. Mamaya ko nalang siya kakatayin.
Kinagabihan, naalimpungatan ako sa bagay na nakapatong sa t'yan ko. Dahan-dahan kong minulat 'yung mata ko. Pero agad din napapikit nung makaramdam ako ng sakit ng ulo. Jusko, bakit ngayon lang ako nagising? Anong oras na?
Kumapa-kapa ako sa paligid. Wala 'kong makita 'e. Hindi na rin ako makahinga dahil parang may nakadagan sa 'kin. Ano ba 'to? Ginawa ba 'kong hotdog ni Budam? Susme, ang lakas talaga ng loob mong animal ka.
Hinanap ko 'yung malahibo niyang katawan para sana sabunutan. Pero shet, iba yata 'yung nakapa ko. Ang tigas! Pinindot-pindot ko pa 'yon ng malakas upang makasigurado at napagtantong ahas pala 'yon! Potangina! May ahas sa kwarto ko! Sinong hayop ang naglagay nito sa t'yan ko?!
"Ugh..."
"KYAAAAAAAAAAH! SINO KA?!"
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top