MARK 29

KABANATA 29

Binigay ko lahat ng kailangan nilang impormasyon. Picture ni lola, age niya at kung saan siya nakatira. Gusto ko pa sanang tumulong kaso hindi na daw kailangan. Mas kailangan ko daw magpahinga at ihanda 'yung sarili sa maaaring makuha nilang report.

Pero hindi ko sila sinunod. Chicks ba sila? Hindi nga nila ako tinulungan agad tapos ang lakas pa mang-utos? Tse! Hahanapin ko lola ko mag-isa kung ayaw niyo 'kong isama!

"Rawr,"

Napatingin ako sa likuran ko. Sumusunod pa rin pala si Roland? Pero pakshet mga beshangs, mukhang may LQ sila ni Budam ah? Gigil na gigil 'yung titig ng animal 'e. Akala mo may gustong lunukin na ewan.

"Bakit 'yan?"

"A-Ah, Jemay..." kumanot-kamot si Roland sa ulo niya, "Magpapaalam na sana ako. Tumawag si mama kanina, kailangan ko nang umuwi." ah okay, kaya pala nagagalit si Budam. Ayaw niya sigurong umalis 'to. Kawawa naman. Kung ginerfriend niya nalang sana 'yung kulay gray na dambuhala 'di ba? Edi hindi niya na kailangan pang maghabol. Ireto ko nalang kaya siya sa ibang aso 'no? Kaso baka sugurin ako ng mga anak at asawa niyan.

Pero okay sana 'yon, para may benta na 'ko.

"Sige, salamat Roland ha?" nakangiting sambit ko rito.

"Ikaw rin, Jemay. Mag-gagabi na." tinanguan ko lang 'yung sinabi niya.

'Yon nga 'yon 'e. Mag-gagabi na pero wala pa rin si lola. Hindi mapakali 'yung isip ko kakaisip kung anong kalagayan niya ngayon. Kung kumain na ba siya, kung ayos lang ba siya o kahit nakatulog man lang. Sana bukas 'di ba? May kumatok na sa bahay tapos pagbukas ko, nakatayo na do'n si lola.

Shet, naiiyak ako guys.

"Hello po, may nakita po ba kayong matandang babae dito?" tanong ko sa lalaking naka-upo sa may puno. Hindi ko alam kung bakit siya natakot pero natakot siya. Teka lang, jusko. Anong nakakatakot sa tanong ko? Nakakamatay ba? Tengene, nagtanong lang 'e. O baka naman kay Budam siya natakot? Dapat pala hindi ko na sinama 'tong dambuhala na 'to. Panira ng diskarte 'e.

Umayos ng upo 'yung lalaking pinagtanungan ko at ngumanga sa 'kin, "Hija..." hinintay ko ng limang segundo 'yung sasabihin niya,

"...bulag ako,"

Nakanang! Kaya naman pala! Malay ko bang bulag 'to? Hindi naman halata 'e. Naka-shades kasi siya. Pero nakakapagtaka nga 'yon 'no? May mga tao nga namang nagshe-shades sa gabi. Minsan nga meron sa night swimming 'e. Napapanood ko sa T.V.

"Ay gano'n po ba? Pasensya na po. Hindi ko po napansi--"

"Pero kaya kong makakita ng hinaharap," napatigil ako sa tinuran niya. Okay? Nakahanap pa yata ako ng manghuhula. Ipahula ko kaya kung nasa'n si lola 'no? Para tapos na agad 'yung pag-aalala ko. Jusko, korek! Senk you Lord! Hinulog mo agad 'yung kailangan kong tao! I love you na talaga!

"Hinaharap lang hija, hindi maghanap ng tao."

Batukan ko 'to 'e. Panira ng moment. Akala ko pa naman siya na. Tsk! Makaalis na nga! Anong gagawin ko dito? Baka mamaya keme-keme lang niya 'yung hula niya. Nagsayang pa 'ko ng oras. Mas mabuting hanapin ko nalang si lola kesa magpahula pa dito kay boss Auring.

Hinila ko na 'yung balahibo ni Budam sa leeg. Aalis na sana kami pero napatigil din nung magsalita 'yung lalaki, "Hija, sundin mo kung anong sinasagot ng puso mo para hindi ka masaktan sa mga magiging desisyon mo. May darating na malaking pagsubok sa 'yo." kinonutan ko lang siya ng noo. Ano bang hinuhulaan nito? Buhay pag-ibig ko ba? Jusko naman. Ekis tayo d'yan mga beshangs.

"Rawr,"

Biglang dinilaan ni Budam 'yung mukha ko kaya pinalo ko 'yung nguso niya. Bwisit na 'to! Kadiri! Gawin ko kayang barbeque 'yung dila niya 'no? Tapos ipakain ko sa daga ni aling Imelda. Gigil na 'ko 'e. Ang lagkit kaya!

Nagpaalam nalang ako do'n sa lalaki na nakanganga pa rin. Hinila ko ng todong-todo 'yung balahibo ni Budam sa leeg. Buti nga nahihila ko pa siya ng ganito 'e. Parang tuwang-tuwa pa naman si animal. Kalbuhin ko na kaya 'to 'no? Tas ibenta ko sa parlor 'yung buhok niya. Gawin nilang damit hehe.

Ilang tao pa 'yung pinagtanungan ko. May mga namamangha pa kay Budam kaya napapatagal ako. Pero tinatahulan naman sila ng animal kaya natatakot din. Ayaw niya kasing magpahawak ng buhok. Napaka-arte. Akala mo nakaligo na siya 'e. Hakhak!

Hindi ko alam kung saan na kami nakarating ni Budam. Feeling ko nasa Sitio Ladumi na kami. Gabing-gabi na pero hindi pa ako nawawalan ng lakas. Kanina ko pa rin naririnig 'yung kalam ng sikmura ni dambuhala pero wala akong naririnig na angal. Malamang, Jemay. Magulat ka kung magtanong ng pagkain sa 'yo 'yan.

"Shiz... umaambon!" tumakbo ako sa punong una kong nakita. Sumunod naman sa 'kin si Budam at nakisilong din. Pakshet, wala akong dalang payong! Pa'no ako makaka-uwi niyan? Mukhang lalakas pa yata 'yung ulan. Nako naman, ang malas ko naman yata ngayon?

"Rawr," tinulak niya 'ko sa mas lilim na parte. Medyo nababasa siguro siya sa pwesto niya. Pero huwaw ha? Ang arte naman nito! Tulak ko rin kaya siya sa gitna 'no? Para makaligo-ligo na rin.

Napamura ako nung mas lalong lumakas 'yung ulan. Nababasa na rin kami sa pwesto namin. Shet, no choice mga beshangs. Masarap namang maligo sa ulan 'di ba?

Kumamot nalang ako sa ulo at napagpasyahang maglakad. Baka datnan pa kami ng bagyo dito. Hindi ko pa rin naman nata-try na umangkas sa likod ni Budam. Iniisip ko palang parang gusto na niyang ihagis ako. Susme, ayokong salubungin ni lola na lasog-lasog 'yung katawan.

"Hoy animal--"

"Rawr!"

"Ay sorry, Budam pala." Tinarayan ko siya ng palihim. Hindi naman niya kita kasi medyo madilim sa pwesto namin. "Uuwi na 'ko. Stay ka lang d'yan kung ayaw mong maligo." sambit ko sa kan'ya. Tatakbo na sana ako pero dinilaan na naman niya 'yung mukha ko! Wat da hek! Ubos na 'yung safeguard sa bahay! Parang awa mo na! Kanina ka pa ha!

Kakaltokan ko na sana siya pero naisip ko na gaganti nalang ako nextime. Kailangan ko pala siya ngayon.

"Bahala ka nga d'yan!"

Mabilis akong naka-uwi ng bahay. Takbo-lakad 'yung ginawa ko 'e. Nagulat pa 'ko nung sumunod sa 'kin papasok si Budam. Akala ko nagpa-iwan na siya do'n sa puno. Takot sigurong maiwan.

Umilag ako nung bigla niyang winagayway 'yung katawan niya. Tumalsik-talsik tuloy 'yung tubig ulan sa loob ng bahay. Jusko naman, sa laki ng katawan nitong animal na 'to, paniguradong babaha dito. Ang kapal pa namang ng balahibo niyang gradient. Marunong ba siyang mag-linis?

"Itigil mo na nga 'yan! Basang-basa na--HACHING!"

"Rawr,"

Orayt, bigla akong nilamig. Mukhang magkakasakit pa yata ako nito ah? Tanginang buhay, kung kailan naman kailangan kong maging malakas saka naman ako magkakasakit.

---
A/N:

Salamat do'n sa apat na palaging nagko-comment. Sana kasama ko kayo hanggang dulo. Dedicate ko sa inyo lahat ng chapter nito pagkatapos.

Facebook: Keian Imex

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top