MARK 26
KABANATA 26
"Rawr,"
Agad akong tumayo at tumakbo papalapit kay Budam. Niyakap ko siya ng mahigpit sa leeg. Pinangpunas ko pa ng luha 'yung malago niyang balahibo. Pero hindi naman siya umangal kaya siningahan ko pa. Pakshet, ang bango talaga ng animal na 'to. Kelan kaya 'to naligo? Sa pagkakatanda ko, balak ko palang siyang paliguan 'e. Hindi lang natuloy kasi nag-Manila ako.
Iba na talaga kapag may pamilya 'no?
Pero wait, mabalik tayo sa main topic. Umiiyak pa 'ko.
NAWAWALA NGA PALA SI LOLA!
"Rawr..."
"B-Budam," sumisinghot na sambit ko at tinignan 'yung may sore eyes niyang mata. "Kinain mo ba si lola?" mas lalo lang akong naiyak sa pag-ngiwi ng nguso niya. So ibig sabihin wala si lola sa t'yan ng dambuhalang 'to? Kung gano'n, nasa'n siya?! Bwisit na buhay oh. Ikamamatay ko na 'to 'e. Wala akong kaalam-alam kung anong nangyari do'n. Mamaya naligaw na pala 'yon kakagala. Jusko.
Malungkot na bumalik nalang ako sa bukana ng pintuan. Tangina, maghihintay ako dito hanggang mamaya. At kung 'di pa darating si lola pagkatapos ng limang oras, magre-report na 'ko sa baranggay. Mahal na mahal ko 'yon kahit 'di na 'ko 'yung tinuturing niyang apo. Siya nalang natitira sa buhay ko 'e. Bakit bibitawan ko pa? Malalagot talaga sa 'kin kung sino mang demonyo 'yung kumuha sa kan'ya. Madafak mga beshangs, masamang magalit ang mga dyosa. Alam kong alam niyo 'yan.
"Rawr..."
Umusog ako sa gilid nung tumabi sa 'kin si Budam. Okay, actually 'di talaga kami kas'ya. Pinipilit niya lang 'yung pwet niya sa tabi ko. Huahua. Mas lalo akong maiiyak neto 'e.
"Kumain ka na?"
"Rawr,"
"E 'yung mga anak mo?"
"Ra--RAWR!"
Hindi ko alam pero biglang nanlisik 'yung mata niya sa 'kin. Pero agad ding umiwas. Nakita niya sigurong umiiyak ako. Hakhak! Oh ano ka ngayon Jemay? Kinakaawaan kana ng dambuhalang 'yan. Ang tanga mo kasi. Nagbigyan ka pa ng utak 'di mo naman ginagamit. Mas inuna mo pa 'yang Manila Manila na 'yan. Dapat inisip mo nalang na nand'yan lang 'yan, mararating mo rin 'yan soon. Hindi naman aalis sa pwesto 'yan. Pero 'yung lola mo, mahirap pag nawala 'yon. Baka 'di na bumalik sa 'yo.
Binaba ko nalang 'yung ulo ko sa tuhod ko. Wala 'e. Mas lalo lang akong naiiyak sa bawat minutong lumilipas. Sumama pa 'yung mga naiisip ko. "Hoy Budam," nagtinginan kami, "Alam mo ba kung nasa'n si lola?" isang iling lang 'yung ginawad niya sa 'kin tapos tumingin na siya ulit sa harap.
Napabuga nalang ako ng hangin.
JUSKOOOOO! 'YUNG LOLA KO! ILABAS NIYO NAAA!
Nilakasan ko pa lalo 'yung pag-iyak ko. Gusto kong ilabas lahat ng pag-aalalang nararamdaman ko. Ang pangit sa pakiramdam 'e. Where na ba kasi si grandma? Huahua. Bumalik na 'tong bago niyang apo ah? Anong ipapakain nito sa pamilya niya kung walang magluluto ng chicken at menudo? Maawa ka naman la! Kailangan ka ni Budam! Kailangan ka ng bago mong apo! Huhuhu.
Maya-maya ay may naramdaman akong tumatapik sa likod ko. Inangat ko 'yung tingin ko at napagtantong buntot pala 'yon ng hayop na 'to. Hakhak! Bff na kami? Dinadamayan niya 'ko! Kung sabagay, lola namin 'yung nawawala 'e.
"Rawr..."
"Okay lang ako," mahinang sambit ko. Pero deep inside, gusto ko nang mamatay.
Lumipas ang limang oras. Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Tangina, lola ko 'yon 'e. Hindi pa bumabalik hanggang ngayon. Sobrang kaba at pag-aalala na 'yung nararamdaman ko. Una palang, alam ko na na nawawala si lola. Umasa lang akong babalik siya sa mga oras na 'to. Pero nasayang lang pala 'yung paghihintay ko. Jusko.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nakaramdam ng konting sakit ng ulo. Dahil siguro sa patuloy na pag-iyak ko kaya gano'n. Medyo nahihilo na rin ako. Kaso 'di ako pwedeng sumuko, kailangan ako ng lola ko ngayon. Hahanapin ko 'yon kahit saan mang sulok ng mundo. Kahit sa mundo pa 'yan ni aling Imelda. Wala akong pake. Lilipad ako do'n. O kaya magpapahatid nalang kay amo.
"Akyat lang ako, magpapalit." paalam ko kay Budam na sinunsundan lang ako ng tingin. Akala ko 'di siya sasama sa 'kin pero umakyat rin siya. Good boy si animal. Hindi ako tinatahulan.
Una kong binuksan 'yung kabinet ko na pinaglalagyan ko ng underwears. Inaasahan ko na bubungad sa 'kin 'yung pink kong panty pero iba 'yung nakita ko.
Isang pirasong papel na may sulat.
"O-Oh shet, Ka...Kanino galing 'to?" sinuri ko ng mabuti 'yon. At napagtantong sulat kamay ni lola. Hala? May iniwan siyang letter sa 'kin? Kelan pa 'to? Bakit siningit pa sa mga panty't bra ko? Jusko naman la! Mas lalo mo 'kong pinapa-iyak 'e!
Hindi na 'ko napagtumpik-tumpik pa at binasa nalang 'yon. Kumunot naman ng bongga 'yung noo ko sa nabasa. Anong ibig-sabihin nito? Si lola ba talaga nagsulat nito? Malamang Jemay, alangan namang si Budam 'di ba?
Pwede naman, kaso bakit niya isusulat 'to?
Apo,
Hindi lahat ng kasinungalingan ay kasinungalingan. Minsan, ito'y dinadaya upang maging katotohanan.
Paki-explain. Parang dumagdag pa lalo 'yung kaba ko.
"Rawr..." nabitawan ko 'yung hawak kong papel dahil biglang pinatong ni Budam 'yung isa niyang paa do'n.
"Gusto mo putulin ko 'yan? Ha?"
"Rawr!"
Napahawak nalang ako sa ulo ko. Jusko, mas lalo yatang sumakit! Isama niyo pa 'yung lumuluha kong mata na 'di ko alam kung kailan titigil. Sobrang hapdi na. Isa pa 'tong pagsinok-sinok ko. Bwisit.
Tinupi-tupi ko 'yung papel at binulsa. Kumuha na 'ko ng mga damit kaya dumiretso na 'ko sa banyo. Papalabasin ko pa sana si Budam kaso dumiretso na siya sa kama at humiga do'n. Tengeneng hayop 'yan. Feel na feel 'yung pagiging apo. Tse! Pag balik ni lola dito, isusumbong kitang animal ka! Hindi mo 'ko tinutulungan! Hindi ka rin naiiyak kaya 'di mo siya lab! Isa kang peke! Ulam digger! Huhuhu.
Hindi rin nagtagal ay natapos din ako. Kailangan kong magmadali. Kung maaari, ayokong may masayang na oras.
Paglabas ko ay nakaharap na sa 'kin si Budam. Para siyang may inaasahan na ano tapos biglang nadismaya nung hindi natupad 'yung inaasahan niya. Napayuko 'e. Hayop talaga.
"Aalis ako, bantayan mo 'tong bahay." paalam ko sa kan'ya at bubuksan na sana 'yung pinto nung bigla siyang tumalon paalis ng kama. "Oh bakit? Sasama ka? Bawal."
"RAWR!"
"Sabi ko nga 'e, pwede."
Hindi ko alam kung tumataray ba 'yung mga aso pero tinarayan niya 'ko. Kitang-kita ko 'yung pag-ikot ng mata niya! Jusme! Kalbohin ko kaya 'to? Pasalamat siya't naiiyak pa rin ako. Huahua.
Nauna na 'kong bumaba. Sumunod naman siya sa likod ko. Ngayon palang, ini-imagine ko na 'yung magiging reaction ng mga tanod kung makikita nila si Budam. Baka akalain din nilang kabayo 'to ah? Sakyan ko kaya para magmukha talaga siyang gano'n? Kawawa naman 'e.
Hahawakan ko na sana 'yung door knob nang may marinig sa labas.
"Jemay?"
Uy! Si Roland ba 'yon? Siya nga! Perfect timing!
"RAAAAAAAAAAWR!"
Hindi ko pa nabubuksan 'yung pinto. Tumalsik nako sa gilid. Tanginang dambuhalang 'to! Bigla ba namang harangan 'yung pintuan? Kitang nando'n ako 'e! Anong problema?!
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top