MARK 25
KABANATA 25
"Huy, Jemay! Gising!"
"Ha?" kinusot-kusot ko muna 'yung mata kong marikit bago na-realize na nasa bus pala kami. Oh shet, ang ganda ng panaginip ko guys! Natutulog daw ako tapos bigla akong ginising ng bruha. Sa sobrang galit ko daw do'n, nakapatay ako. Ewan ko lang ngayon. Baka ulitin ko 'yung panaginip ko. Feel ko pa naman maging dyosang killer. Basta si Shanie 'yung papatayin ko.
Char.
Inayos ko nalang 'yung damit ko at nag-unat, "Sa'n na tayo?"
"Sa bus malamang, alangan namang-- nasa terminal na tayo. Mangangaltok ka na naman 'e." jusko! Gigil ako sa bruhang 'to. Umagang-umaga! Kung mamimilosopo ka, 'wag sa bagong gising! Baka itapon kita sa bintana.
Tinarayan ko nalang siya at kinuha na 'yung mga gamit sa taas. Nauna na palang bumaba sila aling Imelda. Ewan ko do'n, nagdadabog nga 'e. Ayaw kumain sa mga karinderya na pinuntahan namin. Hindi niya rin pinapansin si kuya Eman 'tsaka hindi na rin masyadong nag-iingay 'yung delikado niyang bunganga. Mabuti na 'yon, kesa naman wala kaming tulog 'di ba? Mahirap magmukhang zombie ang dyosa mga bes. Fafa lang 'yung kinakain ko. Gusto niyo 'yon?
Pagkababa namin ni bruha ay may naghihintay na palang tricycle sa 'min. Ambilis ah? Nakahiwalay pa 'yung sinasakyan ng amo ko. Parang ayaw niyang magpasakay ng iba bukod sa mga gamit nila ni kuya Eman. Huahua, ang hirap palang magtampo ni aling Imelda. Sobrang pakipot. Nahiya naman kaming mga alaga niya. Hakhak! Tama 'yan, paghabulin dapat ang mga pakboy.
"Jems, hindi na 'ko didiretso sa inyo. Uuwi na 'ko sa 'min. Miss ko na sila papa e. Hinahanap na din daw ako ng kapatid ko." mangiyak-ngiyak na sambit niya. Napangiti naman ako. Like, Hurey! Wala ng bruha sa bahay! Wala na ring aso! Solo ko na 'yon! Pakshet.
"Buti naman at natauhan 'yang bungo mo."
"Bungo? Baka utak bes?"
"Hala? May gano'n ka ba?"
Inikutan niya 'ko ng mata, "Tse! Hmp!" kunwaring nagtatampong sabi nito. Kala mo madadala mo 'ko sa gan'yan? Hulol, 'wag ka nang makigaya kay aling Imelda. Sapat na 'yung isa lang.
Unang bumaba sila kuya Eman sa karinderya. Nakita ko pa ngang kinukuha niya 'yung gamit sa amo ko pero ayaw ibigay! Susmiyo.
"KAYONG DALAWA! PUMASOK KAYO BUKAS!"
"Opo!"
Nagba-bye na kami sa kanila. Maya-maya ay ako naman 'yung bumaba. Susunduin ko pa kasi si lola kina manang Lusing. Medyo malayo pa 'yung bahay nila bruha dito kaya mamaya pa 'yan bababa.
Bigla ko siyang sinuntok sa braso kaya napa-aray siya, "Ingat sa pag-uwi, Shanie! Tama na muna paglandi para 'di ka mapalayas! Gaga!" sabi ko sabay takbo. Mahirap na magantihan. Masakit pa naman manuntok 'yon. Ang bigat-bigat ng kamay!
"Tseee! Inggit ka kang! Wala kang boylet!" rinig ko pang sigaw niya pero binelatan ko nalang. Pa-pakyuhan ko sana pero baka umiyak. Okay na 'yung suntok, solid naman 'yon. Hakhak!
Dire-diretso lang 'yung lakad ko papunta kina manang Lusing. Maliwanag 'yung paligid kaya hindi ako natatakot. Gan'to rin naman kayo 'di ba? Matapang lang pag may ilaw. Kala niyo walang magpapakita. Sus! Ayaw niyo ngang mag-cr sa gabi. Papasama pa kayo. 'E hindi naman kayo hihigupin ng kubeta niyo. Huahua.
Agad ko namang nasilayan si Tutoy, anak ni manang Lusing na naglalaro ng holen sa gilid. "Hoy supot! Nasa'n nanay mo?" tanong ko dito paglapit ko. Pero binato niya 'ko ng holen kaya napa-iwas ako. Ang sama-samang bata! Pasalamat siya dyosa ako! Nakuuur! Buti hindi natamaan 'yung mukha ko. Matigas pa naman 'yong bwisit na bilog na 'yon.
"Atlis 'di maliit!"
"Ha? Anong maliit? 'Yung putotoy mo?"
"Sumbong kita kay mama!"
Hindi ko na siya napigilan. Tumakbo na kasi siya papasok. Huahua. Takbo bahay supot. Sorry na, peborit 'ko mga bata 'e. Lab na lab ko sila. Balak ko ngang magkaroon ng trentang anak. Pero syempre, ayoko namang matuyuan 'yung magiging asawa ko. Kawawa naman kung magiging byuda ako agad 'di ba? Panget no'n. Baka maging sixty pa 'yung anak ko 'pag naisipan kong mag-asawa ulit.
"Ayan ma oh! Si ate liit! Sabi niya supot daw ako!" lumabas si Tutoy habang hila-hila si manang Lusing. Ngumiti naman ako sa kan'ya at ngumiti rin siya sa 'kin. Alam naman nito na inaasar ko 'yung anak niya kaya walang problema, hakhak! Kinkonyatan ko pa nga 'yang supot na 'yan 'e. Masakit kasi mang-asar! Pandak daw ba 'ko?
Binuksan naman ni manang Lusing 'yung kawayan nilang gate, "Ikaw pala 'yan, Jemay. Halika, pasok ka." sabi niya sa 'kin pero tumanggi ako. Jusko, hindi pa nga 'ko pumapasok parang gusto nang ihagis sa 'kin ni Tutoy 'yung gate nila 'e. Gagalet si baby, inasar mo kasi Jemay.
"Hindi na po, susunduin ko lang sana si lola. Nand'yan po ba?"
Umiling-iling siya sa tanong ko, "Kahapon pa umuwi. Sabi niya 'wag ko na daw muna siyang sunduin. May pinuntahan ako kanina, susunduin ko sana ngayon pero dumating ka na pala." nakangiting sambit niya na tinanguan ko nalang. Wala dito si lola? Susmiyo! Anong gagawin no'n sa bahay? Kala ko ba naglayas si Budam? Tengene, kaya naman pala hindi ko matawagan! Paniguradong nakalimutan niyang mag-charge. Walang nagpapa-alala 'e. Bwisit na bruha 'yon. Kasalanan niya ulit 'to!
Nagpaalam na 'ko kay manang Lusing at madaliang umalis do'n. Jusko, sino naman kayang kasama ni lola sa bahay? Sinasabi ko sa inyo, pag may tuta talagang sumalubong sa 'kin mamaya, itatakbo ko sa petshop 'yon. Hindi ako nagbibiro! Solo ko lang dapat 'yung ulam! Kung naglayas si Budam, panindigan niya! Magtayo siya ng sariling bahay! O kaya naman maghanap ng trabaho para may maipang-tustos sa pamilya niya! Gigil ako ah! Grr!
Mga kinse minutos lang siguro akong naglakad at nakarating agad ng bahay. Naabutan ko pa ngang bukas 'yung de buhat naming gate. Pero sarado 'yung pintuan namin.
"Lola? Yuhooo! Naka-uwi na 'yung dyosa mong apo!" kumatok-katok ako ng malakas pero walang sumasagot. Alas-syete na ng umaga. Posibleng tulog pa 'yon kaya pinihit ko nalang 'yung door knob. At bwisit! Bukas pala!
"Lolaaa?" hinintay kong may tumakbong tuta sa 'kin pero wala. Hikhok. Totoo ngang naglayas si Budam.
Nilapag ko 'yung dalawa kong bag sa upuan. Dumiretso ako sa kwarto ni lola. Pero agad nanlaki 'yung mata ko sa nakita. "Tangina..." binuksan ko ng pagdabog 'yung pintuan. Pakshet! Anong nangyari dito? May pumasok bang bagyo? Bakit sira 'yung pintuan? Tapos sobrang gulo pa ng kama!
Ginagago ba 'ko ng mga tao dito?
"Lola! LOLA!" ilang beses akong sumigaw sa kwarto. Paniguradong maririnig ako no'n agad. Pero walang lumalabas na Rina. Sinilip ko pa 'yung ilalim ng hinihigaan niya 'tsaka 'yung kabinet. KASO WALA SIYA DO'N! Gusto ko sanang isipin na tinataguan lang niya 'ko. Gusto ko sanang isipin na pinagti-tripan niya lang ako. Pero pakshet! 'Di alam ng lola ko 'yon!
Unti-unti na 'kong nilukuban ng kaba. Baka gumala lang 'yon? Baka babalik mamaya? Pero umagang-umaga? 'Tsaka sabi ni manang Lusing kahapon pa 'yon mag-isa dito ah? Ibig-sabihin buong magdamag siyang gumala.
So dapat nandito na siya!
Bakit wala?!
Kabado kong inakyat 'yung kwarto ko sa taas. Sa sobrang pagmamadali ko, muntik pa 'kong madapa. Agad ko namang binuksan 'yung pintuan at hinanap si lola sa bawat sulok pero bigo ako.
Pakshet! Putangina! Ayoko ng ganito! Lola ko 'yon!
"LOLAAA!"
Bumaba ako sa sala at tumakbo papunta sa likod ng bahay. Naisip ko na baka do'n siya nakatulog kaya 'di niya ko marinig. Pero pagsilip ko do'n. Wala pa rin! Mamamatay na yata ako! Jusko! Nasa'n na 'yung lola ko?!
Nagsimula na 'kong lumuha. Tangina, mahal ko 'yon 'e. 'Yun na nga lang natitira sa buhay ko, mawawala pa? Ba't kasi sumama pa 'ko sa Manila na 'yan?! Eto na nga bang sinasabi ko! Napakagago lang Jemay! Ang tanga mo! Tangina ka!
Dahan-dahan akong umupo sa pintuan namin. Hihintayin ko nalang dito lola ko. Mamaya namalengke lang pala 'yon o ano. Kahit alas nuebe talaga siya pumupunta do'n, ayos lang. Gusto ko lang mabawasan 'tong kabang nararamdaman ko. Tanga 'e. 'Di ako nag-iisip.
"Lo...L-lola," pumipiyok kong sambit. Sobrang daming luha na 'yung nasa mukha ko kaya napayuko nalang ako. Hirap na hirap na ring akong huminga. Kanina pa kasi ako sumisinghot. Barado na 'yung ilong ko.
"Rawr,"
"Bu...B-Budam?"
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top