MARK 24
KABANATA 24
Naalimpungatan ako dahil sa basang bagay na dumidikit sa flawless kong mukha.
"Kyaaah! May bruha--ay ikaw pala 'yan Shanie." bwisit na babaeng 'to. Kala ko kung sinong mangkukulam na 'yung bumungad sa 'kin! De joke. Ang sama ko na. Hakhak!
Tatayo na sana ako sa pagkakahiga. Pero agad kong sinapo 'yung ulo kong may sugat. Humaygas! Ang kirot! What happened ba? Inuntog ko ba 'yung ulo ko sa pader kahapon? 'Tsaka wait, nasa'n pala ako kagabi? Natuloy ba 'yung party? Hala! Wala 'kong maalala! Nag-tatapal lang kami ng mga tela sa upuan ah? Huahua.
Napa-igtad akong bigla dahil sa kurot ni bruha. Anong problema nito? Kurutin ko din kaya 'yung utong niya? "Ikaw! Anong pinag-gagagawa mo sa buhay mo?" kumunot 'yung noo ko sa tanong niya. Huh? Naging dyosa lang naman ako all my life ah? May mali ba do'n? Ay meron! Alila din pala 'ko ng delikadong bunganga. Hakhak! Pero 'di nga, naglasing ba 'ko?
"Wala? Ano bang ginawa ko?"
Pinanliitan niya 'ko ng mata, "Wala? As in? 'E anong nangyari sa 'yo? Lutaytay ka! Walang malay tapos buhat-buhat pa ng pogi kagabi!" gigil na gigil niyang sambit. Feeling ko anytime maluluha na siya. Huwaw, nahimatay ako? Kaya pala wala akong maalala. Shet, 'di kaya may nagpa-inom sa 'kin ng pampatulog tapos balak akong ibenta sa bar? Dyosa naman ako 'e. Hindi na imposible 'yon. Pero wait, pogi daw nagbuhat sa 'kin. Baka guardian angel ko?
"Walang malay? Saan?"
"Sa party!" gagalet 'yung bestfriend ko mga beshangs. Luluha na siya. Konting kibot nalang. Huahua! "Akala daw ni pogi natutulog ka lang sa lamesa pero wala! Hindi ka nagre-react nung ginigising ka niya!" naiiyak na sambit nito sa 'kin. Ewan ko kung bakit. Gusto ko sanang isipin na lab niya 'ko pero pogi 'yung nagdala sa 'kin 'e. Baka naluluha lang siya kasi hindi niya nakuha 'yung number no'n.
Kumunot 'yung noo ko nang may ma-realize, "Party? Natuloy 'yung party?" takang tanong ko. Tinitigan naman niya 'ko na parang ako na 'yung pinaka-walang kwentang tao sa mundo. Huwaw ha? Nagtatanong lang 'e. Malay ko ba kung natuloy? Wala 'kong maalala, bruhang 'to. Pasalamat ka naiiyak ka na. Nakuuur!
"Ulyanin ka na Jemay? Malamang! Do'n ka nga nawalan ng ulirat 'e! 'Di mo maalala?"
Holemfak? So may amnesia na 'ko? Huwaaa! Ang bilis ko naman yatang tumanda? Kasalanan 'to ni Shanie! I-bash niyo nga 'tong bruha na 'to.
"Hindi! Alam ko lang nagtatapal tayo ng tela sa upuan 'e. Tapos wala na! Jusko! Kinulam mo ba 'ko ha?"
"Gaga! Mukhang ba 'kong mangkukulam? Buti nga sinoli ka pa ni pogi 'e!"
"Kanina ka pogi ng pogi! Sino ba 'yon?"
Tumirik ng bongga 'yung mata niya. Sus! Sinasabi ko na nga ba 'e! Naiiyak 'to kasi hindi nakahingi ng number! Parang ayaw sabihin sa 'kin kung sino! Lalamunin ko ba 'yon? Tse! "Sino nga?"
"Malay ko! 'Di ko nga rin kilala 'e!"
Bago ko pa siya mabatukan ay biglang bumukas 'yung pinto. Agad naman kaming umayos ni Shanie kasi si aling Imelda pala 'yon. May suot-suot na 'di mo gugustuhing mukha. 'Yun bang isang salitan mo lang marami na siyang sasabihin. Jusme, I can feel my death here. Help meh guys! Gusto niyo bang mawalan ng dyosa ang istoryang ito? Huhuhu.
Lumapit siya sa 'min nang dahan-dahan. Madalian namang tumayo si Shanie habang kagat-kagat 'yung labi.
Bruha kaaa! Magsalita ka! Wala 'kong maalala kagabi!
"IKAW.NA.BABAE.KA." pakshet, eto na nga po! Nalalapit na ang katapusan ko! "ANG LAKAS NG LOOB MONG PANAWAN NG ULIRAT! SA'N NAGPUNTA 'YUNG MALAY MO? BUNTIS KA BA? HA? BUTI NALANG AT MABAIT IYONG PINSAN NI MR. HAWKSON! TALAGANG DINALA KA PA SA CLINIC! PAGOD NA PAGOD KA DAW KASI KAYA NAWALAN KA NG MALAY! SINO BA NAMANG GAGA ANG MAG-UTOS NA MAG-IKOT-IKOT KA SA PARTY BUONG MAGDAMAG?! TANGINANG FARLONDA 'YON! SINUSUBUKAN TALAGA AKO 'E!"
So ayon nga po ano, parang hindi sa 'kin 'yung katapusan ko. Jusme, thank you kuya Eman! Sana palagi ka nalang mambabae para do'n magalit si aling Imelda. Shookt ako 'e. Ready na sana akong mamatay. Si miss Farlonda pala 'yung gusto niyang i-tegi. Hakhak! Hurey mga beshangs! Ligtas ang dyosa niyo!
"BUTI'T GISING KA NA! AALIS NA TAYO!" huling sabi ng amo ko bago mag-walk out. Gagalet siya bes, parang kung 'di pa kami lalayas dito 'e makakapatay na siya. Pero huwat? Anong oras na ba? Ang bilis naman yata? Gusto ko pang gumala 'e! Huhuhu. Bwisit na bruha 'to. Ba't ngayon niya lang kasi ako pinunasan?! Dapat kanina pa para medyo maaga! Jusko!
Wala na 'kong nagawa kundi ngumuso. Na-impake ko na lahat ng gamit ko. Ako nalang pala hinihintay nilang gumising para maka-uwi na kami. Naman! Ayoko pang umalis mga bes! Parang feeling ko pumunta lang ako dito para matulog 'e. Ba't ganon? Gusto kong maalala nangyari kagabi! Grrr!
"HOY EMAN! ANO? EXCITED KA BANG LUMABAS PARA MAKITA MO 'YONG MATANDA NA 'YON?! BUHATIN MO NA 'TO!"
"Lalabas ba 'ko, Imelda? Dumaan lang ako sa pintuan."
"TSE! MAGRARASON KA PA!"
Susmiyo, LQ pa rin pala sila? Okay lang 'yan kuya Eman. Konting lambing lang kailangan niyan ni aling Imelda. Kiss mo na kasi! Hakhak! Pa'no kaya humalik 'yung bunganga ng amo namin?
Tulad ng laging ginagawa, sinundo ulit kami ni kuyang men in black. Hinatid kami ng sasakyan niya hanggang terminal. Nagtaka pa nga 'ko kasi 'di ko nakita si poging ex-crush. Kala ko pa naman kasama siya sa maghahatid sa 'min. Tse! Paasa! Hindi ko talaga siya papansinin kapag kumain ulit siya sa karinderya namin.
"Bruha, peram nga 'ko ng cellphone mo." sabi ko kay Shanie. Balak ko sanang tawagan si lola. Mangangamusta lang. Baka sakaling bumalik na si Budam. Tapos may kasama ng pamilya. Madafak, subukan niya. Ibebenta ko talaga 'yon sa petshop.
Inabot naman agad ni bruha 'yung cellphone niya, "Buti naka-unli ako."
Hinanap ko sa phonebook 'yung pangalan ni lola. Ilang beses kong tinawagan 'yon pero cannot be reach o kaya naman nagri-ring lang. Shet, kabado bente na 'ko. Baka naman nakalimutan lang no'n mag-charge? Jusme, malaman-laman ko lang talaga na busy siya dahil sa pamilya ni Budam! Nakuuur! Sabay-sabay ko silang kakatayin.
"Ano na, Jemay?"
"Hindi sinasagot ni lola." sabi ko at binigay na sa kan'ya 'yung cellphone. Mamaya ko na lang ulit tatawagan.
"Baka natutulog?"
Sana nga.
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top