MARK 23
KABANATA 23
"Ha? Anong kagat?" takang-taka kong tanong. All my life, lumayo ako sa mga aso. Iniwasan ko sila dahil sa takot na makagat. Tapos ngayon? Huwatdahil! May tattoo na 'ko! Letse! Ang angas!
"Eto oh! Kailan pa 'to ha? Peklat nalang 'e! Hindi ka ba na-rabies?" tinignan ko 'yung balikat ko. At pakshet! Tama si bruha! Kailan pa 'ko nagka-tattoo ng ngipin? Imposible! Hindi ko matandaan kung kailan ako nakagat ng kung anong hayop! Pero wait... Si Budam kaya? Oh madafak. I kennat. Lagot siya sa 'kin! Huhu.
Inayos ko nalang 'yung long sleeves ko at tumingin kay Shanie, "M-Malay ko."
"Anong malay? Pa'no 'yon? Manhid ka b--"
"HOY KAYONG DALAWA!"
Parehas kaming nagulantang ni bruha sa pagsigaw ni aling Imelda. Jusme, mas malakas pa yata 'yung bunganga niya kesa sa mga malalaking speaker dito. Well, proven and tested na 'yan. Ba't pa 'ko magtataka? Hakhak! Pero madafak! Nahuli kami! Masakit lang naman 'yung balikat ko 'e. Siguro naman 'di kami kukunin ng diablong nasa bunganga niya? Char.
Mabilisan kong kinuha 'yung tray, "Uy bruha! Alis na 'ko. 'Di na pala 'ko natatae, hehe." sabi ko at agarang umalis do'n. Tatawagin pa sana ako ni Shanie pero hinila na ni aling Imelda 'yung kwelyo niya. Ang bagal kasi! Huahua! Ayan tuloy, maghaharap sila ng napaka-delikadong bunganga. Goodluck! Hakhak.
Pumunta muna ako pansamantala sa kaliwang dulo. Medyo wala kasing bisita 'yung nando'n. Lahat sila nasa gitna o kaya naman sa kanan. Mas gusto nilang malapit sa red carpet para maki-chika. Mahaharot! Tse! Buti pa 'ko, mabait lang. Stay put lang habang nanonood. Marami-rami din naman kaming umiikot na waiter kaya pwede akong mag-stand by muna dito sandali. Madilim naman. Hindi ako makikita ni miss Farlonda o kaya ni aling Imelda. Hehe.
"Dude!"
Agad na dumapo 'yung pang-dyosa kong mata sa gitnang lamesa. Do'n pala umupo 'tong long hair na 'to? Ang sweet naman niya, naka-dantay pa 'yung braso sa back rest nung sabit--este sexy. Pero mas sexy ako. Sana 'di ba? Lahat may possessive na boylet. Aminin niyo, nangangarap din kayong magkagan'yan ano? Sus! 'Wag na! Masaket. 'Di kakayanin. Hakhak!
Tulad ko, bwisit! Bakit ang kirot ng balikat ko? Peklat nalang naman 'to ah? Kung maka-react kala mo bagong sugat! Pwe! Actress ka ba? Ha? Actress ka? Peklat ka nalang uy! In case you forgot.
"Klaus, you also came?"
"Of course!"
Nanlaki ng bongga 'yung mata ko sa nakita. Hala mga bes! Si new crush! Klaus pala pangalan niya? Oh alam na? Stalk na diz ha? Kilala ko kayo. Char. Balik tayo sa movie, dumadami na characters 'e.
Panay ang lapit ng mga mayayaman sa table na 'yon. Ewan ko ba. Nando'n kasi 'yung mga pogi. Tapos may sexy pa. Blond pa 'yung buhok kala mo naman bagay. De joke, sakto lang. Medyo-medyo. Pasado na sa 'kin kaso dyosa pa rin ako. Oh ano? May papalag? Ako bida dito. Susumbong ko kayo kay author sige. Hakhak! May kapit ako!
Nakatalikod sa 'kin si Blondie at si long hair. Hindi ko tuloy makita kung anong ekspresyon ng mukha nila. Wala lang, gusto ko lang masilayan. Masama? Baka mamaya wala na pala silang mukha 'e. Concern ako.
"Yo! Good to see you here!"
"Dude! What the fuck? Andito ka rin?"
"Why so shocked, Klaus?"
HUWAAAAAT? SI PANDESAL BA 'YON? HALA OO! SI POGING MAY ABS NGA! Magkakakilala pala sila? Hindi ako na-orient! Ay teka? Bakit kailangan kong makialam? Importante ba 'ko? Ang seket nemen. Down points for dyosa! Nag-aassume kasi. Manonood lang dapat ako 'e. Movie marathon ba.
Maya-maya ay umingay ulit 'yung kamag-anak ng bunganga ni aling Imelda. Napakamot nalang ako sa kilay at tumingin sa stage. Nando'n na naman 'yung lalaki kanina. Sobrang lawak ng ngiti. Kala mo nakadekwat ng bagong iphone 'e.
"Once again, good evening people! It's good to know that you're enjoying your night here. Especially the famous bachelors over there! Except for Mr. Fenris of course, he's with his stunning fiancè tonight! What a beautiful lady!" sinundan ko ng tingin 'yung tinuturo niya. Hala? Engaged na pala 'tong si long hair? Shet, bakit mas lalong kumirot?
"Yes right? But aside from all of that, I want you to give a round of applause for mister Lucas Hawkson!" pagkasabi niya no'n ay lumabas sa likod si ex-crush. Hinawakan nito ang mic at ngumiti sa 'min. Huwaw pogi. Pwede ng colgate. Pero kakaibang ngiti 'yon 'e. Pamatay. Malay ko ba d'yan.
Umupo lahat ng nakatayo at tumahimik ang paligid. Lahat sila nakatingin kay ex-crush. Syempre, sa kanila ako nakatingin. Pa'no ko malalaman kung nakatingin din ako kay Lucas 'di ba? Eng-eng ko naman kung gano'n.
Hinintay namin ang speech niya pero, "Welcome to my mother's party." ayun lang. Tapos na. Jusme! Kala ko aabutin pa siya ng isang minuto d'yan. Pero pakshet, halos five seconds lang 'e. Napakahusay. Ang galing-galing!
Nagulat pa 'ko nung magpalakpakan 'yung mga tao. Huwaw, idol niyo na? Ako rin 'e. Bilib na bilib.
Bumaba siya sa stage na pa-cool lang at dumiretso sa lamesa nila new crush. Pagkarating niya do'n ay nakipag-apiran siya at nakipag-beso-beso pa kay Blondie. Ang gara naman. Gano'n pala gawain ng mayayaman? Cheeks to cheeks lang kung baga. Walang malisya kahit magmukha kang beki. Hakhak! Char lang. Pogi niyan ni ex-crush. Imposibleng bakla.
"Cous, buti dumalo ka."
"Yeah, haven't seen tita for awhile."
Nagtawanan sila do'n at maya-maya'y umalis din. Tinawag kasi sila ng ibang bisita. Pero nag-stay do'n si Lucas pati 'yung couple na ang sarap isako. Joke lang. Ilibing talaga 'yon. Hindi ako nagbibiro. Parang gusto ko silang i-mighty glue. Gigil ako. Sobrang dikit! Ayaw niyong maghiwalay? Tsk!
May binulong si long hair kay blondie kaya mas lalo lang akong nainis. Kailangan pag bubulong may kiss pa? Syempre Jemay, mag-fiancè na 'yan. Soon to be married. Wala ka talagang magagawa. Mainggit ka nalang bes.
Kinurot pa ni Blondie si long hair. Dahil siguro sa binulong nito. Ano kaya 'yon? Ba't nangungurot ka? Kurutin ko 'yang cleavage mo 'e. Huahua. Napatigil lang sila sa paghaharutan nung may binulong din si Lucas kay long hair. Oh ano? Nagbubulungan na kayo d'yan? Nabingi na ba kayo sa kamag-anak ng bunganga ni aling Imelda? Jusme naman.
Tila na-estatwa si long hair sa narinig. Inikot nito ang ulo sa buong paligid na para bang may hinahanap. Ewan ko ba pero ramdam na ramdam ko hanggang dito 'yung kaba niya. Bakit kaya? Pero agad din akong napaayos ng upo nung mapalingon siya sa gawi ko.
Nagtitigan kami. Parang feeling ko kami lang 'yung tao sa paligid. Gulat na gulat siya sa nakita. Syempre, sino bang hindi magugulat kung makakita ka ng dyosa 'di ba? But wait, may napapansin ako...
"Oh shet, may sore eyes?"
And everything went black.
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top