MARK 22

KABANATA 22

Alas sais na. Marami pa ring dumarating pero hindi na gaanong sikat. Kawawa naman sila, huahua. Siguro kung ako 'yung naglakad sa red carpet na 'yon, baka nabasag 'yung lens ng camera nila. Dyosa ako 'e. Kaka-ibang kagandahan ang dala ko. Kumbaga, rare type. Ako lang 'yung meron, hakhak!

Umangal sapak sa 'ken.

"Ehem! Mic test! Mic test!" napatigil ako sa pag-iikot nang biglang umingay 'yung pakshet na micropono na 'yon. Ang sakit sa tenga mga bes! Ito 'yung kalahi ng bunganga ni aling Imelda 'e. Tapos kamag-anak naman 'yung speaker.

Tinuloy ko nalang ang pag-aalok ng desserts. Anong gagawin ko do'n? Manonood? Jusme, 'di naman mauubos 'yung laman ng tray ko kakatitig sa lalaking nasa stage. Sayang ka-dyosahan ko d'yan. Dapat iniinkot ko nalang 'to at binabalandra para naman ganahan 'yung mga guests. Muntik ko na ngang lagyan ng pictures ko 'yong mga cupcake 'e. Kaso binatukan ako ni miss Farlonda. Nagmukha daw akong mangangampanya hakhak!

Iboto si Jemay Sandoval ng Sitio Laingay! Ang pinaka-dyosa sa lahat ng dyosa! Isang titig mo lang mahuhulog ka na! Charot.

"A wonderful evening for all the guests who came here! I would like to thank all of you for attending the welcome home party of Delara Hawkson! I hope you're not yet bored? The party's just started. Enjoy yourselves for tonight! Please sit and relax while waiting for the entertainers. Thank you!" maingay na pahayag nung lalaki sa stage. Kaso walang nakinig sa kan'ya. Wawa naman. Busy kasi 'tong mga bisita sa bagong dating.

"OMG! Mr. Klaus! Mr. Klaus! Let's talk! I have some good deals with me!"

"Excuse! Padaanin niyo kami!"

Kanina pa nila pinagkakaguluhan 'yung mga dumating. Ayaw nga silang pansinin 'e! Persistent mga bes? 'Eto may desserts ako, kanina pa nagpapapansin. Baka gusto niyong puntahan? Kawawa naman 'yung dyosang nagbubuhat 'di ba? Huahua.

"OMG! The heir for Fenris!"

Nagtakbuhan lahat ng mga bisita sa red carpet. Iniwan nila 'yung mga dumating kanina. Jusme! Binangga nila ako mga bes! Ang sakit huhu! Lumipad pa ng bongga 'yung hawak kong tray kaya nagkanya-kanya ng place 'yung mga desserts. Ni isa walang tumulong sa 'kin! Tae kayo! 'Di ko kayo dadalhan ng cupcake ko! Hmp! Lamunin niyo 'yang bagong dating!

Pinulot ko nalang 'yung nga natapon na pagkain. Sayang naman 'to! Kung hindi lang sana naglayas si Budam, baka shinoot ko na sa bunganga niya 'tong mga pagkain. Sosyalin 'yon 'e. Kala mo tao kung makapili ng kakainin. Tapos maha-high blood pa kapag may bisitang dumating. Ayaw lang mag-share ng niluto ni lola. Kina-career na 'yung pagiging apo. Tse!

"Here, lemme help you." napatingin ako sa lalaking lumuhod sa tabi ko. And pakshet! Ang gwapo! Tengene! Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang love of my life? Help me mga beshangs! Eym gana day! Nakakahapang-halina 'yung green niyang mata! Sobrang bango pa ni papi. Nag-downy ba 'to?

"T-Thank you sir, kaya ko na po, hehe." nahihiyang ngumiti ako. Nilagay ko pa 'yung ibang takas ng buhok sa kaliwang tenga ko. Syempre, kailangan magpabebe mga bes! He needs to see my fucking dyosa face. Ipagpapalit ko na si Lucas. Ayoko na sa paasang 'yon!

Pinulot niya 'yung cupcake sa ilalim ng walang taong lamesa, "No, I insist."

Shege, behele ke.

Maya-maya ay medyo nawala na 'yung ingay. Pansin ko ang pagkatigil ni new crush sa pagpulot kaya napatingin ako sa kan'ya. Oh bakit bebe? Napansin mo na ba ang ka-dyosahan ko? Hekhek. Ekew nemen! Ba't ngayon mo lang nakita? Okay lang 'yan. Keri lang basta ligawan mo 'ko ah? Dukutin ko 'yang green mong mata, sige.

Kunwaring nagpunas ako ng pawis, "B-Bakit po?" tumatagal na kasi 'yung titig ng bebe ko sa 'kin. Nakaka-consious! Jusme! I kennat!

"Who...who did that on your shoulder?"

"Po?" agaran kong tiningnan ang mga balikat ko. Huwat? Anong meron? Kanina pa may pumapansin sa balikat ko ah! Nagkakayod naman ako kaya imposibleng may libag do'n. Pero who daw 'e! Hindi what. Malay ko ba sa gwapong 'to. Crush ko sana kaso mukhang may third eye. Nakakalungkot. Baka bangungutin ako all my life. Kawawa naman kung sa kan'ya lang ako mapupunta. Kaso sayang! Papi siya mga bes! Papi! Gusto niyo ba? Bigay ko.

Charot.

"Dude! Whatcha doin'? Come up! Salubungin natin si Fenris!"

Parang nagising sa katotohanan si crush at agarang tumayo. "Ah, yeah!" tumango ito sa 'kin bago sumama do'n sa lalaking may brown na buhok. So sad, umalis na siya. Wawa naman kayo. Hindi ko nahingi 'yung pangalan. Bebenta ko sana.

Sinundan ko ng tingin kung sa'n sila pumunta. Sa red carpet. Pinuntahan nila 'yung bagong dating. Tignan ko rin kaya? Kunwari makiki-chismis ako pero hahabulin ko lang si bebe. Baka mabalian ng buto 'yon. Ang dami pa namang tae--ay tao.

Pagkarating ko do'n ay tinuko ko 'yung mga paa ko sa sahig. Sorry ha? Maliit lang dyosa niyo. Nakalimutan kong mag-heels 'e. Kung pwede ko lang sanang sabitan sa leeg 'tong mga mayayaman na 'to, baka kanina ko pa ginawa. Ayaw akong pasingitin 'e! Porket waiter? 'Pag ako nanggigil, papalunok ko sa kanila 'tong desserts na dala ko. May bagong toppings na siya. Buhangin with damo flavor.

"Dude! Good to see you here."

"Yeah, you too."

Natulala ako sa nakita.

TANGINAAA! PARTY BA NG MGA PAPI 'TO?! HINDI AKO NA-ORIENT! SANA PALA GINAWA KONG OFF SHOULDER 'TONG UNIFORM KO!

De charot.

Pero pakshet! Sa dalawang oras na pag-iikot ko dito, siya palang 'yata 'yung pinaka-makalaglag panty'ng nakita ko! Ang sherep-sherep! Feeling ko uminit bigla! Tinitigan ko pa ito lalo. Kaya pala pinagkakaguluhan? Kayo ha! Mahaharot na mayaman! Akin lang 'yan! Hakhak! Char lang ulit. Bagay na bagay sa kan'ya 'yung mahaba niyang buhok na hanggang leeg. Kulay itim na may parang shet, pula ba 'yon? Pula yata 'yon 'e! 'Yung kulay sa ilalim ng buhok niya! Naka-suot rin siya ng red na turtle neck at itim na coat. Bonggang-bongga!

Pinaliit ko pa ng todo 'yung mata ko para mas malinaw ko siyang makita. Kissable lips, mapanga, matangos na ilong at nya! Sayang! Lumingon siya sa iba! 'Di ko nakita 'yung kilay 'tsaka 'yung mata niya! Huahua!

"Babe? Let's go?"

"Hm, okay."

Sinundan talaga ng mga mata ko kung paano dumausdos 'yung kamay niya sa bewang nung babae. Tapos hinalikan pa siya sa lips. Hala? May sabit pala? Ang ganda niyaaa! Sobrang sexy! Halatang-halata 'yung curves sa suot niyang fitted red dress! Sumisilip pa 'yung dibdib! Nako! Grr! Pigilan niyo 'ko mga bes! Gigil ako! Hulugan ko ng piso 'yon!

Hindi ko alam. Kumirot bigla 'yung puso ko. Parang 'pag tumitig pa 'ko do'n ay sasabog na. Ang sakit! What's happening to me? Bakit ganito? Why is that? Dumagdag pa 'yung paghapdi ng kanang balikat ko!

"Ouch," hinawakan ko 'yung parteng sumasakit at tumakbo paalis do'n. Tengene! An'yare? Nagkasugat ba 'ko?

"Hoy Jemay!" napatigil ako sa biglaang pagsulpot ni bruha. Nakakagulat naman 'to! Muntik ko nang ipalamon 'yung tray na hawak ko! Jusko! Ba't 'di ko pa tinuloy?

"Bakit ka tumatakbo?" tanong pa niya.

"First aid! Kailangan ko ng gamot! Nasugatan yata ako sa balikat!"

"Nasugatan? Balikat? 'E wala namang dugo ah? Nag-iimagine ka ba?" binatukan ko siya ng bongga sa sinabi niya. Gagang 'to! Malay ko ba?

Napakamot nalang siya sa ulo at tinignan ako ng masama, "Aray ko! Patingin nga!" hinila niya 'yung suot kong long sleeves at pagalit na binaba 'yung kwelyo. Maya-maya, kitang-kita ko kung pa'no nanlaki 'yung mata niya.

"HUMAYGAS JEMAY! KINAGAT KA BA NG ASO?!"

---

A/N:

Facebook: Keian Imex



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top