MARK 21
KABANATA 21
"Ang bango-bango!" kanina pa niya inaaamoy-amoy 'yung bulaklak. Masinghot mo sana lahat 'yan bruha ka. Feel na feel 'e? Inggit tuloy ako. Sana 'di ba? Binigyan din ako nung sender? Bulag yata 'yon 'e. Dapat kung maglalagay siya ng bulaklak, gawin niyang tatlo! Para tig-iisa kami nila aling Imelda! Dagdagan niya na rin ng chocolate para sulit! Pwe! Makakain ba namin 'yang flowers na 'yan?
"Oh bakit nakabusangot ka d'yan? Gusto mo 'to 'no?"
"Hinde! Itago mo nalang! Ipalunok ko pa 'yan kay aling Imelda 'e!" naiinis kong sambit at nauna nang pumasok.
Kinabukasan, sobrang aga naming nagising. Tutulong pa daw kasi kami sa pag-aayos ng mga upuan at lamesa sa garden. Alas sinko ng hapon mag-uumpisa 'yung party. Kailangan daw okay na lahat bago pa may dumating na bisita. At jusko, mukhang pangit yata 'yung gising ng amo namin ah? Sasayad na sa sahig 'yung nguso 'e. Tapos magkadikit pa 'yung mga kilay. Inagawan ba 'to ng kendi?
"Imelda! Tara na!"
"MANAHIMIK KA D'YAN EMAN! NAGLALAKAD NA 'KO!"
Huwaw, LQ ang mag-syota. An'yare kaya? Baka may ibang babae si kuya Eman? Pero imposible 'yon. Walang dapat na kumalaban sa amo namin. Napaka-delikado ng bunganga niyan. Isang bagsak na sigaw lang baka lumipad na 'yung kabit.
Hindi na kami sinundo ni kuyang men in black. Siguro kasi alam na namin kung sa'n kami pupunta. Pagkarating namin do'n ay sobrang daming upuan 'yung hindi pa naaayos. Ia-arrange pa 'yon ng mga lalaki tapos lalagyan namin ng tela. May naka-toka na din sa pagde-design kaya hanggang tapal lang ang gagawin namin.
"Ariba! Gandahan ang pag-aayos! Mahahalagang bisita ang darating mamaya! We shouldn't disappoint every person who will attend the party!" umagang-umaga nasigaw 'tong si miss Farlonda. Parang mahinhin version lang ng amo namin. May limit kasi 'yung boses.
"We shouldn't disappoint every person nye nye nye! KALA MO MAGANDA!" rinig kong sambit ni aling Imelda sa gilid. Para siyang nanggigigil pero pinipigilan niya lang sumabog. Ops? Gumagan'yan ka na pala amo? Kala ko ba walang titibag sa 'yo? Now I know. Alam ko na kung bakit.
Tumulong na kami sa pagtatapal ng mga tela sa mga upuan. Habang ginagawa ko 'yon, feeling ko may nakatitig sa 'kin. Tengene, hanggang dito ba naman? Okay, dyosa ako. Pero please? Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho kung gan'yan ka! Mamaya na kita hahapin kaya mamaya ka na rin tumitig, pwede?
Nag-breaktime na at natapos na namin 'yung mga gagawin. Nilibot ko na rin kanina 'yung tingin ko sa paligid pero wala naman akong nakitang tao na nakatitig sa 'kin. Like OMG? Mga ibon pa yata 'yung naramdaman ko. Pero hindi 'e. Parang ayaw akong pakawalan ng kung sino man 'yon. Gigil na 'ko ah? Ayoko sa lahat 'yung pinagtitripan ako. Iba ako mang-trip. Baka batuhin kita ng tae pag nahuli kita.
"Jemay!" nilingon ko si bruha na tumatakbo palapit sa 'kin. "And'yan si Mr. Hawkson! Hinahanap ka sa 'kin," nagulat ako sa sinabi niya. Oh ano na namang kailangan ng hayop na 'yon?
Bago pa 'ko makapagtanong ay bigla nalang lumitaw si paasa sa likod niya. Nakatitig 'to sa 'kin. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Syempre 'yung parang nagtatanong lang. Baka tanggalan pa 'ko ng trabaho nito 'e. Lubog ko siya d'yan sa lupa.
"Hi," bati niya.
"Hello po, Mr. Hawkson."
Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti pero ngumiti siya. Siraulo? Anong nakakatawa sa hello ko? Tinatawanan niya yata 'yung pangalan niya 'e.
"Don't be too formal. You can call me Lucas." tumango nalang ako sa sinabi niya. Lucas pala ha? "So uhm, I just wanna ask something, I thought you would help Eman to cook the dishes?" seryosong sambit nito. Lah ano daw? May sinabi ba 'kong tutulong ako? Akala ko ba tinoka niya 'ko sa waiter? Ulyanin mo naman! Matanda ka na ba?
"H-Hindi po, adobo lang alam ko 'e. Kayang-kaya na 'yon ni kuya Eman." nag-thumbs up pa 'ko sa kan'ya. May sasabihin pa sana siya pero tinawag na siya ni miss Farlonda. Nagtanguan nalang muna kami bago siya umalis.
"Oh ba't gan'yan ka makatingin?" nagtatakang sabi ko kay bruha. Anong problema ng gagang 'to? Dukutin ko 'yang mata mo 'e. Lagyan ba daw ng malisya! Yuck kadire, buti sana kung crush ko pa 'yong Lucas na 'yon. Baka nangisay pa 'ko sa kilig.
Umiling-iling lang siya habang nakangiting loko, "Wala naman. Wala naman." sus! Bruhang 'to. Palibhasa nakatanggap ng bulaklak 'e.
Dumating na ang alas sinko. Maraming mayayaman ang nagpunta. May mga kilalang artista din pero wala sila James at Enrique. So sad. Ako pa naman taga-ikot ng desserts. Masarap pa naman 'to. Tatlo na nakain ko 'e. Tapos dalawa kay bruha. Tinatago lang namin kasi bawal 'yon. Baka sipain pa kami paalis ni miss Farlonda.
Kaliwa't kanan ang naririnig kong kamustahan nila. Naloloka. Parang lahat sila magkakakilala na. Gano'n ba dapat pag mayaman? Kailangan kilala mo mga kapwa kayaman mo? Jusko, ang swerte naman nung pinaka-mayaman sa kanila. Tapos kawawa naman si dyosang ako. Hindi napapansin.
"Miss!" lumapit ako sa tumawag sa 'kin. Isang magandang babae. Sobrang ganda ng ayos niya. Kukuha na sana siya ng dala kong dessert nang biglang umingay.
An'meron? May dumating yatang kilalang tao? Nagsipuntahan sila do'n 'e. Kaso hindi makalapit kasi maraming security sa red carpet. 'Tsaka nauna na do'n 'yung mga media. Siksikan na kung pupunta pa sila. Dapat tinitikman nalang nila 'tong dala kong desserts kesa maki-chismis d'yan sa dumating. Makaka-usap din naman nila 'yon mamaya.
Pumunta nalang ako sa likod. Tutal wala nawala naman na 'yong mga tao. Iinom muna 'ko. Nakakauhaw 'e.
"Dude! Long time no see!"
"Yeah,"
Gulat akong napatingin sa gilid. Hala? May tao pala dito? Shet, baka isumbong ako kay miss Farlonda! Pero uminom lang naman ako 'e. Siguro naman hindi bawal 'yung isang basong tubig para sa nauuhaw na dyosa?
Aalis na sana ako do'n. Baka makita pa nila ako pero biglang may pumigil sa 'kin, "Wait miss? Parang pamilyar ka?" tinignan ko 'yung taong nasa harapan ko ngayon. At jusko, si poging may pandesal! Invited pala 'to sa party?
Dahan-dahang nanlaki 'yung mata niya. Nakilala niya siguro ako, "You! Ikaw 'yung bumangga sa 'kin! Waiter ka lang pala?" nagtatakang sambit pa nito. Yumuko nalang ako at pinakita 'yung hawak kong tray na may desserts.
"Oo 'e. Sorry ulit do'n. Gusto mo desserts?" umiling-iling siya sa alok ko pero kumuha 'yung kasama niya. Ang arte naman ng pandesal na 'to. Ayaw sa matamis. Diet siguro.
"No thanks, pwedeng paki-hubad ng uniform mo?" nanlaki 'yung mata ko sa sinabi nito. Hanudaw? Gusto niyang hubarin ko 'tong uniform ko? Tengene, gago pala siya 'e! Porket may pandesal? Tanggalan ko pa 'yan ng betlog! Tignan natin kung maka-request pa ng gano'n!
Bigla siyang hinawakan nung kasama niya sa balikat, "No need dude, it's confirmed." seryosong sambit pa nito. Putek anong confirmed? Confirmed na dyosa ako at hindi ko na kailangang patunayan 'yon? Huwatdafak! I know right! Buti alam niyo! Since birth na 'tong ka-dyosahan ko. Hindi niyo na kailangan pang kunpirmahin. Pero bakit sa iba sila nakatingin? 'Di ba dapat sa 'kin? Ang gulo naman.
Sinundan ko nalang 'yung tinitignan nila at natantong sa red carpet pala 'yon. May bagong dumating na naman. Nagkakagulo pa rin 'yung mga bisita do'n 'e.
"A-Ah sige mga sirs, alis na 'ko. Marami ng bisita, hehe." hindi sila nag-react sa sinabi ko. Pero dumiretso 'yung tingin nila sa balikat ko. Like OMG? Anong meron?
Wala kaya akong libag!
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top