MARK 20

KABANATA 20

"Gavin will escort you to miss Farlonda. Thank you for coming here," huling sabi ni crush. Kung kanina tinititigan niya 'ko, ngayon naman halos hindi na dumapo o mapunta man lang sa 'kin 'yung mga mata niya. Why is that bebe? Ayaw mo na sa 'kin?

Nauna siyang tumayo. Sumunod naman si aling Imelda at nakipag-kamayan sa kan'ya. Samantalang tinanguan niya lang kami. Wala pang isang segundo 'yung tingin niya nung tumango siya sa 'kin. Jusko, na-turn off ba 'to? Imposible! Wala akong ginawa! Pwera nalang kung may relasyon sila nung lalaki kanina na tinignan niya sa may veranda? Baka ayaw niyang magselos 'yun kaya hindi na siya tumitingin sa 'kin.

"Ahm Earth? Paki-kaltokan nga si Jemay," bahagya akong nagulat sa pagpitik ni bruha sa harapan ko.

"Anyare?"

Umikot ng bongga 'yung eye balls niya. Kulang nalang tumirik para magmukha siyang sinasapian.

"Pinapapunta tayo kay miss Farlonda, 'yun daw ang mag-ga-guide sa 'tin para bukas. 'Tsaka kukunin na din daw natin sa kan'ya 'yung magiging uniform natin." mahinang bulong niya. Hindi pa kasi umaalis si pogi sa harapan namin. Ayaw niya sigurong marinig kami.

Maya-maya ay dumating na si kuyang men in black. Tumango ulit sa 'min si crush pero hindi pa rin ako tinitignan. Hanggang sa umalis kami. Wala. Enebe nemen 'yen? Saglitang pakilig lang? Papahulugin ka lang pansamantala tapos papaasahin ka na? Tse! I hate you na pogi! 'Di na kita crush! Magsama kayo ng lalaking nasa veranda! Hmp!

Bago ako sumunod kila aling Imelda ay tumingin ako sa kan'ya. Wala itong nagawa kundi tumingin din sa 'kin. Ha! Akala mo makikipagtitigan ako sa 'yo? Tinarayan ko nga. Gigil ako 'e. Ang dali-dali ko pa namang umasa.

"Bye po!" masungit kong sambit. Nahuli ko pa 'yung bahagya niyang pagngiti sa inasta ko pero 'di ko na pinansin.

Dinala kami ni kuyang men in black sa kusina nitong building. I mean, sa isang restaurant. May sosyal na kainan kasi dito sa baba tapos do'n kami pumasok. Pinaupo niya muna kami sa table malapit sa kusina. Tatawagin na yata niya si miss Farlonda. Hindi naman nagtagal at lumabas din ang isang matandang babae.

Dumiretso ito sa 'min habang may bitbit na uniporme, "Hello, welcome to Blue Sea restaurant," sabi niya sa 'min at nakipagkamayan pa.

"THANK YOU! THANK YOU!" tuwang-tuwang sabi ni aling Imelda. Tengene, para siyang nakahanap ng nanay sa paraan ng pagtingin niya kay miss Farlonda. Jusko, 'wag naman sana. Wala pang gumaganap na aling Imelda 2.0 at ayaw kong may gumanap pa. Baka ikaguho na ng mundo 'yon!

"So ahm, let's start? Have a sit first." umupo kaming lahat tulad ng sabi niya. Pero naiwang nakatayo si kuyang men in black. Bagay sana sila ni kuya Eman 'no? De joke lang, baka lunukin pa ng amo ko 'yan. Kawawa naman. Wala na kaming taga-sundo.

"Bukas na gaganapin ang party. Nasabihan ako ng young master na si Eman daw ang itotoka ko sa pagluluto. Si Imelda naman ang sa serving habang si Shaniese at Jhenica naman daw ang sa waiter." paliwanag niya sa 'min, "Pero bago iyon, gusto ko munang malaman kung may experience na ba kayo? Sa lahat ng ito? Well I trust my young master's choice but then, I need to make sure that the party will be a success and not a failure. Gusto ko pulido lahat. Walang maiinis na bisita. Walang makakabasag. Walang problema."

"O-OO NAMAN! NAGSE-SERVE AKO SA PROBINSYA NAMIN!"

"Opo, waiter din kami sa semi-restaurant ni aling Imelda."

"Magaling akong magluto. Kahit isang libong ulam pa."

Tumango-tango si miss Farlonda sa mga sagot namin, "Good, gusto ko rin sanang mahiram ka Eman. Para turuan ang ibang cook namin ng mga putaheng alam mo. Mabilis matapos, mas maganda." nakangiting sambit niya kay kuya Eman. Hm? Ang pogi yata ng tagaluto namin ah? Medyo maganda naman 'tong si miss Farlonda kahit matanda na. Pero sayang, buhay pa kasi 'yung may delikadong bunganga.

"HA?! AKO DIN! HIRAMIN MO DIN AKO! KAILANGAN AKO NI EMAN DO'N!"

"Bakit? Marunong ka din bang magluto, Imelda?"

"HINDI!"

Pare-pareho kaming nagtaka sa sagot niya. Mas baliw yata 'tong amo ko kesa kay bruha 'e.

"What? E anong gagawin mo sa kusina?"

"CHEERLEADER! ICHI-CHEER KO SI EMAN!"

Hurey! Itaas ang kanang kamay! dasalan natin si aling Imelda! Napaka-supportive na girlfriend! Pati ba naman sa kusina? Jusko! Dapat ganito 'yung mga ginagaya niyo. Walang hiya-hiya basta mabantayan lang 'yung jowabels. Kaya kayo iniiwan kasi you don't learn from the expert! Puro kayo ML! Talo din naman!

Nauna na kami ni bruhang lumabas. Kumain muna kami do'n bago iniwan 'yung amo ko at si Kuya Eman. Ngayon na daw kasi sila magsisimula sa paghahanda ng mga lulutuin. Samantalang chill muna kami ni Shanie. It means, pwede ulit kaming maghanap ng pogi! De charot, gagala lang ulit. Kaso nakakatamad na. Alas syete na kasi ng gabi.

"OMG! Klaus Feyton is here!"

"And also the first born of Growl family!"

"Hindi ba't bukas pa ang party? Ang aaga naman yata nila."

"Sino-sino pa kayang dadating?"

Sobrang ingay dito sa Lobby. Ang dami pa rin palang maarte--este mayayaman. Pinag-uusapan nila 'yung mga dumating kanina. Sayang lang kasi hindi namin nakita. Well, okay lang naman 'yon. Parang 'di naman sikat kasi 'di ko naman kilala 'yung mga pangalan na binabanggit nila. Umasa pa naman ako kay James at kay Enrique. Kala ko pupunta sila.

Nakipagsapalaran kami sa pagsiksik ni bruha. Shet, nandito yata sa baba lahat ng tao ng hotel na 'to. 'Di kami na-orient. Sana pala nagdala ako ng walis para winalis ko nalang silang lahat. Antok na antok na 'ko 'e.

"What floor ma'am?"

"Tenth,"

Sabay kaming lumabas ni bruha pagkabukas ng pinto. Walang ka-tao tao dito sa hallway. Paniguradong nandun silang lahat sa baba. Napaka-espesyal siguro nung mga taong dumating kaya sinalubong sila ng buong hotel. Sana ol 'di ba? Gano'n pakitunguhan. Nung dumating kasi kami dito parang nakaamoy sila ng tae 'e.

Dire-diretso lang ang lakad namin papunta sa kwarto. Humikab pa 'ko dahil sa antok. Peste, ngayon lang ako tinamaan? Gusto ko pa sanang makita 'yung buong siyudad. Mas maganda daw kasi pag-gabi. Sobrang liwanag.

"OMG! JEMAAAY! OMG!"

Gulantang akong tumingin kay bruha. Anong sinisigaw-sigaw nito? Manganganak na ba siya? Letse naman.

"Oh bakit?" urat na urat kong tanong pero hindi niya 'ko sinagot. Bagkus, tinuro niya 'yung harap ng pintuan ng hotel room namin.

"HUWAAA! MAY FLOWERS! SINONG NAGDALA NIYAN?"

Agad niyang nilapitan ang bulaklak na nakalapag sa harap pinto. Kinuha ko niya 'yon at tinignan. Shet, ang ganda! Ano bang tawag dito? Bouquet of roses ba 'yon? Basta 'yon! Tangina! Sinong nag-iwan nito? Mukhang mamahalin pa yata ah? Ang gara ng balot. Kulay pula tapos white.

"Tignan mo gaga! Baka may letter d'yan!"

Sinunod ni bruha 'yung sinabi ko at sinuri 'yung loob ng balot. At huy! Meron nga! Kinuha niya 'yon at pinakita sa 'kin. Nabasa ko tuloy kung anong nakasulat.

To my beloved,

This is for you, please stop staring at him.

"Huh? Sinong beloved? Ikaw Shanie ah! May shota ka na dito!"

---

A/N:

Thank you for the votes! Sorry if I barely/cannot reply to your comments :<

Facebook: Keian Imex

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top