MARK 2
KABANATA 2
"Arf! Arf!"
"Grrrr!"
Para akong naestatwa sa kinauupuan ko ngayon. Shems! Ayoko talaga sa mga ganitong eksena! Naduduwag ako! Kainis! Bakit kasi may mga aso pa sa mundo?! I so hate them!
"A-ah e-eh... H-Hi dogs! Hehe tuloy niyo lang 'yan! 'Wag n'yo 'kong pansinin, j-jusme." Nanginginig na sabi ko. 'Yung nginig na parang sinasabayan ng boses ko ang pagtibok ng puso ko. Tinignan ko pa sila na parang nagmamakaawa pero wa epek dahil nagalit na sila. Ano ba kasing ginawa ko? Wala naman 'e. Hindi ko naman sinadya. Shems, pahamak kasing bato 'yan! Argh!
"Grrrrr!"
Dahan-dahan akong tumayo nang makita ko silang dahan-dahan lumalapit sa'kin. Kitang-kita ko kung pa'no mangulubot ang kanilang mga nguso at maglabasan ang kanilang mga pangil. Mas lalo tuloy akong natakot. Problema ba ng mga asong 'to? Masyadong highblood 'e, jusme. Buti pa 'yung alagang daga ni Mang Domeng, hindi tumatahol.
Hinawakan kong mabuti ang strap ng bag ko. "T-Teka lang ha? M-Mag re-ready l-lang ako...hehe," Mahinang sabi ko at halos hindi na maintindihan. Bahala na silang umintindi d'yan basta kinakabahan ako.
Humugot ako ng malalim na hininga sabay buga. Okay, kaya ko 'to. Pinikit ko ang mga mata kong kasing ganda ng mukha ko bago nagbilang ng mahina.
"I-Isa... Dalawa..." Hingang malalim, shemsssss! last na'to! Kasabay ng pagdilat ng mata ko ay ang pagbanggit ko sa huling numero. "...TATLO! SHEEEET!"
Halos talon-takbo ang ginawa ko. Buti nalang at hindi ko naisipang mag-sandals ngayon dahil jusko lang huhu.
"Arf! Arf!"
"Grrr Raf! Raf!"
Sa unahan lang ang tingin ko habang tumatalon-takbo. Alam ko naman kasing hinahabol na ako ng mga nilalang na 'yun. Kung saan saan pa'ko pinunta ng mga paa ko. Mas lalo ata akong napalayo kila lola. Kainis naman!
Makalipas ang isang minuto ay tumatalon-takbo parin ako. Hindi ko na alam ang lugar na tinatalon-takbo ko ngayon. Feeling ko nasa gubat na'ko ng ibang Sitio 'e, Shems.
"Arf! Arf! Arf!"
"Tengene! Ang tibay n'yo ah!" Hindi ko napigilang sabi. Hingal na hingal na'ko pero nasabi ko pa 'yun. Ang titibay naman kasi ng mga hayop na 'to! Hindi ba sila naawa sa mukha kong maganda at sa katawan kong sexy? Kanina pa'ko nagtatalon-takbo at kanina pa din ako naliligo sa pawis ko. Tengene lang talaga.
Nilakihan ko ng bonggang-bongga ang mga hakbang ko sa pagtakbo bago huminto para sumagap ng hangin. I can't breath mga bes! I CAN'T BREATH!
"Wooo! Ha! Ha! Ha!" Tunog ng hinihigal kong boses.
Hinawakan ko ang mga nangangatog ko tuhod. Please lang mahal kong tuhod, 'wag sana kayong sumuko ngayon. Mahal ang magpa-anti rabies jusme. Masakit din makagat ng mga hayop na 'yun.
"Grrr Raf! Raf!"
"Arf! Arf!"
Halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko nang marinig ko ang mga papalapit nilang tahol. Eto na naman tayo mga bes! Takbuhan na ulit! Kung bakit naman kasi hindi pa sila tumigil sa pagtakbo!
'E ako rin naman.
Talon-takbo at liko lang ang ginagawa ko hanggang sa may naaninag akong mataas na puno. Sa layo ba namang ng tinakbo ko, ngayon lang ako nakakita ng mataas na puno?! Jusko naman! Pinapahirapan n'yo ang maganda si ako ah!
"Grrr!"
Mas binilisan ko ang pagtalon-takbo papunta sa mataas na puno na 'yun. So ganun? Pagkatapos kong magtalon-takbo ng ilang kilometro 'e aakyat naman ako sa mataas na puno na 'to? Shet ka author.
Nang marating ko ang naglabasang ugat ng puno ay tinanggal ko ang bag ko at iniwan dun. Wala naman kasing laman 'yun bukod sa tubig at damit.
Nagsimula na 'kong maging dyosang unggoy. Akyat lang Jemay, kaya mo 'yan basta dyosa kapa rin.
"Raf! Raf! Raf!"
"Arf! Arf!"
Saktong pagka-upo ko sa isang malaking sanga ay ang paglitaw ng mga hayop na 'yun. Sinandal ko ang katawan ko sa katawan puno at pumikit. "Thanks God, nakapagpahinga narin."
Wala pang ten seconds akong pumipikit ay bigla kong naalala ang bag kong pink na iniwan ko sa baba. Jusko ka Jemay, mapapatay ka ni lola pag-inuwi mo 'yang gutay-gutay! Agad akong umalis sa pagkakasandal at sumilip sa baba.
"ARF! ARF!"
"GRRRRR!"
"RAF! RAF! RAF!"
Nakita ko kung pa'no nila sinusubukang umakyat sa puno. Bigla akong kinabahan nang pumasok sa isipan ko na baka maka-akyat sila at bigla akong lapain dito. 'Wag naman sana *cross fingers*
Napadapo ang paningin ko sa lugar kung sa'n ko iniwan ang pink kong bag. "Haru jusko...'wag ka lilitaw d'yan ha? Stay put kalang." Mahinang paki-usap ko dito. Buti nalang at medyo hindi litaw 'yung bag ko. Kinakabahan rin ako dahil baka bigla nalang nilang maamoy 'yung bag kong kasing amoy ko tapos panggigilan nila.
Hayst, napabuntong hininga nalang ako at muling sumandal sa puno. "Diyos ko, tulungan n'yo naman po akong paalisin ang mga hayop na 'yan o kaya magpadala ka po ng tutulong sakin dito. Ayoko ko pong matulog sa puno at baka mapingot ako ni lola ng buong araw." Pagdarasal ko. Gabing- gabi na pero hindi ko parin nasusundo si lola kila Aling Lucing. Paniguradong nag-aalala na 'yun sakin at nagpa-plano kung pa'no ako pipingutin.
"Arf! Arf! Arf!"
Bumilis ang pagtibok ng puso ko at muling napatingin sa baba. Jusko lang, hindi ba nila ako lulubayan? Kaya takot na takot ako sa aso 'e. Para kasing palagi silang galit sa tuwing nakikita nila ako. Ewan ko ba kung bakit. Tapos pag hindi naman sila galit 'e palagi namang may nakasunod saking aso. Nakakaloka lang mga bes.
Inayos ko nalang ang pagkaka-upo ko dahil nananakit na ang pwetan ko nang biglang makarinig ako ng...
*craaaack*
OMEGED.
"Raf! Raf!"
Waaaaah! Mga bes! Yung sanga! 'Wag naman sana ngayon! Dito na ba matatapos ang lahat? Hanggang chapter 2 nalang ba ang kagandahan ko? Jusko namaaan! Help me Lord please. Ayokong mahulog mula sa taas nitong puno at lapain ng mga hayop na nasa baba.
Pinakalma ko ang sarili ko at sinubukang pagaanin ang sarili ko pero...
*craaaack*
Oh shet, ayoko na.
*craaaack*
"Arf! Arf!"
"Grrrr!"
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. 'Yung tipong hindi na'ko makahinga. Nagsisimula na ring mamuo ang luha sa mga mata ko. Napakagat labi nalang ako at ibinaon sa tuhod ang mukha. Ayoko nito please, 'wag ngayon. Hindi pa 'ko nakakaranas magka-lovelife.
*craaaack*
Napatulo na ang mga luha ko. Lord, nandyan pa po si lola. Ikaw na pong bahala sa kanya at sa kahihinatnan ko.
*craaaack*
Jusko sanga, isusumpa rin kita kasabay ng batong 'yun promise.
"Raf! Raf!"
Muli na naman akong napatingin sa baba at gulat na tinignan ang mga hayop. Anong ginagawa nila? Bakit nila binabangga 'yung trunk ng puno? Nararamdaman ba nila na mapuputol na 'tong sanga at mahuhulog na'ko? Tengeneng mga hayop 'to!
*craaaack*
"Sige! Banggain n'yo pa!"
*CRAAACK!*
Parang nag-slow motion ang lahat nang magsimulang humiwalay ang sangang inuupuan ko sa puno. Dahan-dahang nanlaki ang mata ko kasabat ng pagbuka ng bibig ko at pagsigaw ng napakalakas.
"AAAAAAAAAAAAH! JUSKO POOO!"
In five...
...four...
...three...
...two...
...one
Naramdaman ko ang unti-unting pagsalpok ng katawan ko sa lupa at pag-untog ng ulo ko sa isang naka-angat na ugat. Ramdam ko rin ang masaganang daloy ng dugo mula rito. Hilong-hilo na 'ko pero nagawa ko paring dumilat at makita kung pa'no mabilis na tumakbo papalapit sa'kin ang mga hayop.
"Arf! Arf! Arf!"
Pipikit na sana ako at hahayaan na sana silang pagpyestahan ang maganda at sexy kong katawan nang mapahinto sila dahil sa isang nakakakilabot na tahol. Parang galing ito sa malalim at walang katapusang kuweba na hihigupin buong pagkatao mo kapag wala kang dalang flashlight.
"RAAAWR!"
Kitang-kita ko pa kung pa'no magsi-atrasan ang mga hayop na parang nakakita ng multo dahil sa takot.
"RAWR! RAWR!"
Hindi ko na maramdaman ang katawan ko pero ramdam ko parin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakita ko. Nagtakbuhan na 'yung mga hayop dala siguro ng sobrang takot sa kaharap nila ngayon.
Sana pala pinikit ko nalang ang mata ko dahil nasa harapan ko na ngayon ang nagmamay-ari ng nakakakilabot na sigaw na 'yun. Anong klaseng nilalang 'to? Hayop ba 'to? Napakalaki niya at tantya ko ay kasing tangkad ko ang katawan n'ya. Kulay itim ang balahibo nito at kulay pula ang buntot. Alam niyo ba kung anong hayop o nilalang 'to?
Isa s'yang dambuhalang aso na sobrang nakakakilabot.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nakaramdam ako ng matinding kirot sa ulo. Mas lalo yata akong nahilo. Mamamatay na ba ako?
"RAWR!"
Bago ako mawalan ng ulirat ay nakita ko ang pagharap sa'kin ng dambuhalang aso at nasilayan ko ang nakakamanghang mata niya na kulay pula at kuminang dahil sa ilaw ng buwan.
Mga matang nangungulila at may gustong sabihin.
"Mate,"
And everything went black.
*****
A/N:
Okay mga bes! Sorry dahil natagalan si author sa pag-update! Abangan niyo nalang ang susunod na kabanata sa susunod na taon! Haha charot!
Enjoy reading ;*
-K
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top