MARK 19
KABANATA 19
Matapos ang tawag ay binigay ko kay bruha 'yung cellphone. Gusto pa sana niyang magtanong pero hindi na bumukas 'yung bunganga niya. Kita niya siguro kung ga'no ako ka-bwisit. Tengene kasing Budam 'yon! Nilayasan kami! Subukan niya lang bumalik at baka ibenta ko na 'yung laman niya ng wala sa oras.
Nakarating kami ng rooftap pero wala akong gana. Ang ganda ng tanawin dito. Sobrang lakas pa ng hangin. Hindi ko lang talaga ma-appreciate kasi iniisip ko 'yung pesteng dambuhala na naglayas. Malaman-laman ko lang na naka-buntis 'yon, ibebenta ko sa petshop 'yung mga anak niya. Bwisit! Gigil ako!
Bumalik na kami. Papasok na sana kami sa kwarto namin nang madatnan namin ang may-ari ng malupit na bunganga, "KAYONG MGA BABAITA! SAAN KAYO NANGALING HA?!" muntik na 'kong iwan ng kaluluwa ko sa sigaw ni aling Imelda. Jusko, bakit dito pa? Naka-abang pa talaga siya sa harap ng pinto ah?
Kumamot ako sa ulo at yumuko, "D-D'yan lang po..." mahinang banggit ko. Baka kasi biglang may lumabas tapos pagtinginan kami dito. Nakakahiya 'yon! Isang balyena sinisigawan 'yung dyosa? Susmiyo! Napakalaking issue!
"ANONG D'YAN LANG?! MAY LUGAR BA NA D'YAN LANG?!" pumewang na siya sa 'min. Siniko ko si bruha para manghingi ng tulong. Jusko, hindi ko kayang mag-isa 'yung delikadong bunganga ng amo ko. Baka ikamatay ko pa 'yon.
Rinig ko ang pagsinghot ng hangin ni Shanie bago sumagot, "Sa...Sa ha-hagdanan po," kinakabahang sambit niya. Tumingin pa ito sa 'kin at pumikit ng mariin. Shet, ano bang sinasabi nito? Kelan kami pumunta ng hagdan? 'Di ba nag-elevator kami? Natangay na yata ng hangin 'yung utak nitong bruhang 'to 'e.
"HA?! HAGDANAN? SERYOSO BA KAYO D'YAN? ANONG GINAWA NIYO DO'N? NATULOG?!" hindi makapaniwalang sambit ni aling Imelda. Nakatitig pa siya sa 'min na parang kami na ni bruha 'yung pinaka-baliw na nakilala niya. Ang sakit naman no'n. Mukha ba kaming siraulo? Kasalanan na naman 'to ni bruha 'e.
"O-Opo...hehe," nagulat ako sa sagot ni Shanie.
Huwat? Dinadamay pa 'ko ng bruhang 'to! Jusko! Gusto kong umiling at tumanggi pero pagkatingin ko kay aling Imelda ay mukha s'yang naniwala. Wala akong nagawa kundi tumango-tango nalang. 'E anong irarason ko kung sabihin kong hindi ako kasama do'n? Alangan naman sabihin ko na sinamahan ko si poging may pandesal? Baka isipin niya pa na sumama lang ako dito para maging tour guide.
"T-Tama! Tama si Shanie. Nakatulog po kami do'n." pekeng ngiti ang binigay ko sa amo ko. Tinaasan niya lang kami ng kilay at pinapasok na sa kwarto.
"KANINA KO PA KASI KAYO HINAHANAP! TUMAWAG SI MR. HAWKSON AT GUSTO NIYANG MAKITA TAYO SA GARDEN NGAYON! DOON KASI GAGANAPIN ANG PARTY! HALA SIGE AT MAG-AYOS NA KAYO! MUKHA KAYONG MUSMOS D'YAN!" isang bagsakang sigaw ni aling Imelda bago pumasok sa kwarto nila ni kuya Eman.
Hala ano daw? Gusto daw kaming ma-meet ni Mr. Hawkson? Jusko! Makikita ko naman si crush! Kailangan kong maging dyosa! Ay hindi! Dyosa na pala ako.
"Dalian mo bruha! Ako naman sa CR!" hindi na kami mag-kandaugaga sa pagmamadali. Baka mamaya harapin na naman namin 'yung pagsubok sa delikadong bunganga ni aling Imelda. Ayoko na, mamamatay na 'yung tenga ko. Hindi ko na kaya.
Sinuot ko 'yung red dress na regalo sa 'kin ni lola nung nakaraang birthday ko. Hanggang tuhod ko 'yon. Bagay na bagay lang sa 'kin dahil sexy ako at hindi maitim ang tuhod ko. Idagdag mo pa na dyosa 'yung magsusuot kaya kabog na kabog talaga. Pinartneran ko pa 'yun ng sandals na itim ha?
"ANO? TAPOS NA BA KAYONG DALAWA D'YAN? LABAS NA!" rinig naming sigaw ni aling Imelda habang kumakatok pa. Binuksan nalang ni bruha 'yung pintuan at sabay kaming lumabas.
"HUWAW! CHINESE NEW YEAR?" grabe mang-asar 'tong amo ko. Kala mo naman bagay sa kan'ya 'yung high waist n'yang pantalon. Ewan ko ba kasi sa bruhang 'to, nagsuot ba naman ng gold na dress? Pero hindi masakit sa mata kaya okay lang. May masamang bunganga lang talaga d'yan sa tabi-tabi. Hindi matahimik.
"Tara na po! Hehe," sabi ko nalang.
Tumango sa 'kin si aling Imelda at bubuksan na sana 'yung pintuan nang biglang may mag-doorbell. Oh? Sino 'yon? Late na ba kami kaya si pogi nalang pumunta dito?
"Goodmorning," bati sa 'min ni Gavin, 'yung kuyang men in black. Siya pala 'yung nag-doorbell. Akala ko si crush na. "I came here to gather y'all and send you to the garden." nakangiting sambit niya sa 'min. Sabay-sabay nalang kaming tumango.
Pak na pak talaga! May taga-sundo kami! Hindi na namin kailangan hanapin kung sa'n pa 'yung garden na 'yon. Sa laki ba naman ng building na 'to? Susmiyo! Siyam-siyam ang aabutin namin do'n!
Sumakay ulit kami ng elevator at pumunta sa pinaka-unang floor. Pagkalabas namin ay sobrang daming tao. Konti lang 'to kanina ah? Ba't dumami? Ganito siguro dito pag-hapon. Naglalabasan 'yung mayayaman. Tapos nagchichikahan lang sa mga gilid-gilid.
"Have you heard the news? The heir of Fenris clan is here!"
"Yeah! And I can't believe it! Minsan lang kasi dumalo 'yon sa mga party."
Gano'n ang usap-usapan na naririnig ko. Ni hindi na nga nila kami napansin dahil busy sila sa topic nilang 'yon. Siguro sikat na sikat 'yung taong pinag-uusapan nila. Mukha silang excited lahat 'e. Tapos main topic pa ng mga chismosang mayayaman na 'to. Sana gan'yan din ako, soon.
Naramdaman ko 'yung pagsiko sa 'kin ni bruha, "May darating sigurong sikat na artista. Ang daming media 'e." bulong pa niya.
Tumango nalang ako dahil baka tama siya. "Oo nga, sana makita din natin." sagot ko. Malay mo 'di ba? Si James Reid pala 'yung dumating? O kaya si Enrique Gill? Shet! Hindi pwedeng hindi ko sila makita! Sayang naman kung hindi nila masilayan 'tong dyosa kong mukha. Baka maisipan pa nilang ipalit ako kay Nadine o kaya kay Liza. Pero charot ko lang 'yon. Ayoko namang mang-agaw. Gusto ko rin mahanap 'yung ka-loveteam ko na para lang sa 'kin.
Lumiko kami sa isang pasilyo na madaming halaman. Jusko, entrance palang 'to ah? Para na kaming papasok sa fairyland sa dami ng mga bulaklak. Ang bango pa.
"We're here," biglang sabi nung kuyang men in black. Tinuro niya pa sa 'min 'yung table sa hindi kalayuan. May nakita kaming naka-upo do'n na lalaki. "That's Mr. Hawkson, maiwan ko na kayo at magbabantay ako rito." slung 'yung pagkakatagalog niya. Parang hindi pa siya sanay sa wika namin. Ang cute lang.
Naunang naglakad si aling Imelda. Sumunod si kuya Eman at nahuli kami ni bruha. Syempre kailangan mahinhin muna. 'Wag 'yung sugod ng sugod at baka ma-turn off. Sayang 'yung red dress ko kung gano'n.
"HELLO GOOD MORNING MR. HAWKSON!"
"Good morning too, have a seat." parang wala lang na sabi niya. Ang cold-cold talaga ng bebe ko! Tingin ka naman sa 'kin uy! Pero parang narinig yata ni God 'yung hiling ko kaya dumapo sa 'kin 'yung mata ni pogi. Napayuko nalang ako bigla sa kahihiyan.
ENEBE NEMEN TE! KENEKELEG EKE!
"Kayo rin, Shaniese at...Jhenica," hindi ko alam kung may mali ba sa pagbigkas niya ng pangalan ko pero tumalon 'yung puso ko 'e! Gustong pumunta kay pogi! Nako naman!
Sumunod naman kami at naghila ng upuan. Ramdam ko 'yung titig niya sa bawat galaw namin. O ako lang? Parang sa 'kin lang siya nakatitig 'e? Shet! Mag-budots kaya ako dito para magulat siya? O kaya kaltokan ko si aling Imelda para malipat 'yung asul niyang mata do'n? Kinakabahan ako sa tinging 'yan 'e!
"So uhm, I called you here 'cause I want to you to meet your fellow workers later. Para alam ninyo kung anong gagawin sa party." sabi niya pero hindi pa rin tinatanggal 'yung tingin sa 'kin.
May tae ba 'ko sa mukha?
Tataasan ko na sana siya ng kilay. Nang bigla siyang umayos ng upo at tumingin sa taas. Sinundan ko 'yung tiningnan niya at natantong sa may veranda pala 'yon. Naaninag ko 'yung isang lalaki do'n pero agad ding nawala nung may humila sa kan'ya. OMG? Si kuyang poging may pandesal at gray na mata 'yong nanghila! Hindi ko kilala kung sino 'yung hinila niya. Pero sigurado akong lalaki din 'yon.
Sino kaya 'yon? Biglang tinignan ni crush 'e. Selos ako.
---
A/N:
Please vote :<
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top