MARK 17
KABANATA 17
"Please get inside," iminuwestra niya sa 'min iyong magarang sasakyan at pinagbuksan pa kami ng pinto.
Nilibot ko ang tingin sa buong terminal. Lahat ng tao ay nakatingin sa 'min. Sino bang hindi mapapatingin? Galing kaming bus tapos may susundo sa 'ming men in black with magarang kotse? Jusko, parang nagmukha naman kaming tumawag lang ng grab. Isipin niyo ah, tatlong oras kaming naghintay dito. Ta's ngayon lang darating 'tong sugo na 'to? They can't believe it.
No, kailangan kong mag-ayos.
Tumuwid ako ng pagtayo at hinawakan ang kamay ni kuyang naka-black. "Take me to our place," diretsong english na sabi ko. Ginaya naman ako nila aling Imelda tapos iniwan lang namin sa labas 'yung mga dala namin. Syempre, pa-sosyal. Ganito talaga pag dyosa ka. Sinusundo.
Madaming naglalakihang building 'yung nadaanan namin. Titig na titig lang ako sa labas. Kinakabisado lahat ng mga nakikita. Wala kasi akong dalang cellphone. Pakshet, soon lola. Dadalhin kita dito. Gagawa tayo ng bahay sa gitna ng mga building na 'yan. Hugis korona para maraming mainggit.
"We're here," sabi nung driver. Yes, may driver pa.
Lumabas si kuyang men in black at pinagbuksan kami ng pinto. Naunang lumabas sila Shanie tapos sila aling Imelda. Ang excited ni bruha, kala mo naman talaga magtatagal kami dito. Sumunod nalang ako at oh shet. I kennat. Hindi ito makatotohanan. Jusko, ang laki-laki ng building na 'to! Walang-wala 'yung mga nadaanan naming establismento! Like OMG? Magmumukha kaming langgan sa loob niyan. Sobrang lawak pa. Ang swerte siguro ng may-ari nito.
"Welcome to Blue Paradise. This will be your temporary place as said by Mr. Hawkson," mas lalo akong napanganga sa narinig.
HUWAAAAAAAAT?! TOTOO BA 'YON? NABASA NIYO 'YON?! DITO DAW KAMI TITIRA?! HELP MEH! AYM GANA DAY!
"Omaygad Jemay. Omaygad." inalog-alog ako ni bruha kaya medyo nahilo ako. Tengeneng 'to, kung hindi lang siguro ako nagulat baka sinapak-sapak ko na siya d'yan.
"Nahehelo na ako,"
"Ay sorry!"
Napalingon kami sa likod nang biglang umalis 'yung magarang sasakyan. Oh bakit umalis 'yon? Nando'n pa 'yung mga gamit namin ah?
"Don't worry," singit ni kuyang men in black. Nakakagulat naman 'to. "He will deliver your packages to your room later. No worries about that." sabi pa nito at ngumiti sa 'min.
"O-OKAY! DELIVER IS NICE! HEHE!" parang wala sa sarili na sagot ni aling Imelda. Gulat pa yata siya 'e.
Tumango si kuyang men in black at iginaya kami sa loob. Sinalubong kami ng mga mayayamang nilalang. Sobrang classy nilang gumalaw. May mga nakita pa nga 'kong sikat na artista na napanood ko dati sa T.V ni aling Imelda. Samantalang 'yung iba, naka-office attire tapos kumikinang 'yung mga suot na alahas. May mga nag-uusap sa mga sofa at may mga palakad-lakad.
Ang lamig-lamig pa dito sa loob. Pero mukhang sanay na 'yung mga taong 'to! Walang aircon sa bahay namin 'e. Electricfan lang tapos mainit pa 'yung nilalabas na hangin. Ang sarap lang itapon.
Tumingin si bruha sa taas kaya napatingin na din ako do'n.
"Wow... Ang laki naman ng ilaw na 'yan," grabe, pati ilaw ang sosyal. Nakalimutan ko tawag sa gan'yan 'e. Alam ko kinakanta ko pa 'yon dati.
Pinagtitinginan kami nung mga nadaan naming tao. Para silang nasusuka na ewan. Huwaw ha? Mukha ba kaming mabaho? Inubos ko na nga 'yung safeguard sa katawan ko 'e. Anong problema ng mga 'to? Sayawan ko kaya? De joke, baka magulat sila may sumasayaw na dyosa. Mag-viral pa 'ko.
Nagba-bow kay kuyang men in black 'yung mga staff na nakikita niya. Tapos binabati pa siya ng good morning. Anong meron? Prinsipe yata 'tong taga-sundo namin ah.
"Tenth floor," utos niya do'n sa lalaking nakatayo sa loob ng elevator. Pumasok naman kami at hindi na nag-imikan. Wala kaming masabi bes. Nakakatakot magsalita. Baka mamaya bigla kaming magising 'e.
TING!
"Tenth floor, sir." biglang sabi nung pumipindot ng number.
"Thank you,"
Lumabas na si kuyang men in black kaya sumunod kami. Ang daming pintuan ang sumalubong sa 'min. May mga number sa taas at parang hindi de susi ang mga 'to. Shet, ganto 'yung napapanood ko dati. Kailangan ng code ba 'yon? Bago makapasok sa loob. Ang garaaa! Gusto ko rin!
Dinala niya kami sa medyo dulong parte. May nakasalubong pa nga kaming artista na lumabas galing sa isang pinto. Sumilip ako do'n, kwarto pala 'yung laman. Parang bahay.
"A-Ano po ba 'tong building? Ba't ang daming pinto?" biglang tanong ni bruha kay kuya.
Tumingin siya sa 'min at tumigil sa isang kulay cream na pintuan. "Condominium hotel," sagot nito at binuksan na ang kwarto sa harap.
Condominium hotel? Kaya naman pala ang daming mayayaman. Tapos mga sosyalin na kwarto. Susme, dito ba kami patitirahin ni pogi? Ang gara naman, pinaggastusan pa kami. Well, may kasama silang dyosa 'e. Nagngangalang Jemay lang naman.
"Come inside, feel at home." pumasok kami sa loob tulad ng sabi niya.
Sobrang lawak! Tengene. Ang ganda ng paligid. May flatscreen, may aircon, may ref, may sofa, may veranda at kung ano-ano pa. Bagay lang sa 'kin, sa dyosang tulad ko.
Ang lamig pa dito. Parang nasa ibang bansa na kami.
"Dito po ba kami mag-istay?"
"Yes," sagot niya sa 'kin at ngumiti. Pala-ngiti kasi si kuya. Pansin ko lang. "Please relax yourselves here. I should go, if you have problems or if you're hungry, just ring us using that button." may tinuro siya sa 'ming kulay asul na pindutan.
"Y-YES! RING RING! THANK YOU!"
Pagkatapos naming magpasalamat ay umalis na si kuya. Hindi pa rin maka-sink in sa utak ko na dito kami pag-istayin ni pogi. Like OMG? Pwede naman kaming tumira lang sa mga mumurahing hotel. 'Yun bang 200 isang gabi? 'Di ba merong gano'n? Tatlong araw lang naman kami dito 'e. Hanep sa yaman talaga ni pogi. Crush na crush ko na siya. Walang aagaw.
"Aling Imelda, dalawa lang po 'yung kwarto nakita ko. Kami na ni Jemay sa isa." nagkakamot sa ulong sabi ni bruha. Lumibot na pala 'tong babaeng 'to. "Okay lang po ba na kayo ni kuya Eman sa isa pa?"
"O-OO NAMAN! GUSTO KO 'YO--ANG IBIG KONG SABIHIN, WALANG MALISYA 'YON! OKAY?! PWEDE NAMAN KAMING MAGSAMA NI EMAN KAHIT ILANG ARAW PA 'YAN!" nabubulol na sagot ni aling Imelda. Hindi naman siya halata 'no? Jusko, baka magising 'yung mga nasa kabilang kwarto kakasigaw niya.
"Sige po, hehe."
Hinila na 'ko ni bruha papasok ng isang kwarto. Nanlaki ang mata ko sa naabutang kama. Ang laki at lawak kasi no'n! Kahit siguro magsama-sama kami nila aling Imelda d'yan 'e kasya kami.
"Huwaaaa! Jemay! Naho-homesick ako!" pang-iinarte sa 'kin ni Shanie paghiga niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"O sige, umuwi kana."
"Joke lang 'e. Gala tayo mamaya? Maaga pa naman."
"Ngayon na kaya? Para malibot natin lahat."
Tumango-tango kaming dalawa na parang tanga. Excited lang kami mga bes. Makakagala na kami. Walang ganito sa Sitio Laingay. Susulit-sulitin na namin habang may oras pa. Hindi naman kami pagod sa byahe.
Naligo na si bruha at nagbihis. Gano'n din ang ginawa ko. Naglagay pa kami ng konting make-up para naman magmukha rin kaming sosyal. Ewan ko ba kung bakit nasusuka 'yung mga tao dito pag nakikita kami. Padila ko sakanila 'yung kili-kili ko d'yan 'e. Mabango naman 'to.
"Tara na dali! Habang tulog pa sila aling Imelda!"
"Wait!"
Patalon-talon na lumabas si gaga. Sumunod naman ako at dahan-dahang sinarado 'yung pinto. Okay? Saan kami pupunta nito? Baka mamaya maligaw pa kami.
Hinila ako ni bruha sa kanan, "Dito muna tayo. Hanapin natin kung may rooftap ba papunta do'n." sabi pa niya at tumakbo.
Naiwan tuloy akong mag-isa. Ang bilis niya mga bes! I kennat! Sumunod nalang din ako at hinabol siya. Patay 'yon sa 'kin. Iniiwan ako! Wala pa namang katao-tao dito sa hallway. Mamaya biglang may multong gumulat sa 'kin 'e. Mamatay pa 'ko ng maaga.
Lumiko ako sa isang pasilyo, takbo lang ako ng takbo. Pesteng babae 'yon! Sa'n ba siya lumiko?!
"Bruh--AY POSTE!"
"Ouch! What the fuck?!"
Nabangga ako sa isang matigas na pader. Sobrang tigas. Feeling ko magkakabukol ako.
"Why are you running like hell?!"
Huh? Nagsasalita 'yung pader? Tumingala ako sa gulat. Napa-upo kasi ako sa lakas ng impact. Ang sakit sa pwet! Biruin niyo 'yon? Tumalsik ako! Pero imbes na pader 'yung makita ko, anim na pandesal bes! Anim! Gusto kong maglaway!
HUWAAAAA! ANG HOT! SINO ITONG LALAKING 'TO?!
"What? You'll just gonna drool there? Stand up and face me!"
Ang ganda ng boses! Kaso ang sungit! Sobrang sama pa makatingin. Parang hihigupin na 'ko ng gray niyang mata 'e!
---
A/N:
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top