MARK 15
KABANATA 15
"Anong kapatid ni Budam ang pinagsasabi niyo? Pa'no niyo naman nalaman? Sinabi ba niya sa inyo?" tanong sa 'min ni lola.
So kelangan muna naming tanungin kung kapatid ba 'yon ng asong nasa bahay? 'E pa'no kung jowa pala 'yun ni Budam? Edi nasampal kami no'n? Jusko, mas mabuting mag-dyosa rest nalang ako at katayin 'yung dambuhala sa bahay kesa mag-alaga pa ng isa. Ikamamatay ng dyosa niyo 'yon. Hindi maaari.
"H-Hindi po..." mahinang banggit ko. Magsasalita pa sana si bruha sa gilid pero kinurot ko na siya. Aangal pa 'e. Siya ba nag-aalaga kay Budam?
"O siya, sige. Tara na't gabing-gabi na." sabi ni lola sa 'min habang winawagayway 'yung kamay. "Una na kami, Lusing."
Nagpaalam na rin kami bago umalis. Kumapit ako kay lola paglabas. Habang nasa kabilang gilid naman niya si Shanie. Jusko, gagang 'to. Akala ko ba natatakot siya kanina? Bakit ngayon parang ako nalang 'yung natatakot?
Hinila ko si lola sa kabilang daan. Meron pa kasing kalye do'n na papunta sa bahay. Ayoko nang daanan 'yung dinaanan namin kanina. Baka mamaya nando'n pa 'yung jowa ni Budam 'e. Siguro naamoy niya sa 'min 'yung dambuhalang asong 'yon kaya sinundan kami papunta dito. Dapat dumiretso nalang siya sa bahay. Hindi naman namin kasama si Budam.
Hinugot din ni lola 'yung kamay ko, "Ano ba 'yan apo? Sa'n ka ba dadaan?" naiinis na sabi niya sa 'kin.
Tinuro ko naman 'yung kabilang kanto na gusto kong puntahan. "Doon nalang tayo la. Mas safe. Walang kakain sa 'tin," nakangiti kong sagot. Tiningnan naman nila parehas 'yung tinuro ko tapos sabay pang umiling.
May binulong si bruha kay lola pero hindi ko narinig. Sus, alam ko na 'yan. Bruhang 'to. Sobrang dilim kasi ng gusto kong daanan. Walang bahay na makikita do'n. Puro puno pa. Pero anong pake ko? Alangan namang magpa-lunok kami sa jowa ni Budam 'di ba?
"Huwag na, Jemay. Hindi mo ba alam na may gumagalang ulo d'yan?" nanakot na sabi sa 'kin ni lola.
Ano naman ngayon? Mas okay na 'yon kesa 'yung ulo namin 'yung gumala. Subukan lang niyang magpakita sa 'kin at baka gawin ko siyang bola. Magaling pa naman ako sa volleyball.
"Oo nga, Jemay," pagsang-ayon ni bruha at tumango-tango pa sa 'kin.
Aangal na sana ako pero pinagtulungan na nila akong hilahin. Bwisit na Shanie 'to. Bwisit talaga.
Sana active nalang 'yung powers ko para kaya ko silang buhatin papalipad. Jusko, bakit kasi antagal kong maging ganap na dyosa? Gustong-gusto ko nang palubugin sa lupa si bruha 'e.
Matapos ang hilahan ay naka-uwi kaming buo. Sobrang saya ko pero parang hindi masaya 'yung dalawa. Ang ingay 'e. Mukhang nagtatalo pa. Narinig ko tuloy 'yung pinag-uusapan nila.
"Sabi mo ando'n? Wala naman."
"Nando'n siya kanina lola! Kitang-kita ko kaya," kumakamot sa ulong sabi ni bruha.
Ah gano'n? Tengeneng Shanie 'to. Dinadamay pa si lola sa kalokohan 'e. Kaya naman pala ayaw nila dumaan do'n kanina. Gusto kasi nilang makita 'yung jowa ni Budam. Buti nalang wala.
"Hoy," pagtawag ko sa kanila. Wala kasi sa 'kin 'yung susi ng de buhat naming gate.
Oo, sinususi namin 'yon saka bubuhatin.
Magsasalita pa sana ako pero agad tumigil dahil sa malakas na tahol.
"RAAAWR!"
"GRRR!"
Sabay-sabay kaming nagtinginan tatlo. Oh shet, kaninong tahol 'yon? Mukhang galing pa sa bahay ah?
Agad na kumilos si lola at bruha papasok ng bahay. Nagpahuli ako dahil sa takot. Jusko, ano namang gagawin ko do'n? Ayokong makakita ng nag-aaway na aso. Mamaya bigla akong masama 'e.
Naabutan namin ang pinaka-pakshet na pangyayari. Maderpaker. Pa'no napunta 'tong gray na dambuhala na 'to sa bahay namin? Mukhang may love quarrel pa yata sila ni Budam. Siguro iniwan siya kaya sinundan niya dito.
Hinila ko si lola at bruha sa gilid. Mas safe do'n. Jusko, ang lalaki ng dalawang 'yan. Magkasing tangkad pa tapos sobrang tataba ng katawan. Paniguradong mayuyupi kami kapag nadaganan kami.
"RAWR!"
Ramdam ko 'yung sobrang galit ni Budam. Bakit ba siya nagagalit? Girlfriend mo 'yan oy. Maawa ka naman. Pinapayuko mo pa yata. Etong isa naman na 'to. Ayaw sumunod! Gusto pang makipag-tahulan kay Budam! Susme, kung ako sa'yo girl, iwan mo na 'yan. Hindi naman marunong maligo 'yan.
"GRRR! RAWR!"
Mas lalo pang nagalit 'yung aso ni lola. Tumingin kasi 'yung gray na dambuhala sa 'min. Ano ka ngayon? Guilty ka 'no? Punta pa kasi sa bahay. Lab na lab kami niyan ni Budam. Hindi mo mapapaalis 'yan dito.
"Hala apo, 'yung aso mo mukhang papatay na."
Jusko la, hindi ko na yata mababago pa 'yang pananaw mo. Sige, continue.
"Oo nga, Jemay. Hindi lang makawala kasi parang ayaw sirain 'yung lubid na tinali mo." segunda naman ni bruha.
Tinitigan ko si Budam. Highblood na siya. Labas na labas na 'yung mga pangil niya. Gustong-gusto na niyang sugurin 'yung gray na dambuhala pero hindi niya magawa kasi nga may tali siya sa leeg.
Ano na namang arte 'yan? Jusko, plastic lang naman 'yung lubid na tinali ko sa 'yo. Sa laki mong 'yan, hindi mo mapigtal? Hay nako, Budam.
"RAWR!"
Nainis akong bigla. Kanina pa tahol ng tahol 'tong hayop na aso ni lola. Ano bang pinag-lalaban nito?
"HOY BUDAM! TUMIGIL KA NA NGA D'YAN! MAAWA KA SA JOWA MO! 'WAG MONG TAHULAN! ISIPIN MO NAMAN NA MAY PINAG-SAMAHAN KAYONG DALAWA 'DI BA?!" nanggigil kong sigaw. I kennat mga bes. Galit na din ang dyosa niyo. Dito pa kasi sila sa tapat ng pintuan nagta-tahulan. Pa'no kami makakapasok niyan?
"RAWR!"
Oh shet, mukhang nagalit 'yung gray na dambuhala. Wow ha, ikaw na nga kinampihan ikaw pa galit? Sige, binabawi ko na 'yung sinabi ko. Arte mo rin ah.
Maya-maya ay bigla akong kinalabit ni bruha, "Gaga ka Jemay, hindi babae 'yan." bulong niya sa 'kin.
"Weh? Pa'no mo nalaman?"
"Nakita ko 'yung nakasabit sa pwet. Silipin mo,"
Sinunod ko ang sinabi niya. At shet, OMG. Meron ngang nakalawit. Akala ko pa naman babae 'tong hayop na 'to. Ang ganda kasi ng kulay ng balahibo! Tapos kulay blue pa 'yung mata niya. Parang may lahing foreigner lang.
Inangat ko ang tingin ko at napagtantong nakatingin pa rin sa 'kin 'yung kulay gray na dambuhala. Galit siya mga bes. Sorry na okay? Sorry na. Malay ko bang may lawit ka pala. Bawal magkamali? Bawal? Batuhin kita ng gate d'yan 'e. Pasalamat ka dambuhala ka.
"RAWR!"
Binalik ni asong gray 'yung tingin niya kay Budam. Para na silang nag-uusap gamit 'yung mga mata nila. Samantalang mukha na kaming nanigas na statwa dito.
Papasukin niyo na kami sa bahay, please?
Matapos ang halos trenta segundong titigan ay biglang umalulong si asong gray.
"AWOOOOOOOOOOOOF!"
Pagkatapos no'n ay tumakbo siya paalis.
Okay. 'Yon na 'yon? Nubanamanyan. Akala ko pa naman mag-gutay-gutay pa sila ng katawan 'e.
---
A/N:
Thank you so much for appreciating my update kahit sobrang sabaw❤
Facebook: Keian Imex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top