MARK 14
KABANATA 14
"Achu!"
Naalimpungatan ako dahil bigla akong nabahing. Tengene, ang kati ng ilong ko. May pumasok yatang kakaiba.
"Rawr,"
Gulat akong bumangon nang mapagtanto kong hindi lang ako nag-iisa sa kama. Holy shet, sinong nagpapasok kay Budam? Sinara ko naman 'yung pinto ah? Hayop na 'to. Feel na feel 'yung pag-higa. Nakatapat pa sa 'kin 'yung pula niyang buntot. Biruin niyo, sa laki neto nagkasya kami? Well, FYI. Dikit na dikit siya sa 'kin. Nakapulupot pa 'yung buntot sa leeg ko.
Ayos.
Inis akong tumayo at humila ng ilang balahibo niya, "Sinong nagpapasok sa 'yo ha? Siguro may tinatago kang kamay d'yan sa tyan mo 'no?" sabi ko.
Hindi man lang siya sumagot. Mang-mang ka talaga Jemay. Alangan namang sagutin ka niyan. Baka 'yung tao pa sa tyan niya 'yung magsalita.
Pumasok nalang ako sa banyo at naghilamos. Balak ko pa sanang basain si Budam ng tubig pero bukas nalang. Wala akong pasok tomorrow kaya pwede kong siyang paliguan. Ang baho na 'e. Joke. Hindi siya nangangamoy. Mas mabaho pa nga si bruha d'yan. Ewan ko ba.
"Wow ha," nasabi ko pagkalabas ko ng banyo. Pakshet na aso 'to. Ginawa pang unan 'yung unan ko. Tao ka ba ha? Tao ka? Nakalimutan na siguro nitong hayop siya.
Wala na 'kong nagawa kaya iniwan ko nalang siya do'n. Magpakasasa siyang matulog. Siguraduhin niya lang na walang garapa mamaya sa kama ko. Baka makalbo ko siya ng wala sa oras. Gigil pa naman ako sa gradient niyang balahibo. Pinag-halong pula at itim 'e. May gano'n bang kulay? 'Di ba wala? Adik lang talaga 'yung dating amo mo.
"Oh apo, si Budam? Nakita mo ba? Kanina ko pa hinahanap 'e." salubong sa 'kin ni lola. Mahal na talaga niya 'yung dambuhalang aso.
Naiiyak na 'ko. Hindi ko alam na ipagpapalit ako ni lola sa aso. Mas gusto niya pala ng hayop kesa sa dyosa. Jusko, parang gusto ko nang maglayas. I kennat.
Now I know kung bakit gustong-gusto ng aso na 'yon na matulog sa kwarto ko. Balak niyang agawin sa 'kin 'yung pagiging dyosang apo! No! Hindi maaari! Hindi ako papayag! Kakatayin ko siya 'pag ginawa niya 'yon. Mark my words. Ibebenta ko lahat ng laman-loob niya. Tapos gagawin kong carpet 'yung balahibo niyang adik!
"Ando'n sa kwarto ko! Nag-aagaw buhay na!"
"Haru jusko! Totoo ba iyan? Anong ginawa mo sa aso mo, Jemay?" natatarantang sabi ni lola.
"Joke lang. Imagination ko lang pala 'yon la, akala ko totoo." nakatikim ako ng hampas at kurot pagkasabi ko no'n. Grabe, kapag kaya nag-biro din si Budam kay lola tapos sabihin niyang patay na 'ko. Ganito din kaya gagawin niya sa asong 'yon?
Ang drama ko na. Hindi bagay sa dyosa kong mukha.
"Puro ka talaga kalokohan, apo. Bumaba ka na nga doon at kumain."
Maaga kaming pumasok ni bruha ngayon. Tinali ko na si Budam ng maiigi sa labas ng bahay. Pinagbataan ko pa siya na tatanggalin ko 'yung betlog niya kapag sinira niya ulit 'yon. Mukha namang effective dahil hindi siya nakagalaw. Subukan niya lang, gagawin ko talaga.
Pinuntahan ko ang amo ko sa kusina, "Aling Imelda, sasama na po ako."
"HUWAW JEMAY! BUTI NAMAN! NICE! YOU'RE NICE! SA IKALAWA NA ANG ALIS NATIN OKEH? MAG-READY-READY KANA DAHIL MAAGA ANG FLIGHT."
"Talaga po? Mag-eeroplano tayo?" manghang tanong ko. Oh shet, I can't believe this! Makakasakay na 'kong eroplano! Swerte naman pala sa 'min si pogi. Hindi lang Manila ang mararanasan ko kundi pati 'yung paglipad!
"HINDE! NAG-ARAL KA BA HA? HINDI MO BA ALAM MEANING NG FLIGHT? IBIG SABIHIN NO'N, BYAHE! SUSME! MAGBASA KA NGA!"
OMG, na-scam ako. Sabi ko nga 'e. Nasa ibang planeta pala utak ni aling Imelda. Nakalimutan ko na naman.
Pagkatapos kong magpaalam ay umalis na kami ni bruha. Maaga 'yung uwian namin ngayon. May aasikasuhin pa daw kasi si aling Imelda at baka hindi na rin daw muna siya mag-bubukas tomorrow.
Naglalakad na kami sa madilim na daanan papunta kila manang Lusing. Sorry beshies, mahirap mayor dito. Hindi pa nagpapalagay ng street lights.
"Jemay... Natatakot ako," kumapit ng todo sa 'kin bruha. Susmiyo, anong dina-drama nito? Palagi naman kaming dumadaan dito ah?
"Tumigil ka nga d'yan. Gaga ka, may kasama ka namang dyosa kaya don't worry." sabi ko dito at tinanggal 'yung kamay niyang nakakapit sa 'kin. Pero binalik niya lang ulit.
"N-Natatakot talaga ako, Jemay."
"Bakit ba kasi?!"
Kitang-kita ko ang paglunok niya. "Eh kasi..." lumunok ulit siya. "Feeling ko may n-nakatingin sa 'tin."
Napa-irap naman ako sa sinabi niya. Jusko, bruhang 'to! Ambisyosa! Sa 'kin nakatingin 'yon!
"Feeling mo lang pala 'e. Tara na nga!"
Hinila ko na siya para mabilis na kaming maka-uwi. Sa totoo lang, natatakot na rin ako. Meron talagang nakamasid sa 'min. Akala ko feeling ko lang pero naramdaman din pala ni bruha kaya natataranta na ako ng konti. Baka mamaya rapist na pala 'yon 'e!
"Bilisan mo!"
Ginawa namin 'yung takbo-lakad. Shet, sobrang pagmamadali na 'to ah? Baka naman tumigil kana sa pagmamasid sa 'kin? Kanina ka pa. Alam kong dyosa ako pero hindi ako available 'pag gabi kaya stop ka na d'yan kung sino ka man.
Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil malapit na kami kila manang Lusing. Hihilahin ko na sana si Shanie pero hindi ko siya mahugot. Naestatwa na yata si bruha.
"Hoy ano ba?!"
"Jemay...tangina,"
Inis ko siyang tinignan. Minumura ba 'ko nito? Mumurahin ko din dapat siya pero hindi siya nakatingin sa 'kin. Sinundan ko kung ano 'yung tinitignan niya. And oh shet... Am I imagining right now?
BAKIT MAY VERSION 2.0 NI BUDAM DITO?! PAKSHET!
"Rawr..."
KYAAAAAH! OMG!
Hinila ko ng todo 'yung buhok ni bruha patakbo sa loob ng bahay nila manang Lusing. Siya may kasalanan no'n 'e! Kung hindi lang sana siya naestatwa do'n edi hindi sana kami makakakita ng kamukha ni Budam 'di ba? Ang laki-laki ng asong 'yon! Kulay gray tapos blue 'yung mata! Pa'no kung hindi pala mabait 'yon katulad ni Budam? Susmiyo, baka buto-buto nalang kaming aabutan.
Sumalubong sa 'min ang nag-uusap na matanda, "Oh bakit hinihingal kayong dalawa? Nagnakaw kayo 'no?"
Etong lola ko, ang hilig manghinala. Lagi nalang 'e.
Humugot muna ako ng maraming hangin bago nagsalita, "HINDI KAMI NAGNAKAW LA! ANDO'N SA LABAS 'YUNG KAPATID NI BUDAM! NAKITA NAMIN!" natatarantang sumbong ko. Tumango-tango naman si Shanie na parang namamangha. Nakangiti si bruha 'e. Tanginang 'to. Anong masaya do'n?
"Opo lola Rina! Baka kapamilya ni Budam 'yon. Ampunin din kaya natin?"
Binatukan ko siya ng malakas. Anong ampon-ampon pinagsasabi nito? Hindi ko na nga kayang ma-take si Budam tapos mag-aampon pa kami ng isang kulay gray at may asul na matang aso?
Hindi lang pala aso kundi DAMBUHALA!
I kennat.
---
A/N:
Special thanks to -zeandates for making the new book cover of this story! You can also request to her shop. It's currently open.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top