MARK 10

KABANATA 10

"Hala takte! Sorry!"

Agad kong nilapitan si pogi at kinuha ang hita ng manok na napunta sa ulo niya. Shet ka namang chicken ka, ba't ngayon kapa lumipad d'yan? Nakakahiyaaa! Sana pala adobong baboy nalang niluto ko para hindi mag-fly.

Pinunasan at inayos ko ang buhok ni pogi. Wala 'e, nakanganga lang silang lahat. Pati 'yung mga men in black, tulaley.

Jusko, please pray for my soul. 'Yung bunganga ng amo ko. Kahit nakanganga 'yon, silent but deadly 'yon.

"Sorry talaga pogi--ay sir pala! Hindi ko sinasadya! Tinulak ako ng mga langgam!" kinakabahang sambit ko. Umangat naman ang gilid ng labi nito. Oh jizus, is he smirking at me? That's so makalaglag panty! 'Wag kang gan'yan sabi 'e!

"Nah, it's alright," kumuha siya ng panyo sa bulsa. Akala ko pupunasan niya 'yung sarili niya pero nagkamali ako.

Kamay ko kasi 'yung pinunasan niya.

"You should be careful nextime, Jhenica." seryoso na namang sabi niya at tumitig sa 'kin.

KYAAAAAAH! OMG! 'YUNG PUSO KO! KINUHA NA NG MGA ALIEN! NABASA NIYO 'YON?! SABI NIYA JHENICA! CAREFUL DAW AKO NEXTIME! SHEEET!

Pero teka, paano niya nalaman first name ko? Hindi kaya...stalker ko siya? Sabi ko na 'e! Sa ka-dyosahan kong 'to? Jusko! Si aling Imelda nalang siguro ang hindi magkakagusto sa 'kin.

Bago pa manumbalik sa katotohanan ang mga kaluluwa nila aling Imelda at bruha ay tumayo na si pogi. Mukhang aalis na yata.

Hala? Ang bilis naman?

"Well anyway, I gotta go. List down all of your best menus here. Kukuha ako sa lahat. I'll call for the other details." sabi nito at inayos ang suot na coat. "Thank you,"

Kita ko ang hindi makapaniwalang mukha ni aling Imelda. Kahit ako rin naman 'e. Jusko, kung ako si pogi tapos malagyan ako ng manok sa ulo ng tatanga-tangang servant? Baka sunugin ko pa 'tong buong karinderya. Hindi pwedeng malagyan ng chicken ang ulo ng dyosa 'no.

"R-REALLY? OMYGASH! THANK YOU MR. HAWKSON! YOU GOOD, I'M GOOD. COME AGAIN! HEHE!"

"Huh?" naguguluhang tanong ni pogi. Hindi nalang siya sinagot ni aling Imelda dahil pati siya ay naguguluhan din.

Sige, mag-aningan kayo. Magaling amo ko d'yan.

Hinatid na namin sila palabas. Sayang lang kasi hindi nila natikman 'yung adobo ko. Lalo na 'yung mga men in black. Sabaw lang ata nakuha nila. Kawawa naman. Sana pala sa kanila nalang lumipad 'yong hita ng manok para deretso subo na 'di ba? No hassle, no starving pa.

"BA-BYE! SALAMAT NG MARAMI! THANK YOU VERY MUCH!"

Umandar na ang mga sasakyan nila. Nakangiti akong kumaway para magpaalam. Kaso binaba ko rin agad ang kamay ko dahil bigla akong siniko ni bruha.

Problema na naman ba nito? Nakakadalawa na siya ah! Isa pa talaga! Isa nalang talaga!

"Bakit ba?!"

Inirapan lang niya ako, "Sus! May pakaway-kaway ka pa d'yan, lagot ka naman kay aling Imelda mamaya. Pinagdasal na kita kanina bessy, don't worry." sabi nito at pumasok na sa loob.

Iniwan niya ako.

Iniwan niya ako sa kamay ng delikadong bunganga ni aling Imelda.

Shet! bruha ka talaga!

"HOY JEMAY! 'WAG MO SUSUBUKANG TUMAKAS! LETSE KA! PASOK SA LOOB!"

"S-Sige p--"

"WAG KA NG SUMAGOT-SAGOT PA D'YAN! PASOK!"

Wala na 'kong nagawa kundi pumasok sa loob. Una kong hinanap si Shanie pero hindi ko siya makita. Pati na rin si kuya Eman. Mukhang nagtago na sila sa C.R o sa ilalim ng lamesa. Iniwan talaga nila ako. Ansamaaa!

Hindi ko 'to kaya mag-isa, bwisit kayo!

"UPO!"

Agad naman akong umupo sa upuan. Kapag ganito si aling Imelda, 'wag ka ng magdalawang-isip sa mga desisyon mo. Sumunod ka nalang kung ayaw mong patayin ng delikado niyang bunganga.

Napakagat nalang ako sa labi ko at yumuko, "S-Sorry po talaga..."

"SORRY?! ALAM MO BA KUNG GA'NO NAKAKAHIYA KANINA?! BAKIT LUMIPAD 'YUNG MANOK?! HINDI MO BA PINUTULAN NG PAKPAK 'YON?! JUSKO NAMAN JEMAY! AKALA KO BA MARUNONG KA?! PAASA!"

"P-Pinutulan ko naman po,"

"YON NAMAN PALA! 'E BAKIT NGA LUMIPAD?!"

"Baka po may..." nag-isip ako ng pwede kong i-dahilan. "...extra wings siya,"

Halos magdiwang ang buong sistema ko nang napatigil si aling Imelda. Mukhang inisip niya rin 'yung sinabi ko. Napaniwala ko yata siya. Baka totoo naman kasi na may extra wings 'yung manok kaya lumipad sa ulo ni pogi.

Tumango-tango siya, "PWEDE..." sabi niya at hinimas-himas pa ang baba, "PERO TANGA KA PARIN! ANLAKI-LAKI MO NA NADADAPA KA PA?! MAG-DIAPER KA NALANG KAYA ULIT? SINASABI KO SAYO JEMAY HA! AYUS-AYUSIN MO 'YANG PAGTATRABAHO MO! PASALAMAT NALANG TAYO DAHIL MABAIT SI MR. HAWKSON! TSK!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nag-walk-out na siya.

Hayst, salamat at buhay pa naman ako.

"Oh ano? Ayos ka lang ba Jemay? Hindi ka ba nilamon at niluwa ni aling Imelda?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Shanie sa gilid ko. Saan kaya 'to galing? Bruhang 'to! Ngayon lang nagpakita!

"Wow ha? Concern ka? Concern ka? Grabeee!"

"Syempre! Lab kaya kita!"

"Tse! Hindi mo nga 'ko sinamahang harapin 'yung bunganga ni aling Imelda! Lumaban akong mag-isa!"

"Sorry! Ikaw naman kase! Pinapalipad mo 'yung manok!"

"Tse! Wala kang chicken mamaya!"

Natapos ang trabaho namin ng saktong alas-diyes ng gabi. Hindi ko pinansin si bruha buong magdamag. Bahala siya d'yan. Galit ako. Sasabihin ko kay lola na 'wag siyang bigyan ng chicken mamaya. Ano siya, sinuswerte? Magdusa siya d'yan. May pagkurot at pagsiko pang nalalaman kanina. Hindi ako nakaganti!

"Si lola po?" tanong ko may manang Lusing nang makarating kami sa bahay niya. Dito ko kasi kinukuha si lola. "Ay Jemay! Ikaw pala! Hindi pumarito 'yung lola mo 'e. Akala ko hindi ka pumasok sa trabaho."

"Hindi po siya pumunta?"

"Hindi talaga,"

Tumango nalang ako at nagpasalamat. Nasa bahay lang kaya 'yung lola ko? Malamang Jemay. Walang pupuntahang iba 'yon.

Nagmadali ako sa pag-uwi para malaman kung nandoon nga siya. Shet, baka naman hindi siya lumabas ng bahay dahil busy sa pagbabantay sa dambuhalang aso na 'yon? Jusko! Malaman-laman ko lang talaga na lumagpas sa limang chicken ang nakain niya, lelechonin ko siya! Gagawin ko pang floor mat 'yung balahibo niyang gradient!

"Easy ka lang Jemay, baka masira 'yung gate niyo." nag-aalalang sabi ni bruha sa likod pero hindi ko siya pinansin.

Binuksan ko na agad ang pintuan, "Lola? Yuhooo!" malakas na sigaw ko sa loob pero walang sumagot.

"Baka nasa kusina,"

Sinunod ko ang sinabi ni bruha at pumunta do'n. Tama siya, bwisit na dambuhalang aso na 'to. Pa-easy-easy lang sa tabi ng lola kong nagluluto. Ano ka d'yan? Gwardiya? Akala ko ba bahay ang binabantayan? Grrr!

"Oh apo, welcome home. Nagluluto ako ng Menudo. Mukhang gusto ng asong ito,"

Ah...menudo pala ang gusto mo ha? Kanina chicken tapos menudo naman ngayon? Wooow!

Bago pa ako pigilan ni bruha ay sinugod ko na ang dambuhalang aso.

"Ikaw na hayop ka! Okay lang na agawin mo si lola pero 'wag ka namang sumobra sa pagkain! Tabachoy kana pero ang lakas mo pang kumain!"

Dinuro-duro ko pa ito pero nakatingin lang siya sa 'kin. Malamang Jemay, alangan namang tawanan ka niyan. Jusko.

Umirap nalang ako, "Hmp! Makabihis na nga!"

Aalis na sana ako pero agad itong lumapit sa 'kin. Kinabahan naman ako. Okay, nasa'n na 'yung tapang mo kanina? May pasugod-sugod ka pa ah? 'Yan tuloy, nilapitan ka.

"Oh ano Jemay? Na-estatwa ka d'yan? Hahaha!" pinandilatan ko nalang si bruha. Mamaya ka sa 'kin.

"Rawr,"

Kumunot ang noo ko nang nilapit nito ang nguso sa 'kin at inamoy-amoy ang kamay ko. Bwisit na 'to, hindi naman ako naka-hawak ng tae kanina 'di ba? Maka-amoy ka naman d'yan.

"RAWR!"

Gulat na gulat akong napa-atras sa biglaan nitong pagtahol. Lumabas pa 'yung mga pangil niya. Ano na naman bang ginawa ko? Bakit galit na galit na naman 'tong dambuhala na 'to? Wala naman akong hinawakan na mabaho kanina ah? Amoy panyo nga ni pogi 'yung kamay ko.

"RAWR!"

"Hala apo, anong ginawa mo? Mabaho yata 'yang kamay mo."

Umiling-iling ako at tumingin kay lola, "Hindi kaya! Ambango nga 'e! Amoy panyo ni pogi!"

Hindi ko alam pero dahil sa sinabi ko ay mas lalo lang itong nagalit.

"RAAAWR!"

Oh shet?

---

A/N:

Add niyo naman ako.

Facebook: @Keian Imex

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top