XIX: Sharper Than Blades

Blaze's Point of View

What's fulfilling is to see her smile. Napatingin ako sa kaniya. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga bagong Anostatos. She suddenly burst out laughing that made my heart flustered. Sumikdo ito nang mabilis hanggang sa pinagkaitan akong makahinga.

The same feeling when my mind won't function properly in exhaustion with too much information.

"Hulog na hulog ka na naman," Dash teased me.

Tinignan ko siya sa mata, at sunod kong tinapunan si Nkri. Out of the corner of my eyes, I saw how he swallowed in fear. At the same time, pulang-pula naman ang kaniyang tenga. Nkri, on the other hand, give me her threatening look.

I naughtily smiled.

Pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng hot chocolate. Pagkadating ko'y tila nagkatuwaan sina Fuego at Erin. When they felt my presence, saka na lamang sila huminto sa pagkukulitan. I hummed.

Tumingin ako kay Erin. She didn't think twice to avert her gaze when she realized I was staring at her. I hummed once again. I get it. Sinunod kong tinapunan ng tingin si Fuego. He is now looking at me like threatening me to shut the hell up.

Natatawa akong itinaas ang pareho kong kamay.

Pagkatapos kong magtimpla ay umupo ako. Dinampot ang nakahandang sandwich sa lamesa. Alam kong gawa ito ni Fuego. Habang kumakain, nagmamasid lang ako sa paligid.

Sa kabila ng mga nangyari, napapansin kong paunti-unti naghihilom na ang mga sugat sa puso ng iilan sa amin. Sigurado akong may malalim na dahilan si Violeta para gawin niya ang mga bagay na 'yon.

Villains aren't born, they are made.

Unless that villain is purely evil.

And express no remorse for everything he did.

I quickly cleared my throat when Chry entered. Nakasunod sa kaniya si Ace na dada nang dada. Sigurado akong may nangyari talaga sa pagitan ng dalawang 'to. Considering Chry's short-temper. Alam kong ayaw rin niyang may makulit na sunod nang sunod sa kaniya.

"Good morning, Blaze!"

As usual, Ace greeted me so lively I could lie down for the entire day. I greeted him back with a smile. Sabay pang umupo ang dalawa. Inabot ni Chry ang baso. Ibinigay niya ang nauna niyang nakuha kay Ace. Causing me to smile internally.

I take a sip of my hot chocolate.

Without looking at the both of them, I use my senses to feel their little gestures. Mabilis na lumambot ang puso ko nang makitang pinagtimpla ni Chry si Ace. It's rare to see Chry like this. Kaya hinayaan ko na lamang sila.

I don't want to ruin the bond that is starting to surface between them.

Alam naming kung gaano ka-dedicated si Chry pagdating sa pagiging captain niya. At sa kaligtasan ng buong akademya. At least she deserves someone who can feel her safe. Kahit na sabihin nating matapang at malakas si Chry.

Pero alam kong sa kaibuturan ng pagkatao niya, may nakakubling alaala na ayaw niyang balikan. I mean, lahat naman yata ng tao may mga mapait na pinagdaanan.

No matter how deep it is, all of them are valid.

Tumayo na ako sa pagkakaupo't inilagay sa lababo ang baso. Nagtama pa ang mata namin ni Chry nang papalabas ako ng kusina. I nodded at her as a sign of my farewell. She nodded back. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay tinawag niya ulit ako.

"I need your presence later. We were asked to supervise the preparations for the event tomorrow evening," she said.

Ngumiti ako. "Of course! You can count me in," nagagalak kong sagot sa kaniya.

☽ ♆ ☾

Prente akong nakaupo sa sofa, nanood ng television show. Pinagigitnaan ako nina Ace at Dash. Hinihintay naming bumaba si Blei. Nawala ako sa pinanonood ko nang sikuhin ako ni Dash sa tagiliran ako.

Babawi na sana ako nang mapansin kong pumapanaog na ng hagdan si Blei. Tila tumigil ang mundo ko, kasabay ng paghinto ng aking puso. Idagdag pang nakangiti siya. Out of the corner of my eyes, I saw Ace and Dash teasingly looked at each other in the eye.

"You are in danger, Blaze," rinig kong bulong sa akin ni Nkri.

I immediately shake my head, "she's dangerously beautiful," I commented.

I heard her scoff in disbelief. Pagkatapos ay naramdaman kong nawala na ang presensya niya sa likod ko. Pero hindi pa rin iniwala ang atensyon ko kay Blei. Hanggang sa makababa na siya.

She is wearing a blue floral short dress that really compliments her skin. Nakasuot pa siya ng sky blue flat sandals para mag-match ito sa suot niyang dress. Napalunok ako ng laway nang maglakad siya papalapit sa akin.

My world stopped once again.

Without knowing, nakatitig lang ako sa kaniya nang ilang minuto. Dash only snapped me out of it when he slightly smack me in the shoulder. Nabalik ako sa reyalidad. Tila parang kinain ako sa hiya nang pagtawanan ako ng iba.

Tawang panunukso.

Uminit kaagad ang pisngi ko't tenga. Sinabayan pa ito ng pagkabog ng puso ko. Nagkatinginan kami sa mata ni Blei. She immediately averted her gaze. Napansin ko pa ang pula niyang pisngi.

Napailing ako nang magtilian ang lahat sa kilig.

Habang ako naman ay tumawa na lamang sa ginawa nila. Nahinto lamang sila nang marinig namin ang pamatay na tikhim ni Chry. She slightly nod, giving us the signal that it's time to go. Mabilis na napatayo sina Ace at Dash.

Sumunod naman kaming dalawa ni Blei.

"You look stunning," bulong ko sa kaniya nang pareho kaming nasa pintuan.

A sweet smile quickly plastered upon her lips. Kasunod naman ang paglagay ng ilang hibla niyang buhok sa likuran ng kaniyang tenga.

"Thanks, blazing wisdom," she said.

I was taken aback from what she said. Mas lalo akong pinamulahan ng pisngi at tenga nang tumawa siya. 'Yong tawang mahinhin, pero napaka-contagious pa rin. Nang tumalikod si Blei sa akin, mabilis kong hinawakan ang aking dibdib.

I softly caressed my chest, and let out a quiet deep breath.

Out of the corner of my eyes, I saw Dash teasingly smiled at me. Pataas-baba pa niya ang kaniyang kilay. Tinignan ko siya ng masama. The table had turned when Nkri hit him hard on his arm. Tinawanan ko siya.

Naglakad na kaming anim sa pasilyo kung saan maraming mga estudyanteng nagtatambay. As usual, umalis sila sa daan. Sinabayan pa nila ito ng pagyuko ng kanilang mga ulo.

This kind of routine, sino pa ba ang hindi masasanay?

"Ang ganda mo . . ." bulong ko sa hangin.

My eyes grew wider when I heard Blei chuckled. Napatingin ako sa kaniya. To my surprise, gano'n din siya. We were staring at each other like there's no tomorrow.

"A calm sea . . ." muli kong bulong. Habang hindi binasag ang pagtitigan naming dalawa. Pinakinggan ko ang kabog ng aking dibdib, ". . . pumipintig at humihinga nang may ritmo."

Napansin ko na naman ang pagpula ng kaniyang pisngi. Oh god, how regal this woman can be? A princess of the depth. She may be a modest and shy woman, I know and I witness that she is capable of showing how dangerous she can be.

A storm, without a doubt, can send anyone into the depth of the ocean. Giving someone no chance of survival.

"Blazing wisdom . . ." muli ko na namang narinig ang mga katagang 'yan.

I absentmindedly bit my lower lip when my heart once again skipped a beat. I heard her chuckled. Pero 'yong tawa na 'yon, hindi nakakatulong sa nararamdaman ko.

Mas lalo lang itong lumala, ". . . with your incomparable intelligence, you can achieve things in a clever way. Matapang na mandirigmang walang inuurungang laban."

Ngumiti ako sa sinabi niya. She even smiled back.

Dumating kami kaagad sa chamber na gagamitin para sa The Big Three Offering event. I've heard that Hades and Persephone are one of the confirmed deities to attend tomorrow. The academy director was unsure if the Olympians would attend as well.

Sabi nila, wala raw silang nakuhang response ng kanilang invitation letters.

Mabilis na tinulungan ni Dash ang isang satyr na may dala-dalang mabibigat na mesa. With Blei's nature, tinulungan niya ring mag-ayos ang mga auria ng mga table curtains. Si Chry naman is may kausap na isang auria.

Nakatingin lamang ako kay Blei.

"Mom's rival is Poseidon, you still remember, right?" rinig kong bulong sa akin ni Nkri. Tinapunan ko siya ng nangunguryusong tingin. "I am not saying this just to be a hindrance with what you are feeling with Blei. I am only saying this to warn you. Are you ready to protects her from Athena's wrath?"

I scoff.

"Of course, I am!" Bigla akong nanliit nang umalingawngaw ang boses ko sa chamber na 'to. Napansin ko namang nginitian ako ni Nkri. "With what's going on between me and Blei has nothing to do with Athena and Poseidon's rivalry, Nkri."

I looked at her. Nanatili pa rin ang matamis niyang ngiti sa labi.

"And I will do everything I can to protect her," puno ng kasiguraduhan kong wika.

Tinapik niya naman ang aking balikat. "Good to hear. Look at yourself, you fell hard, brother. If you are really that sure of what you felt for her, ligawan mo na. But . . ." Tinignan niya ako sa mata, ". . . you are still in danger," she warned me.

Mabilis kong nakuha ang ibig niyang iparating. Umalis naman siya sa aking tabi at pumunta sa kinaroroonan ni Blei. Nagsilakihan naman ang mata ko nang may ibinulong si Nkri sa kaniya. Dahilan para mapatingin siya sa aking gawi.

She innocently smiled. Sumunod niyang ginawa ay pinikit ang kaniyang mga mata, pero nandoon pa rin ang ngiti sa labi. Habang kumakaway sa akin. Napahawak na naman ako sa aking dibdib.

Tama nga si Nkri. I am in danger in both aspects. Una sa pagbabakod sa kaniya. Dahil alam kong may ibang lalaki diyan na sikretong humahanga sa kagandahan at kabaitan niya. Pangalawa, kilig ata ang ikamamatay ko, hindi ang digmaan.

Because her smile is sharper than blades.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top