CHAPTER 17 - What's Meant To Be Does Not Need To Be Forced
The origami lotus with Shakespeare's line continued to arrive every morning in the next two weeks. Sa tuwing papasok si Luna at dumarating sa umaga ay naroon na ang origami sa ibabaw ng desk, naghihintay sa pagdating niya. Wala sa mga ka-klase niya ang nagsasabi kung sino ang naglalagay roon dahil wala pa mang tao sa classroom ay naroon na iyon.
And Luna could do nothing but heave a heavy sigh.
Ganoon din ang pagkain tuwing lunch, naging araw-araw na ang dating. Kapag hindi siya kumakain sa cafeteria ay ipinahahatid iyon ni Ryu sa ibang mga estudyante sa classroom nila, at kapag nasa canteen naman siya ay ipinahahatid iyon ng walang'ya sa table nila.
The group, the Alexandros, would often sit near them while they were eating their lunch at the cafeteria, at si Ryu ay parating nasa pwesto lang nito sa sulok at nakamasid nang may ngisi sa mga labi.
At first, she thought it was creepy. At noong una'y labis siyang naalibadbaran kaya ilang beses niyang itinaboy ang mga ito. But the men would just grin at wink at her, at kadalasan ay matatagpuan na lang niya ang sariling naglalakad palabas ng cafeteria. Hindi rin naman sana niya nais na magtungo roon, but Kaki and Dani were both persistent.
Isang beses ay hindi siya nakatiis at pinuntahan niya ang School Counselor para i-report ang ginagawa ng grupo sa kaniya. But Miss Reni, the School Counselor, just giggled at her complaint and said she should be overwhelmed dahil napapansin siya ng grupo. That pissed her off, at hindi niya napigilang magtaas ng tinig. That triggered Miss Reni, and she was warned not to do it again, otherwise, her parents will be summoned.
Doon niya napatunayan na tunay nga ang sinabi ni Ryu– Miss Reni won't give a damn.
At hindi na niya alam kung saan pa siya lalapit. Hindi siya makapaniwalang ang ganito ka-prestihiyosong paaralan ay pinatatakbo ng mga ganoong uri ng tao.
And she was pissed she wanted to speak to her father about it. Pero natatakot siyang i-pull out siya ng ama kapag sinabi niya rito ang mga pinagdadaanan niya.
She had already made friends. At maliban pa roon ay na-attach na siya sa CSC kahit pa ba tagilid ang patakaran at pamumuno niyon. Kaya kahit mabigat sa loob niya ay pinilit niyang sanayin ang sarili. Pinilit niyang ignorahin na lang ang grupo, ang mga pinadadalang origami at pagkain ni Ryu, at ang masasakit na tingin mula sa mga babaeng gustong mapansin ng Alexandros.
Yes. Ang tingin sa kaniya ngayon ng mga babaeng estudyante sa campus– lalo na ang mga nasa college department– ay kaaway.
Aba, anong malay niya na marami ang nagkakagusto sa Ryu Donovan na iyon?
Well, if she would be honest to herself, that guy– that pervy umbrella man Ryu Donovan– was one hell of a gorgeous man. At hindi nakapagtatakang marami ang nagkakagusto rito.
Oh well, mukhang attracted ang mga kababaihan sa mga gaya nito. 4M.
Malandi, mayabang, manyak, at mainitin ang ulo.
Nakaaawa ang mga babaeng nagkakagusto sa kagayo ng lalaking iyon. They were probably blinded by his physical looks.
At anong malay niya na marami ring mga college girls ang nahuhumaling sa iba pang mga miyembro ng grupo?
Damn it. Marami ang may galit sa kaniya ngayon dahil nagkaroon siya ng koneksyon sa jologs na Alexandros group. At nang dahil sa nangyari sa cafeteria halos isang buwan na ang nakararaan ay naging popular siya sa buong CSC– not in a good way, and not the way she used to be.
Dati, popular siya sa pinapasukang academy dahil sa utak at skills niya.
Ngayon, popular siya sa buong campus dahil nilalandi siya ni Ryu Donovan. Not only that, the whole members of the Alexandros group were also befriending her.
Well, personally, wala siyang galit sa mga miyembro ng grupo. Maliban sa naiinis siya sa kakulitan ng mga ito ay napatunayan niyang maaayos naman ang mga ito at may breeding. Karamihan sa mga estudyante– lalo na sa college department kung saan mas kilala ang mga ito– ay maayos na pinakikitunguhan ng grupo. Minsan nga ay makikipagbiruan pa. Maliban siyempre sa mga bullies na umiiwas makabangga ang grupo kaya kapag nasa paligid ang Alexandros ay umiiwas o nananahimik na lang.
Kahit sina Kaki at Dani ay naging malapit sa grupo dahil madalas ng mga itong ka-kwentuhan ang mga iyon tuwing lunch, lalo na sina Seann, Raven at Kane.
Kane Madrigal was actually polite. Mukha itong nakakatakot at istrikto dahil ito ang pinaka-malaki at matangkad sa grupo, pero kapag nakapalagayan na ng loob ay saka lang makikilala ang totoong ugali nito. He was quiet most of the time, but he was a good conversationalist and was well-mannered. Kasundo nito si Kaki lalo na kapag napag-uusapan ang tungkol sa numbers and history. Kane was very handsome, too. His eyes were his best asset; deep and expressive. Pero kadalasan ay hindi niya maiwasang mapansin na tila may kakaiba rito.
There was something mysterious about Kane Madrigal. Ang mga mata'y tila may itinatagong lihim... at hapdi.
Oh, well. Kung anoman ang pinagdadaanan nito, hiling niya'y makausad na ito. Not that she cared, but she couldn't help but feel sorry for the man sometimes.
Maliban kay Kane Madrigal, sina Seann Ventura, Raven Worthwench, at Marco Sansebastian din ay mabilis na nakuha ang loob nina Kaki at Dani. Seann being nice and gregarious, habang sina Marco at Raven naman ay parehong magaling makisama.
Grand Falcon, on the other hand, was always out of reach. Lagi itong solong nakaupo sa isang mesa at tahimik na nagbabasa ng libro o nakayuko sa cellphone habang naka-de cuatro. Hindi ito makausap at kung kakausapin man ng grupo ay kay iiksi ng mga sagot nito. He always looked uninterested, but he would smile whenever their eyes would meet. Ramdam niya ang maharot na aura ni Ryu Donovan dito, at may palagay siyang mas maharot pa ito sa Big Boss.
Si Jet Yuroshi ang pinakatahimik sa lahat. Wala itong pakialam sa iba, malibang kakausapin ito ng mga kaibigan. Purong Hapon pero matatas nang magtagalog. At minsan ay missing in action ito.
Ganoon din si Blaze Panther na wala parati at madalang lang niyang nakikitang kasama ng grupo.
So basically, Kane, Marco, Raven, and Seann were the only nice and friendly members of the group. The rest were... eccentrics.
Ang iyong leader ng grupo? The worst!
Pero sa nakalipas na dalawang linggo, laking pasalamat niya dahil hindi ito naglakas ng loob na lapitan siya tulad ng mga tropa nito. Ryu Donovan would just sit at the corner, sip his favorite chocolate drink, and creepily stare at her with a grin on his stupid face. Minsan ay pabirong sinabi ni Marco na matiyagang naghihintay si Ryu sa araw na dumating siya sa disi-otso para kapag nilapitan siya nitong muli ay wala na raw siyang masabi.
Na parang titigil siyang itaboy ito.
Kahit dumating pa siya ng sitenta, kahit na pumuti lahat ng hibla ng buhok niya at kumuba na ang likod niya, she would never give that man a chance.
Oh well, alam naman niyang hindi aabot ng ganoon ka-tagal ang kalokohan ng luko-luko na iyon. Sabi nga ng iba, she was only Ryu Donovan's flavor of the month.
At ilang araw na lang ay mag-tatapos na ang buwan ng Agosto; mag-iisang buwan na simula nang mag-umpisa itong guluhin siya. Umaasa siyang sa susunod na buwan ay iba naman ang pag-laruan nito at ng mga barkada.
Because seriously, she didn't want any of this to continue.
*
*
*
"Another lotus origami from mah boy Ryu Donovan," kinikilig na sambit ni Dani nang dumating siya sa classroom nang umagang iyon. Ini-nguso nito ang origami na nakapatong sa desk niya.
She took the origami, crumpled it, and shoved it inside her bag as usual.
Nagkatinginan sina Kaki at Dani.
"Ano na naman ang nangyari?" ani Kaki pagkaraan ng ilang sandali.
Pasalampak siyang naupo sa harap ng desk at nakasimangot na ini-lapad ang bag sa ibabaw niyon. "Don't tell me na hindi ninyo nakita ang video na naka-post sa social media about me and Ryu Donovan?"
Malakas na tumawa ang dalawa na umagaw sa pansin ng iba pa nilang mga ka-klase.
Lalo siyang nainis. Ibinagsak niya ang noo sa ibabaw ng bag upang ikubli ang pamumula ng pisngi.
And no, she wasn't blushing.
Her face turned red in fury!
Anong galit niya kaninang umaga nang makatanggap ng tawag mula sa ina. Sinabi nitong may nakitang video sa social media page ng CSC na fina-follow nito. It was a video of one of her volleyball practice games; naka-zoom ang video sa kaniya at sinusundan ang bawat galaw niya sa loob ng court. Sa loob ng humigit-kumulang sampung segundo ay sa kaniya naka-focus ang lense bago iyon biglang nalipat sa sulok na bahagi ng bleachers kung saan mag-isang naka-upo si Ryu Donovan. As usual, he had that signature grin on his face as he watched the game. At habang naka-focus ang video kay Ryu ay unti-unting nag-zoom in ang lense sa mukha nito, kasunod ng paglitaw ng text sa screen na nagsasabing;
Just crushing on the junior high team captain.
Kung hindi pa sinabi sa kaniya ng ina ang tungkol doon ay hindi rin niya malalamang may naka-upload ng ganoong video sa social media. She hurriedly opened her laptop and watched it in disgust, habang ang mommy naman niya ay kilig na kilig sa kabilang linya.
Knowing her mom who was always a hopeless romantic, hindi na nakapagtataka iyon. Pero nag-alala siyang malaman din ng daddy niya, kaya pinakiusapan niya ang ina na h'wag nang banggitin iyon sa ama. She knew her father wouldn't reprimand her for something like that– alam niyang wala namang mali roon sa video. Pero ayaw niyang makarating sa ama na ginagawa siyang katatawanan sa social media.
Bakit?
Because the comment section was filled with nasty remarks about her!
Geezzz... Hindi bagay!
OMG, ano ang nakita ni Ryu sa kaniya?
She's not even that pretty!
Sino ba yang babaeng yan?
Really, Ryu? That girl?
Her mother was not a tecky, at alam niyang hindi ito nagchi-check ng mga comments. Ang ama naman niya ay walang social media account kaya alam niyang hindi nito makikita ang video unless ipakita iyon ng mommy niya rito.
Base sa reaksyon ng mommy niya, ay sigurado siyang hindi nito nakita ang mga komento. Because if her mother did, sigurado siyang pupunta ito sa CSC sa araw ding iyon bitbit ang listahan ng mga estudyanteng nag-comment ng masama tungkol sa video para mag-report sa opisina ni Miss Reni. At ayaw niyang gawin iyon ng ina dahil mabibisto nitong walang silbi ang school counselor ng CSC!
Bago siya magpaalam sa ina ay sinabi niya ritong wala siyang interes sa lalaking iyon at pinaalalahanang h'wag nang i-check ang social media page ng CSC. Nag-alala siyang masundan ang video na iyon at baka may hindi ito magandang makita. She didn't want her mother to see what she was going through at school since meeting that Ryu Donovan jerk.
Sirang-sira ang araw niya matapos mapanood ang video na iyon. At lalo pang nasira nang sa pagdating niya sa school ay may nakasalubong siyang mga babae mula sa college department. Hinarangan siya ng mga ito sa gate. They were all calling her names, like 'pakipot', playing-hard-to-get, and Miss Simplishitty. Sinabi ng mga itong nagpapakipot lang siya para lalong ma-challenge si Ryu sa kaniya at lalo siyang habulin. Na pasasaan din daw ba at bibigay din siya kalaunan.
She hated it when people acted as if they knew her. As if they knew what's on her mind, and as if they had the right to insult her. Pero dahil pinalaki siya nang maayos ng mga magulang ay hindi niya pinatulan ang mga ito, so she pretended she heard nothing and kept walking. Kaya pagdating sa classroom nila ay doon lang niya pinakawalan ang inis at sama ng loob niya.
Ryu Donovan's adoration for her had become the topic in school and she despised it. Because of him, her name had become part of the school gossips. Kalat na kalat na ang tsismis at sa tuwing may makakasalubong siyang mga babaeng college students ay nakakatanggap siya ng masamang tingin o mga parinig.
"I think the video is cute," sabi ni Dani na pumukaw sa pag-iisip niya.
"At wala kaming nakitang mali roon," dugtong naman ni Kaki.
"Even some of our teachers found that video romantic. I mean, it is romantic. H'wag mo nga lang basahin 'yong mga comments mula sa mga inggiterang witch sa comment section." Sinundan iyon ni Dani ng bungisngis.
Hindi siya kumibo at nanatili lang na nakayuko sa bag. Hindi pa humuhupa ang init ng ulo niya; she needed more time to cool down.
"Hey," ani Kaki makaraan ang ilang sandali. Banayad siya nitong hinawakan sa balikat. "Come on, cheer up. It was just a video."
Doon na siya nag-angat ng tingin. "Just a video? That video was posted on CSC's official page. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag nakita ng tatay ko ang video na iyon? Iisipin niyang malaking bagay ang video na iyon, at siguradong susundan niya ang lahat ng kaganapan dito sa school. Kapag nagpatuloy ang pagpo-post ng mga walang magawang estudyante ng videos na may kinalaman sa akin at sa Ryu Donovan na iyon, my father wouldn't like it. At kapag nalaman niyang ginugulo ako ng grupo ng lalaking iyon sa araw-araw ng buhay ko rito sa school, at kapag nalaman niyang naging target ako ng mga inggiterang witches na sinasabi ni Dani, ay baka i-pull out niya ako at ilipat sa ibang unibersidad. And that is something I don't want to happen. So, do you understand why it's pissing me off? Do you understand now why I can't cheer up? That is not just a freaking video– that video is the start of my misery!"
Natigilan si Kaki at hindi kaagad nakasagot. Unti-unti nitong inalis ang kamay mula sa kaniyang balikat at humakbang paatras. Si Dani ay natahimik din, kasama na ang iba pa nilang mga kaklase nang marinig ang pagtaas ng kaniyang tinig.
Nang rumehistro sa isip ang ginawa ay napabuntong hininga siya at sinapo ang ulo.
Hindi niya sinasadyang ibunton ang inis sa mga kaibigan. Walang kasalanan ang mga ito.
"I... I'm sorry."
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng mga kaibigan hanggang sa maramdaman niya ang muling pagdampi ng kamay ni Kaki sa balikat niya.
"We're sorry, too, Luna. For being so insensitive. Hindi naman ni-konsidera ang damdamin mo."
Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga bago banayad na hinagod ang sentido.
"I need that video removed from CSC's social media page. Kakausapin ko mamaya ang Student Council president; alam kong siya ang nagha-handle ng page. I also need to know kung sino ang nagpost niyon na ni-approve niya."
"Okay, sasamahan ka namin."
Nagmulat siya at hinarap ang mga kaibigan. Banayad niyang nginitian ang mga ito. "Thank you for always backing me up. At sana ay tigilan na rin ninyo ang pag-suporta sa lalaking iyon. Because Ryu Donovan and I... is just not possible."
Si Dani ay inusog ang upuan papunta sa harap ng desk niya. Nangalumbaba ito roon at nagsabing, "Naiintindihan naming hindi mo type ang mga bad boy type na tulad ni Ryu Donovan. Pero kahit kaunti ba, you really don't find him attractive?"
"Dani, tumigil ka na," suway ni Kaki na naupo na rin sa upuan nito.
"What? I'm just curious. Kung sa ibang babae nagkagusto si Ryu Donovan, siguradong bukas-palad na tatanggapin ng mga iyon ang pagsinta ni College Hotshot."
"Well, hindi ako tulad ng ibang babae, Dani." Sumandal siya sa upuan niya at humalukipkip. "He's attractive, alright. Pero mas nauna niyang nakuha ang inis ko, kaya kahit gaano pa siya ka-attractive sa tingin ninyo, he will always be a monster and a perv in my eyes."
"Paano kung sincere talaga si Ryu sa intensyon niya sa iyo? At paano kung hindi siya titigil hanggang sa matutunan mo rin siyang magustuhan?" maingat na tanong ni Kaki.
Nagkibit balikat siya, "What's meant to be does not need to be forced."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top