CHAPTER 16 - Wholesome and Absolute




            "MAY BAON KA NA NAMAN?" Pinaglipat-lipat ni Dani ang tingin sa dalawang glass container na nakalapag sa ibabaw ng desk ni Luna. Ang isa ay may lamang vegetable salad, habang ang isa ay ulam at kanin.

Nakangiting pinunasan ni Luna ang dalang kutsara at tinidor gamit ang tissue paper na hinugot niya sa maliit na tissue box. "May pinadalang kaldereta si Mommy kahapon nang bumalik ako rito sa Carmona. Hindi ko naubos kagabi kaya ni-init ko ngayong umaga at ibinaon. If you want, you can try it?"

Ngumuso ito. "This is not fun anymore. Kulang na kulang kapag kami lang ni Kaki ang pumupunta sa cafeteria."

"We can't blame Luna," ani Kaki na nasa tabi ni Dani at nakayuko rin sa pagkain niya. "Ayaw na niyang makadaupang palad ang grupo."

Biglang nakaisip ng ideya si Dani at hinarap si Kaki. "Oh, I know! Let's just take out our order and eat here." Then he shifted his attention back to her. "Wait for us before you start, 'kay, girl?"

"All right," she answered, chuckling.

Hinila na ni Dani si Kaki, at nang lumabas na ang mga ito sa room upang bumili ng lunch sa cafeteria ay ibinalik niya ang takip ng mga food containers niya at dinukot ang cellphone sa bulsa ng palda upang i-check kung may mensahe ang mga magulang sa umagang iyon. She hasn't spoken to her mom that morning.

Pero bago pa man niya mabuksan ang phone ay natigilan siya nang may taong humila ng upuan at inilagay sa gilid ng desk niya. Umangat ang kaniyang tingin at nakita si Stefan na naupo roon kasunod ng pagpatong nito ng baunan sa desk niya.

She blinked twice.

            "Do you mind?" Stefan asked in his friendly tone.

Sandali siyang natulala habang nakatitig sa mukha nito. At nang makabawi sa pagkagulat ay napa-uklo siya at napayuko ng ulo. Bumalik sa isip niya ang nangyari noong Sabado– when they went out for their very first date.

Nang Sabado na iyon ay nagkita nga sila ni Stefan sa city center bandang alas otso ng umaga; they had a quick breakfast at the popular pancake shop before heading to the cinema. Nasa kalagitnaan sila ng panonood nang makaramdam siya ng pangangati ng ilong at lalamunan hanggang sa mag-umpisa siyang humatsing nang humatsing. Bago pa lumala ang kondisyon niya ay patakbo na siyang lumabas ng sinehan. Inabutan siya ni Stefan sa lobby ng cinema area, at doon niya sinabing bigla siyang inatake ng allergy niya. At dahil sa excitement para sa araw na iyon ay nakalimutan niyang dalhin ang gamot niya para sa allergy, dahilan kaya madali silang naghanap ng pharmacy upang bumili. Nang mahimasmasan siya ay nagpasiya na lang siyang umuwi sa apartment niya. Inihatid siya ni Stefan, at kinahapunan ay bumiyahe siya pauwi sa mga magulang.

It was a shame. Kung kailan nagkaroon siya ng pagkakataong mapalapit dito ay bigla namang may nangyaring ganoon.

Although, hindi na bago sa kaniya na inaatake siya ng allergy niya sa mga lugar na hindi inaasahan, nagtaka siya kung ano ang mayroon doon sa sinehan. It was the first time. Surely, walang pusa sa loob?

At matapos nga ang araw na iyon ay ngayon lang ulit sila nagkaharap ni Stefan. Late itong dumating kaninang umaga at yumuko siya sa librong hawak niya kaya hindi nagsalubong ang kanilang mga mata. Ngayong tanghalian ay hindi na siya nakaiwas; tuluyan na itong tumabi sa kaniya.

"N-Not at all," sagot niya sa tanong nito makaraan ang ilang sandali.

Ngumiti ito saka binuksan ang food container. Ang baon nito ay sweet and spicy chicken fillet at burrito na nakabalot pa sa foil. Lihim siyang napalunok. Stefan's food looked delish, at pakiramdam niya'y pinagtataksilan niya ang mommy niya dahil nawalan na siya ng ganang kainin ang kalderetang baon niya.

"Sa cafeteria si Paul kakain kasama ang syota niya," Stefan started, glancing at her. "His girlfriend is two years our senior, she's from the engineering department."

Pilit siyang nag-focus sa topikong binuksan ni Stefan at inalis ang tingin sa pagkain. "S-So, Paul liked matured women, huh?"

"Yeah, and they met last week."

"That was fast!"

Stefan chuckled and said no more. Inalis nito ang burrito sa container at iyon ang unang binuksan. Nang mapansin nitong hindi pa rin siya kumikilos ay napasulyap ito sa kaniya bago nito ibinaba ang tingin sa baonan niya.

"You're not eating?"

"W-Well... I'm waiting for Dani and Kaki."

"Oh, I see. Can I sit here while you wait for them?"

Tumango siya at tipid na ngumiti. "You can sit here and eat with us."

"Thanks." Itinuloy nito ang pagtanggal ng foil ng burrito, at habang ginagawa nito iyon ay hindi niya napigilang magtanong,

"Did your sister prepare that for you?"

Sa tanong niya'y sandaling natigilan si Stefan.

Napatingin siya sa mukha nito sa pagtataka, at doon ay nakita niya ang sandaling pagtigas ng anyo nito bago ito nagpakawala nang malalim na paghinga at pilit na ngumiti.

"No, I bought these. Hindi siya naka-bangon nang maaga kaya hindi siya nakapaghanda ng almusal."

"Oh. Is she sick?"

            "Yeah. Her health is inconsistent this year. Laging umaatake ang sakit niya. But let's not talk about her." Nalipat ang tingin nito sa food container niya. "What do you have for lunch?"

"Kaldereta. Luto ni Mommy kahapon. Do you want some?"

"You didn't have to ask twice." Ngumisi ito na sandali niyang ikinatulala.

Ini-usog ni Stefan ang container nito palapit sa kaniya, at doon pa lang siya tila natauhan. Taranta niyang binuksan ang food container at hinayaan itong kumuha mula roon. And while Stefan was eagerly scooping a portion of meat off her container using his fork, a familiar voice at the door took her attention.

"Hope everybody's having a great day! Is my favorite girl here?"

Bago pa man natuon ang tingin niya sa pinto ay nakilala na niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon, at doon sa punto pa lang na iyon ay pagod na pagod na ang buong sistema niya. Sinapo niya ang ulo at hinagod ang sentido. Kailangan pa ba niyang lingonin kung sino ang naroon sa pinto?

"He's here," bulong ni Stefan sa kaniya habang nakalingon sa pinto. Ang pagsubo nito sa kalderetang nasa tinidor ay nabitin sa ere.

"Pwede pa ba akong magtago?" payuko niyang tanong sa katabi.

Muli siya nitong hinarap at pinong nginitian. "He already saw you. And he's coming this way."

She opened her mouth to say something, but she was cut off when Ryu Donovan reached her desk and stood in front. Natuon ang tingin niya sa suot nitong itim na top coat at hindi niya napigilan ang sariling mapa-ismid.

Laging nilalamig 'tong lalaking 'to...

"Oh, am I interrupting something?"

Unti-unti niyang itinaas ang mga mata habang hinahagod ito ng walang interes na tingin. Malinis at naka-plantsa nang maayos ang uniporme nito na tinatakpan ng suot na coat. Ganoon din ang itim na slacks nito. The guy was so tall it took her time to finally see his face.

And when her eyes met his, Ryu Donovan's lips stretched up for a dashing smile.

Dashing for some girls. Irritating for her.

"What is it that you want from me again?" she asked, leering at the college hotshot. "Hindi pa rin ba malinaw ang tugon ko sa mga ginagawa mo?"

Patuloy ito sa pagngisi. "Feisty as always."

Hindi na niya nagawang sagutin iyon nang tumayo si Stefan bitbit ang container nito. Blangko ang ekspresyong hinarap nito si Ryu Donovan na napasulyap din dito. The college hotshot's smile disappeared; his face turned serious.

The two men engaged in a staring fight– at kinunutan siya ng noo nang may mapansin. She wanted to think that she was just imagining things, but she could see animosity in Stefan's eyes. Habang si Ryu Donovan naman ay kinunutan ng noo, tila may pilit na inaalala.

Hanggang sa...

"Ahh, I see now," usal ni Ryu sabay ngisi.

Si Stefan naman ang kinunutan ng noo ngayon. "Excuse me?"

"So you're that guy."

"What?"

Ryu Donovan smirked and lowered his gaze to Stefan's ID.

Ang mga kaklase niyang sa classroom din kumakain ng lunch ay napatayo at pumaligid sa kanila, nakiki-usyoso. Ang ilang mga taga ibang sections ay sumisilip sa nakabukas na pinto, hindi makapaniwala na naroon sa building si Ryu Donovan na nakilala ng iba bilang ang leader ng grupo ng Alexandros.

Si Stefan na tila nairita sa pagdating ni Ryu ay niyuko siya, at doon lang muling lumambot ang anyo nito nang mapatitig sa kaniya.

"It's getting too crowded here, so I'll probably just look for another place to eat. Catch you later, Luna."

Hindi na siya nakasagot pa nang tumalikod na lang bigla si Stefan at humakbang patungo sa pinto. Humawi ang mga kaklase nila upang bigyan ng daan ang binata, at nang mawala na ito sa kaniyang tingin ay muli siyang sumimangot at ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan niya.

Si Ryu na nakasunod ang tingin kay Stefan kahit wala na ito roon ay umusal ng,

"Stefan Burgos, huh?"

Hinampas niya ang mesa upang kunin ang pansin nito. "Now, what?"

Ryu turned to her, and he smiled again. "Now I have you all by myself."

She gritted her teeth in annoyance. "Pupuntahan mo na rin ako rito sa classroom ko? So, you're not sending your men anymore?"

Ryu just grinned and ignored what she just said. He then pulled one seat and sat in front of her. Matapos makaupo ay may inilapag itong medium sized food box sa desk niya.

Bumaba ang tingin niya sa itim na bento box kung saan sa plastic top cover niyon ay may nakasulat na pamilyar na logo;

Nobori

Ah, right. This guy's family owns the place Stefan was talking about.

"Gusto kitang makita kaya ako na ang personal na pumunta rito. Besides, I prepared something for you, at ayaw kong masayang."

Binuksan nito ang dalang food box at lumantad sa harapan niya ang samut-saring sushi at sashimi na sa mga Japanese restaurants lang niya nakikita.

            And oh, how she loved Japanese food! Kapag may mga espesyal na okasyon sila sa pamilya ay may mga pagkakataong papipiliin sila ng daddy niya kung saan nila nais kumain, and she would always suggest the only authentic Japanese restaurant in their town. Doon siya nakatikim ng masasarap na putahe mula Japan.

Her favorites were ramen and sukiyaki, and next was sushi and sashimi. At ang makakita ng mga iyon sa kaniyang harapan ay nagdadala ng kung anong... pananabik.

She couldn't wait to dig in!

But... would she?

            "Ako ang personal na gumawa nito. You wanna try them?"

"Definitely no." Lihim siyang napalunok at pilit na inalis ang tingin sa pagkain. Diretso niyang tinitigan sa mga mata si Ryu Donovan na isa ring malaking pagkakamali dahil ang mga iyon ay tila hinihila siya sa ibang lupalop ng mundo. His eyes were dark and expressive; and they were shining like stars in–

Nahinto siya at muntik nang sapukin ang sarili. Ni hindi niya napapansing pinupuri na niya ang Ryu Donovan na ito sa isip niya. And she couldn't help but develop goosebumps!

"Well, that's a shame," pukaw ni Ryu sa kaniya. "Dahil hindi ako aalis nang hindi mo kinakain ang dala ko."

"Ah, so now you're forcing me. Matapos ang stalking and harassment, magde-demand ka naman na gawin ko ang gusto mo. Well, I have good news for you, Mr. Ryu Donovan. Hindi kakawag-kawag ang buntot ko sa 'yo; hindi ako tulad ng mga tuta mo sa grupo ninyo."

Sa pagkagulat niya ay dumukwang si Ryu Donovan–  na kung hindi siya kaagad nakaatras ay baka sumagi ang mukha nito sa mukha niya.

"What do you think you're doing–"

"Never in my life did I make someone sushi, ngayon pa lang. And I just wanted you to taste something I made for the first time. Kalabisan ba iyon?"

Napalunok siya. Hindi siya komportable sa pagkakalapit na iyon kaya ini-usog niya paatras ang upuan.

"Bakit ba ang assertive mo?" aniya rito, inihanda ang sarili sa pagtayo sakaling magpatuloy sa pag-dukwang ang loko. "Hindi ka ba talaga makaintindi na ayaw sa 'yo ng babae?"

"Hindi ba at ganito ang panliligaw? Susuyuin ng lalaki ang babae hanggang sa magkagusto na rin dito ang huli. That's part of the courtship process, buttercup."

"Pero ayaw nga sa 'yo ng babae–"

"Sa umpisa. And for that reason, lalo akong namo-motivate na suyuin ka."

"You're a creep– hindi ako magpapaligaw sa katulad mo 'no. And besides, I am not even eighteen yet!"

"You would be in less than two months, so what's the fuss?"

Napikon siya sa paglapad ng ngisi nito. Muntik na niya itong suntukin.

"So, you're planning to groom me, ganoon?"

Sa sinabi niya ay humalakhak ito, at natigilan siya dahil nakisabay ang magagaling niyang mga kaklase.

"Why are you being so technical?"

"Because you're trying to flirt with a minor!"

Lalo itong natawa, at ganoon din ang mga kaklase niya. Mangha niyang sinuyod ng tingin ang mga nasa paligid. Base sa reaksyon ng mga ito ay sa walang'yang si Ryu Donovan ang mga ito pumapanig.

And that was something that triggered her. Tumayo siya at sa malakas na tinig ay,

"Ire-report na talaga kita sa School Counselor! Pinagbigyan kita noong una pero hindi na ngayon!" Ang akma niyang pag-martsa ay nahinto nang sumagot si Ryu,

"Ah, yes. Please go ahead. And I can assure you that Miss Reni– the School Counselor– won't give a damn about your report."

Marahas siyang lumingon at tinapunan ito ng masamang tingin. "And why not?"

Si Ryu Donovan na ngayon ay naka-de cuatrong nakasandal sa upuan at kunwari'y sinisipat ang kuko ay nakangising sumagot, "Because she loves my group."

"What?"

"You see..." Tumuwid si Ryu, tumayo, at nakapamulsang humarap. "Kung hindi niya mabigyan ng pansin ang mas malaking problema na kinakaharap ng campus, bakit siya magsasayang ng oras sa reklamo mo? And besides... ano ba ang kasalanan ko? Is falling in love with you a crime?"

Tuksuhan ang mga ka-klase niya; ang mga lalaki'y sumipol pa, ang mga babae'y kinilig na may halong inggit.

"Wala akong nakikitang mali sa ginagawa kong panunuyo sa 'yo," patuloy ni Ryu. "And you can't just accuse me of grooming because firstly, you are almost of legal age. Secondly, our age difference isn't that huge for me to be called a groomer. And third but not least, I have no intentions of harming you; my motives are wholesome and absolute, Luna Isabella Castillo."

Lalong lumakas ang panunukso ng mga ka-klase niya na halos ika-bingi niya.

Si Ryu Donovan ay nilingon pa ang mga kaklase niyang lalaki at tuwang-tuwang nakipag-high-five sa mga ito.

Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagpasok nina Kaki at Dani na nagulat sa nadatnan. Ilang sandali pa'y hangos na lumapit si Dani, sabik na hinarap si Ryu na napatingin din dito. Si Kaki ay tahimik na sumunod.

"Oh, hello, ladies," bati ni Ryu sa mga ito.

"Hello, Ryu..." Kinikilig na sambit ni Dani, nagningning ang mga mata. "Kasama ba ako roon sa binati mo?"

"Of course, Dani. Para sa inyo ni Kaki ang pagbati ko."

"Oh, you know our names!"

Ngumiti si Ryu at hindi na nagpaliwanag kung paanong nalaman ang pangalan ng dalawa. Ilang sandali pa'y itinaas nito ang kamay at sinulyapan ang oras mula sa mamahaling relo. Nang ibaba nito ang braso ay siya muli ang hinarap nito.

Her dangerous glare remained. Kung maaari lang na masunog si Ryu Donovan sa paraan ng pagkakatitig niya rito'y mainam sana! 

"I have to go."

"Oh, that would be my pleasure!"

His grin widened in joy. Talagang tuwang-tuwa itong inisin siya!

"Please eat the food I made for you. Marami ang mga 'yan kaya pwede mong i-share kina Dani and Kaki. Next time, I will be bringing more for the whole class."

Her classmates cheered when they heard that. Wala pa man ay nagpasalamat na, at doon pa lang ay nakuha na ni Ryu Donovan ang boto ng mga ito.

This guy really knows how to play his game... she thought.

"Bye, for now, Buttercup."

Inismiran lang niya ito sabay halukipkip. Si Ryu ay tinanguan din sina Dani at Kaki na muling natulala bago tumalikod at humakbang patungo sa pinto. Humawi sa daan ang mga ka-klase niya, nakasunod din ang tingin sa luko-loko.

At nang marating na ni Ryu ang pinto ay nahinto ito at muling lumingon. Hands in his pockets and with a naughty smile on his face, he said,

"By the way, I was in the theater last Saturday with my two cats, Alpha and Charlie. I saw you came in with a guy, which now I recognized as Stefan Burgos. And you coincidentally sat in front of my seat. See how fate works for us, hun?"

Ryu Donovan's smile was devilish, but she was too stunned to notice it nor utter a single word.

Nagpatuloy ito. "Sayang at hindi mo tinapos ang movie. If you wish to re-watch it, just let me know, and I'll book the whole cinema just for the two of us." He winked again before exiting the room.

Matagal muna bago rumehistro sa utak niya ang huling mga sinabi ng ogag.

At nang bumalik sa isip niya ang mga kaganapan noong Sabado ay pinanlakihan siya ng mga mata.

That's why her allergy reaction was triggered that day! There were cats behind her!

And Ryu Donovan was there, spying on them, too!

Oh, that stupid stalker!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top