CHAPTER 033 - His Future Plans


"Chef Mikoto is looking forward to seeing you back on Monday night. He wanted to teach us how to make strawberry mochi."

Napaangat siya sa front seat nang marinig ang sinabi ni Ryu. Si D-Van na natutulog sa kandungan niya'y napa-angat ang ulo.

Sabado ng umaga at alas siete pa lang ay nasa harapan na ng gate ng apartelle si Ryu. Tulad ng usapan ay ihahatid siya nito pauwi ng Esmeralda sa umagang iyon. Hindi dapat kasama ang weekend sa napag-usapan nila, pero dahil nahulaan nito ang pangalan ni D-Van, ay pagbibigyan niya ito.

At kagabi ay nakilala rin niya si Chef Mikoto; ito ang in-charge sa mga desserts. Natikman nito ang isa sa mga sushi na gawa niya at pinuri siya nito. Kung iisipin ay wala namang kailangang ipuri sa ginawa niya; ano lang ba 'yong iro-rolyo niya ang lahat ng ingredients na maliban sa nahiwa na ay luto na rin.

"Talaga?" aniya sa tinig na puno ng pananabik. Pero nang rumehistro sa isip niya ang naging reaksyon ay napangiwi siya at bumalik sa pagkakaupo. "I mean... s-sure. Kaysa naman tumunganga lang ako sa apartment. At kaysa sa kung saan mo pa ako dalhin."

Malapit na ang sem break at tapos na ang exam week kaya hindi siya gaanong abala at hindi niya kailangang magpuyat sa pag-re-review.

Si Ryu ay napangiti sa naging sagot niya. Sandali nitong inalis ang tingin sa daan at sinulyapan siya. "I wanted to give you a gift for your recent birthday, but I had no idea what to give to you. Plus, hindi ko alam kung tatanggapin mo. Is there anything you want, Luna?"

"Maaaring hindi kami kasing yaman mo, Ryu Donovan, pero kaya naming bilhin lahat ng mga kailangan ko." Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana at hinaplos ang ulo ng alaga upang muli itong patulugin.

Narinig niya ang banayad na pagtawa ni Ryu. "Okay, let me rephrase that. If there was something you wanted to have but seemed so impossible to achieve, what would that be?"

"Ang kalimutan mo ako nang sagayon ay matapos na 'tong kalokohan mo."

Muli niyang narinig ang banayad na pagtawa nito. "Be careful what you wish for, Luna Isabella."

"Ha. Kung mangyayari iyon ay pasasalamatan pa kita, Ryu."

"Sabihin mo sa akin iyan makalipas ang isang linggo."

She leered and said, "You and your infinite confidence."

Hindi na sumagot pa si Ryu, pero ramdam niya ang ngisi nito. Makaraan ang limang minuto'y narating na rin nila ang bahay niya. Sa gate ay inabutan nila ang mommy niya kaya hindi na siya nakatanggi pang imbitahan si Ryu sa loob. Wala ang daddy niya dahil may kausap na bagong kliyente; si Brandon naman ay nasa bahay ng kaklase.

"Oh my, I'm so glad to meet you, D-Van..." anang mommy niya na kaagad na inabot mula sa kaniya ang alaga. Her mother's eyes sparkled in joy. "You are so cute!"

"And he's behaved, mom. Sobrang friendly rin na kahit sa mga kaaway ko'y malambing." Patagilid niyang tinapunan ng tingin si Ryu na ngumisi mula sa sinabi niya bago lumapit sa kaniyang ina.

"Good morning, Ma'am."

Binalingan ng mommy niya ang binata. Lumapad ang ngiti nito at ang mga mata'y lalong nag-ningning. "I'm glad to see you again, Mr. Donovan. Nang sabihin ni Luna na ihahatid mo siya ay sabik akong naghintay sa labas. Please come in, may inihanda akong almusal para sa inyo. I hope you like pancakes with mango syrup? It's Luna's favorite breakfast."

"I can't wait to try." Ryu smiled dashingly, at doon ay hindi napigilang i-rolyo paitaas ang mga mata. Mukhang determinado rin si Ryu na kunin ang loob ng mommy niya. "Here, Ma'am. I brought something for you."

Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Ryu na nakahawak sa isang may kalakihang paper bag. Hindi niya napansin iyon nang bumaba siya sa sasakyan dahil dire-diretso siyang lumabas ng kotse at pumasok ng gate.

"Oh, my, you didn't have to." Nakangiting tinanggap ng mommy niya ang ini-abot ni Ryu. "Pwede ka namang bumisita nang walang pasalubong, ano ka ba."

Tila nahihiyang napakamot ng ulo si Ryu. "I'm used to bringing something when I visit a friend's house. I think it's just proper guest etiquette."

Nakita niya ang paglitaw ng masuyong ngiti sa mga labi ng kaniyang ina. "Your mom taught you well, Mr. Donovan."

"Please call me Ryu, Ma'am."

"And call me 'Tita'."

"It would be an honor, Tita."

Muling lumapad ang ngiti ng mommy niya na ikina-ngiwi naman niya. Mukhang kuhang-kuha na ni Ryu ang boto ng mommy niya.

Magaling...

Mukhang sanay manligaw ang hinayupak.

Ilang sandali pa'y iginiya na ng mommy niya si Ryu papasok ng bahay. Dumiretso ang mga ito sa sala habang siya naman ay tinungo ang hagdan. Bago siya makaakyat ay nilingon siya ng ina.

"Where are you going, hija?"

"Dadalhin ko lang 'tong gamit ko sa taas, 'my." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mommy niya. Mabilis siyang humakbang paakyat sa kaniyang silid. Nagtagal siya roon ng halos dalawampung minuto. Kausap niya sa telepono ang isa sa mga staff ng maliit na tutorial center sa bayan nila kung saan siya nag-apply ng trabaho sa nalalapit na sem break. Nang bumaba siya ay mangha siya sa nakita.

Katabi na ng mommy niya si Ryu sa long couch, si D-Van ay nasa sahig at tulog sa paanan ni Ryu. Sa ibabaw ng coffee table ay ang tatlong malalaking photo albums niya. Buong pagmamalaking ipini-presenta ng mommy niya ang laman ng isa sa mga albums sa bisita.

Sa malalaking mga hakbang ay lumapit siya at nahinto sa harap ng dalawa.

Unang nag-angat ng tingin ang mommy niya, at nang makita nito ang pamumula ng pisngi niya'y nagkibit-balikat ito.

"Ang tagal mo kasi, eh. Naisipan ko tuloy ipakita ang mga baby photos mo."

"That's oversharing, mommy–"

"Oh, come on. Your baby photos are too cute not to share. Besides, it's great to introduce your childhood to someone you would end up marr–"

"Kaya lumalaki ang ulo ng lalaking 'yan kasi binibilog n'yo, eh." Yumuko siya at hinablot ang photo album kung saan kasalukuyang nakatingin si Ryu. Sumunod ang tingin nito sa album nang yakapin niya iyon. She glared at him. "At ikaw naman, ang usapan natin ay ihahatid mo lang ako. I understand na in-imbitahan ka ni Mommy na pumasok at mag-almusal, pero halos kalahating oras na ang lumipas, bakit narito ka pa rin? You should be on your way back to Carmona by now. Bakit parang pakiramdam ko ay gusto mo pang manatili rito nang buong araw? Plano mo bang sirain pati ang weekend ko?"

"Luna Isabella," her mother called with a warning. Ang mga mata nito'y nanlaki sa gulat. "You're being so rude. What has gotten into you?"

She puckered and looked away.

"Hinihintay ka naming bumaba para sabay na kayong mag-almusal, at habang naghihintay kami ay naisipan kong ipakita kay Ryu ang mga larawan ninyo ni Brandon noong mga bata pa kayo. Bakit ba galit na galit ka, eh madalas ko namang gawin ito sa mga bisita natin?"

Oo nga, bakit ba galit na galit siya?

Napabuntonghininga siya saka muling sinulyapan ang ina. "It's just that..." She trailed off and let out another sigh. Dahan-dahan niyang ibinaba pabalik sa center table ang album. "Sorry, mom."

"No, h'wag ka sa akin humingi ng dispensa. Kay Ryu mo sabihin iyan."

Nalipat ang tingin niya kay Ryu na ang anyo ay seryoso. Nanatili itong nakaupo sa couch at nakatingin nang diretso sa kaniya.

Sandali siyang natigilan. Iyon ang pangatlong beses– kung hindi siya nagkakamali– na nakita niya ito sa seryosong anyo. At hindi niya maipaliwanag ang panic na biglang naramdaman.

And there she realized... that she went overboard.

Wala naman itong ginawang mali. At in-imbitahan ito ng mommy niya na pumasok at mag-almusal. Dalawang oras din ang biyahe pabalik ng Carmona kaya nararapat lang na magpahinga rin ito nang sandali bago muling magmaneho matapos siya nitong ihatid.

Napalunok siya kasunod ng banayad na pagyuko.

She wasn't raised like this. Hindi siya pinalaking maging bastos.

Totoong hindi niya gusto si Ryu, pero hindi niya dapat ito tina-trato nang ganoon lalo't tinanggap niya ang kasunduang pagbibigyan niya itong ligawan siya sa loob ng isang linggo.

Muli siyang napabuntonghininga. At sa tinig na puno ng sinseridad ay,

"I apologize for my outburst, Ryu."

Nakita niya ang unti-unting pagbago ng ekspresyon ni Ryu hanggang sa muli itong ngumiti. Tumayo ito at inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pants. Si D-Van, nang maramdaman ang pagtayo ni Ryu, ay nagising at tumayo rin. Her puppy was looking up at Ryu as if it was asking to be cuddled.

"Apology accepted," Ryu said after a while. Sunod nitong binalingan ang mommy niya. "Luna must have been tired, Tita. I think I should go. Tama siya, weekend is the only time she get to spend with you; hindi na po ako makikisiksik."

Napabuntonghininga ang mommy niya at tumayo na rin. "How about breakfast, Ryu?"

Niyuko ni Ryu ang relos bago muling binalingan ang mommy niya. "I would love to, pero magagahol na po ako sa oras kung mananatili pa po ako nang matagal. I have to accompany my mom to her appointment this afternoon. But..." May dinukot si Ryu mula sa bulsa ng suot nitong coat at inabot sa mommy niya. It was a black card with an embossed logo of Nobori in the middle. "Kung may pagkakataon po kayo, please visit our restaurant and show this card at the reception counter. I will be there to meet you anytime."

"Oh! I heard about this restaurant from friends!" Napatingalan ang ina niya kay Ryu. "Thank you, Ryu."

"You're welcome, Tita." Then, Ryu stretched down to rub D-Van's head. "Be a good boy and eat well, buddy. I'll see you next time."

Tumahol si D-Van at nagpaikot-ikot. Banayad na tumawa si Ryu saka tuwid na tumayo at binalingan siya. "Hope you have a fantastic weekend, Luna. I'll catch you on Monday."

Hindi siya sumagot at sinundan lang ito ng tingin hanggang sa marinig niya ang pagsitsit sa kaniya ng mommy niya. Hinarap niya ang ina at nakita ang pag-senyas nitong sundan niya si Ryu.

She rolled her eyes and said no more. Sinunod niya ang nais ng ina.

Sa labas ay inabutan niya si Ryu na binuksan ang pinto ng driver's seat.

"Hey, wait!"

Huminto ito at lumingon. Nang makita siya'y muli itong ngumiti at isinara ang pinto upang harapin siya.

Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa makalapit. Huminto siya ng ilang dipa mula rito.

"Uhm..." Ano ba ang sasabihin niya? Bakit siya sumunod doon nang hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin? Kung siya lang ay hahayaan niya itong umalis, pero gusto ng mommy niya na sundan ito. Para ano? At bakit ba niya sinunod ang mommy niya? Gah!

"May nakalimutan kang sabihin?" untag ni Ryu na bagaman may ngiti sa mga labi ay naka-kunot nang bahagya ang noo.

She cleared her throat and pushed her hands into her jeans' pockets. "Ang... tungkol kanina."

"What about it?"

"I... didn't mean to be rude."

"I understand."

"No, really. Hindi ako... ganoon pinalaki ng mga magulang ko."

"And I understand that."

"No, you don't understand." Huminga siya nang malalim. Si Ryu naman ay lalong kinunutan ng noo. "What I need you to understand is that... I only acted like that because it was you, Ryu. Sa 'yo lang ako ganito dahil... mainit talaga ang dugo ko sa 'yo. And I was apologizing because I agreed to give you a week and yet here I am, constantly pushing you away. I didn't keep my side of the bargain and it was unfair. But... I really don't see this set up going anywhere. It's just... impossible."

Nanatiling tahimik si Ryu; ang kunot sa noo'y unti-unting naglaho.

Nagpatuloy siya. "I'll be honest with you, okay?" Muli niyang sinalubong ang mga mata nito. "You're a fine man, kung ang mga magulang ko pa ang magsasabi. You got their approval, obviously. Pero ako... hindi talaga kita gusto. The first time we met, I was already turned off. Dagdagan pa 'yong naranasan kong pambu-bully mula sa mga babaeng may gusto sa 'yo. For me, you are just a nuisance. You're good-looking and a gentleman, alright. Halos nasa iyo na ang lahat ng katangiang hahanapin ng isang babae sa isang lalaki. But in my case... It's negative. Hindi ko talaga nakikita ang posibilidad na magiging parte ka ng buhay ko. Besides, I don't see myself getting into a relationship this early. I enjoy my life as is. I want to study and travel abroad and be as free as a bird. Kaya... hindi ko masisiguro sa 'yo na sa maganda mauuwi itong isang linggong hiningi mo sa akin. Kaya ngayon pa lang ay bibigyan na kita ng pagkakataong tumigil nang sagayon ay hindi ka na magsayang ng panahon, oras, at effort. So, you better decide now."

Binigyan niya ito ng pagkakataong sumagot.

At inasahan niyang ang sagot na gusto niyang marinig ang sasabihin nito.

But then...

"My father wants me to take over his business after I finish my studies." Tulad niya ay inisuksok din ni Ryu ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pants at itinuon ang tingin sa malayo. Ang anyo nito'y muling naging seryoso. "I am his only son, and despite our relationship, it is still my obligation to continue the legacy my ancestors built for the Donovan family. Hindi maganda ang relasyon ko sa tatay ko, and for many times I tried to turn my back on him. Pero hindi pa ako ipinapanganak ay nakaakibat na sa akin ang obligasyon kong ipagpatuloy ang nasimulan ng mga ninuno ko. I can't turn my back on my responsibilities as the only Donovan in my generation. Meaning, sa pagtatapos ko sa kolehiyo ay kailangan ko nang bumalik sa Estados Unidos para tulungan ang magaling kong tatay sa negosyo ng pamilya. And I wasn't just talking about the Nobori franchise. My responsibilities are a lot bigger than that."

Anong koneksyon ng mga sinabi niya sa sinabi nito? Bakit kailangan niyang malaman ang tungkol sa bagay na iyon?

"I have five months left before I start living in the real world; gusto kong sa limang buwan na iyon ay maging masaya ako dahil alam kong impyerno ang babalikan kong buhay sa Estados Unidos kasama ang tatay ko." Doon siya muling hinarap ni Ryu, at doon ay muli itong nagpakawala ng ngiti. "Like I said before, hindi bago sa akin ang pakikipagrelasyon. I have been in and out of relationships when I was still living in the US, but those weren't committed. And I didn't intend to be in a relationship with anyone in CSC because I knew I had to leave and go back to the US for the responsibilities that await me. But that changed when I met you. I never felt so eager to learn how to make sushi and origami until I met you. For the first time in my life, I wrote letters for a girl to express how I feel about her. I even learned how to cook just to please her. I never did any of those to any of those women I dated before, Luna. Which means you are special. At gusto kong subukan kahit na alam kong mahihirapan akong kunin ang loob mo. I wanted to try, Luna. Because I don't want to go back to the States thinking about what ifs and if only. Kung walang mangyayari sa loob ng isang linggo, at least I tried and there will be no regrets when I leave. But if something good happens after a week, I promise you..." Ryu stepped forward. "...that you will never regret it. At kahit na umalis ako pabalik ng Estados Unidos matapos ang limang buwan, I will keep in touch and I will come back to see you as often as I could."

"So, mang-iiwan ka rin?" At hindi ba dapat ay masiyahan siya roon? Pero bakit... iba ang nararamdaman niya?

Fudge. What's happening with her?

"Bakit?" untag ni Ryu. "Kapag naging tayo ba, pwede ba kitang dalhin sa patutunguhan ko?"

Napalunok siya at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito. "Ano ang silbing sasagutin kita kung aalis ka rin pala? In my point of view, kaya mo lang ako nililigawan ay para may mapaglaruan ka sa loob ng limang buwan. Pampalipas oras. Pampawala ng boredom. At kapag nakabalik ka na sa Estados Unidos ay tapos na ang lahat."

"Wrong." Ryu's smile turned into a grin. "Kaya kita nililigawan ay dahil gusto kita. At dahil gusto kita, handa akong maghintay hanggang sa handa ka nang sumama saan man ako magpunta. Say... after college? Or maybe before that?"

She attempted to answer back but he cut her off.

"At kapag sumama ka sa akin, pakakasalan kita. You will be there next to me as I continue to learn how to manage the Donovan empire. You are going to be my inspiration, my motivation, my strength and power. That's how I see things to likely happen in the future, buttercup. So you better prepare yourself coz it's gonna be a fun ride..."

Muli siyang napalunok, at sa pagkakataong iyon ay napa-atras. "Kasasabi ko lang na hindi ko nakikita ang posibilidad na maging parte ka ng buhay ko, pero heto at sa kasalanan na napunta iyang imahinasyon mo. Don't fly too high, Ryu Donovan— baka hindi mo kayanin ang pagbagsak."

Ryu's grin widened, and his chinky eyes sparkled in amusement. "And don't speak too soon, buttercup— baka mabilaukan ka. Alalahanin mo, we still have six days. At sa unang araw pa lang ay nabagabag ko na ang loob mo nang hawakan ko ang mga kamay mo."

Pinanlakihan siya ng mga mata nang maalala ang nangyari kagabi sa kusina ng Nobori– noong tinuruan siya nitong gumawa ng sushi.

At totoo ang sinabi nito– nabagabag siya.

"I was not–"

"Kahit na itanggi mo pa ay nakita ko 'yon sa mga mata mo. You were bothered, and I decided to digress your attention off to something else because I didn't want to ruin the night. But the bottom line is this— I like you a lot. And I will prove that to you from here on in."

Pinili niyang hindi na sumagot pa at ismiran na lang ito.

Si Ryu naman ay nakangising umatras at tumalikod upang bumalik sa kotse. Binuksan nito ang driver's seat, at bago pumasok ay muli siyang sinulyapan.

"And by the way, you look so adorable in that bunny costume. It's by far my favorite amongst all your other baby photos. I now know what your daughter would look like in the future— I mean, our daughter." He winked before sliding into his car.

Siya naman ay suyang napa-ismid sabay yakap sa sarili. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa sinabi at pagkindat nito.

Pero... bakit hindi pa siya umalis doon at pumasok pabalik sa bahay nila?

Bakit pa niya sinundan ng tingin ang kotse ni Ryu hanggang sa makalayo ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top