CHAPTER 032 - The First Sushi Date
Kalong-kalong ni Luna si D-Van nang lumabas ito sa gate ng apartelle na tinutuluyan. At pagkalabas ay awtomatikong umikot ang mga mata ng dalaga nang makita si Ryu Donovan na nakangising naghihintay sa labas.
Ang mamahalin nitong sasakyan ay naka-park sa tawid ng kalsada at naka-sandal ito sa gilid niyon habang nakahalukipkip. To her surprise, Ryu wasn't wearing his usual get-up. Sa pagkakataong iyon ay wala itong suot na topcoat; sa halip ay puting poloshirt na naka-rolyo ang mga manggas hanggang siko at sa loob ay kulay asul na T-shirt. And for the first time, he wore jeans, too. Tumaas ang kilay ng dalaga sa pormahan ni Ryu.
It was the Friday night. It was the dinner night.
Tulad ng nasa sulat ni Ryu, ay tinawagan niya ito nang gabing mabasa niya ang sulat. Sa mabilisang paraan ay sinabi niya rito ang mga terms niya.
Sa loob ng pitong araw na pagbibigyan niya ito ay hindi sila pwedeng magkita sa loob ng campus. If he wanted to invite her out, he could after classes. At sa malayong lugar na alam niyang hindi sila makikita ng mga ka-eskwela nila.
Pangalawa, kailangang nakabalik na siya sa apartment niya o nakauwi bago pa sumapit ang alas dies ng gabi.
Pangatlo, hindi pwedeng weekends.
Pang-apat, tigilan na nito ang pagpapadala sa kaniya ng origami.
Kahit papaano ay nagawa na niyang sanayin ang sarili sa loob ng apat na linggo na hindi makita sa desk niya ang origami. Nasanay na siyang wala roon ang bagay na iyon. At kailangan niyang masanay nang tuluyan. Dahil desidido siyang pagkatapos ng pitong araw na usapan nila ni Ryu ay patitigilin na niya ito sa panunuyo. It had to stop.
At ang isang linggo ay mag-uumpisa sa araw na iyon. Biyernes ng hapon.
Sa seryosong anyo ay naglakad siya patungo kay Ryu na abot hanggang tenga ang ngisi. Huminto siya ilang dipa sa harapan nito.
"Missed me?" anang loko.
"In your dreams."
"Come on—it's been five weeks. Hindi mo man lang na-miss ang pangungulit ko?"
She glared at him. "I appreciate you for keeping your side of the bargain, though. Tulad ng ipinangako mo sa tatay ko ay tumigil ka, at tulad ng hiniling ko sa 'yo nang tawagan kita noong Miyerkules ng gabi ay hindi ka nangulit sa campus. Inaasahan kong tutuparin mo rin ang usapan natin."
"Of course." His smile softened. "I mean, I know this is gonna end up positively, but you have my word."
"Your overconfidence can be your downfall so be careful." Itinaas niya ang noo. "That's a deal then."
Ryu's eyes sparkled in amusement. "You look pretty, by the way."
"Save your compliments to yourself—hindi ako kinikilig sa mga papuri lalo kung galing sa 'yo."
Nauwi ito sa banayad na pagtawa. Then, his eyes lowered to her puppy. Lalong nag-ningning ang mga mata nito. "So you got yourself a dog, huh?"
"He is the gift I got from my classmates. At ite-train ko s'ya para habulin ang mga pusa palayo at angilan ka. At isasama ko siya ngayon sa lakad natin para iparamdam sa kaniya ang animosity ko sa 'yo. Kapag naramdaman niyang hindi kita gusto ay matututo siyang angilan ka."
Lalo itong ngumisi. Tuwid na tumayo saka ibinalik ang pansin sa kaniya. "That's not good parenting."
"Who cares about your opinion?"
Muli itong humalukipkip. "If I guess his name right, would you allow me to drive you home tomorrow morning? Uuwi ka sa Esmeralda bukas ng umaga, hindi ba?"
Napa-ismid siya. "Na parang mahuhulaan mo ang pangalan ng alaga ko."
"I could try?"
Lalo niyang niyakap ang alaga upang siguraduhing naka-kubli ang dog tag nito at hindi makita ni Ryu. "Well, let's make an agreement. Kung mahuhulaan mo—na napaka-imposible dahil maliban sa mga ka-klase ko'y wala ring ibang nakaaalam ng pangalan niya—ay papayagan kitang ihatid ako pauwi bukas. Pero kapag hindi..." Her eyes narrowed in conviction. "Kapag hindi mo mahulaan ay cancel ang dinner natin ngayong gabi. And you forfeit day one."
Lalong lumapad ang ngiti ni Ryu. "You could be a business woman, buttercup."
"Stop rumbling. Now, you have five seconds to guess my puppy's name. And the count starts... now."
Hindi nagsayang ng oras si Ryu. Lumapit pa ito lalo at yumuko upang ilapit ang tingin sa alaga niya. In-iwas niya ang tuta upang siguraduhing hindi makita ni Ryu ang bagong dog tag.
Si Ryu ay nakangiting kinausap ang tuta. "Hello, buddy. Are you being a good boy? You should always look after your mumma; it's your job to protect her and be there for her when she's sad. You understand, R.D. Van?"
Pinanlakihan siya ng mga mata. "Oy!"
Ngumisi si Ryu at muli siyang binalingan. "Was I correct?"
"You cheated!"
"How?"
"Sinabi nina Dani, ano?"
"I never met your friends since the gym incident."
"Then how the hell did you—" Nahinto siya nang biglang may ipinakita si Ryu mula sa palad nito. Bumaba roon ang tingin niya, at muli ay pinanlakihan siya ng mga mata.
Iyon ang dog tag na nawala noong gabing iyon.
"How did you..."
"Nakita ko ito sa parking space ng mall na madalas kong puntahan. Last Tuesday night, I was in the mall to purchase cat food. Naroon sa loob ang pinaka-malaking pet shop and they are the only one that sells the product."
"N-Naroon ka sa... lugar na iyon?"
Pumasok sa isip niya ang mga sinabi niya noong gabing iyon.
Serendipity...
"May katabing pet shop ang mall, at hula ko ay doon kayo nanggaling. Did your puppy run away and went into the parking space? Maraming ligaw na pusa roon kaya hindi nakapagtataka."
Mangha siyang nakatingala lang kay Ryu Donovan. Hindi makapaniwala hanggang sa mga sandaling iyon.
Back on that night, she already had a bad feeling when she saw the cat food cans at the back of the parked cars. Iisang tao lang ang alam niyang gumagawa nang ganoon, pero naisip niyang baka imposible, at baka maraming taga-Carmona na mahilig sa mga pusa kaya ganoon. Ang laki ng Carmona at ang daming taong nakatira—it could be anyone.
But then...
"Nang balikan ko ang mga pusa ay nakita ko ang dog tag na ito hindi kalayuan sa nilatagan ko ng pagkain. Your puppy must have found the cats, and when I read the name, I instantly knew it was yours."
Hindi siya pahuhuli nang buhay sa lalaking ito...
"What made you think na 'yan nga ang pangalan ng alaga ko at na pag-aari ng alaga ko ang tag na iyan?"
"Because I only used my initials when I wrote you letters, Luna. I have never done that to anyone before." His voice this time was soft and gentle na tila ba ito nakikipag-usap sa bata. Pero sandali lang iyon dahil muli itong ngumisi. "So, tama ba ako?"
She puckered. Walang silbing itanggi niya dahil malalaman din iyon ni Ryu kung ichi-check nito ang suot na dog tag ng alaga niya ngayon.
Huminga siya nang malalim at niluwagan ang pagkakayakap sa alaga. Nang maramdaman ni D-Van ang pag-luwag ng yakap niya'y umangat ang ulo nito at kakawag-kawag na tinahulan si Ryu.
Nasulyapan ni Ryu ang dog tag, at nang makita nito ang nakasulat na pangalan doon ay lumapad ang ngiti nito.
"So I guess I won?"
"No!" Hinablot niya mula rito ang lumang dog tag. "You cheated. Hindi ka nanghula lang—alam mo na kung ano ang pangalan ng alaga ko."
Muli itong napangisi. "But that's not the point. I was still able to give you the correct answer—"
"By cheating. And that doesn't even count in court."
Hindi na nakasagot pa si Ryu nang kumahol si D-Van. Muling bumaba ang tingin ni Ryu doon, at nang magpatuloy sa pagkahol ang tuta ay napangisi siya.
"That's right, D-Van," aniya, naka-mata nang diretso kay Ryu. "You're doing a great job, boy."
Tila siya naintindihan ng alaga dahil nagpatuloy ito at tila nais pang kumawala upang sugurin si Ryu.
Si Ryu naman ay banayad na natawa. Itinaas nito ang kamay at balewalang hinaplos ang ulo ni D-Van dahilan upang tumigil ang alaga niya sa pagtahol. Ilang sandali pa'y kumalma si D-Van, inihilig ang ulo sa kaniyang braso, saka ipinikit ang mga mata.
She gasped in astonishment. "D-Van, you betrayed me..."
Ryu chuckled and pulled his hand back. "You can't teach dogs to hate someone, buttercup. They could sense not only danger but also the purity of hearts. He must have sensed you're safe with me, so he relaxed."
Inismiran lang niya ito. "Sisiguraduhin kong hindi mo makukuha ang loob ng alaga ko." Nakanguso siyang umalis sa harapan nito at umikot sa passenger's side ng kotse.
Nakangiting sumunod si Ryu at pinagbuksan siya ng pinto. "Good luck to you then, buttercup."
*
*
*
Ang sama ng tingin niya kina D-Van at Ryu na sa kasalukuyan ay nasa sulok at naghaharutan. Pagdating pa lang sa Nobori ay nagkukumawag na bumaba si D-Van, at nang makababa ay kaagad na lumapit kay Ryu at nagpakarga. Simula noon ay hindi na ito lumayo pa sa lalaki.
Maraming mga guests ang naroon sa Nobori nang dumating sila, pero may ini-reserbang tatami area si Ryu para sa kanila. He introduced her again to all the staff, including the operations manager who was called Daria-san. Pilipinang naka-pangasawa ng Hapon at matalik na kaibigan ng ina ni Ryu. She was a tall and slim lady who wore a suit and pants. Her hair was short and her face looked serious. But she was a sweet, gentle lady who welcomed her warmly. Sandali lang silang nag-usap nito dahil abala ito sa mga bagong dating na guests.
"You're supposed to bark and growl at him, D-Van," aniya habang naka-ismid na nakatingin sa alaga na ngayon ay nakahiga sa sahig ng tatami area na kinaroroonan nila habang si Ryu ay hinahaplos ang tiyan ng tuta.
Nilingon siya ni Ryu; nakangisi. "I told you already—you can't teach dogs whom to hate. You can teach them how to attack, but never hate. Lalo kung ang taong gusto mong ayawan nila ay wala namang masamang balak sa kanila. They can sense safety and comfort. When they get accustomed to someone, they would eventually give in."
Muli siyang napa-ismid. "Sa susunod na magkita kayo ay sisiguraduhin kong raratratin ka niya."
"And here I thought you despise violence, buttercup?"
"You're an exemption."
Ryu chuckled and said no more. Ibinalik nito ang pansin kay D-Van na halatang kampanteng-kampante na sa presensya at mga haplos nito.
Nangalumbaba siya sa mababaw na mesa ng tatami area na kinaroroonan nila at pinagmasdan ang mga ito nang may ismid sa mukha. Ilang sandali pa'y may nagpaumanhin na staff na nagpalingon sa kanilang pareho ni Ryu.
"Nakahanda na po ang kailangan ninyo, Master Ryu."
Tumango si Ryu at nagpasalamat. Sunod siya nitong binalingan. "You wanna go to the kitchen and make yourself sushi?"
Napasinghap siya. Excitement rant through her nerves. "Pwede akong gumawa niyon sa kitchen?"
Ryu smiled at her, noticing the thrill in her voice. "Ipinahanda ko sa kitchen staff ang mga kailangan. I was gonna do it, but thought you might wanna join in."
"Absolutely!" She had never done that before, at dahil wala siyang alam sa pagluluto ay interesado siyang matuto. At saan pa ba niya gustong gawin iyon kung hindi sa pinaka-malaki at prestihiyosong Japanese restaurant sa rehiyon nila?
"Let's go, then." Tumayo si Ryu karga-karga si D-Van. Lumapit ito sa staff na nanatili sa kinatatayuan at maingat na ini-abot ang tuta. "Alfred, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Give him some snacks and water. Pagkatapos niyang kumain ay umikot kayo sa pond. He would surely love to see the school of Koi."
"Understood, Master Ryu." Nang makuha ni Alfred si D-Van ay niyaya na siya ni Ryu na magtungo sa kusina.
Pagdating sa kusina ay mangha siya nang makita ang mga abalang staff na naghahanda sa mga orders; ang kitchen head chef ay lumapit at binati sila. Sa sulok ng kitchen area ay may nakalatag na mga ingredients at gamit sa pag-gawa ng sushi. Doon siya dinala ni Ryu matapos ang sandaling pakikipag-usap sa head chef.
Nakasalansan sa magkakaibang bowl ang mga ingredients at nakahanda nang i-assemble.
Matapos nilang maghugas ng mga kamay ay kaagad siyang tinuruan ni Ryu kung paano i-assemble ang sushi.
"The ingredients we have here will allow us to make three to five different kinds of sushi. And the one I'm making is called negitoro maki," paliwanag nito habang maingat na ini-salansan ang kanin sa ibabaw ng nori sheet. "When putting rice on the nori sheet, you have to spread an even layer and use your fingers to apply gentle pressure to ensure it sticks properly. Then, make sure you keep a half-inch space on all sides."
Bumaba ang tingin niya sa mahahabang mga daliri ni Ryu habang ginagawa nito ang sinasabi. And for some reason, she was mesmerised. Hindi sa ginagawa nito, kung hindi sa paraan ng pagdiin ng mga daliri nito sa kanin.
And for a split second, she forgot where she was.
Buti na lang ay narinig niya ang pagkalampag ng mga gamit sa kabilang area na gumising sa sandaling pagkatuliro niya.
Si Ryu na walang kaide-ideya sa sandaling paghiwalay ng katinuan sa kaniya ay muling nagsalita. "Next, I'm adding in a good portion of tuna meat, spring onions, and sesame seeds."
Napakurap siya kasunod ng paghugot nang malalim na paghinga.
"After which, you will need to roll the bamboo mat away from you so you can create a tight and compact log. Watch how I do it, Luna."
Ryu's fingers gently pressed around the bamboo mat as he began to roll the sheet, ensuring the ingredients stick together properly. At para siyang loka dahil hindi niya alam kung bakit imbes na sa sushi siya nakatingin ay sa mga daliri ni Ryu nakatutok ang mga mata niya.
"After rolling, apply a few drops of water on the edges and seal it." Nakangiti siyang sinulyapan ni Ryu sabay taas ng unang rolyo ng sushi na gawa nito. "And there you have it. Our first roll of negitoro maki."
Napakurap siya.
Hindi sa hawak na sushi ni Ryu siya nakatingin kung hindi sa nakangiti nitong mukha.
At gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil hindi niya magawang bawiin ang tingin.
She was... stunned.
At dahil nakatingin siya nang diretso sa mga mata ni Ryu ay hindi niya namalayan ang pagbaba ng kamay nito at ang paglapag nito ng hawak sa plato.
"Your turn."
Muli siyang napakurap.
At nang hindi siya kumilos ay nauwi ito sa pagngisi. "Don't make me blush now, buttercup. Nakakahiya sa mga staff na nakatingin."
Huh?
Wala sa loob na napatingin siya sa paligid. At nang makitang ang ilang kitchen staff ay nanonood sa kanila ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Lihim siyang napangiwi at ibinalik ang tingin kay Ryu.
"You're supposed to watch me make sushi, not stare at my handsome face, Luna Isabella..."
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang pisngi, at upang depensahan ang sarili ay in-ismiran niya si Ryu, at gamit ang siko ay pinausog ito upang siya naman ang gumawa ng sushi.
"Don't flatter yourself; may dumi ka sa mukha kaya nakatingin ako sa 'yo."
"Oh, come on..."
"Kung ayaw mong mag-walk out ako ay tumigil ka sa panunukso."
Ryu chuckled and tsked. "Ang daling umamin, eh."
"Madaling umamin kung may aaminin, pero paano kung wala?" She glared at him, gaining another chuckle from him. "Kapag hindi ka pa tumigil kangingisi ay ihahampas ko sa pagmumukha mo 'tong bamboo mat."
"Coming from someone who hates violence..." Lalong nagningning ang mga mata ni Ryu sa pagkaaliw, pero umatras ito upang bigyan siya ng espasyo. "The table is all yours, buttercup. Just follow the prompts."
At upang hindi na nito ituloy ang panunukso ay inumpisahan na niya ang pag-gawa. She began to place the nori sheet and spread a handful of rice on top.
"That's too much," ani Ryu. "Remove some and press slightly on the sheet."
She did what she was told. Ginaya lang niya ang ginawa kanina ni Ryu, at nang akma na niyang iro-rolyo ang sheet ay nahirapan siya. Dumudulas ang nori sa bamboo mat kaya hindi niya iyon mai-rolyo.
She tried again and again, but she failed to stick the ingredients together.
"Tighten your grip around the mat and hold firmly so the nori won't slide down," banayad na wari ni Ryu.
Sinunod niya ang sinabi nito pero walang nangyari.
"You need to put more pressure, Luna," sabi pa nito na hindi na napigilang lumapit sa likuran niya.
Sa pagkagulat niya ay hinawakan nito ang mga kamay niya at banayad na ini-giya pabalik sa bamboo mat.
Napigil niya ang paghinga.
"Like I said, roll the bamboo mat away from you to create a tight and compact roll. Use both hands to push the edge of the mat forward, rolling it up in the same way that you'd roll a piece of cloth or paper."
Bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang maini na hininga ni Ryu sa gilid ng leeg niya.
"Then, keep pressing lightly as you roll it, tucking the ingredients into a rounded shape..."
Nanigas ang buo niyang katawan nang humigpit ang kamay nito sa mga kamay niya habang niro-rolyo nila ang mga ingredients sa loob ng mat.
"Once you reach this section of nori without the rice, stop rolling the bamboo but maintain the slight pressure as you hold the mat. Then, when you think it's ready, unroll the mat and remove the sushi."
Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya, pero hindi pa rin bumibitiw hanggang sa matanggal nila ang bamboo mat at bumungad sa kanila ang ginawa niyang unang rolyo.
"There you go, buttercup. Your first sushi roll."
Muntik na siyang mapapikit nang muling humaplos sa batok niya ang mainit na hininga ni Ryu. Pero mabilis niyang sinuway ang sarili. She took a deep breath, looked over her shoulder and raised her head to meet his penetrating eyes.
"I don't remember giving you permission to hold my hand, Donovan."
Ngumisi ito at tuluyang bumitiw sa kaniya. Then, Ryu lifted his hands in the air and stepped back. Tila ito kriminal na sumusuko. 'Yon nga lang– nambu-bwisit pa.
"My intention was to teach you," anito.
"You can teach me without touching." She glared at him all the more.
"I held your hands for over a minute– why did you wait that long to react?"
Mangha siyang humarap.
Kaso... wala siyang maisagot sa sinabi nito. Wala siyang maibigay na dahilan.
Bakit nga ba huli na ang reaksyon niya?
The moment Ryu touched her skin, she should have already reacted.
Kaya bakit ngayon lang?
Nang walang narinig na sagot si Ryu mula sa kaniya ay ibinaba nito ang mga kamay at ngingiti-ngiting tumalikod at tinawag ang isa sa mga staff. May pinakuha ito, at nang umalis ang staff upang ihanda ang kailangan ni Ryu ay ibinalik nito ang pansin sa kaniya.
Umirap siya at muli itong tinalikuran. Nag-umpisa siyang gumawa ng isa pang rolyo, at sa pagkakataong iyon ay nagawa niya nang maayos– hindi nga lang kasing higpit ng dapat, pero naka-intact ang mga ingredients sa loob.
Makalipas ang ilang sandali ay tumabi sa kaniya si Ryu; may inilapag itong panibagong bamboo mat sa ibabaw ng sink.
"What's your favorite sushi?' tanong nito habang nakatingin sa ginagawa niya.
"I don't know what it's called, pero nasa labas ang kanin at nasa loob ang seaweed paper."
"Hmm. Understandable. That type of sushi is called uramaki, and it usually has lots of toppings and sauces compared to other types. I'll teach you how to make it. Watch."
Nang mag-umpisa si Ryu na gawin ang uramaki ay tuluyan nang nawala sa isip niya ang muli nilang naging pagtatalo. It was as if Ryu prevented things from getting sour. At tuluyan na rin siyang naaliw sa pag-gaya sa ginagawa nito.
Makalipas ang ilang sandali ay napuno ang dalawang plato ng mga gawa nila. They made three different types of sushi; the negitoro maki, uramaki, and the nigiri which was the easiest one. Matapos nilang gumawa niyon ay tinuruan din siya ni Ryu kung paano hiwain nang maingat ang bawat rolyo, at nang mahiwa ay ipinatikim nila ang mga gawa nila sa lahat ng kitchen staff. Ang iba nama'y ipinamigay nila nang libre sa ilang mga customers, at ang natira para sa kanila ay doon na rin nila sa kusina mismo kinain kasabay ng mga staff.
Everyone enjoyed the sushi, and they even joked about Ryu hiring her to be one of the sushi staff. Hindi niya namalayang nakikitawa at nakikipagbiruan na rin siya sa mga staff, at may mga pagkakataong tutuksuhin siya ni Ryu na sinasagot na lang niya ng pag-irap at pag-ismid– na ikatatawa naman ng mga kasama nila sa kusina.
It was different and wasn't the dinner date she expected, but it turned out too well.
It turned out perfect.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top