CHAPTER 031 - Weeklong Date


"Saan ba nawaglit 'yon? Bakit ka ba kasi biglang tumakbo papunta roon? Akala ko pa naman mabait at behaved ka?"

Ang tuta niya ay nanatili lang nakahiga at nakatingala sa kaniya; ang mga mata'y tila nagpapaawa.

They lost the dog tag. Hindi pa umaabot ng isang oras ay nawala na. At kung ang pagbabasehan niya ay ang itsura ng collar, mukhang humiwalay iyon sa steel dahil hindi nai-lock nang maayos ng gumawa. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at nakangusong sinulyapan ang bagong alaga na nakahirap sa rug. She let out a deep sigh before getting down on her knees and took her pup into her arms. "Don't be sad now, magpapagawa na lang ulit tayo ng bago. Bukas pag-uwi ko ay dala ko na."

Umungol ang tuta at ini-kiskis ang mukha sa braso niya. She smiled and rubbed the top of its head. She was happy. Excited to be a furr mom. May aso sila sa bahay nila; pero matanda na at hindi na gaanong nakikipaglaro. Masaya siyang iyon ang iniregalo sa kaniya ng mga ka-klase. Katunayan, hindi niya inasahang makatatanggap siya ng regalo!

"I'll prepare your bed, pero bago iyon ay kailangan mo munang maligo. Let's go to the bathroom and I'll wash you up."

Pero bago pa man siya makatayo ay naramdaman niya bigla ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng kaniyang palda. Sandali niyang inilapag ang alaga saka dinukot ang cellphone. Naramdaman niya ang pamilyar na papel sa bulsa, pero binalewala niya iyon. She took her phone out and checked the screen.

It was Stefan's number.

Mabilis niya iyong sinagot. "Hey, how is your sister?"

"She's fine now. Nagkaroon lang siya ng kaunting pilay pero makalalabas na bukas ng umaga. I just called to check if you got home safely."

That touched her. Ngumiti siya at ini-sandal ang likod sa kama. "Yes, kauuwi ko lang din. Dumaan ako sa pet shop para ibili ng mga gamit si D.Van." Nang masabi niya ang pangalan ng alaga ay hindi niya alam kung ngingiwi o matatawa. Hindi pa siya sanay.

"Seryoso ka ba talagang iyan ang pangalan na ibibigay mo sa bago mong alaga?"

She giggled and said, "It's final. And I actually got him a dog tag with that name. Kaso ay nawala namin nang pauwi na kami. I'll get him a new one."

"I see." Sandaling natahimik si Stefan sa kabilang linya.

At habang hinihintay niya ang sunod na sasabihin nito'y sinulyapan niya ang alaga na ngayon ay umiikot sa buo niyang silid, tila kinakabisado ang bawat sulok.

"Akala ko ay titigilan ka na niya. Sa nakalipas na apat na linggo ay hindi siya nagparamdam sa 'yo."

Ibinalik niya ang pansin kay Stefan. May kakaiba sa tinig nito na hindi niya maipaliwanag.

"But then, this morning, he sent someone to bring you that origami, and I knew the game was not over."

Napabuntonghininga siya. "There is something I want to tell you, Stefan, na sana ay hindi mo mabanggit kapag nariyan sina Kaki at Dani. I just don't want them to know."

Sa banayad na paraan ay sinabi niya rito ang tungkol sa biglang pagpunta ni Ryu Donovan sa bahay nila kasama si Blaze Panther, ang naging pag-uusap nito at ng daddy niya, at ang dahilan kung bakit sa loob ng apat na linggo ay hindi nagparamdam si Ryu Donovan.

Matapos niyang magkwento ay narinig niya ang pigik na tawa ni Stefan. "So, nagpahinga lang siya sa kahilingan ng daddy mo. I have to give it to him; marunong pala siyang sumunod sa matatanda."

"That explains why my school life was quiet these past few weeks. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para patigilan siya sa kalokohan niya."

"Do you still think he's just playing around?"

"Bakit, tingin mo ba ay seryoso siya?"

"He looks like it."

She let out a frustrated sigh. "Well, at this point, that doesn't matter anymore. What matters is what I feel. Hindi ko siya gusto."

"Why not?"

"Well, for starters, he is beyond my level."

"Beyond his level? In what way?"

"He is ultra rich. To the point where the staff at Nobori calls him Master."

"You went to Nobori?"

Ipinaypay niya ang kamay sa ere. "Yes, pero h'wag tayong lumayo sa usapan. That's another story I am not going to tell anyone."

"Ryu Donovan is a royalty and I just came from an average middle-class family. Mas bagay sa kaniyang maghanap ng ibang ka-lebel niya. Pangalawa, he is just too much to handle. Hindi ko kaya ang sense of humor niya. At kapag nakikita ko siya ay naiinis ako. Mabigat ang loob ko sa kaniya, Stefan. I just know it– there is no hope between us."

Muli ay natahimik si Stefan sa kabilang linya.

Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga saka ini-sandal ang sarili sa edge ng kama. "I just really want that man to stop messing around..."

Sa loob ng apat na linggo na hindi nagpakita at nagparamdam si Ryu ay hati ang pakiramdam siya. Minsan ay nagpapasalamat siyang tahimik ang bawat araw at walang asungot na lalapit para mang-imbyerna. Nakakapunta na siyang muli sa cafeteria nang hindi nag-aalala kung mapapahiya na naman siya dahil sa atensyong ibinibigay ng grupo. Naglalakad siya sa hallway o sa buong campus na hindi na siya pinagbubulungan. Nobody cared about her anyway, and that's what she wanted.

Pero mayroon ding mga araw na napapatingin siyang muli sa desk niya at hinahanap ang wala roon. Tulad noong unang biglang nahinto ang pagdating ng mga basura. These past four weeks, she had somehow expected not to see those folded papers on her desk, but still.

She couldn't help but wonder, still.

She was wondering why they weren't there. Why was she still staring at her desk? Why was she hoping?

Hindi niya gusto ang ginagawang panggugulo ni Ryu Donovan sa isip niya kaya ang gusto niya'y tuluyan na itong huminto. Tutal ay unti-unti na rin siyang

"How are you going to make Ryu Donovan stop?"

Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig niyang muli ang tinig ni Stefan mula sa kabilang linya.

Napabuntonghininga siya. Hindi siya komportableng sabihin kay Stefan ang kasunduang sinabi ni Ryu noong nasa Nobori sila.

"Would he stop if he learns that you are already dating someone else?"

Sa sinabi ni Stefan ay napangiwi siya. "Maniniwala ba iyon kung iyon ang sasabihin ko? Eh alam niyang walang ibang lalaking nagtangkang tumawid sa sibat na ini-harang niya sa akin–"

"Hindi umabot sa akin ang harang niya."

Napatuwid siya ng upo. At bago pa rumehistro sa isip ang ibig sabihin ni Stefan ay nagpatuloy ito,

"Would you like me to be your fake boyfriend?"

Umawang ang bibig niya; nawalan siya ng sasabihin. At nang walang narinig mula sa kaniya ay muling nagsalita si Stefan,

"Alam niyang magka-klase tayo at mas madalas na nagkikita kaysa sa kaniya. He had seen us together a couple of times already. So, what do you think?"

Her heart thumped so hard in excitement.

Pero...

Idadamay ba niya si Stefan? Paano kung mainis si Ryu at pagtrip-an si Stefan? Knowing how that man rolled, it was not impossible.

Napabuntonghininga siya. She couldn't afford to involve Stefan into this mess.

"It's fine, Stefan. Besides, may sinabi sa akin ng lalaking iyon noong huling nag-usap kami."

"Sinabi?"

Tumango siya na tila nasa harap lang ang kausap. "I can't tell you, pero pagbibigyan ko siya sa gusto niya para tumigil na siya."

Matagal na natahimik si Stefan sa kabilang linya. Sandali namang inagaw ng alaga niya ang kaniyang pansin nang kumahol ito at nagpaikot-ikot na tila hinahabol ang buntot. Narinig din iyon ni Stefan, at doon pa lang ito muling nagsalita,

"Well, in case you need help– whether it involves Ryu Donovan or not– I'll be here."

That warmed her heart. Napangiti siyang muli. "Thank you, Stefan. I'll take that in mind."

*

*

*

"KANINA PA nagkanda-haba-haba 'yang leeg mo; may hinahanap o hinihintay ka ba?" buong pagtatakang tanong ni Kaki habang kunot-noong nakatingin sa kaniya.

Tama ito. Kanina pa nagkanda-haba ang leeg niya sa paglingon sa entrance ng cafeteria at pagtingin sa paligid. She was looking out for Ryu Donovan. Inasahan na niyang simula sa araw na iyon ay magpaparamdam na itong muli.

"Kaya nga," nakanguso namang dugtong ni Dani bago inisubo ang sliced chicken mula sa tinidor nito. "Patapos na kaming kumain ni Kaki pero ikaw ay hindi pa nagagalaw 'yang nasa tray mo. Okay ka lang?"

Itinuon niya ang tingin sa pagkaing nasa tray. She ordered a bowl of creamy chicken soup and a big slice of garlic bread. Pero tulad ng sabi ni Dani ay wala pa siyang ginalaw alin man sa mga iyon.

"I'm fine," aniya bago kinuha ang kutsara at nag-umpisang galaw-galawin ang pagkain.

"You don't look like it," sabi pa ni Dani. "May hinihintay ka bang dumating?"

"Of course not!" Niyuko niya ang pagkain. "Alerto lang ako."

"Alerto saan?" si Kaki.

"Sa pagdating ng asungot."

"Huh?"

Nagkatinginan ang dalawa. Ilang sandali pa'y sabay na ngumisi at ibinalik ang pansin sa kaniya.

"Kuuu... Kunwari ka pa. Na-miss mo 'no?" ani Kaki. At dahil katabi niya ito ay sinabayan pa nito iyon ng banayad na siko.

She rolled her eyes in denial.

Dani, who was seated across the table and in front of her, giggled in delight. "Did you finally realize that Ryu Donovan was actually sincere about his intentions? What did the letter from yesterday say, by the way? Iyon ba ang dahilan kaya–"

Inihampas niya ang mga palad sa ibabaw ng mesa, gaining the attention of other students from another table. Napalingon ang mga ito sa mesa nila. Napangiwi siya at sinapo ang ulo.

Sina Dani at Kaki ay nakangising ibinalik ang pansin sa pagkain.

"Itinapon ko ang origami sa basurahan nang hindi binabasa." That was a lie. She left the origami at her apartment, on her study table. Pero totoo ang sinabi niyang hindi niya binasa ang sulat sa loob. "And I was waiting for that perv to appear because we had a deal." Well actually, that was another lie. They didn't have a deal. She never agreed to it. Not verbally. Pero naisip niyang kung iyon ang paraan para tigilan na siya nang tuluyan ni Ryu ay pagbibigyan niya ito. And she was expecting to see him around or approach her anytime soon.

"You had deal?" tanong ni Dani na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. Nakataas ang mga kilay nito. "You and Mr. Ryu Donovan?"

Tumango siya.

"What's the deal?" si Kaki na puno rin ng pagtataka. "At kailan nangyari ang deal na ito? Akala ko ba, sa loob ng apat na linggo ay wala kang narinig at hindi mo nakita iyong si College Hotshot?"

She had no intention of explaining whatsoever, pero nadulas na siya.

Huminga siya nang malalim, at sa mahinang tinig ay,

"A-Ang totoo ay... nagkaroon kami ng usapan ni Ryu Donovan na sa pagtuntong ko sa disi-otso ay... saka niya ipagpapatuloy ang panliligaw."

Yep. That was all she needed to say.

"Huh?" si Dani na halatang nabitin. "And then?"

"Wait," si Kaki naman sabay taas ng dalawang palad. "Kailan nangyari itong deal na ito?"

"T-That day when he appeared on our doorsteps with Blaze Panther. Nakausap niya si Daddy at nalaman ni Daddy ang tungkol sa ginagawa niya. My father asked him to defer his persuasion until I turned 18."

Parehong pinanlakihan ng mga mata ang dalawa.

"And here I thought he already gave up on you!" Kaki hissed after a while.

Si Dani naman ay napanguso. "At talagang hindi mo ni-chika sa amin ang tungkol sa bagay na 'yan, ha?"

"Come on, Dani." She heaved a heavy sigh. "Hindi ko ni-kwento dahil hindi naman mahalaga—"

"Everything about the college hot shot is important for us." Tumingkayad ito at inilapit ang mukha sa kaniya. "At ano ang deal na namagitan sa inyong dalawa?"

Mukha wala na talaga siyang takas...

"Hiningi n'ya sa 'kin na bigyan ko siya ng isang linggo."

"Para...?"

"Ligawan ako. At kapag hindi ko raw nakita ang posibilidad na mahulog ako sa kaniya sa loob ng isang linggong iyon ay titigil siya."

Hindi na niya kailangang sabihin sa mga itong nangyari ang usaping iyon sa ibang pagkakataon at lugar.

"Wow," ani Kaki na napasandal sa kinauupuan. "Ang corny ni College Hotshot pero ang effective, ha? Kapag sa akin nangyari 'yan, baka natunaw na ako."

Napangiwi siya. She couldn't decide whether Kaki was stating a fact or was being sarcastic.

"He really is persistent." Si Dani ay ginaya rin si Kaki; sumandal saka humalukipkip.

"Pagbibigyan ko siya ng isang linggo. Pagkatapos niyon ay kailangang tumigil na siya—"

"Whoa, whoa, whoa." Itinaas muli ni Kaki ang mga palad sa ere saka tumuwid ng upo. "And what makes you so confident that you will not fall in love with him?"

"I will not." Itinaas niya ang mukha at sa tinig na puno ng kompiyansa ay, "I will never."

Nagkibit-balikat si Kaki sabay ngiti. Bumalik ito sa pagkakasandal sa upuan at tinapunan siya ng nagdududang tingin. Si Dani naman ay napa-ismid.

"Kaya pala ang tahimik ng buhay natin sa nakalipas na apat na linggo. At kaya pala kanina ka pa hindi mapakali. Oh well, I bet my veejayjay that you will fall in three days."

"You don't have a veejayjay, Dani, so technically, wala kang ipinusta." Si Kaki at dumukwang sa mesa at siya namang inilapit ang mukha sa kaniya. "But weren't you just being so overconfident para magsalita nang tapos? With the likes of Ryu Donovan, you can't rest easy. Mas magugulat kami kapag hindi ka nahulog."

"Maniwala ka sa akin, Kaki. Hindi ako mahuhulog sa lalaking iyon. I will always choose someone like Stefan Burgos than that stupid Ryu Donovan."

"Well, if that's the case... sa 'yo ang pusta ko."

*

*

*

Napa-iling siya nang sa pag-uwi niya sa apartment ay ang mga nagkalat niyang damit at sandalyas sa sahig ang sumalubong sa kaniya. Sirang -sira na ang pambahay niyang tsinelas sa pag-ngatngat nito. Maliban pa roon ay marami rin itong mga ini-kalat sa sahig; mga hinubad niyang damit, mga papel sa basurahan, at kumot niyang marahil ay hinila nito't tinanggal mula sa kama.

Napailing siya saka isa't isang dinampot ang mga kalat. "Bukas ay babalik tayo roon sa maliit na pet shop sa city center para magpagawa ng panibago mong dog tag. Bed for you, too, and some toys maybe."

Kamahol si D-Van ay nagpaikot-ikot na tila naintindihan ang kaniyang sinabi. Matapos niyang damputin ang lahat ng mga kalat nito'y inayos niya ang kama saka ni-refill ang food at water containers ng alaga. She then sat on her chair and watched her puppy ate his food.

"Buti na lang at hindi istrikto ang landlady natin at pumayag na magdala ako ng pet dito, kung hindi ay iuuwi kita sa Esmeralda."

Makalipas ang ilang sandali ay naubos ng kaniyang alaga ang pagkain, at matapos iyon ay nahiga ito sa likod ng pinto ng kaniyang silid at nagpahinga. She giggled and turned her attention to her table. Akma siyang yuyuko upang kunin ang bag na ibinagsak lang niya nang kung papaano sa sahig kanina nang mapatingin siya sa bagay na nakapatong sa ibabaw ng study table niya.

It was Ryu Donovan's origami, and she stared at it for a while thinking what she would do about it.

Hanggang sa nanaig ang kuryusidad.

Inabot niya iyon at dahan-dahang binuksan.

Tulad ng inasahan niya'y may sulat sa loob.

Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago iyon tahimik na binasa,

Dinner at Nobori on Friday night?

Give me a call to confirm. :)

Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghinga.

Mukhang dito na nga magsisimula si Ryu Donovan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top