CHAPTER 029 - Officially An Adult
"Well, that's fine. Kani-kaniya naman tayo ng trip kung ano ang gusto nating gawin sa 18th birthday natin. So... saan ni'yo balak pumunta ng buo ninyong pamilya?" si Dani habang nasa field sila at nakaupo sa lilim ng puno ng acacia.
It was Monday afternoon, they were just waiting for their next class when they decided to go out for a bit. Maliban sa kanila ay may iilan ding mga estudyante ang naroon sa field at may kani-kanilang trip. Some were watching videos on their laptops, others were reading books, some were just chit chatting and eating snacks.
"There's a resort in Guimaras that my mother saw on the internet. Nasa southern part na at nakahiwalay sa mainland. It's basically a small island. Doon kami magpapalipas ng tatlong araw. Nataong Biyernes ang kaarawan ko kaya Biyernes pa lang ay aalis na kami." Itinukod niya ang dalawang mga palad sa damuhan at tiningala ang malaking puno ng acacia. It was three o'clock, at kung wala ang mayabong na mga dahon ng malaking puno na iyon ay siguradong masakit sa balat ang init ng araw. "It's going to be so much fun; ang tagal na rin naming hindi nakakapag-bonding na malayo sa bayan namin. My father has been busy with work. At bago ang kaarawan ko ay kailangan muna niyang asikasuhin ang annulment case ng mga magulang ni Ryu Do–" Natigilan siya.
Sina Dani at Kaki ay napalingon din sa kaniya; si Kaki ay salubong ang mga kilay, si Dani ay pinanlakihan ng mga mata.
"What did you say?" Dani asked in shock.
Napangiwi siya. Tumuwid ng upo. "W-Well, basically, Ryu Donovan was looking for a family lawyer. Nagkataong itong si Blaze Panther pala ay suma-side line bilang music teacher sa bayan na pumapagitna rito sa Carmona at Esmeralda, at nagkataong ninong pa niya ang tatay ko kaya..." Napangiwi siyang muli at sandaling huminto nang makita niya ang lalong pagkunot ng noo ng dalawa. At wala na siyang nagawa. Sinabi niya sa mga ito ang araw na nalaman niya ang koneksyon ni Blaze Panther sa pamilya niya, at ang dahilan kaya ang daddy niya ang nakuhang abogado ni Ryu para sa annulment case ng mga magulang nito.
"So, in summary– hindi mo alam na ang isa sa mga miyembro ng Alexandros ay inaanak pala ng daddy mo, na siya ring naging piano teacher ng kapatid mo. He recommended your father when his close friend was searching for a lawyer. And this close friend, the boss– the college hotshot– just happened to be the guy who was head-over-heels-in love with you." Napa-palatak si Kaki. "What a small, damn world."
"At bakit ngayon mo lang sinabi sa amin, aber?" taas-kilay na tanong ni Dani. "This happened two weekends ago and we just learned about it?"
Pangiwi siyang ngumiti. Lalong iinit ang ulo ni Dani sa kaniya kapag nalamang ang ini-kwento niya'y kulang-kulang pa. The information she shared with her friends was just the tip of an iceberg.
"K-Kasi, I wasn't supposed to share sensitive information about my father's job and his clients..."
Napa-ismid si Dani, at anong ginhawang naramdaman niya nang makombinsi ito. "Tama si Kaki, such a small world. Anong pwersa ang naglalapit sa inyong dalawa ni Ryu Donovan ko, ha?"
"I don't know." Patay-malisya siyang nagkibit-balikat saka umiwas ng tingin. Inabot niya ang tumbler na nasa kaniyang tabi at nagkunwaring nauuhaw. She didn't want Dani to keep asking questions about Ryu Donovan.
"Hmm, if that's the case..." Lumapad ang ngiti ni Dani, umusog palapit sa kaniya, at ikiniskis ang siko sa siko niya. "May rason na tayong makipaglapit sa Alexandros. And we have immunity against all the bullies because not only are you the Boss' crush, but you are also personally connected to one of the members. Aba, parang kapatid mo na ring maituturing iyong si Blaze Panther, ah?"
Umikot ang mga mata. Ibinaba na muna niya ang tumbler bago sumagot. "Una sa lahat, Dani. Hindi natin kailangang makipaglapit sa mga jologs na 'yon. Pangalawa, we don't need immunity. In fact, hindi naman tayo – o ako– mapapansin ng mga bullies na 'yan kung hindi rin dahil sa kalokohan ni Ryu Donovan. At pangatlo, I have nothing to do with Blaze's connection with my father. Or my brother. Sila ang may koneksyon, hindi kami. At nasu-supladuhan ako sa lalaking iyon, ha? Mabigat ang loob ko sa kaniya."
"Tama si Luna," sabat ni Kaki. "I mean, I would love to know Kane Madrigal a bit more, pero kung ganitong hindi komportable ang kaibigan natin sa grupong iyon, bakit tayo makikipaglapit? And those college girls who targeted Luna were all Alexandros' fanatics. They targeted our friend just because she was pursued by Ryu. H'wag na nating bigyan ng problema si Luna, Dani."
"Hoy Karina, akala ko ba ay magtutulungan tayo para mapalapit itong sina Ryu at Luna?"
"Well I changed my mind because Ryu was making Luna uncomfortable, at matapos ang ginawa ng mga college girls na 'yon kay Luna sa gym, ay binawi ko na ang suporta ko."
Umikot paitaas ang mga mata ni Dani. "No one is bullying Luna anymore. Ginawan ni Ryu Donovan ng paraan na tumigil na ang mga college students na iyon sa ginagawa nila. Ngayon nga ay parang ayaw na rin nilang tapunan ng tingin itong si Luna, eh."
"Iyon ay dahil tinigilan na rin ni Ryu Donovan si Luna. Hindi mo ba napansin? The bullying stopped when Ryu stopped sending lotus origami and free lunch. Hindi na rin lumalapit ang grupo kapag nasa canteen tayo. In fact, we seldom see them anymore. Isang linggo mahigit nang hindi nagpaparamdam si Ryu Donovan kay Luna, hindi mo pansin?" Siya naman ngayon ang binalingan ni Kaki. "Kaya ka ba tinigilan ni Ryu dahil nalaman niyang abogado ang tatay mo?"
Lihim siyang napangiwi. Paano niya sasabihin sa mga itong pinatigil ng daddy niya ang panliligaw ni Ryu? Na nagkausap ang dalawa at nagkasundo na saka na lang ituloy ni Ryu ang kalokohan nito kapag nakatuntong na siya sa disi-otso?
"M-Maybe..."
"Well, that only proves na hindi seryoso si College Hotshot," sabi pa ni Kaki. Bumuntonghininga. "Sayang lang. Akala ko rin noong una ay sinsero siya. Tama pala talaga si Luna..."
"Ah, basta." Si Dani ay tumayo na. Pinagpagan nito ang slacks upang tanggalin ang dumikit na mga tuyong damo. "I am still a fan. At gusto ko pa ring mapalapit sa kanila. Dahil naniniwala akong mabubuting tao ang Alexandros, at nararamdaman kong may binabalak si Ryu kaya tahimik siya nitong nakalipas na mga araw. I'll sit back and wait for this relationship to progress." Yumuko ito at kinuha ang balat ng chips na dinala dito roon upang papakin. "So, going back to the debut discussion. Feel kong gayahin ang trip ni Luna; I will also celebrate my 18th birthday without a party. But out of town."
"It's not like you're going to have a debut at eighteen," si Kaki na tumayo na rin. "Hindi ba at sa ibang edad naman nagsi-celebrate ng debut ang mga lalaki?"
"Shut your mouth, Karina. I consider myself a woman so I will celebrate my 18th birthday like one. Ngayon pa lang ay maghahanap na ako ng location– dapat kasama kayo, ha?"
"Of course." Tumayo na rin siya. "What's your plan, though?"
"Hmm... I'm thinking about camping in the woods. By the time you're back from your birthday trip, I will have all the details."
*
*
*
Tulad nga ng napagkasunduan nilang magpamilya ay ni-celebrate ni Luna ang ika-labinwalong kaarawan kasama lang ang mga magulang at nakababatang kapatid sa isang pribadong isla sa Guimaras. There is a private infinity pool overlooking the vast ocean, white sand beach around the island, cottages and an event hall. Ayon sa mga staff ay ino-okupa raw talaga ang isla para sa mga pribadong okasyon; kasal, honeymoon, birthdays, o reunion. At ang tinatanggap na bilang ng guests ay hindi su-sobra sa dalawampo dahil limitado lang din ang bilang ng mga silid doon.
It was a serene place that Luna appreciated a lot. Maliban sa pagsu-swimming ay nag-snorkeling din ito at ang kapatid sa mababaw na tubig na nakapaligid sa isla. Their parents enjoyed kayaking, at mayroon pang island hopping activity silang ginagawa tuwing hapon. Umiikot iyon sa mga nakapaligid ding maliliit na mga isla sa bahaging iyon ng Guimaras.
It was a 3-day experience that Luna would never forget. Kaya nang araw na kailangan na ulit nilang bumalik sa Carmona ay kay bigat ng mga paa ni Luna pasakay ng ferry boat.
Lunes bumiyahe ang pamilya Castillo pabalik ng Esmeralda, kaya sa araw na iyon ay hindi rin nakapasok sa eskwela si Luna. In the afternoon that same day, ini-hatid si Luna ng ama patungo sa apartment ng dalaga sa Carmona.
"Take care on your way home, Dad," anang dalaga nang ihatid nito ang ama sa gate ng apartment complex na tinutuluyan. Nasa harap niyon nakaparada ang kotse ng ama.
Si Mick Castillo ay hinarap muna ang anak. He gave his daughter a gentle smile before saying, "You're a good kid, Bella. At kahit kailan ay hindi mo sinira ang tiwala namin ng mommy mo. You have been obedient and a loving daughter; your mom and I couldn't ask for more." Masuyo nitong dinama sa pisngi ang anak. "Now that you're officially an adult, you are free to decide for yourself. You are free to run as far as you could, and fly as high as you would. There is just one thing I want to ask from you though."
Kinunutan ng noo si Luna. "Anything, dad."
"Don't lose sight of what's important. Pag-aaral mo pa rin ang unahin mo higit sa ano pa man."
"But of course, dad. Kailan ko ba isinawalang-bahala ang pag-aaral ko?"
"Well..." Ngumiti si Mick sa anak. "Noong nakaraang araw ay binanggit mo sa mommy mo na gusto mong magtrabaho tuwing weekend. You said you're thinking about getting some tutorial jobs. Kung ako lang ay ayaw kong abalahin mo pa ang sarili mo sa ganiyan lalo at hindi naman kailangan kung sa pinansyal lang na aspeto ako titingin. I can provide for you, honey. But then, I realized it's not about the money. Kilala kita. What you want is the experience and I understand that. At kaya ko sinasabi ito ay dahil gusto kong malaman mo na su-suportahan ka namin ng mommy mo sa balak mo, but please make your studies your priority still."
Ngumiti si Luna, tumango, saka yumakap sa ama. "Of course, dad. And thank you."
Mick hugged his daughter back. "Nalulungkot akong isipin na baka hindi ka na umuwi tuwing weekend dahil d'yan sa binabalak mo."
Luna chuckled and pulled back. "Uuwi pa rin ako at least twice a month, don't worry. Gusto ko lang talagang subukan 'to, lalo at gusto kong magturo tulad ni Mommy."
"Your mom was happy when you decided to take up a teaching course. I thought you wanted to be a lawyer, too." Banayad na bumitiw si Mick sa anak. "And there's another thing, Bella."
Napangiti si Luna. "Ang daming habilin, dad, ha?"
Sumeryoso ang anyo ni Mick. "It's about Mr. Ryu Donovan."
Ang ngiti ni Luna ay unti-unting napalis.
"Tinupad ba niya ang pangako niya sa akin na titigilan na muna niya ang panliligaw sa 'yo habang hindi ka pa tumutuntong sa tamang edad?"
Tumango si Luna. "Sa loob ng... apat na linggo simula nang ihatid niya ako sa bahay natin ay hindi ko siya nakita sa campus."
"Good." Doon muling ngumiti si Mick. "Lalo niyang nakuha ang pabor ko. Nirespeto niya ang sinabi ko at hindi niya sinamantala ang pagkakataon noong nagkasama kayo buong magdamag nang gabing bumagyo sa Carmona. I respect the man, Bella. He's a different kind– a good one for that matter."
Pinili ni Luna na hindi na sumagot. Hindi na nito kailangang sabihin sa ama na wala itong interes kay Ryu Donovan.
"He was raised by a kind and gentle woman. I met his mother a couple of times already to discuss the annulment case, and I am impressed by how highly Mrs. Donovan would speak about her husband despite the marital issues. Walang paninira, walang hinanakit. She decided to file for an annulment because she wanted to give her family peace. I can't discuss further, but this annulment case is by far the most peaceful I have ever handled. But what I really wanted to say is that... Ryu Donovan was raised to be a fine, young man. Hindi ko pakikialamanan ang desisyon mo at ang interes niya sa 'yo, pero gusto kong sabihin na walang pagtutol sa akin kung magpapatuloy siya sa panunuyo sa 'yo, anak."
Tumango lang si Luna at hindi na nagsalita pa. Ayaw na nitong palawigin ang diskusyon tungkol kay Ryu Donovan.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Mick sa anak. Si Luna ay bumalik sa apartment at tinawagan si Kaki upang pag-usapan ang tungkol sa mga lessons na nakaligtaan ng dalaga.
Kinabukasan ay pumasok si Luna, at pagdating sa classroom ay natigilan ang dalaga nang mapatingin sa bagay na nakapatong sa ibabaw ng desk.
The lotus origami was back.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top