CHAPTER 028 - Still In Denial


She woke up for a start. Nakaramdam siya ng pangangalay sa batok at iyon ang gumising sa kaniya.

She stretched her body up and moaned a little. Dinala niya ang isang kamay sa batok at banayad iyong minasahe. Natigilan siya nang may makapa. Nagmulat siya at lalong nanigas ang buong katawan nang bumungad sa kaniyang harapan ang hindi pamilyar na mukha ng isang lalaki; nakasuot ng puting roba, apron, at hat sa ulo.

It was a man in his forties; and he looked like a traditional Japanese chef that she'd seen on television. May ginagawa ito sa likod ng counter, at nang maramdamang gising na siya ay nag-angat ng tingin. Napangiti ito at nagsabing,

"Ohayo gozaimasu, Luna-chan."

Napa-igtad siya sa pagkagulat, at muntik pa sana siyang mahulog sa kinauupuang stool kung hindi lang niya maagap na nai-kapit ang isa pang kamay sa counter. Sa nanlalaking mga mata ay luminga-linga, at nang makita ang ilang mga staff ng restaurant na nag-lilinis sa pagligid at paroon-parito sa ginagawa ay napasinghap siya.

It was already morning! And the restaurant staff was already starting their shifts!

"Sinabi ni Master Ryu na h'wag bubuksan ang restaurant hanggang sa magising ka," sabi pa ng chef na muli niyang ikina-gulat. She thought the man was Japanese, pero biglang nag-Tagalog!

Napangiwi siya at umayos ng upo. Binalingan niya ang bagay na nakapa ng kaniyang kamay kanina nang dam'hin niya ang batok. Lumingon siya at inalis ang bagay na iyon na nakapatong sa kaniyang likuran. It was a coat. And it was Ryu's, she reckoned. Pero hindi iyon ang coat na ginamit nito kahapon; it was a different one. Tinanggal niya iyon mula sa pagkakapatong sa kaniyang likuran at maingat na ipinatong sa ibabaw ng counter.

Oh, hindi rin niya namalayang nakatulog na pala siya roon. Ang huling naalala niyang nangyari kagabi ay humilig siya sa counter upang sandaling pagpahingahin ang mga mata. Ryu was on the opposite side of the counter, silently reading a Japanese book. Hindi na niya ito kinausap matapos ang pagsinghal niya rito sa kusina, at hindi na rin ito nagpumilit na kausapin siya, maliban noong sinabi nito kung nasaan ang landline. She called her parents and told them she was in a safe place. Sinabi niya rin sa mga magulang na uuwi siya kinabukasan. Matapos iyon ay bumalik siya sa counter, at doon na niya inabutan si Ryu na tahimik na nagbabasa. She sat on the opposite corner of the counter, near the wall.

At ngayon ay nagising siyang umaga na.

Ibinalik niya ang tingin sa chef na nasa kaniyang harapan. May masuyong ngiti sa mga labi nito habang patuloy sa paghahanda sa likod ng counter.

"N-Nasaan si Ryu?"

Bago pa makasagot ang chef ay sumulpot na ang taong hinahanap niya mula sa kusina. He was holding his phone in his hand and was talking to someone on the other line. Nang makita nitong gising na siya ay kaagad itong nagpaalam sa kausap at nakangiting pumasok sa counter, lumapit sa chef na nasa harapan niya at doon pumwesto upang humarap sa kaniya.

"Hey." He leaned over the counter and gazed at her face. Then, he smiled and said, "Has anyone ever told you that you look even prettier in the morning?"

Prettier in the morning? Pinaglololoko talaga siya ng lalaking ito. Wala pa nga siyang hilamos at–

At natigilan siya.

Wala pa siyang hilamos at hindi niya alam kung may marka pa ng laway ang mukha niya!

Nang maisip iyon ay bigla niyang ini-atras ang mukha, itinaas ang kamay, at tinabig si Ryu upang patigilin ito sa pagtitig sa kaniya. Saktong sa panga nito tumama ang kamay niya, at hindi niya na-kontrol ang pwersa.

Sa tingin ng marami ay sinampal niya ito, at doon tila tumigil ang mundo ng lahat ng naroon, kabilang na ang chef na katabi ni Ryu. Gulat itong napalingon sa amo. Ang mga staff na naglalampaso ng sahig at paroon-parito upang i-set up ang tatami area ay nahinto.

Si Ryu, nang makabawi, ay dahan-dahang napalingon sa kaniya. His eyes filled with amusement.

"See that, Takenori?" anito saka ngumisi. "She's special, isn't she? My charm never works for her."

Ang chef na tinawag ni Ryu na Takenori ay natawa at hindi na sumagot pa. Pailing-iling nitong binalikan ang ginagawa.

Bago pa muling ilapit ni Ryu ang mukha sa kaniya ay mabilis na siyang tumayo at hinablot ang bag na nasa sulok ng counter. Niyakap niya iyon at gamit ang isa pang kamay ay inayos niya ang medyo nagulong buhok.

"Dapat ay kanina mo pa ako ginising; nakakahiya sa mga staff." Sinulyapan niya ang mga staff na ningitian lang siya bago itinuloy ang mga ginagawa.

"Nasaan ang puso ko para istorbohin ang mahimbing mong tulog, Buttercup? You were snoring and was obviously having a great dream; hindi ko kayang sirain ang pahinga mo." Napangisi ito nang makita ang muling panlalaki ng mga mata niya. Inabot nito ang coat na itinakip nito sa kaniya kanina at iyon ay ini-suot.

Bumaba ang tingin niya sa suot nitong top, at doon lang niya napansing nag-iba na iyon mula sa suot nito kahapon. He was now wearing a moss green long sleeve turtleneck shirt and black jeans.

"At iniwan mo ako rito habang tulog para umuwi sa inyo at magbihis? Dapat ay ginising mo na lang ako nang nakauwi na ako sa apartment ko."

"I asked my mother's assistant to bring me clothes. I showered here." He winked before walking out of the counter. Naisuot na nito nang tuluyan ang coat nang nakalapit ito sa kaniya. "At ihahatid kita sa Esmeralda ngayon. I was on the phone with Attorney Castillo– your father– just a while ago. He called the landline and asked about you. Nalaman niya mula sa staff na ako ang kasama mo buong magdamag. I called him back and explained what happened."

Oh, pakiramdam niya'y biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Ni-sapo niya ang ulo at muling naupo sa stool.

Sermon ang aabutin niya sa ama, lalo at hindi niya sinabi rito kagabi kung nasaan siya nang tumawag siya. All she said was she was in a safe place. Not with Ryu Donovan! Kahit pa ba para sa ama niya ay harmless si Ryu, ay sigurado siyang hindi pa rin nito palalampasin ang ginawa niyang paglilihim.

Damn it; she should have told her father last night.

"You want to eat breakfast before we leave? Takenori makes delicious miso soup."

Nagmulat siya at nanlulumong sinulyapan si Ryu. "Papaano pa ako kakain kung alam kong sermon ang naghihintay sa akin pag-uwi? Oh, this is all your fault."

And there she goes again. Inibubunton na naman ang sisi sa walang malay na si Ryu.

"Don't worry about your father, he isn't mad at all. He was even thankful that I was the one who you got stuck with in the middle of the storm." Lumapad ang ngisi nito. "I told you, boto sa akin si Attorney Castillo."

Sa huling sinabi nito'y napasimangot siya. Pero kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala niya sa pag-aakalang magagalit ang ama kapag nalaman kung nasaan siya.

"H'wag kang umasa na ganoon nga, Ryu Donovan. My father was just being nice because you are his client's son." Tumayo na siya, ini-sukbit ang strap ng bag sa balikat, humakbang at nilampasan ito. "I want to go now."

*

*

*

"Sa libo-libong estudyante sa CSC, iyong binatang may gusto sa 'yo pa talaga ang nakadaupang-palad mo nang gabing iyon, ha?" Her mother giggled before adding, "I think the universe has something set up for the both of you."

"Stop with your hopeless expectations, mom." Umiikot ang mga matang itinuloy niya ang paghihimay ng malunggay na isasahog ng ina sa tinolang manok na niluluto nito para sa hapunan.

Nang umagang iyon ay inihatid siya ni Ryu sa Esmeralda. Her parents were waiting for her at home. Nagpasalamat ang mga magulang niya rito at in-imbitahan itong mag-almusal sa kanila, but Ryu refused and bid his goodbye. Habang nasa daan sila ay panay ang ring ng cellphone nito, at isa marahil iyon sa mga dahilan kung bakit nagmamadali itong umalis. She had a glimpse on the screen of his phone and she saw an unregistered number; international for that matter. At sa hula niya ay ang ama nito iyon.

Sa durasyon ng biyahe ay manaka-naka siya nitong kinakausap na sinasagot niya ng maiiksing mga sagot. It took less than two hours for them to reach Esmeralda, at noong hindi na ito pumasok sa bahay nila para sa paanyaya ng daddy niyang mag-almusal muna, at noong nakita niya itong tumalikod at bumalik sa sasakyan, ay nakaramdam siya ng... kakaiba.

And that was something that kept her thinking for almost the whole day.

"Oh come on, it's serendipity, hija!"

Muling umikot ang mga mata niya. Tumayo siya at dinala sa tabi ng ina ang bowl ng dahon ng malunggay. "Serendipity or not, Ryu Donovan is someone I could never fall in love with. He is not my type."

"Well, anak... type mo man o hindi, kung ang tadhana na ang kumilos, ay hindi ka na makakatakbo pa."

"I like someone else, mom."

Natigil ang mommy niya sa akmang pag-abot ng bowl ng malunggay. Nilingon siya nito; nagsalubong ang mga kilay. "You like someone else? Who is this guy?"

"He's one of my classmates."

"And?"

"And what?"

"Gusto ka rin ba niya? Pakiramdam mo ba ay pinagtatagpo kayo ng tadhana? Para bang may kakaiba kang nararamdaman kapag magkasama kayo? Like... a spark? A feeling that you can't explain? Is there anything significant about him that you like? What do you feel when you look into his eyes?"

She frowned in confusion. "Bakit parang gusto ninyong i-kompara ko ang nararamdaman ko para sa kaniya at para kay Ryu Donovan?"

Ang mommy naman niya ang kinunutan. "I was not, honey. Bakit mo nasabing ikino-kompara ko siya kay Ryu?"

"Because–" She froze.

Oh, God. What was she thinking? Bakit niya nasabi iyon?

"Wait a minute." Nakapamaywang siyang hinarap ng ina. Nasa mukha nito ang pagpipigil na ngumiti. "Sinasabi mo bang ang lahat ng nabanggit ko kanina ay naramdaman ko noong magkasama kayo ni Ryu? Well, obviously, pinagtatagpo talaga kayo ng tadhana; ikaw lang itong ayaw tanggapin ang katotohanang iyon. Pero sinasabi mo bang may nararamdaman kang spark kapag magkasama kayo ni Ryu? Were you feeling something... indescribable? Did you feel something powerful when you looked into his eyes?"

She shook her head in panic. Ang mommy naman niya, nang makita ang naging reaksyon niya, at tatawa-tawang ibinalik ang pansin sa niluluto.

"Naku, anak, ha. 'Tulak ng bibig, kabig ng dibdib' ang tawag sa ganiyan."

"Mommy, stop it! Oh!" Nag-iinit ang mukhang tumalikod siya at humakbang palabas ng kusina.

Ang mommy niya ay natawa at nagpahabol pa ng sasabihin. "Hey, malapit nang maluto itong ulam, h'wag ka nang umakyat sa kwarto mo. We need to talk about your upcoming 18th birthday over dinner."

Huminto siya at muling humarap sa kinaroroonan ng ina. "I don't want to have a party on my 18th birthday, mom. Can we just go on a family trip?"

Lumingon ang mommy niya; may masuyong ngiti sa mga labi. "Really, honey? Mas gusto mong makasama kami sa kaarawan mo kaysa ang mga bago mong kaibigan?"

"Of course, mom. Kayo nina Dad at Brandon ang pinaka-mahalagang tao sa buhay ko, kaya gusto kong kayo ang makasama sa mahalagang araw ng buhay ko. That's not even a question..."

Pleased, her mom's smile widened. "Okay, then. Let's discuss this birthday get-away trip over dinner."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top