CHAPTER 026 - At Her Service
Dahil sa bagyo ay halos sarado ang lahat ng mga gusali sa siyudad. At dahil ang ilang poste ay tumagilid sanhi ng malakas na hangin ay naka-patay ang ilang mga ilaw sa daan. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Ryu, pero dahil sa labis na pagod at gutom ay nawalan na siya ng pakialam. Hindi siya pamilyar sa mga kalye sa city center, at hindi niya alam kung ilang beses nang lumiko ng kalye si Ryu hanggang sa marating nila ang mataas na pader na may nakasulat na pangalan ng restaurant.
Nobori.
And that's when she knew where they were.
Pumasok ang kotse ni Ryu sa nakabukas na entrance gate at gumarahe sa malawak na parking space. Mula roon sa parking space ay may covered footwalk papasok sa entrance ng restaurant. Pagpasok pa lang sa restaurant ay ang malaking lounge ang kaagad na sasalubong; sa lounge ay may information o reception desk kung saan sa likod niyon ay may nakasabit na malaking gold-plated frame, at sa loob ng frame ay may nakaguhit na larawan– at kung hindi siya nagkakamali, ang nakaguhit doon ay puno ng cherry blossom. And it was drawn using gold paint.
Mula roon sa lobby ay may daan sa kanan patungo sa mga nakahilerang private tatami tables. Each table in that area was separated by an intricate gold-foiled Japanese wall, and the interior of each section was exquisitely designed in traditional Japanese style with mat flooring, sliding doors, and an authentic low table with a sunken floor for comfortable seating. Wala pa siyang nakikitang ganoon kaya labis siyang namangha. She felt like she was in a magazine or in a Japanese movie. She could feel the Japanese vibe, and it felt real.
Pagkalampas sa mga pribadong tatami area ay ang traditional counter area naman kung saan sa harap ay may mga nakahilerang wooden stool. Iyon ang pamilyar sa kaniya at tunay na tradisyonal. The lighting was dimmed in that area, and it was spacious. The ceiling was mirror-style, the wall and flooring were made of white granite. Ang theme ng restaurant ay pinaghalong light brown at gold; malinis, elegante.
Sa counter siya dinala ni Ryu. Mangha pa rin niyang iniikot ang tingin sa paligid bago naupo.
"This is... wow." Hinarap niya si Ryu na pumasok sa loob ng counter. "This place is exquisite."
His smile was gentle when he spoke, "I'm glad you like it."
"And your family owns this, right?"
Tumango ito at hinubad ang suot na coat at ipinatong sa counter. He was wearing a white turtleneck cotton sweatshirt inside. He rolled up the sleeves and pulled out an apron under the counter. Nakasunod lang ang tingin niya rito.
"Hey, what are you doing?"
"I'm going to cook udon for you."
"You know how to cook?"
Ryu grinned, wrapping the apron's straps around his waist. "I've been studying, Buttercup."
Nang muli niyang mariin ang pagtawag nito sa kaniya ay napaismid siya. But oddly enough, she wasn't annoyed this time. "Paninindigan mo talaga ang pagtawag sa akin niyan, ha? Kapag narinig ka ng mga empleyado n'yo rito ay–" Natigilan siya, at tila doon lang niya napansing maliban sa kanilang dalawa ni Ryu ay wala nang tao sa paligid. "Hey, do you close early?"
"No, but due to the storm, my mom instructed everyone to close early and go home. May guwardiyang nakabantay rito buong gabi dahil nakabukas beinte-cuatro oras ang gate. Dito rin siya nakatira; there is a room in the kitchen for him. You didn't notice him at the entrance gate?"
"Oh, I... didn't notice." Lumampas ang tingin niya sa likuran ni Ryu. Hinayon niya ng tingin ang marmol na pader kung saan may nakasabit na tatlong malalaking frames; at tulad doon sa reception desk, those frames had drawings in them with gold paint. At sa sulok ng counter, karugtong ng pader na iyon, ay may daanan patungo sa likuran. "What's behind the wall?"
"A large modern kitchen."
Pumalatak siya. "Your family restaurant is the most elegant I've seen thus far."
Ryu's lips curled into a humble smile. "I'm going to produce the noodles from scratch, so the preparation time may take a bit longer. Kaya mo pa bang maghintay?"
She stared at his sparkling eyes for a while, wondering to herself why they never failed to shine whenever he smiled.
Yeah, Ryu Donovan's semi-chinky eyes sparkle all the time. Nasa masayang mood man ito, malandi, mapanukso, o galit... his eyes always shined as if they were portals into the galaxy. Tila laging may nakatagong mga bituin sa mga iyon...
Nang rumehistro sa isip ang deskripsyong ibinigay niya rito ay natigilan siya. At nang mapansin ni Ryu ang matagal na pagkakatitig niya rito ay napangisi ito, at doon ay lalong nagningning ang mga mata nito.
"Falling already?"
Pinanlakihan siya ng mga mata nang maintindihan ang sinabi nito. "Asa ka!"
Aliw itong natawa bago paatras na humakbang patungo sa kusina. "I'll be back with a bowl of udon for you." Then he winked, and before she could even reply with an eye-roll, Ryu Donovan disappeared behind the wall.
*
*
*
Luna narrowed her eyes in suspicion as she looked at the bowl of udon Ryu brought back from the kitchen after staying there for about twenty minutes. She was looking at one of the best-looking bowls of udon all her life, and she could not believe Ryu Donovan made that by himself.
"Aminin mo nga sa akin." Umangat ang tingin niya sa nakangisi nitong mukha. "May nakatagong chef d'yan sa kitchen at siya ang gumawa nito, ano?"
Ryu chuckled in amusement. "I'll take that as a compliment."
"Hindi ako naniniwalang kaya mong gumawa nito." Mangha niyang ibinalik ang tingin sa bowl. Para siyang nakayuko sa isang food magazine at nakatingin sa mga larawan ng pagkaing naka-feature doon. Ryu served her with a bowl of meat udon and a small plate of tempura on the side. "Hindi mo naman siguro nilagyan ng pampatulog 'to, ano?"
Muli itong natawa. "I will never do that, Luna."
She smirked and gave him another suspicious look. "Alam ng mga guards na ikaw ang kasama ko kaya siguraduhin mo lang, Ryu Donovan."
"You can do a background check on me and find out if I am someone who is capable of doing such a thing, Luna Isabella." Maingat nitong ini-lapag sa harap niya ang pahabang itim na platito kung saan may nakapatong na nakarolyong wet towel. Kinunutan siya ng noo. "This is called an oshibori and is typically handed out before meals to clean your hands." Sunod nitong inilapag sa tabi ng bowl niya ang kutsara at chopsticks. "Douzo meshiagare."
She looked up, frowning into his delighted face. "What did that mean?"
"Bon appétit."
"Oh." Maingat niyang inabot ang oshibori at gamit iyon ay nilinis niya ang mga kamay. Matapos iyon ay ibinalik niya ang wet towel sa pinakuhaan at sunod na inabot ang kutsara. Muli ay pinagsawa muna niya ang mga mata sa ganda ng presentation ng beef udon bowl niya bago siya nagsimulang mag-sandok ng sabaw. She gently scooped a spoonful of broth, blew off the heat, and sipped it.
Parang may kung anong liwanag na sumabog sa buong katawan niya, at muntik na niyang ipikit ang mga mata kung hindi lang niya nakita ang muling pagsilay ng ngiti sa mga labi ng kaharap.
"I'm glad you like it," anito bago tumalikod at bumalik sa kusina.
Nagpatuloy siya sa marahang paghigop, at habang ginagawa niya iyon ay para siyang dinadala sa ibang daigdig. She could not believe Ryu Donovan could cook, let alone produce something out of this world as this bowl of beef udon.
Makaraan ang ilang sandali ay bumalik si Ryu na may bitbit na isa pang tray. Lumabas ito sa counter at lumapit sa kaniya. Tumabi ito at inilapag ang dala sa countertop. Habang patuloy siya sa paghigop ay nalipat ang tingin niya sa ipinatong nito. It was a bowl of ramen, and just like her beef udon, it looked like something that magically emerged from a magazine. Naupo ito sa tabi niya, hinubad ang apron na suot, at ipinatong sa ibabaw ng counter. Inabot nito ang chopstick at pinagsiklop sa mga palad bago ito bahagyang yumuko at may inusal.
Sandali siyang nahinto ay pinagmasdan ito. Nang matapos ito at binalingan siya ay saka siya nagbawi ng tingin at itinuloy ang paghigop.
"The broth is hot; dahan-dahan lang," aliw nitong paalala.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. She was so hungry she could eat a horse. At dahil wala naman siyang pakialam sa iisipin nito sa kaniya ay nagpatuloy lang siya sa maganang pagsubo.
Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ring kumain si Ryu. And he ate his meal with gusto...and finesse.
Lihim siyang napa-ismid. Hindi niya maiwasang isipin na mas 'babae' pa si Ryu kung umasta sa harap ng pagkain kaysa sa kaniya. He was a different man in front of the table. Different from the man who led a violent group on the campus.
"Dahil ba nagmamay-ari kayo ng restaurant kaya ka natutong magluto?" tanong niya makaraan ang ilang sandali. She twirled the udon noodles around her chopsticks and put them into her mouth, glancing at Ryu who was busy with his own food.
"Dahil ba abogado ang tatay mo kaya ka teknikal magsalita?" he countered, glancing back at her.
She couldn't help but smile at that. Pero kaagad niyang inalis ang ngiti sa mga labi dahil ayaw niyang isipin nitong gumagaan na ang pakiramdam niya rito. Ninguya muna niya ang pagkain sa bibig bago sumagot. "I guess I got the answer to my question."
"Right," Ryu said, chuckling and turning his eyes back to his ramen. "I would spend most of my days here at the restaurant and watch the chef prepare the meals. Iyon ang dahilan kaya natuto akong magluto. Noodles are my specialty, and just recently, I learned how to make sushi because I wanted to impress you."
She rolled her eyes upward and said no more. Sa sumunod na mga sandali ay pareho lang silang tahimik na kumain. She enjoyed eating the noodles as they were firm and chewy; halatang bagong gawa. She was secretly glancing at Ryu as they ate, wondering what he was thinking.
Until... she suddenly spoke,
"Alam mo ba kung ano ang tawag sa kantang kinanta ko kanina sa library?"
"How would I know?" Ibinalik niya ang pansin sa papaubos nang pagkain. She took the last piece of the tempura and ate it.
"It's called Voice Of The Sea. It's about a man who misses his woman, and wishes that his voice reaches her. It's about him promising that no matter how many years would pass, he would remain in love with her, and would continue to sing for her. It's a sad yet fulfilling song, and my mother loves it."
Napatitig siya kay Ryu, at habang pinakikinggan niya ang sinasabi nito'y bumabalik sa isip niya ang musikang kinanta nito kanina. At doon niya napagtantong hindi siya nagkamali sa pag-larawan niya sa kanta. It was sad and emotional and overbearing. At madali niya iyong nahulaan dahil naipahatid ni Ryu nang maayos ang mensahe ng kanta, sa kabila ng pagkanta nito niyon sa Nihongo.
"Have you ever thought of becoming a singer?" wala sa sariling tanong niya rito.
Nakangisi siyang binalingan ni Ryu. "I'll take that as another compliment, Luna Isabella."
She sneered and looked away. Ibinaba niya ang kutsarang hawak at nagpunas ng kamay gamit ang table napkin na kasama sa dinala ni Ryu kanina. Ito naman ay tumayo na at niligpit ang mga pinagkainan nila. Doon lang niya napagtantong tapos na rin ito. He gathered all the dishes and excused himself. Gamit ang wet towel na pinangpunas niya sa mga kamay kanina ay nilinis niya ang countertop, at nang masigurong kumikintab na iyong muli ay sumunod siya kay Ryu sa kusina bitbit iyon.
Pagpasok niya ay sandali siyang nahinto sa kinatatayuan. The kitchen was indeed huge and modern. May mga kitchen appliance na hindi pamilyar sa kaniya, ang malaking working table ay gawa rin sa granite tulad ng sahig at pader, at ang sink at mahaba't nakaharap sa glass window kung saan tanaw niya mula roon ang muling pagbagsak ng malakas na ulan.
Doon siya muling pinanghinaan ng loob. Mukhang walang pag-asang makauwi siya sa apartment niya sa gabing iyon...
"Papaano ako makauuwi nito..."
Si Ryu na nasa harap ng sink at naghuhugas ng mga pinagkainan nila ay napalingon. Kalmado itong nagsalita. "I can give you three options."
Binalingan niya ito. "Don't you dare invite me into your house, talagang masasapok kita, Ryu Donovan."
Sa sinabi niya'y natawa ito. "Two options left then."
She leered at him before walking in. "What are the two other options?"
"You can stay here until morning where we can drive safely on the road or I can check you into the nearest hotel–"
"Naloloko ka na ba? Kapag may nakaalam na dinala mo ako sa hotel at kumalat ang isyu sa buong campus ay masisira ang dignidad ko at–"
"Calm down, buttercup. Hindi ako kasamang papasok sa hotel; it's going to be just you. At kahit yayain mo ako ay hindi ako sasama—"
"Well thank you, pero asa ka!" Sinimangutan niya ito na sinagot lang ni Ryu ng tawa.
"Don't worry, I am not the type of guy who brings women into a hotel just for the heck of it. Kung may lugar man akong pagdadalhan sa babaeng gusto ko, there are just three places I could think of."
Nakalapit na siya rito nang sumagot siya. "Sementeryo, purgatoryo, at impyerno?" Inilapag niya ang hawak sa sink at hinayaan si Ryu na isabay iyon sa paghuhugas.
Si Ryu ay natawang muli sa mga sinabi niya. Ang tingin ay nakasunod lang sa kaniya. "To this restaurant, to my house, and to the altar."
She scoffed and leaned her back to the sink. "Masyado kang pa-safe sa mga sagot mo, Ryu Donovan. Halatang nagpapa-impress ka."
"Hindi ba at ganoon naman talaga kapag nanliligaw?"
"At hindi ba, sinabi na ng tatay ko na bawal mo muna akong ligawan hanggang sa hindi pa ako tumutuntong sa tamang edad?"
"Oh, so tinatanggap mo nang nanliligaw ako sa 'yo?"
Pinanlakihan siya ng mga mata sabay tuwid ng tayo. "You're twisting my words!"
"I am not," Ryu answered with a chuckle. Halata sa mukha ng loko ang kaaliwan. "I felt that you weren't taking my intentions seriously, and I thought you still haven't accepted the fact that I really like you. Pero ang sinabi mo kanina ay parang kompirmasyon na binubuksan mo na ang pinto mo para sa akin at tinatanggap mo na ang panliligaw ko. I mean, not now, but soon."
"I still don't believe you at hindi ko pa rin tatanggapin ang panliligaw mo. At wala akong pintong bubuksan sa 'yo, maliban sa pinto ng bahay ko para palabasin ka sakaling maisipan mo na namang pumunta roon. Oh gosh, ang bilis matunaw ng mga kinain ko kapag ganitong naiinis ako." Umalis siya sa pagkakasandal sa sink at nag-akmang aalis nang magsalita muli si Ryu.
"How about this, Luna."
Tinaasan niya ito ng kilay nang harapin siya nito.
"When you turn eighteen, go on a date with me for seven consecutive days. If you still feel like I am someone you could never fall in love with, then I'll leave you alone."
Kinunutan siya ng noo sa pagkamangha, at sa mahabang sandali ay pinanatili niya ang tingin dito hanggang sa napangisi ito at ibinalik muli ang pansin sa paghuhugas.
"And about the other option... Kung ayaw mo sa hotel magpalipas ng buong magdamag, you are free to stay here 'till morning. You are safe here so there is nothing you should worry about. At bukas ng umaga, huminto man o hindi ang ulan, ay ihahatid kita pauwi sa mga magulang mo sa Esmeralda. For now, you can use the landline and call them; siguradong nag-aalala na sila sa 'yo. Does that sound better?"
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig dito, ang takbo ng isip ay sandaling huminto sa mga sinabi kanina ni Ryu. At nang wala itong narinig na tugon mula sa kaniya ay muli siya nitong sinulyapan. Muling nagtama ang kanilang mga mata, muli itong ngumiti.
"You okay?"
Her eyes narrowed suspiciously. "Why are you so into me, Ryu Donovan?"
His eyes twinkled in amusement. "Haven't I told you already?"
"You have, but I still don't get it. Where is this motivation coming from?"
"My heart."
Hindi niya alam kung mapipikon o patuloy na sakyan ang kalokohan nito. "Are you really serious?"
"I sure am, Luna. Since at suck at jokes." His lips curled into a dashing smile that made her heart skip a beat.
At doon siya natilihan.
What did her heart skip a beat?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top