CHAPTER 025 - Choosing Between Two Disasters
"Okay, then." Si Ryu ay tuwid na tumayo. "If you're coming with me, you have to hold my hand."
Pinanlakihan siya ng mga mata sa sinabi nito. "Asa ka!"
"Madilim at madulas sa hallway, paano kung–"
"Magdadahilan ka pa talaga para maka-i-score. That was a cheap move, Ryu Donovan!"
Muling natawa si Ryu sa sinabi niya. "Buttercup, I'm just worried about you–"
"Worried mong mukha mo." Sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa flashlight na hawak ni Ryu ay naaninag niya ang daan patungo sa pinto. Bitbit ang bag ay tinungo niya iyon at binuksan. Halos dalawampung metrong hallway ang kaharap ng pinto ng library, at tama si Ryu– madilim nga roon. Ang kaliwang bahagi ng hallway ay pader, at sa ibabaw niyon ay may makikitid na salaming bintana na nakabuka. Mula roon ay pumapasok ang tubig ulan. Sa kanang bahagi naman ng hallway ay ang mga nakasarang conference area at faculty room.
Bumaba ang tingin niya sa tiled floor ng hallway, at sa pamamagitan ng kaunting liwanag mula sa flashlight ay nababanaag niya ang tubig at ilang mga dahong inilipad ng malakas na hangin papasok. Tama si Ryu; siguradong madulas doon. Pero mali ito kung iniisip nitong ang tanging paraan para hindi siya madulas ay ang humawak dito. Pwede niyang baybayin ang daan habang nakahawak sa pader!
Nilingon niya si Ryu na hindi kumilos mula sa kinatatayuan. Tumama sa mukha niya ang flashlight kaya itinaas niya ang braso at bahagyang ini-takip sa mga mata. "What are you waiting for?"
"Kahit na lumabas tayo rito sa library ay hindi pa rin tayo makaaalis ng campus dahil delikado sa daan. All the classrooms are closed and locked, this is the only place we can stay in for a while–"
"Nagdadahilan ka lang yata para hindi tayo lumabas ng library, eh?" banat niya. "What, gusto mong manatili rito buong magdamag?"
"I mean... kung kasama kita, why not?"
Kahit hindi niya nakikita ay ramdam niya ang pag-ngisi ng loko. At doon ay muling bumangon ang inis niya. "Oh, you're really a per–"
"All I wanted is for you to stay here so I can be sure that you're safe. Kahit madilim ay alam kong hindi ka mapapaano. Pero kung ganitong ayaw mong mag-isa, then I guess I will just stay here and wait for a little bit more time. Baka nahirapan lang silang buksan ang generator kaya natagalan ang pagsindi ng ilaw. The generators are located near the stockroom, and at this point, ang lugar na iyon ay bumabaha na rin. So, come back inside and close the door." Ipinatong nito pabalik sa shelf ang flashlight at muling tinipa ang ukulele.
She tsked and slammed the door. Humalukipkip siya, sumandal sa likod ng pinto, at tinapunan ng masamang tingin si Ryu.
"Kung nag-i-enjoy ka sa mga oras na ito, ako ay hindi, Ryu. Hindi ako komportableng ikaw ang kasama ko rito ngayon. Maliban pa roon, I am so tired and sleepy. Starved, too. Gusto ko nang umuwi at matulog. At sa ganitong oras, dapat ay nakatawag na ako sa bahay. Siguradong nag-aalala na sina Mommy at Daddy dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang naririnig mula sa akin. At siguradong alam nilang may bagyo rito sa Carmona kaya lalong mag-aalala ang mga iyon."
Alam niyang wala siyang pwedeng sisihin sa mga sandaling iyon kung hindi ang sarili niya. Kung umuwi na siya kaagad kasabay nina Kaki at Dani, hindi sana nangyari ang ganito sa kaniya. Kung tutuusin, dapat ay magpasalamat siyang may kasama siya sa mga sandaling iyon, dahil kung hindi ay baka nanginginig na siya sa takot at pag-aalala. Ang masama'y baka nawalan pa siya ng malay at nag-iiiyak.
Buti na lang at naisipang sumilip ni Ryu sa library upang hanapin ang pusa nito. Kung hindi ay...
Natigilan siya.
Was that... serendipity?
Ahh, shoot. Why am I thinking about that word again now?
Pero bago pa man niya masagot ang sariling tanong ay muli siyang nakarinig ng malakas na pagkulog, at doon ay napasigaw siya sabay dausdos paupo sa sahig. Niyakap niya ang mga tuhod saka iniyuko ang ulo.
"Don't be scared, Luna. I'm here," ani Ryu sa masuyong tinig. Patuloy ito sa pagtugtog ng ukulele. He played a lively tone this time. Malakas, mabilis. "Just listen to the sound of this instrument and ignore the rumbling noise outside."
Pinanatili niyang nakayuko ang ulo saka ipinikit ang mga mata. Pilit niyang ibinaling ang buong pansin sa tugtog, hanggang sa tuluyang nilamon ng musika ang buong sistema niya.
Hindi niya alam kung papaanong nagawa ni Ryu na alisin ang pansin niya sa ibang bagay. Pero pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay mas malakas pa at mas makapangyarihan ang tunog ng maliit na instrumentong tinutugtog nito kaysa sa sunud-sunod na pagkulog sa labas.
Maya-maya pa'y nag-angat siya ng ulo, at ang una niyang sinulyapan ay ang bintana sa tabi ni Ryu. Doon ay napansin niya ang bahagyang paghina ng ulan. Tumigil na rin nang tuluyan ang pagkulog at pagkidlat. Unti-unti siyang tumayo.
"What's wrong?" si Ryu na natigil sa pagtugtog.
"S-Sa tingin ko ay tumigil na ang ulan."
Napalingon si Ryu sa bintana. Kinuha nito ang flashlight at itinutok sa labas upang muling tingnan ang kondisyon ng panahon. Ilang sandali pa'y hinarap siya nitong muli. "You're right. Tumigil na nga ang ulan pero malakas pa rin ang hangin. I don't think it's safe to go outside because of the darkness. Let's give it a couple more minutes. Kapag wala pa rin ay lalabas na tayo–"
"I can't wait any longer. Let's get out of here." Tumalikod siya at binuksan ang pinto. Pero ang akma niyang paghakbang palabas ay naudlot nang biglang nawalan ng ilaw.
Pinatayan siya ng ilaw ni Ryu Donovan!
Marahas niya itong nilingon. "What the heck?!"
"Battery's dead."
Inis siyang humakbang sa gitna ng dilim palapit kay Ryu. Hindi siya naniniwalang naubusan ng baterya ang flashlight.
Dire-diretso lang siya hanggang sa biglang tumama ang paa niya sa kung anong matigas na bagay dahilan upang muntikan na siyang matumba kung hindi lang naging maagap si Ryu.
Nasalo siya nito; awtomatiko naman siyang napa-kapit sa mga balikat nito.
Marahas siyang napasinghap nang magdikit ang kanilang mga katawan.
"See? You won't be able to get out of this building in good shape unless the lights are back."
The warmth of his breath on her cheek froze her; hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya'y sandaling huminto sa pag-ikot ang mundo. It was a weird feeling, yet it made her stop and think about her actions. Oo, kasalanan niya. Lahat ng ito... maliban sa masamang panahon, ay kagagawan niya.
Sunod na nabaling ang pansin niya sa mga kamay nitong nakaalalay sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ang pagkakahawak na iyon ni Ryu ay tila nagdadala ng kakaibang seguridad sa kaniya. Muli siyang natigilan.
What was she thinking? What was she feeling? Gutom lang ba ito? Pagod? Antok? Ahh, sheesh. She was losing her mind!
At habang nakikipagtalo siya sa sariling katinuan ay bigla siyang nakaramdam ng pangangati ng ilong.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Walang ibang salitang itinulak niya palayo si Ryu.
"Stay away from —" At bago pa niya natapos ang sasabihin ay humatsing na siya nang sunud-sunod.
Si Ryu ay napa-atras. "Sorry, I had to catch you because you almost fell. I mean... don't worry. I'll be here to catch you if you fall."
Oh, gusto niyang singhalan ang hinayupak dahil nagawa pa nitong mag-pick up line! Pero nagtuluy-tuloy na ang paghatsing niya at hindi na niya magawang magsalita pa.
Mabilis niyang binuksan ang bag at kinapa sa loob ang hygiene kit. Nang mahanap ay kung paano na lang niya iyong inilabas. Maingat niyang kinapa ang mga tabletas. Nang makuha iyon ay mabilis siyang kumuha ng isa at diretsong ni-itsa sa bibig. Wala siyang tubig, kaya tiniis niya ang mapaklang lasa ng gamot. She chewed and swallowed hard. Napangiwi siya pagkatapos.
She had to wait for the medication to take effect. At habang naghihintay na umepekto ang gamot ay dahan-dahan siyang naupo at tinakpan ang ilong upang pigilan ang paghatsing.
Makalipas ang ilang sandali ay humupa na ang pakiramdam niya. Niyakap niya ang mga tuhod at tahimik na umiyak.
At umiiyak siya dahil sa labis na pagod, gutom, antok, at inis!
Mommy... Gusto na niyang umiyak.
"Pwede tayong lumabas kung gusto mo at gamit ang sasakyan ko ay pwede kitang ihatid hanggang sa tinutuluyan mo. Hindi pa rin ako komportableng lumabas kung ako ang tatanongin mo, dahil sa lakas ng hangin. Nag-aalala akong may magbagsakang puno ng kahoy at mapaano tayo. I mean, I don't worry about myself. I am worried about you."
Umangat ang ulo niya nang marinig ang sinabi nito. Doon niya napagtantong may liwanag na ulit sa paligid, pero iyon ay nagmumula sa cellphone na hawak ni Ryu.
Kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa.
"Considering how you feel about being here with me, I think it would be best to just offer you a ride and send you home. Kung ano man ang naghihintay na panganib sa atin sa kalsada, I promise I will do my best to protect you. But... the question here is if you trust me. Do you trust me, Luna?"
Do I?
Kung ang pagbabasehan niya ang sinabi sa kaniya ng ama, pagkakatiwalaan ba niya si Ryu Donovan na ang pagkakakilala niya ay baliktad sa impresyon ng daddy niya?
But, did she really have a choice?
Kung hindi siya papayag na ihatid siya nito, ano ang gagawin niya? Higit na mapanganib kung maglalakad siya pauwi. Pero kung pipiliin niyang ihatid siya nito, ano ang garantiya niyang sa apartment niya nito siya ihahatid? Her father always said, she should never accept free rides from strangers. And Ryu Donovan was basically a stranger – perv on top of that.
So, what would she choose?
The danger of the storm or Ryu Donovan?
Humugot siya nang malalim na paghinga.
"Is there a third option?"
Nakita niya ang pagsilay ng ngiti nito sa mga labi. "The third option is to leave you alone. Would that be more suitable for you?"
Humugot siya nang malalim na paghinga. "Okay, let's go."
*
*
*
Nasa lobby na ng building silang dalawa naroon nang bumukas ang ilaw sa tulong ng generator. Natagalan ang mga guwardiya sa pagbubukas niyon dahil nahirapan ang mga itong maghanap ng daan patungo sa storage area nang hindi kailangang sumuong sa baha. She felt the relief when the electricity went back, lalo nang makita niyang kahit papaano ay huminto ang pagbagsak ng ulan at tumigil ang pagkidlat. Sinabi ng dalawang guwardiya na maaaring muling bumuhos ang malakas na ulan, kaya doon nagtumindig ang pagnanais niyang umuwi na.
Kaya kahit mabigat sa loob ay sumama siya kay Ryu.
Ang sasakyan nito ang natira sa parking space, at anong pagkamangha niya nang makita ang pulang BMW M5. Isa iyon sa mga bagong labas na modelo ng nasabing car brand at isa sa pinakamahal. She remembered Brandon showing a photo of that car to their father who owned an old model of the same brand.
Napa-ismid siya nang makasakay. The interior smelt like vanilla and lemon combined. Mamahalin at mabango.
Niyakap niya ang bag nang makaupo na siya sa front seat. Si Ryu ay tahimik na minaniobra ang sasakyan hanggang sa makalabas iyon sa malaking gate ng parking area. Nang nasa daan na iyon ay saka pa lang ito nagsalita,
"You wanna show me the way?"
Sinabi niya ang address, at mangha itong napalingon sa kaniya. "You live around that area? Laging binabaha 'yon, ah?"
Napangiwi siya. "Sa tingin mo ba ay baha doon ngayon?"
"I don't even need to guess." Ibinalik ni Ryu ang tingin sa daan.
Mga mga naglalakihang sanga ng puno ng acacia ang nakaharang sa daan na maingat na iniwasan ni Ryu.
At dahil nga malapit lang ang area niya sa campus ay nakarating silang kaagad doon. Pero hindi na nagawang ipasok ni Ryu ang sasakyan sa kalyeng magdadala sa kanila sa apartment niya dahil sa bukana pa lang ay hanggang tuhod na ang baha. At dahil pababa ang daan ay sigurado siyang mas malalim pa ang tubig sa harap ng tinutuluyan niya.
Susuungin ba niya ang baha?
Pero paano kung may mga bulate sa tubig? Takot siya sa bulate.
Paano kung may ihi ng daga? May ahas? May mga ipis? Mga mga dumi ng hayop?
Paano kung may live wire na naka-laylay sa tubig at makuryente siya?
"Do you eat ramen?"
Napalingon siya kay Ryu nang marinig ang sinabi nito. Ang tingin nito'y nasa harapan. Nasa tubig-baha na iniilawan ng headlights ng sasakyan nito.
"Huh?"
Nilingon siya ni Ryu at ningitian. His smile was tender. "I know a place that serves delicious and authentic Japanese ramen. I haven't eaten all day and I'm starved. Gusto mo bang sumama?"
Matagal siyang nakatitig sa mukha ni Ryu.
Hanggang sa...
"D-Do they also serve udon?"
Lumapad ang ngiti nito. "They sure do. One of their specialties."
Tumango siya. "O-Okay. Let's go."
A/N:
This version of MY HEART REMEMBERS has been edited. This is the improved version of the story. The original copy can be read on Dreame.
Please note that from this chapter onwards, iba na ang takbo ng storya compared sa orihinal na version. Pareho pa rin naman ang ending (LOL) pero mas marami nang ganap ang bersiyon na ito -- everybody is in for the ride!
PS. Thank you for your continued patience with me. I have been inconsistent these past few months and I wish I could make it up to you. (I will do my best! Fighting!)
Love,
Tiyang Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top