CHAPTER 023 - His Buttercup
Nagpasiya siyang h'wag nang sabihin kina Dani at Kaki ang tungkol sa nangyari noong Sabadong iyon. Pagdating ng Lunes ay bumalik siya sa Carmona. Dahil sports festival sa buong linggo, ang lahat ng mga estudyanteng kabilang sa mga sports team ay exempted sa mga lessons.
Sa buong araw ng Lunes ay nasa field sila ng buong volleyball team para mag-practice. Ang mga ito rin ang nakasama niya sa lunch, at pagdating ng hapon ay nagkaroon sila ng maiksing meeting at pasado alas-sinco na naghiwa-hiwalay.
Nasa footwalk sila ng mga team mates niya patungo sa main high school building nang mula sa unahan, pasalubong sa kanila, ay may pamilyar na bulto siyang nakita. Huminto iyon at hinintay siyang makalapit.
"Great timing," bulong niya bago itinuloy ang paghakbang. Nang makalapit na siya ay, "Iniwan ko sa guard house ang coat mo. Washed, dried, and steamed. Malinis pa sa intensiyon mo, kaya kunin mo na lang doon." Then she walked past him.
Narinig niya ang banayad na pag-ngisi nito. "How's the game?"
Umikot paitaas ang mga mata niya at itinuloy lang ang paghakbang. Ang mga team mates niyang kasunod lang niya ay natigilan at nagbulungan nang makita ang lalaki. Sa katunayan ay wala siyang problema sa mga team mates niya, alam ng mga itong wala siyang gusto sa college hotshot. Pero hindi pa rin ang mga ito sanay sa presensya ng lalaki, kaya ganoon ang reaksyon ng mga ito.
"Can we cheer for you on your first game on Friday?"
Sa sinabi ni Ryu ay napahinto siya at napalingon. "Ayaw kong matalo, kaya h'wag ninyong gagawin 'yan ng mga tropa mong baduy."
Ryu's grin was wide and bright. "Well, ayaw kong matalo ka kaya sige, hindi namin gagawin. But we will still watch, and we will still clap whenever you score."
"Suit yourself." Sinulyapan niya ang mga teammates na hindi kumilos sa kinatatayuan. "Let's go."
"May gumugulo pa rin ba sa yo?"
"Meron. Kaharap ko ngayon."
Lalong lumapad ang ngisi ng luko-luko. "I mean, the college girls. Are they still glaring at you?"
"I didn't notice." Which was true. At hindi niya alam kung dahil sa nasanay na siya, o dahil buong araw ay nagpa-practice lang sila sa field, o talagang wala na?
"I made sure they'd leave you alone. Pero kung mayroong matigas ang ulo, let me know and I'll talk to them."
Muli lang niya itong in-ismiran bago siya muling nag-akmang tatalikod upang ituloy ang paghakbang.
"Hindi ba nanood ng practice game ang dalawa pang Powerpuff Girls?"
Kumunot ang noo niya. "Excuse me?"
"Sina Dani and Kaki. Hindi ba sila nanood at naghintay sa 'yo hanggang sa matapos?"
"Did you really just call us The Powerpuff Girls?"
Ngumisi itong muli. "I did."
"Why?" Ganitong pagod siya sa practice ay ayaw niyang pinaglololoko siya.
"Because you're a trio, and you all look cute. You don't like it?"
"I despise it."
"Why not?"
"Dahil hindi namin kailangan ng baduy na pangalan para sa pagkakaibigan namin. Dahil hindi kami jologs katulad ninyo, Alexandros."
Natawa ito sa sinabi niya. "Sayang. Bagay pa naman kay Dani na tawaging Blossom. Bagay kay Kaki na tawaging Bubbles. At ikaw... bagay tayo."
Tuksuhan ang mga team mates niya sa kanila; kinilig sa pasada ni Ryu.
Ah, kaya pala tinatawag mo akong Buttercup, walang 'ya ka, ha...
Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago sumagot sa huling sinabi nito, "Listen, Ryu. Pagod ako ngayon at gusto ko nang umuwi sa apartment ko. Pwede bang tantanan mo ako? I really can't deal with you today. And just please– don't ever call us that. Masakit sa tenga."
Nagkibit-balikat ito. "Okay, I won't call your trio The Powerpuff Girls, but I will continue calling you My Buttercup. Will that be okay?"
Hindi magkamayaw ang tili at panunukso ng mga ka-team niya sa likod. She was pissed, pero kinontrol niya ang emosyon. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang mga tingin nito.
"Suit yourself."
Itinuloy na niya ang paglalakad at iniwan ito.
*
*
*
Sa sumunod na mga araw ay naging abala si Luna sa mga practice games bilang paghahanda sa nalalapit na first game laban sa Senior High School. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay diretso ito sa field para sa arawang practice.
Sina Dani at Kaki ay nagtaka sa biglang paghinto ng mga lotus origami at free lunches; sa kabila ng alam ng mga itong natapos na ang suspension ng grupo at nakabalik na sa campus. Hindi niya masabi sa mga ito na nakausap ni Ryu ang daddy niya, at na sinabihan itong itigil muna ang mga ginagawa hanggang sa tumuntong siya sa disi-otso.
Na parang kay layo pa ng araw na iyon.
Apat na linggo na lang at magdi-disi otso na siya. Ibig sabihin ay apat na linggo lang na magpapahinga si Ryu Donovan. Sapat na panahon na rin siguro 'yon para sanayin niya ang sariling makitang wala nang origami sa desk niya. Because that empty feeling she felt inside whenever that folded paper was missing on her desk was making her uncomfortable. Ayaw na niyang maramdaman iyon kaya gusto na niyang masanay na wala na iyon. That 4-week break from Ryu Donovan's existence should suffice.
Friday came, and the first volleyball game between the junior and senior high got canceled due to the storm. Biglang bumagsak ang malakas na ulan nang umagang iyon kaya umaga pa lang ay ni-kansela na ang mga laro. Marami ang na-dismaya at nawalan ng gana. Dahil sa malakas na ulan at hangin ay sinabihan siya ng mga magulang na h'wag nang piliting umuwi sa bayan nila sa gabing iyon. Her parents said they would just give her a visit the next day. At dahil hindi siya uuwi sa kanila sa gabing iyon ay nagpasiya siyang manatili na lang muna sa campus pagkatapos ng huling klase nila sa hapon.
"But why?" tanong ni Kaki nang sabihin niyang hindi pa siya uuwi. It was already five in the afternoon; nag-extend ng kalahating oras ang guro nila sa huling klase.
"Wala naman akong gagawin sa apartment. And besides, malakas pa naman ang ulan. Maya-maya na ako uuwi kapag medyo humupa na."
"Ano ka ba, ihahatid ka na lang namin sa apartment mo," sabi naman ni Dani na ini-sukbit na sa balikat ang bag. "Sumabay ka na sa amin."
"That's right," sabi pa ni Kaki. "Pauwi na rin halos lahat ng estudyante, eh. Hindi kami mapalagay na iwan kang mag-isa. Sasabay na rin ako kay Dani, papahatid ako sa terminal ng trayk na sinasakyan ko pauwi sa 'min. Hali ka na."
She chuckled and carried her books in her arm. "I'll be fine, you guys. Doon muna ako sa library magpapalipas ng oras. Ibabalik ko 'tong mga hiniram ko noong nakaraang linggo at hihiram pa ng panibago. I'll stay for a bit, too."
Napanguso si Dani. "May family dinner kami by 6:30 kaya kailangan ko nang magmadali. Are you sure you're going to be fine?"
"Hundred percent."
Alanganing tumango ang dalawa. Sabay silang lumabas ng main high school building. Dahil covered naman ang footwalk patungo sa library na nasa pagitan ng main high school building at college building ay komportable siyang naglakad kahit wala siyang dalang payong.
Pagkarating niya sa library ay kaagad niyang tinumbok ang pinakadulong pwesto na nakaharap sa sliding glass window at doon naupo. It was her favorite spot; tahimik, pribado. Nang pumasok siya'y hindi niya dinatnan ang librarian; ang tanging naroon lang ay dalawang babaeng estudyante na mula sa accounting department. Dahil Friday ay inasahan niyang walang gaanong tao sa library sa ganoong oras.
Malaki at malawak ang school library na parehong bukas para sa high school at college students. Ang dulong bahaging iyon na pinuwestuhan niya'y natatakpan ng mga nagtataasang bookshelves at mula sa entrance ng library ay walang makapapansin sa kanya malibang umikot sa bahaging iyon.
Matapos niyang ilapag ang bag sa ibabaw ng mesang pu-pwestuhan niya ay binitbit niya ang lahat ng librong ibabalik niya saka siya nagtungo sa desk ng librarian. Nasa ibabaw ang logbook at doon ay ini-sulat niya ang lahat ng mga detalyeng kailangan para sa return process. Matapos iyon ay umikot siya at hinanap ang mga librong nais niyang hiramin at basahin. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik siya sa napili niyang pwesto bitbit ang tatlong fiction books.
Sa loob ng mahigit isang oras ay nasa binabasang libro lang ang konsentrasyon nya; kung may ingay man mula sa pagbukas at pagsara ng pinto ay sadya niyang hindi pinapansin. She was so engrossed in the book she was reading; para sa kaniya ay iba pa rin ang hatid ng mga physical books kompara sa mga nauuso ngayong electronic copies.
Nang makaramdam ng pagod ang mga mata'y ini-sara niya ang librong binabasa. Tinandaan niya ang pahina upang bago matulog mamayang gabi ay maipagpatuloy niya. Ini-silid niya sa bag ang tatlong librong hihiramin saka tumayo upang silipin sa sliding glass window ang status ng panahon. Bahagyan siyang napaungol nang makina ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan. Halos hindi na niya maaninag ang paligid; at kahit ang mga ilaw sa labas ay patay-sindi dala ng masamang panahon.
Yumuko siya at sinulyapan ang relo sa bisig; it was twenty minutes past six o'clock.
May dala siyang payong na nasa locker room, pero sa tindi ng ulan ay alam niyang mababasa pa rin siya kung lalabas siya ngayon. With that in mind, she decided to stay for a little while.
Bumalik siya sa pagkakaupo at inilabas ang cellphone sa bag. Nakita niya ang mga text messages nina Dani at Kaki, nagtatanong kung nakauwi na siya dahil lalong lumakas ang ulan at baha na sa ilang mga kalsada.
She groaned again. Naayos na ang drainage ng kalsada sa harap ng apartment niya pero nag-aalala siyang baka bumaha na naman doon.
Dapat pala ay umuwi na ako kanina...
Nag-type siya ng reply kay Dani para sabihing nasa library pa rin siya, subalit nang i-send na niya iyon ay bigla namang may lumabas na notification sa screen ng cellphone niya na walang signal sa area.
Fudge!
Napa-buntonghininga na lang siya at nangalumbaba sa mesa. Inisuksok niya pabalik ang cellphone sa bulsa ng suot na palda saka nanlulumong pinagmasdan ang pagbagsak ng ulan mula sa kaharap na salaming bintana
Let's just hope the rain will stop... sabi niya sa sarili.
Sa mahabang sandali ay nanatili siyang nakatunganga sa harap ng bintana, hanggang sa humalili ang antok at kusang pumikit ang kaniyang mga mata.
*
*
*
Malakas na dagundong ang nagpamulat kay Luna mula sa pagkakaidlip. Ang una niyang nakita pagkabukas ng kanyang mga mata ay ang tuluy-tuloy pa ring pagbuhos ng malakas na ulan sa labas ng salaming bintana. Sunod niyang nakita ay ang pag-guhit ng kidlat sa madilim na langit, dahilan kaya napauklo siya at napayakap nang mahigpit sa backpack na iniunan niya. Sinulyapan niya ang relo, seven-fifty two.
Crap!
She slept for almost two hours! Ni hindi niya namalayang nakatulog na siya, at ngayon ay lumala pa ang lagay ng panahon.
Muli ay napa-piksi siya nang sunud-sunod na nagpakawala ng malalakas na kulog ang langit. She closed her eyes tightly and braced herself all the more. Takot siya sa kidlat; sa tuwing nakakakita siya niyon ay pakiramdam niya, tatamaan siya.
Hindi niya mawari kung gaano siya ka-tagal na nakapikit at yakap-yakap ang sarili. Nang hindi na muling kumulog ay saka siya nag-mulat at in-ikot ng tingin ang paligid. Doon lang niya napagtantong nakapatay ang ilaw sa buong library, at ang tanging liwanag na nagbibigay tanglaw sa kaniya ang mula sa ilaw ng poste sa tapat ng bintana.
Napamura siya sa isip. Mukhang napagsarhan pa siya ng library...
Nang maisip na hindi siya makauuwi sa gabing iyon ay hinablot niya ang bag saka mahigpit na niyakap. Pinigilan niya ang sariling umiyak. She didn't want to cry for something like this. Kahit pa ba takot siya sa kidlat, hindi siya panghihinaan ng loob.
Tumayo siya habang yakap-yakap pa rin ang bag. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang palda at tiningnan kung bumalik na ang signal. Nanlumo siya nang makitang nakapatay na iyon. Her phone battery must have drained. Ibinalik niya iyon sa bulsa, saka buong tapang siyang humakbang palabas doon sa area na in-upuan niya.
Pilit niyang ni-ignora ang pag-kalam ng sikmura. Tuluy-tuloy siya sa maingat na paghakbang hanggang sa marating na niya ang dulo ng shelf na nagkukubli sa area na pinanggalingan niya. Pero tila siya pinaglalaruan ng langit, dahil saktong papaliko na siya sa daan patungo sa pinto nang bigla na namang kumulog nang malakas kasabay ng nakasisilaw na pagguhit ng kidlat.
Impit siyang napatili kasunod ng pag-upo sa sahig. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata kasabay ng pagyakap sa bitbit na bag. Muling kumulog nang malakas sanhi ng pag-vibrate ng lupa na gumapang sa buong gusali. That scared her, so she lifted her hands and covered her ears. Sa pamamagitan niyon ay hindi niya maririnig ang pag-kidlat at pagkulog. Maiiwasan niya ang lalong pag-bangon ng takot sa dibdib, at kahit papaano'y maiwasan niyang mag-panic.
Ilang sandali pa, nang wala na siyang maramdamang vibration, ay saka siya dahan-dahang nagmulat.
Sumalubong sa kaniya ang kadiliman.
She panicked; nawalan ng ilaw ang buong campus!
"Fudge!" bulalas niya at nag-akmang tatayo upang takbuhin ang pinto nang bigla siyang nakarinig ng tinig mula roon.
"Who's in there?"
Natigilan siya.
May lalaki sa pinto!
Pero teka...
Sa kabila ng ingay ng ulan mula sa labas, sigurado siyang pamilyar na tinig ang kaniyang narinig. Sigurado siyang pamilyar ang tinig ng lalaking iyon sa pinto.
"Hello?" sabi pa ng lalaki.
Salubong ang mga kilay na sumilip siya mula sa siwang ng mga libro sa shelf na sinasandalan niya. Muling kumidlat at kumulog, at mula sa liwanag na dala niyon ay nakita niya ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto.
Napalunok siya nang makumpirma ang hinala.
Ryu Donovan!
Ano'ng ginagawa niya rito?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top