CHAPTER 022 - First Visit




            "Is she your first born, Ninong Mick?" narinig niya tanong ni Blaze sa kaniyang ama.

            "Yes. And you know her?" takang tanong naman ng daddy niya.

            She and Ryu couldn't take their eyes off each other. Pareho silang mangha sa mga sandaling iyon, pero siya ay nabahiran na ng inis ang nararamdaman dahil ngayon ay alam na niya kung bakit marami itong alam tungkol sa kaniya.

            And then, Blaze Panther.

            Shit. Ito ang batang inalagaan ng daddy niya bago pa man magpakasal ang mga magulang niya? She just learned about the story, but she never expected that Blaze Panther, one of the Alexandros, would be connected to her family.

            What were the odds, huh?

            Ibinalik niya ang pansin kay Ryu. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Sasabihin mo na namang nagkataon lang 'to?"

            Naguguluhang pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaniya at kay Blaze.

            "Did you know?" tanong nito sa kaibigan.

            Seryoso ang anyong umiling si Blaze.

            Ibinalik ni Ryu ang tingin sa kaniya. "We had no idea."

            "That's bull–"

            "Bella," mariing suway ng kaniyang ama. "Don't speak like that in front of my guests."

            Napayuko siya. "Sorry, dad."

            "What's going on?" narinig niyang tanong ng mommy niya na lumabas mula sa kusina.

            Napangiwi siya. The situation was getting worse for her!

            Si Brandon ang sumagot. "Mukhang kilala nina Teacher at ni Mr. Donovan si Ate, mom."

            "Oh!" Napasinghap ang mommy niya. "You're the guy on the video!"

            Lalo siyang napangiwi. Sabi na nga ba niya, eh.

            "Video? What video?" tanong ng daddy niya. "Am I missing something here? What's going on? Bakit kilala ng lahat ang isa't isa maliban sa akin at kay Brandon?"

            Naramdaman niya ang paglapit sa kaniya ng ina at ang pag-akbay nito sa balikat niya. "Oh, it's nothing, dad. Akala ko lang ay nakita ko itong poging binatang ito sa video na ni-upload minsan sa social media page ng CSC. 'Guess I was wrong. And hi, Blaze! How's your mom?"

            "Hi, Ninang. Mom's doing great, she's getting better each day."

            "I'm glad to hear that, hijo. Well, I was just setting the table when I heard Luna's voice; akala ko ay kung ano ang nangyayari."

            Si Blaze ang narinig niyang muling nagsalita. "I had no idea that you are related to Ninong Mick, Miss Luna. Maraming Castillo sa bansa, let alone here in Esmeralda."

            "That's true," sagot ng daddy niya. "Marami kaming ka-apelyido rito na hindi namin kaano-ano. So, I guess you met each other at CSC? I didn't know you're still studying, Blaze. I thought you quit college to manage the pub and to work as a music teacher."

            "Hindi rin ako madalas na pumapasok, Ninong. Lunes hanggang Miyerkules lang ang pinapasukan kong klase dahil abala na ang pub pagdating ng Huwebes at Biyernes."

            Doon siya nagtaas ng tingin. "Okay, Blaze Panther's presence in our house make sense, pero bakit narito rin ang isang 'to?" Itinuro niya si Ryu na hindi pa rin maalis-alis ang tingin sa kaniya.

            "He needs a family lawyer who specializes in annulment cases," Blaze answered.

            Pinanlakihan siya ng mga mata, at naintindihan ni Ryu ang ibig sabihin ng reaksyon niyang iyon kaya napangiti ito at nagsalita, "For my parents."

            Sinimangutan niya ito at inirapan.

            "I suggested your father," patuloy na paliwanag ni Blaze. "Kaya sumama siya sa akin papunta rito sa Esmeralda. We both had no idea that you are part of Ninong Mick's family."

            Naramdaman niya ang bahagyang paghigpit ng kamay ng ina sa kaniyang balikat. Umangat ang tingin niya rito at nakita niya ang nakangising mukhan ng mommy niya. Kinunutan siya ng noo. Yumuko ito at may ibinulong,

"Well, I guess that's serendipity right there, honey."

"It is not, mom!" she hissed. Her eyes widened in disapproval.

Ngumisi lang ang mommy niya bago bumitiw at humakbang palapit sa dalawang bisita. Nakipagkilala ang mga ito sa isa't isa, at habang nangyayari iyon ay tumalikod siya at bumalik sa kusina.

*

*

*

            Hindi niya alam kung paano niyang nalunok ang mga pagkain sa durasyon ng pananghalian. Sinadya ng mommy niya na maupo si Ryu sa harapan niya at kahit gustuhin niyang supladahan ito'y hindi niya magawa dahil ayaw niyang lalong mag-taka ang daddy niya.

            Ang mga magulang niya at ang dalawang bwisita lang ang nag-usap; pinag-usapan ng mga ito ang pub na pag-aari ng pamilya ni Blaze sa Carmona. Doon niya nalamang isang taon lang na nanatili sa poder ng daddy niya si Blaze noong tatlong apat na taong gulang ito. Wala nang ibang pamilya si Blaze maliban sa ina kaya ang daddy niya ang kumupkop dito. Nang gumaling ang ina ni Blaze ay binawi nito ang bata at muling bumalik sa Carmona. Sa parehong taong iyon ay nagpakasal ang mga magulang niya. Noong nakaraang taon lang daw muling nagkita ang daddy niya at si Blaze noong pumasok ang huli sa music training center kung saan nag-enrol si Brandon.

            Napag-usapan din sa harap ng hapag ang tungkol kay Ryu Donovan. Ipinaliwanag nitong kasalukuyang nasa Carmona ang ina nito at masama ang pakiramdam kaya hindi nakapunta. Pinakiusapan lang nito ang anak na puntahan at kausapin ang abogado para sa proseso ng diborsyo. Dahil hindi pwedeng pag-usapan ang mga detalye tungkol sa annulment case ay napag-usapan ang tungkol sa buhay ni Ryu.  At kahit ayaw niyang makinig ay napilitan siya; and there, she got to know him better.

            Ryu Donovan was born in Japan; he lived there until he was seven and moved to the US with his parents until he was twenty-one. Magda-dalawang taon pa lang raw ito sa bansa, at pinuri ito ng daddy niya dahil sa galing nitong mag-Tagalog. Ryu explained that his mother spoke the native language everyday, hence, his fluency in Tagalog. His father was half-Irish and half Japanese, while his mother was pure Filipina. Wala itong ini-kwento tungkol sa pamilya, and she understood it was only to protect the privacy of his family's status and his parents' annulment.

            Kung ano-ano pa ang ini-kwento ng mga magulang niya, at may pagkakataon pang napapayuko at napapangiwi na lang siya sa tuwing siya naman ang ibinibida nito sa dalawang bisita. At kahit hindi siya mag-angat ng tingin, ramdam niya ang mga mata ni Ryu sa kaniya, at ang nakapaskil nang ngisi sa mga labi nito.

            Oh, how she hated his grin.

            Matapos ang tanghalian ay tumulong siya sa mommy niyang magligpit ng pinagkainan; sila naman ni Brandon ang nagtulongang maghugas ng plato.

            Ang daddy niya at si Ryu Donovan ay nag-usap sa home office, habang si Blaze at ang mommy niya naman ang nag-usap sa living area. Matapos nilang linisin ni Brandon ang kusina ay nag-akma na siyang aakyat sa kaniyang silid nang saktong lumabas ang daddy niya at si Ryu mula sa home office. At dahil nasa tabi lang ng landing ang home office ng daddy niya'y kaagad silang nagkasulubong ni Ryu. In-ismiran niya ito, pero tinawag siya ng ama.

            "Mr. Donovan is going ahead, Bella. Hindi ka ba magpapaalam sa kaniya?"

            Why would I, dad? Pinigilan niya ang sariling sabihin iyon. Huminga siya nang malalim at tinapunan ng masamang tingin si Ryu bago siya nagsabing, "Bye."

            "Say it in a proper way, sweetheart," sabi pa ng ama niya.

            "Dad–"

            "Please?"

            She puckered and looked up to meet Ryu's eyes. At syempre, naka-paskil pa rin sa mga labi nito ang bwisit nitong ngisi.

"Good bye, Mr. Donovan. Have a safe drive back to Carmona." Kung tutuusin ay marami namang family lawyer sa Carmona, bakit ang daddy pa ang ni-rekomenda ng magaling na Blaze na 'yon?

"Thanks so much, Luna," nakalolokong sagot ni Ryu. "Catch you on Monday?"

Catch mo'ng mukha mo. "For sure." Itutuloy na sana niya ang pag-akyat nang muling nagsalita si Ryu, pero ang daddy na niya ang kausap nito.

"Can I have a quick talk with Luna before we go, Attorney Castillo?"

"Oh, of course."

Sa nanlalaking mga mata'y sinulyapan niya ang ama, pero bago pa siya may masabi ay nauna na itong nagsalita, "I'll be in the living room with your mom and Blaze."

Hindi na siya nakasagot pa nang iniwan na sila ng ama. Nang tuluyang makalayo ang daddy niya ay muli niyang tinapunan ng masamang tingin si Ryu, at sa naiinis na tinig ay,

"Just so you know, I don't like this, Ryu Donovan. I am not happy with this and this is pissing me off."

At tulad ng inasahan niya'y ngumisi ito. "Do you believe in coincidence, fate, and serendipity now?"

She gritted her teeth in annoyance. "Sinadya mo 'to, ano?"

"Nope. I was genuinely surprised– and pleased– to discover that the lawyer Blaze had recommended was your father. This is a good sign that I am getting closer to my dream."

"Your dream? And what the heck was your dream– ang guluhin ang buhay ko?"

"Ang maging parte ng buhay mo."

"Oh, you're really getting in my nerves!" Nilapitan niya ito at hinawakan sa kwelyo ng suot nitong brown topcoat. Kahit na mababa siya kompara rito ay nag-asta siyang mas malaki at mas matangkad dahil ni-kwelyohan niya ito. "Kapag sinabi ko sa daddy ang ginagawa mo sa akin sa CSC, sa tingin mo ba ay itutuloy niya ang paghawak sa annulment case ng mga magulang mo? Sa tingin mo ba ay mananahimik lang siya at hahayaan kang magpatuloy?"

Ngumiti si Ryu at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa coat nito. Bumaba roon ang tingin niya.

"I told your father that I like you."

Kasabay ng malakas na pagsinghap niya ay umangat ang tingin niya rito. "You what?!"

"I also told him what I was doing, and he asked me to stop it."

Doon niya binawi ang kamay mula rito. "Buti naman at–"

"For now, that is. Sinabi niyang hintayin kong tumuntong ka sa disi-otso bago ko ituloy ang panliligaw." Lumapad ang ngisi ni Ryu, habang siya naman ay muling pinanlakihan ng mga mata. "Well I guess that only meant one thing, Buttercup. Nakuha ko ang boto ng daddy mo."

Sa labis na pagkamangha ay hindi siya kaagad na nakasagot. Hanggang sa muling ngumisi si Ryu at itinuloy ang paghakbang patungo sa living area.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top