CHAPTER 021 - What Are The Odds?




"Kanina ko pa pansin 'yang panunulis ng nguso mo, ate."

            Mula sa pagbabalat ng patatas ay nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sinabi ng ina. It was Saturday morning and she was back home to spend the weekend with her family. Nasa kusina sila ng ina sa mga sandaling iyon at naghahanda ng tanghalian.

            Ang mommy niya ay nakayuko sa nilulutong sabaw; hinahalo nito iyon upang umilalim ang mga karne. "May problema ba sa school? Are you having a hard time? Kagabi sa hapunan ay ganiyan ka rin. Nakatulala ka lang sa mesa."

            Umiling siya at ibinalik ang pansin sa pagbabalat ng patatas. Nang makitang hindi lang balat ang natuklap mula sa pagpi-peel niya roon ay napabuntong-hininga siya at binitiwan ang hawak. She stood up, went to the sink and washed her hands.

            "Hindi talaga ako pang-kitchen, mommy."

            Her mom chuckled and turned to her. "Kaya nga kita pinapatulong para masanay ka, 'di ba? I could handle all the cooking without any help, but I wanted you to learn how to cook so I asked you to be here. Pagbabalat pa nga lang ng carrots, eh." Lumapit ito at masuyo siyang dinama sa pisngi. "Tell me, sweetheart. Ano ang problema?"

            Umiling siya at pinatay ang gripo. Humugot siya ng kitchen tissue at ipinunas iyon sa kamay bago paiwas na bumalik sa table upang ituloy ang ginagawa. Nag-umpisa siyang hiwain ng malalaking cubes ang patatas.

            "You're not going to tell me?" sabi pa ng mommy niya na sumunod sa table. Tumayo ito sa kabilang bahagi paharap sa kaniya.

            "It's nothing, mom. Napapaisip lang ako kung papaano ko sasagutan ang napaka-hirap kong homework."

            "Well, if you need help, I could help. Pasasaan ba't naging teacher ako?"

            "Thanks, mom. Pero gusto kong i-challenge ang sarili ko kaya sasagutan ko 'yon nang ako lang."

            "Kuuu. Parehong-pareho kayo ng kapatid mo." Binalikan na ng mommy niya ang niluluto at muling hinalo. "Well, bilisan mo na ang paghiwa niyang patatas dahil maya-maya'y narito na ang daddy mo't si Brandon. In-imbitahan ng daddy mo ang piano teacher ni Brandon para dito na mananghalian."

            Napatingin siya sa mga ulam na nakasalang sa over. Doon niya napagtanto kung bakit kay rami ng inihanda ng mommy niya sa araw na iyon. Itinuloy niya ang paghiwa ng patatas at muling nanahimik. Hindi niya maintindihan, pero kahapon matapos nilang mag-usap ng Ryu Donovan na iyon sa parking space ng CSC ay hindi na ito nawala sa isip niya. Well, it wasn't really him that she was thinking about. It was the thing he said.

            About that thing he called serendipity.

            There is no such thing, she thought. Ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil ang tao mismo ang pumipili at nagdedesisyon kung papaano patatakbuhin ang buhay nila. Nothing happens just because. So there is no fate and no coincidence. And definitely no serendipity.

            Pero ano ba talaga ang alam niya tungkol sa serendipity? Sapat ba ang kaalaman niya tungkol sa bagay na iyon para sabihin niyang hindi totoo? Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Ryu? Na ang madalas na pagku-krus ng landas nila ay sanhi ng hindi maipaliwanag na pangyayari na tanging ang uniberso lamang ang may likha?

            "Damn it," bulong niya sa sarili. "Kung ano-ano na rin tuloy ang iniisip ko ngayon."

            "What did you say, hon?"

            Napatuwid siya nang marinig ang ina. Umangat ang tingin niya rito. "Huh?"

            "Narinig kong may sinabi ka." Kumuha ito ng kutsara sa drawer at inilubog sa sabaw upang kumuha nang kaunti at matikman. Sinulyapan siya nito. "You were mumbling."

            "Oh." Muli niyang niyuko ang mga nahiwa na niyang patatas. Hiwa na ang lahat kaya tumayo siya at inilagay ang mga iyon sa stainless bowl na nasa ibabaw rin ng mesa. Dinala na muna niya ang mga iyon sa lababo upang hugasan, at habang ginagawa niya iyon ay saka siya muling nagsalita. "Do you believe in serendipity, mom?"

            Napangiti ang mommy niya sa tanong. Sumandal ito sa mesa at humalukipkip. "Oh, serendipity does exist, honey."

"It does?'

"Yeah. I used to have my own experience with that."

"You did, huh?" Pinatay niya ang gripo at hinarap ang ina. "How do you define serendipity in your own perspective? And what was your experience with it?"

            Nakangiting ibinaling ng ina niya ang tingin sa kitchen glass window na nakatanaw sa likurang bahagi ng bahay nila. Ang bahaging iyon ay bakanteng lote na tinubuan ng nagtataasang damuhan. It was a property that her mom inherited from her parents.

            "For me, serendipity happens randomly at the right time that leads you to where you need to be; things like happy coincidences. For example, seeing a handsome stranger on the other side of the train platform. You find yourself looking at him for so long until the train arrives that brings you back to the reality. Pag-alis ng train ay wala na ang poging lalaking iyon sa katapat na platform. And you thought it ended there, but then, the next month, you found the same guy having coffee at your favorite coffee shop, silently reading a book. You wanted to introduce yourself so you could get connected, but then, biglang dumating ang mga kaibigan niya at nahiya ka nang lumapit pa. You left the coffee shop with an empty heart, yet deep within you wished na sana, magkita ulit kayo. But days and weeks and months passed, hindi mo na siya nakitang muli, and you realized that he was just a tourist visiting your town and there was no way you'd meet him again. Three, four years later, you are at your work doing your job when suddenly, someone comes to pick up one of your students. And guess what, it was the stranger you saw a couple of years back."

            Kinunutan siya ng noo, at iyon ang nalingonan ng mommy niya. Bahaw itong natawa.

            "Well, you guessed that right. I was the woman, your dad was the handsome stranger."

            "And that was your serendipity?"

            "It was, honey. Your father was only visiting this town when I first saw him at the train platform. He came to visit a sick friend at noong panahong nakita ko siya ay paalis na siya at pabalik na ng America kung saan nakatira ang buo niyang pamilya. But the next month, he went back because his friend died from his disease. Iyon ang pangalawang beses na nakita ko siya sa coffee shop. Four years had passed and he came back again, picking his friend's son from the school where I was practice-teaching. Nag-usap kami at sinabi ko sa kaniya ang ilang beses na nakita ko siya. He invited me for a coffee and I guess... the rest was history."

"Oh." Parang hinaplos ang puso niya sa mga narinig sa ina. This was the first time she heard the story about how her parents met.

"And take note, honey. Noong araw na pumunta siya roon para sunduin ang inaanak niya ay iyon din ang huling araw ng kontrata ko sa Montessori. If it wasn't serendipity, what is?"

            "So... serendipity works like fate? You and dad were fated to meet, no matter where you both were."

            "Well, they are somehow similar, but not totally. Fate is inevitable– it's predetermined by the universe. Serendipity, on the other hand, can be described as... finding something more valuable than the one you were supposed to look for."

            "I... don't get it." Dito niya napagtantong tunay na wala siyang alam tungkol sa bagay na ito.

            "Okay, let me put it this way." Tuluyan na siyang hinarap ng ina. "Noong pangatlong beses na nagkita kami ng daddy mo, it was actually in Carmona. That was my last day of training, at nakaplano na akong umuwi rito sa bayan ng Esmeralda sa susunod na araw. The truth was, gusto na sana akong i-hire ng montessori para magturo sa kanila nang regular, but I declined the offer and chose to move back here to Esmeralda so I could apply in a public school. Sa mismong public school kung saan din dating nagturo ang nanay ko. As for your father... At that time, he permanently moved here in the country to care for his friend's son. He was then the guardian because the boy's mother couldn't look after him. She was... mentally sick that she had to be confined in a mental care facility for a year. Ang rason ng daddy mo sa pagtungo sa Esmeralda ay para alagaan ang anak ng matalik niyang kaibigan, but he found me, and I found him. And that's our serendipity, Luna. Your father and I started out on the path for different reasons, but somehow, this path led us to where we were supposed to be. And we couldn't be happier, honey."

            Tumango siya. Ngayon ay naiintindihan na niya.

            "Why are you asking this, anyway, hun?" Binalikan ng mommy niya ang niluluto. Inabot nito mula sa kaniya ang stainless bowl kung saan naroon ang hinugasan niyang patatas.

            "There is... this guy in my school, mom, claiming that what we were having was serendipity."

            Napangiti ang mommy niya, at sa nanunuksong tinig ay, "OK, and then? I need more details to understand, honey."

            "Sa maraming pagkakataon ay nagku-krus ang landas namin, sa gate man, sa cafeteria, sa library, sa gymnasium, o kahit sa footwalk lang. We always cross paths, and I think he was just stalking me, pero lagi niyang sinasabi na hindi sinasadya ang lagi naming pagkikita. He said the universe must have had plans for us, and what's happening could be a sign of serendipity. What are your thoughts, mom?"

            "Well, firstly...may nanliligaw na pala sa unica hija namin at hindi man lang siya nagku-kwento?"

            Umikot paitaas ang mga mata niya. "Mom, hindi ako nagku-kwento dahil hindi ako interesado."

            Her mother giggled and placed the stainless bowl back into the sink. Muli siya nitong hinarap. "I don't think it can be called serendipity, but it could be fate."

"Eeww."

Lalong humagikhik ang ina niya. "However, honey, ang madalas ninyong pagkikita sa CSC ay hindi naman talaga malabong mangyari. Natural na magkrus ang landas ninyo sa gym, o sa library, o sa cafeteria dahil nasa iisang solar lang kayo naroon.You meeting and seeing each other on a daily basis is inevitable because you move in the same circle. I can't see any signs of serendipity, unless there was more to the story that you weren't telling me about?"

"That's all in it, mom." Paiwas siyang tumalikod at tinungo ang fridge upang maghanap ng juice na maiinom.

Loko 'yong Ryu Donovan na 'yon ah? Serendipity talaga, ha? Loko!

            But wait. Bakit siya nakaramdam ng kaunting panghihinayang?

            "Well, makikilala ko ba siya?" tanong pa ng mommy niya. "Oh wait, is he the guy on the social media post?"

            "Yes, that's the guy. And no, hindi mo siya makikilala dahil walang dahilan para makilala mo siya." Naglabas siya ng isang can ng pineapple juice mula sa fridge. Saktong pabalik na siya sa sink upang kumuha ng baso sa cupboard nang bigla namang sumulpot sa entryway ng kusina ang kapatid niya.

            "We're home!"

            "Hey, honey," bati ng mommy nila. "Malapit nang maluto ang mga ulam. The table is set, too, so please tell Dad to come over to the dining table in five minutes."

"Kasama naming dumating si Teacher, mom. At may kasama siyang kaibigan na magha-hire kay dad para sa isang case. Do you want me to add more plates to the table?"

"Oh, really? Well, don't worry about it. Kami na ni Ate ang bahala sa mesa." Siya naman ang hinarap ng ina. "Honey, dalhan mo muna ng maiinom ang daddy at ang mga bisita. I will take care of the table."

Tumango siya at akmang lalabas ng kusina upang itanong sa ama kung anong inumin ang nais ng mga ito nang muli siyang tawagin ng ina.

"Just so you know, honey. Brandon's piano teacher is the same little boy your father took in his care. At siya ring dati kong estudyante sa Montessori roon sa Carmona."

Pinanlakihan siya ng mga mata. "Really?"

Tumango ang mommy niya. "Go ahead, your father will introduce him to you."

Mabilis na tumalima. Lumabas siya sa kusina at tuluy-tuloy na naglakad patungo sa living area.

Pero bago pa man niya tuluyang marating ang sala ay nahinto na siya nang makita kung sino ang mga nakaupo sa harap ng ama.

Two familiar faces.

            Kumabog nang malakas ang dibdib niya.

            At habang tulala siyang nakatayo roon ay nilapitan siya ni Brandon saka siniko. "Ano'ng problema mo, ate?"

            Ang daddy niya ay napalingon sa gawi nila ng kapatid, at nang makita siya'y malapad itong ngumiti. "Oh, come here, Bella. I want you to meet Brandon's piano teacher."

Napalingon din ang dalawang lalaki, at nang makita siya'y manghang kinunutan ng noo ang mga ito.

"Honey," ang daddy niya na nakangiting binalingan ang dalawang lalaki. "This is Blaze Panther, Brandon's piano teacher. And this one here is Mr. Ryu Donovan; his mother is my new client."

Napaatras siya; hindi makapaniwala sa nakikita.

"Luna?" manghang sambit ni Ryu.

And you freaking dare act surprised, you perv?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top